Monday, May 30, 2011

Ka-ibigan Chapter 19

Links to this post 17 comments :

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

“Insan kilabutan ka nga jan sa mga sinasabi mo!!” ang sagot ko sa kanya.

Sunday, May 29, 2011

Ka-ibigan Chapter 18

Links to this post 19 comments :

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Nanginginig ako at nanlalambot ang aking mga tuhod. Parang wala nang dugong dumadaloy sa aking mga kamay at nanunuyo ang aking lalaumnan.

Saturday, May 28, 2011

Ka-ibigan Chapter 17

Links to this post 16 comments :

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Ilang linggo ang lumipas. Umaga ng isang araw.

Friday, May 27, 2011

Ka-ibigan Chapter 16

Links to this post 22 comments :

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Matagal na nagring ang kailang linya bago sinagot ni Harold ang aking tawag.

Wednesday, May 25, 2011

Ka-ibigan Chapter 15

Links to this post 11 comments :

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Nanatiling mahinang tumutugtog ang iphone ni Rafael na nakapatong sa ibabaw ng aking tukador na naiwan niya kagabi.

Tuesday, May 24, 2011

Ka-ibigan Chapter 14

Links to this post 10 comments :

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Unti-unti kong binuksan ang nakalamukos na papel na mistulang napunit na bahagi ng journal ni Rafael.

Sunday, May 22, 2011

Ka-ibigan Chapter 13

Links to this post 10 comments :

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Isang saglit na katahimikan sa aming apat ang nanaig. Hindi ako nakaalis agad sa aking lagay. Hindi ko alam kong papano ako magrereact matapos ang aking ikinilos.

Friday, May 20, 2011

Ka-ibigan Chapter 12

Links to this post 27 comments :

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

“Ano daw?!! Rafael!!! Itigil mo yan!!!! Itigil mo baka mawala ang paggalang ko sa iyo!!!” ang sigaw ko sa aking isipan habang binabalot na ako ng kilig at panlalambot sa kanyang sinabi.

Thursday, May 19, 2011

Ka-ibigan Chapter 11

Links to this post 6 comments :

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

“Ako naman… gusto na kita…” at isang matamis na ngiti lang ang ibinalik ko sa kanya.

Wednesday, May 18, 2011

Ka-ibigan Chapter 10

Links to this post 11 comments :

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com



Narating na namin ang katong sakayan sa Sunshine. Madilim na sa lugar na iyon at walang street lights tulad ng kalsadang tinahak namin mula sa amin.

Tuesday, May 17, 2011

Ka-ibigan Chapter 09

Links to this post 6 comments :

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Nagising kaming bigla sa tunog ng aking nagriring na telepono.

“Gising na mga barako!!!!” ang malakas na boses ni Jeremy na hindi niya nilalaro at binatang-binata. Balik na siya sa normal dahil sa tuwing papasok na siya sa opisina ay para siyang sinasapian ng propesyonal niyang katauhan. Ang pagiging bata niya sa harap ni Dexter ay ang isang paraan niya upang ipadama niya kay Dexter ang kanyang lubos na pagmamahal. Tuwang tuwa kasi si Dexter pag naggaganun siya.

Ang hindi lang nawawala kay Jeremy ay ang pagiging masungit niya at pagiging alaskador niya. Sabagay, hindi ko siya masisisi kung hindi siya magiging masungit dahil sa hirap ng trabaho namin kailangan mo talagang maging ganoon.

Hindi daw siya dating ganoon sabi ni Dexter, malumanay siyang tao at hanggang pikon lang ang kaya niyang ilabas pag siya’y nagagalit. Nasaksihan ko dati si Jeremy na sobrang pressured sa trabaho tulad ng pinagdaraanan naming lahat. May pumitik sa kanya habang dinuruo siya noo ng isang indyanong pahirap sa aming lahat sa harap naming mga kaopisina niya.

Matapos siyang sigaw-sigawan noon ay lubos na kalungkutan ang bumalot kay Jeremy na kahit anong gawin ni Dexter ay wala siyang magawa. Isang araw na naulit ang ginawa sa kanya ng indyanong nang-aalipin at mapang-mata hindi niya napigilan ang kanyang sarili na magsalita.

In fairness, kalmado siya pero ang mga salitang binitiwan niya ay talagang malalaman at tumatagos sa buto. Ni isang mura wala kang maririnig sa kanya ngunit dahil sa mataas ang pusisyon ng indyano at talaga namang durog ang kredebilidad niya, siya ang napahiya kay Jeremy at sa aming lahat ng nakasaksi.

Mula nga lang ng araw na iyon ay hindi na si Jeremy ang pinupuntirya ng indyano kundi ako at si Rafael na.

“Oo na Jeremy, gising na kami. Nakabihis ka na ba?” ang inaantok ko pang sagot sa kanya.

“Eh… Maliligo pa lang din eh. Sige daanan niyo na lang ako dito.” Ang sagot niya.

“Okay, we’re ready in an hour. See you!” ang paalam ko sa kanya at ibinaba na ang tawag.

“Tol… hang-on til Friday!” ang bati sa akin ng pupungas-pungas na si Rafael habang nakahawak patago sa kanyang magang pututuy. Ang ngiti niya ay napakagandang tignan kapag bagong gising. Hindi ko alam kung bakit.

“Yan!! Wag mo ko sinisindak pag gumigising tayo!! Nice development, bro! Gustong gusto na kita kasama dito sa bahay para na tayong magkapatid pag ganyan.” ang sagot ko sa kanya pansin ang kanyang ginawa.

Namula ang pisngi ni Rafael sa di malamang dahilan at yumukong kinakamot ang ulo.

“Tara na tsong! Ligo na tayo.” Ang yaya ko sa kanya.

“Ikaw na mauna, Seph. Sunod na lang ako.” Ang sabi niya.

Tumango lang ako at inabot ang aking telepono upang batiin si Harold at ipaalam sa kanya na sabik na akong makita siya.

“Hmph… ako naman ang nauna…” ang bulong ni Rafael at nilingon ko siya pagkarinig ko.

Nagulat siya nang tignan ko siya.

“Naalala ko lang yung report at yung email nanaman ni Jamal.” Ang depensa niya at hindi ko na lang initindi kung may sasabhin pa siya.

Tumayo ako at inabo ang tuwalyang nakasabit sa likod ng pintuan ng aking silid at tinungo na ang banyo. Saglit lang ako naligo dahil gabi na ay malamig na ang tubig na lumalabas sa shower.

Umakyat akong nanginginig sa lamig dahil mamasa-masa pa ang buong katawan ko sa kadahilanang hindi na ako nakapagpunas maigi upang makaligo na si Rafael.

Pagpasok ko sa aking silid ay inabutan kong nakadapa si Rafael at nakapatong ang mukha sa ginamit kong unan.

“Natutulog ba ulit ito?” ang natanong ko sa aking sarili ngunit gumagalaw naman si Rafael sa kanyang pagkakahiga at malalalim ang hinga.

“Tol… ligo ka na tapos na ako.” Ang imbita ko sa kanya.

Bigla siyang napaigtad at nagulat na makita ako at napansin kong tayo pa rin ang kanya.

“Good luck na lang diyan kung makapagtapis ka pa kahit nakaganyan yan. O baka balewala lang ang pagtapis mo ng tuwalya dahil magtututuro iyan.” Ang pabiro kong sabi sa kanya.

Namula lang siya sa aking sinabi at tumayo ng hirap.

“Tsong sa totoo lang hindi kasi ako natutulog ng naka brief kaya hindi ako sanay bumangon ng may suot na ganito.” Ang paliwanag niya sa aking matapos tumayo.

Nagsuot na ako ng aking panloob habang nakatapis ang tuwalya at inabot sa kanya ang tuwalya matapos kong maisuot ang aking brief.

“May ipagmamalaki ka rin naman pala eh. Behave lang yang sa iyo.” Ang pabiro niyang sabi nang nakatingin sa aking ano.

“Kala mo ikaw lang. Kontrolado ko kasi to yung sa iyo wild.” Ang pabiro ko namang sabi sa kanya.

“Bilis! Maligo ka na nakakahiya kung maghihintay si Jeremy.” Ang sabi kong minamadali na siya.

“Di ba pwede magparaos man lang muna?” ang tanong niyang kinuryete ang buo kong katawan.

“Taena pre! Seryoso? Nagmamadali na tayo.” Ang sagot ko sa kanya.

“Yun lang eh. Sa susunod kahit sa harapan ko pa kung gusto mo.” Ang dagdag kong pabiro sa kanya.

Isang ngiting pilyo lang ang sinagot niya sa akin at tinungo na niya ang banyo.

“Seryoso ka sa sinabi mo ha! Palilipasin ko to! Maliligo na lang ako.” Ang sigaw niya habang bumababa na ng hagdan.

“Timang!” ang sagot ko naman sa kanya.

Nagbihis na akong nagmamadali na. Hugot na lang ng kung anong masusuot mula sa aking cabinet. Napansin kong kailangan ko na pala iusog ang iba kong gamit upang makagamit na rin si Rafael ng aking aparador.

Tulad ng aking naisip ay binakante ko ang kalahati ng aking kabinet at ipinag patong-patong ang aking gamit upang pagbalik ni Rafael ay malaman niyang pwede na niya ayusin ang kanyang gamit sa loob kailan man niya naisin.

“Tol ang lamig ng tubig dito pag gabi!!!” ang sagot niya pagkapasok niya sa aking silid. Napansin kong hindi siya nagtapis at itinakip lang ang tulaya sa kanyang harapan.

“Anong nangyari sa iyo?” ang natatawa kong tanong sa kanya nang makita ang kanyang itsura. Ngunit kinikilig ako ng lubos na makita siya sa ganoong ayos.

“Hindi bumaba eh! Ang lamig lalong namaga.” Ang sabi niya habang hinahalungkat ang kanyang gamit mula sa kanyang bag.

“Di ba dapat nga liliit yan sa lamig? Napala lipat mo na gamit mo sa aparador nakapag-ayos na ako.” Ang sabi kong iniiba ang aming topic.

“Sige, lipat ko na lang pag uwi natin bukas.” Ang sabi ni Rafael habang nakatalikod na nagsusuot ng underwear. Nakita kong hubad ang kanyang tuwalya at saglitan kong nakit ang maubok niyang likod na maganda rin ang hubog.

Agad kong inilayo ang aking tingin at nagpatuloy sa pag-aayos ng aking sarili. Nang matapos ay nagpaalam na akong maghihintay sa sala. Baka kasi kung ano pa mapag-usapan namin o maaaring makita ko pa sa kanya.

Hindi talaga ako sanay pag-usapang lalake na. Lagi na lang tungkol sa ari nila o mga babae nila at kung ano-anong ginagawa nila sa mga babae nila. Marahil dahil sa Catholic school kasi ako nag-aral mula pa nung pre-school ako hangang magcollege.

Sa San Sebastian Recolletos naman ako nagcollege kumuha ng Information Technology na kurso. Saan ka pa? Lahat yata ng litanya hanggang ngayon kabisado ko pa.

Sa sala habang ako ay naghihintay ay naisipan kong tawagan si Harold.

“I miss you!” an malambing kong sinabi kay Harold sa kanilang linya nang sagutin niya ang aking tawag.

“I missed you too!! Hindi na ako makapaghintay na makita kita mamaya. On the way na ako, ikaw ba?” Ang sagot niya.

“Ingat ka papuntang opisina. Paalis pa lang kami nila Rafael.” Ang sabi ko sa kanya.

“Sige po! Later!” ang malambing niyang paalam.

Pababa na si Rafael at hirap na hirap isara ang kanyang maong.

“Tol… ayaw eh.. hirap… hindi ko mailock… naiiipii!!!!!!!” ang hinaing ni Rafael habang ikinakabit ang butones sa harapan ng kanyang maong habang nakausli ang ulo ng kanyang namamaga pa ring alaga. Nasaktan siya nang pilitin niyang isara ito habang bumababa ng hagdan.

Bigla lang akong napalingon papalayo sa kanya sa hiya dala ng aking nakita.

“Ano ba yan Rafael Castro!!! Nagviagra ka ba?!!!!” ang inis na sinabi ko sa kanya na hindi niya sinagot dahil abala siyang umiinda sa sakit habang naglalakad palapit sa akin upang umupo sa aking tabi.

“Anak ng!!! Rafael!!! Malelate na tayo niyan eh!!!! Baka dumating na si Jeremy makita pa niya yang ulo mong naka ulsi jan!!!” ang irita ko pa ring sabi kay Rafael habang sa mukha lang niya ako nakatingin pilit iniiwasang tignan ang kanya.

Hindi siya makaupo ng maayos.

“Slim-fit low-rise ka pa kasi lagi!! Tapos hangging na muscle shirt pa yang suot mo!! Wala ka pang sinturon!!!” Hintayon mo nga ako dito!!! Kukuha ako ng sinturon at jacket!!!” ang galit ko nang sinabi sa kanya at tinungo ko ang aking silid upang kumuha ng jacket kong medyo mahaba at isa sa aking mga sinturon.

Pagbalik ko sa kanyang tabi ay inabot ko ang jacket at sinturon.

“Happy thoughts…. Happy thoughs… ice cream… vanilla ice cream… hazelnut brownie ice cream…” ang sinasabi ni Rafael habang pikit na iniinda ang kirot at pilit iniisip ang kanyang mga sinasabi. Puro pagkain.

Hindi ko naman maiwasang tignan ang namumula at nangingintab na nakausli sa garterline niya.

“Ayusin mo sarili mo!! Eto ang sinturon! Isuot mo muna!! Tapos magjacket ka pra matakpan yan!!” ang mataray kong utos sa kanya.

“Eto naman oh… patulong naman… pakialalayan yung maong ko para di humapit kay junior tapos magsisinturon ako para masakto ko lang ang higpit ng maong nang hindi naiipit yan.” Ang paikusap niyang nahihirapan.

“Ano?!! Ihahawak ko kamay ko sa pagitan ng manoy mo at maong mo?!!!!!” ang patuloy kong pagtataray sa kanya ngunit kinuryente ako ng mga pumapasok sa aking isip sa kanyang gustong ipagawa sa akin.

“Matatatya mo ba sikip ng maong ko?” ang tanong niya. Hindi na ako nakasagot at sumimangot na lang.

Hindi rin ako makapagsalita sa maghalong pagnanais at pag-ayaw sa gusto niya. Ang halay ng kasambahay ko. May magagawa pa ba ako? Hindi naman siya ganito sa office dahil lahat kami propesyunal don at di naman nga magaganap ang mga ganito doon.

“Oo na sige na matapos lang ito! Ano ba gagawin ko?” ang tanong ko sa kanya.

“Ipasok mo daliri mosa maong ko bandang ibabaw ni junior tapos iangat mo yung maong ko tapo hihigpitan ko yung sinturon hanggang sa matantya ko na okay na.” ang sabi niya.

“Pano ka pumapasok sa office kung ganito to araw-araw?” ang tanong ko sa kanya habang inabot na niya ang kamay ko at ipinasok ang aking apat na daliring dumikit na rin sa kanyang naka usling alaga. Namimintog ito.

Bigla kong naialis ang aking kamay nang makalabit nito ang aking mga daliri. Natawa lang si Rafael.

“Ano ba yan!! Ang hirap naman!! Kay Jeremy mo na lang kaya pagawa to!!” ang reklamo ko sa kanya.

“Ay kung kay Jeremy lang walang problema magpapalambot ako sa tulong niya kung wala lang siyang kuya Dexter.” Ang pilyo niyang isinagot sa akin na ibig niyang sabihin ay wala akong choice kundi ang tulungan siya o hintayin siyang magparaos.

“Lusog-gana eh no? Lusog-gana siya!!” ang reklamo ko na lang na sinabi sa kanya habang ibinabalik ni Rafael ang aking kamay sa dating gawi.

“Huwag kang bibitiw hanggang sabihin kong pwede na ha? Uulit lang tayo ng uulit.” Ang sabi niya. Isang signhal lang ang sinagot ko sa kanya.

Dahan-dahan ni Rafael na sinikipan ang sinturon hangang sa dumikit na sa tatlong daliri ko ang kanyang kumikislot pang-alaga. Mainit-init ito.

Nanlambot ang mga tuhod kong parang nagiginig pa habang ang dugo sa akin mukha ay parang nawalang lahat. Kinakabahan ako.

Nanunuyo ang aking lalamunan. Nakukuryente ako sa lalong paghigpit ng sinturon at pagkislot ng kanya sa aking mga daliring parang nanghahamot ng away.

“Tsong tama na!! Masikip na baka di ko na maalis kamay ko diyan!! Halos hawakan ko na yan pre!!! Ano ba!!! Hindi ko pa ba aalisin?” ang nanginginig kong sinabi kay Rafael na pawang nagmamakaawa ang loob kong hayaan niya na akong laruin iyon.

Isang pilyong ngiting abot tenga lang ang ginawa niya matapos marinig ang aking sinabi. Parang tumigil ang oras. Natutukso na ako ni Rafael. Sobrang init ang aking nararamdaman.

“Tol… pwede na.. kanina pa… hindi mo ba ako narinig?” ang nakangiti pa ring sabi niya.

“Ha?! Ah… Eh..” wala na akong masabi. Hinugot ko na lang ang aking kamay ng dahan-dahan. Sa bawat dikit at kuskos ng aking daliri ay sumasagot ito ng pagkislot.

“Sensitive yan eh.” Ang sabi ni Rafael sa akin.

Nang mailabas ko ang kamay ko ay napabuntong hininga lang ako at nakaramdam na parang naiihi.

“Saglit lang ha?!” nagmamadali akong tumungo sa palikuran ngunit matapos kong lumakad ng ilang hakbang ay napaluhod ako at namilipit sa matinding kilig.

“Ahhhhhhh!!!!” para akong nagnhina.

Naramdaman kong basa ang aking panloob.

Agad akong tinungo ni Rafael at inalalayan.

“Oh tol… nahihilo ka ba?” ang nag-aalala niyang sinabi sa akin.
“Hindi… may kumirot lang… akyat lang ako sa itaas… may nakalimutan ako.” Ang nasabi ko lang na palusot sa kanya at mabagal na naglakad tungo sa aking silid. Pagpasok ko ay agad akong nagpalit ng panloob.

Natapon ang aking honey sa aking brief. Ang dami.

“Anong meron?!! Bakit ako nagkakaganito?!” ang nasabi ko sa aking sarili.

Sa aking pagmamadali ay ibinalunbon ko lang ang aking basang brief at naihagis ito sa ibabaw ng aking kama. Nagmadali akong nag-ayos at binalikan si Rafael sa sala.

“Okay ka lang tol?” ang sabi niya sa aking habang bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.

“Okay lang. Tara na!” ang yaya ko sa kanya.

Nang palabas na kami sa bahay at isasara na sana ang pintuan.

“Tol nakalimutan ko ID ko saglit lang.” ang sinabi ni Rafael at nagmadaling inakyat nang silid nang hindi lumilingo sa akin.

Bigla kong naalala ang ihinagis ko lang na brief sa ibabaw ng kama. Katabi lang nito ang ID niya.

“Hala!!! Patay na!!! Ano na sasabihin ko pag nakita niya yung suot ko kanina ganon.” Ang nasabi ko sa aking sarili.

Mabagal na naglakad si Rafael pabalik sa pintuan ng bahay. Nakangisi na abot tenga.

“Tol… umamin ka… nilabasan ka ba bigla? Bakit?” ang tanong niya sa akin.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang tanong.

“Hindi ko naman pwedeng sabihin na sipon yun dahil bakit ko gagawin yun? Una, wala akong sipon. Pangalawa, marami at maputi yun para sa isang sipon. Pangatlo, bakit sa bagong brief ko pa ako sisinga at dun pa sa suot ko?” ang pagtatalo ko sa aking sarili.

Wala na. Kailangan ko na magpakatotoo.

“Tol… di ba… sabi ko sa iyo hindi ako sanay? Pagnakakakita kasi ako ng iba bukod sa akin… nagbabalik lahat ng porn movies na napanood ko… Eh yung sa ginawa natin kanina naalala ko yung babae kasi ganon din ang ginawa…” ang sabi kong humihiling na sa kataas-taasan na sana bumenta tong kasinungalingan na ito.

“Isa pa… tagal ko na rin kasi… bukod sa… virgin ako…” ang sabi ko sa kanya.

Tumawa lang si Rafael na parang wala lang ang lahat.

“Matindi pala memorya mo tol! Okay lang iyon. At least alam ko na ngayon na pareho tayong sabik.” Ang sabi niya sa akin.

“Pero may girlfriend siya.” ang naisip ko bigla.

“Ah… hindi mo nagagalaw mga girlfriend mo?” ang tanong ko sa kanya.

“Dati lahat pero ngayon medyo matumal pa sa negosyo ang nadidiligan ko. Bukod sa pagod tayo lagi, ang lalayo nila, wala pa akong lugar at ayaw ko na magmotel nagkalat na mga scandals ngayon eh. Kaya sana maunawaan mo kung sa harap mo mismo magparaos ako. Kahit sabayan mo pa ako dahil parehas naman tayong di bakla.” Ang paliwanag niiyang sinabayan pa niya ng biro.

Napansin kong nasa harap na si Jeremy ng kanyan bahay at naghihintay.

“Tara na Rafael. Kalimutan na natin to o kaya bukas na lang natin tuloy usapan natin. Si Miss Minchin nandiyan na.” ang pabiro kong sinabi kay Rafael nang makita kong si Jeremy ay salubong nanaman ang mga kilay na nakatingin sa langit.

“Miss Minchin. Sorry po. Naghintay ka ba?” ang tanong kong nilalambing si Jeremy.

“Hindi. May iniisip lang ako, Seph. Nahihirapan na kasi akong pumasok. Kung di lang dahil sa inyo baka nagresign na ako sa office. Ang hirap kasi, araw-araw na lang. Kung makapag-utos sa atin kala mo ganon ka-automated ang Microsoft Office sa mga pabago-bago nila sa mga reports natin. Cause of delay na, sira pa template natin. Higit sa lahat, wala nang credibility ng report natin kasi ipinapatago nila yung gusto nilang itagong mga bagsak at ipinapakita lang yung mga pumapasang metric. Tapos yung mga trabahong pinagagawa nila na hindi naman natin trabaho sa atin na rin parami pa ng parami. Ang kumpanya walang ginagawa sa job description natin lagi na lang may mga unwritten responsibilities dahil dun sa “Any administrative tasks given” na last bullet ng contract.” Ang malungkot n ibinahagi sa amin ni Jeremy. Tumutulo na ang kanyang mga luha.

Nababasag ang puso kong makita siyang umiiyak. Napakalakas at napakatapang niyang tao at bihira kong nakikita siya ng ganito. Nakakahawa ang kalungkutan niya.

Naglakad na kami tungong sakayan ng jeep sa Sunshine habang kami ay nag-uusap.

“Alam mo Jeremy, hindi ka nag-iisa. Kami rin di ba? Dahil sa buwisit na namumunong si Jamal na kupal. Alam naman natin kung gaano kasama ang mga lahi niya di ba? Mga lahi sila ng mga walang utak na mga dobble heads. Amoy pa lang nila masama na. Ganon sila kasama. Sa sobrang sama nila naaamoy mo na.” ang pilit kong pagpapatawa kay Jeremy. Ngumiting pilit lang siya.

Si Rafael ay sumusunod lang sa aming paglalakad na nahuhuli ng kaunti. Nakayuko at nagdadalamhati na rin yata.

“Pare-parehas lang tayo ng dinaranas. Mahal natin ang mga kasama natin sa opisina at mahal din natin ang trabaho natin pero isa lang talaga silang mga naglalakad na problema ng opisina. Bibo na bobo naman. Slave drivers pa.” ang sabi ni Rafael na nilalabas din ang kanyang hinaing.

Lagi naman ganoon. Lagi na lang kami kami ang naglalabasan ng sama ng loob ng dahil sa iisang tao. Si Jamal, ang head ng department na hawak namin. Isang indyanong saksakan ng sama ng ugali. Mukhang mabait at lalambot-lambot. Pero sa likod ng ito ay ang mga hahahaba niyang mga sungay at mga galamay niyang pinagagalaw niya upang masunod lang ang gusto niya sa kabila ng mga polisiya ng opisina.

“Na pala, maiba lang ako. Nasaan na best friend mo?” ang tanong ko kay Jeremy nang maalala ko.

“Ay okay na sila ng boyfriend niyang si Alex. Umuwi na siya agad kagabi para magkausap sila sa phone tapos don na natulog sa kanila para maaga siyang makakaalis papuntang QC kasi sa kantong sakayan lang natin bahay nila.” Ang kwento naman ni Jeremy sa nangyari kay Kevin.

“Nagulat kasi akong wala siya kagabi sa inyo pag dating ko.” Ang naibahagi ko kay Jeremy at hindi na itinuloy na inakala kong kasama niya si Rafael sa kama at baka gapangin niya si Rafael sa kama ko pa mismo.

Ewan ko ba pero mahalaga sa akin si Rafael. Gusto kong ipagtanggol siya at bantayan siya kahit mas lalaki pa siya sa akin.

(itutuloy)

Monday, May 16, 2011

Ka-ibigan Chapter 08

Links to this post 13 comments :

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

“Ang linis ng kuwarto ko!!! At ang bango pa may air freshner kahit hindi ako naka-aircon! Amoy apple!!” ang gulat kong nasabi sa aking sarili nang masaksihan ang maayos ko nang silid.

“Ano ba sumapi dito kay Rafael? Ganda pala pag nababagot ito. Lagi sana siyang mabagot.” Ang nasabi ko sa aking sarili habang pigil na pigil akong tumatawa.

Si Rafael ay mahimbing nang natutulog na nakabrief tulad ng dati at mukhang nakatulugan ang pagsusulat dahil nadadaganan niya ang isang mamahaling notebook na medyo makapal at malaki. May hawak pa rin ang kamay niyang ballpen. Nakasaksak ang kayang telepono at naka repeat mode ang kantang unang beses ko lang narinig sa buong buhay ko. Ang awitin ng Up Dharma Down na “Sana”.

“Hay nako. Nagsesenti pala ang kumag na ito dito sa kwarto ko. Kaya siguro hinahanap na ako kagabi. Baka gusto niya akong makausap.” Ang nasabi ko sa aking sarili.

Ang lungkot ng awitin ngunit hindi naman ako masyadong nakakarelate sa tugtog. Naisip ko na lang na tanugin siya bukas.

Naghubad na ako ng lahat ng aking suot at iniwan lang ang aking boxers.

Dahan-dahan akong lumapit sa kama at saglit na pinagmasdan ang natutulog kong kaibigan. Napakaamo ng mukha niya matulog.

Sa aking pagmamasid sa kanya ay hindi ko naiwasang sumilip sa kanyang nakatulugang notebook na ang nakasulat lang na nabasa ko ay:

“kaibigan ko…”

Privacy niya iyon kaya hindi ko na masyadong inusisa ang pagtingin dito. Pinatay ko na ang ilaw at ang kanyang pinatutugtog at bumalik sa kama. Marahan akong humiga sa kanyang tabi.

Nang makaramdam siguro siya na may tumabi sa kanya ay agad niya akong inakbayan ng kaliwang braso na para lang ba akong isang unan at mahigpit niyang niyakap. Ang laki ng maskuladong braso niya kaya medyo nasakal ako ng kaunti ngunit saglitan lang iyon dahil marahan ding lumuwag ang kanyang kapit.

“Ano ba iyan. Gawin ba akong unan. Baka mamatay na lang ako sa aking pagtulog pag nasakal ako nito.” Ang nasabi ko sa aking sarili sa kanyang ginawa.

Habang ako’y nagpapaantok na ay nagbalik sa aking ala-ala si Harold. Ang kanyang mga ngiti, ang kanyang kalungkutan, ang kanyang mga luha, ang kanyang maaliwalas na mukhang nakakaawa pagmasdan pag malungkot, ang mahigpit na nakaw niyang mga yakap.

Hawak ko pa ang aking telepono.

“Ingat k pauwi.Tx m q pg ns bhy k n.mwah!” ang pinadala kong mensahe kay Harold.

“Yehey!ns bhy n rin po aq.Umuwi n rin me pgkaalis m.Smky n rin me s taxi wa n rin kc me dhln pra mgtgl p dun. :-D “ ang agad niyang sagot sa akin.

Napangiti ako sa kanyang mensahe.

“Meme n po tau.Swit drims!” ang sinagot ko sa kanya at pinatay ko na ang telepono ko.

Hindi ko pansing nakangiti akong nakatulog sa sobrang kasiyahan na akong nararamdaman.

Nanaginip ako sa mahimbing kong pagtulog. Kasama ko daw si Rafael na may hawak na pala tumatakbo habang hawak kamay ko namang tumatakbo kasabay si Harold. Masaya daw kaming tatlo hanggang si Rafael ay tumigil upag magbungkal ng lupa. Sa ginagawang hukay ni Rafael ay may lumalabas na tubig mula rito. Nanatili akong nanonood sa kanyang ginagawa at tuwang tuwa daw ako at si Harold naman ay nakatakip ang mga kamay sa kanyang mukha at nakatalikod palayo na ayaw makita ang ginagawa ni Rafael.

Sa lumalaking butas ay padami ng padami ang lumalabas na tubing hanggang sa umaagos na ang maraming tubig mula dito. Di nagtagal ay hanggang baywang na ang tubig hanggang sa umabot pa ito nang lampas tao.

Si Rafael ay tumigil na maghuhukay at lumalangoy na nang napakabagal patungo sa akin. Si Harold naman ay biglang naglaho na hindi ko makita sa kahit saan. Marunong akong lumangoy ngunit hindi daw ako makaabot sa itaas upang huminga. Hirap din akong gumalaw dahil kahit malinaw ang tubig ay parang malapot ito.

Nang halos malunod na ako ay naabot ako ni Rafael at kanyang niyakap ng mahigpit. Nagulat ako nang bigla niya akong halikan at may lumabas na preskong hangin sa kanyang bibig. Para siyang mistulang tangke ng oxygen na pag kumalas ako sa kanyang mga halik ay hindi ako makakahinga.

Habang nasa ganoon kaming lagay ay bigla siyang nanginig ng malakas na para bang kinukumbulsyon.

Bigla akong napamulat sa aking paggisin mula aking panaginip. Nakadapa ako at ang mukha ko ay nakaharap kay Rafael. Nakita kong nakakunot ang mukha niya na para bang nahihirapan at umuungol. Nakaakbay pa rin siya sa akin na parang unan at napakahigpit ng kanyang kapit.

Mababahala na sana ako sa kanyang lagay nang mapansing kong nakalabas ang galit na kanya at nakadiin sa gilid ng aking balakang at kinakayod ito. Hindi tumagal ang isang saglit a biglang napadilat si Rafael na humihingal na para bang nabigla at nakatitig sa akin.

Naramdaman ko na lang ang pumupursit na basa sa aking tagiliran at may mga ptumalsik sa aking kanang kamay. Nabasa ang halos kalahati ng boxer shorts ko at ang aking kama. Agad naman akong napatalon paalis ng kama sa pagkabigla at nanatiling nakatitig sa mga mata ni Rafael.

May inis akong nararamdaman na may halong hiya para kay Rafael.

“Ang tanda na niya meron pa siyang ganyan?!!!” ang nasabi ko sa aking sarili.

Namula bigla ang gulat ding mukha ni Rafael na humihingal at humiga ng patagilid nang nakatalikod sa akin. Marahil ay nahiya sa kanyang pinagdaanan.

Ayaw kong mapahiya si Rafael dahil normal iyon ngunit hindi ko inaasahan na sa ganitong lagay kami mangyayari sa kanya iyon. Hindi ko rin gusto pag napapahiya siya dahil nawawala ang kinagigiliwan kong ugali niya pag siya ay nahihiya na napansin ko kapag napapahiya siya sa aming opisina.

Sa isang tabi ng aking isip ay gusto kong amuyin at dilaan ang mga buo-buong nakadikit na mainit-init pa sa aking kanang kamay na tinamaan niya kanina. Para akong bampirang magdedeliryo.

Hindi ko alam ang lasa ng katas kahit meron ako noon ay wala akong balak tikman. Hindi ako nagdalawang isip at ginawa ko ang idinidikta sa akin ng aking isipan na sabik na sabik matikman ang sa iba. Amoy clorox din tulad ng ngunit manamisnamis. Halos tumirik ang aking mata. Para akong bampirang nakalasap ng dugo sa unang pagkakataon.

Inayos ko ang aking sarili. Lumapit ako sa kama at tinapiktapik ang puwet niya.

“Tol… okay lang iyon. Kala ko naihi kasi ako sa kama. Gusto mo ako na lang maglalaba mamaya ng kobre kama?” ang malumanay kong panlalambing sa kanya.

Hindi siya umiimik kaya sagad kong binanat ang garter ng brief na binili niya sa Bench sa bandang likod at binitiwan ito upang pumitik sa kanyang balat.

“Aray!!!!! Joseph naman!!! Ang sakit!!!!” ang alma niya sa aking ginawa.

Humarap siya sa akin na bakas ang inis sa mukha at isang pilyong ngiti lang ang binigay ko sa kanya.

“Ako na nga itong diniligan mo ikaw pa may ganang magalit?” ang sabi ko sa kanyang pabiro.

“Hindi ko naman alam… nagising na lang ako at hayan na…” ang nahihiya niyang sinabi sa akin.

“Sa atin lang ito ha?” ang dagdag pa niya.

“Oo. Sige na, malapit na magtanghali. Labahan na natin yan para magamit agad natin mamaya. Hindi ko pa kasi nalalabahan yung isang cover kasi kakapalit ko lang.” ang sabi ko sa kanya.

“Sige pero tulungan kita.” Ang kundisyon niya.

Bumangon siyang hindi nag-aayos ng sarili at napatitig lang ako sa kabuuhan niya. Nakalabas pa rin sa gilid ng kanyang singit ang kanya.

“Tol… “ ang nasabi niya matapos ito biglang takpan at ibinalik sa loob.

“Tol… ano yang nasa gilid ng labi mo?” ang tanong niya habang parang sinusuri ang aking mukha.

Agad ko itong kinapa ng kanan kong kamay ang aking buong bibig na nakalimutan kong may laway ko at syrup niya. Nanlaki ang mga mata naming dalawa.

Marahil dahil nakita niyang ipinunas ko pa sa aking mukha lalo ang kanyang cream. Ako naman ay nabigla dahil sa nakalimutan kong maling kamay ang pinamunas kosa aking bibig. Hindi ko alam ang gagawin kong reaksyon. Pareho lang kaming natigilan.

“YAAAAAAAAAKKKKKKKKKKKKK!!!!!!” ang kong malakas na sigaw na sinabayan na rin ni Rafael.

Wala na akong magagawa. Aarte na lang ako kunwari na nandidiri ako kailangan itodo ko na tong talento kong ito. Binalot ako ng kilig.

Si Rafael marahil ay nakaramdam ng pandidiri kaya rin sumigaw ng ganon.

Pilit kong nagkunwaring nandidiri at si Rafael naman ay nagsimula nang magpigil ng pagtawa.

“Tol… mas maganda ba sa Olay yang honey ko?” ang pabiro niyang tinanong sa akin habang natatawa pa rin.

“Kumag ka… Gusto mo try yung akin? Saglit lang paparaos lang ako.“ ang nasabi ko na lang sa kanyang naiinis na pagpapanggap.

Maya-maya ay may kumakatok sa pintuan ng bahay na parang nagmamadali dahl sunud-sunod ang mga katok.

Agad namin itong binaba ni Rafael dahil akala namin kung ano. Nakalimutan namin ang aming itsura at hinarap ang taong kumakatok.

Si Rafael ay nanatili sa likod ng pintuang aking marahang binubuksan upang makinig sa aking pakikipag-usap. Mukha ko lang ang aking inilabas.

Si Dexter pala ang kumakatok na naka sando at black shorts lang na medyo basa.

“Anong nangyari? Naglilinis ako ng kotse nang makarinig ako ng sigaw niyo ni…” napatigil siya sa kanyang sasabihin at nanlaki ang kanyang mga mata sa likod ng kanyang salamin.

“Joseph… ano yang nasa baba mo? Parang ano…” hindi na niya tinuloy ang kanyang sasabihin at tinuro na lang ang aking bandang bibig.

Naramdaman kong bigla itong tumulo pababa sa aking leeg. Dumaloy lahat halos ng dugo ko sa aking mukha.

Bigla kong naisara ang pintuan nang aking maalalang hindi ko pa pala pinupunasan ang aking mukha. Tumatawa naman si Rafael na nakatitig sa akin.

“Dexter!!! Mamaya na lang tayo mag-usap… Si Rafael na lang kakausap sa iyo…” ang sigaw ko sa likod ng pintuan para marinig ni Dexter.

“Bahala ka na diyan…” ang naiirita kong sinabi kay Rafael sabay tungo sa aking silid upang magpunas.

“Eh… Dexter… pasok ka muna sa sala dito ko na lang ikukuwento…” ang nahihiyang imbita ni Rafael kay Dexter.

Umupo na silang dalawa sa sofa habang hiyang hiya si Rafael sa pagbigay kay Dexter ng detalye. Hindi agad ako bumaba upang pakinggan ang kanilang pag-uusap sa likod ng hagdan habang hawak ko ang basang kobre kama. Naniguro akong tama lahat ng sasabihin ni Rafael kay Dexter. Buti na lang tama sinabi niya dahil malilintikan siya sa akin.

“Ah ganun ba.... Ganda naman ng umaga niyo! Okay lang yan tol! Natural yan. Pero yung nangyari kay Joseph… sa atin na lang ha? Baka alaskahin siya ni Jeremy habang buhay dahil doon.” Ang malumanay ngunit natatawang sinabi ni Dexter kay Rafael.

Bumaba akong dala ang kobre kama.

“Good morning Dexter!” ang masaya at kalmado kong bati sa kanya.

“Eto na yung cover… labahan na natin…” ang seryoso kong sinabi kay Rafael.

“Gusto niyo magbreakfast? Magluluto kami ni Jemykoy ngayon nandon siya sa kusina naghahanda ng aming lulutuin.” Ang imbita ni Dexter upang hindi na namin pag-usapan pa ang nagyari kanina.

“Thank you tol! Sige sasalo kami ni Joseph. Di ba Seph?” ang sabi ni Rafael sabay tanong sa akin na nakasisigurong sasama rin ako sa kanya kina Dexter. Tumango lang akong nakangiti kay Dexter.

“Sige tol, maglalaba muna kami para maihabol sa araw yung bedsheet kasi wala kaming magagamit mamaya.” Ang paalam ni Rafael kay Dexter habang ako naman ay tinumbok ang likod ng bahay upang labahan na ang aking dala.

Ihinanda ko na ang batya sa sahig at inilagay doon ang bedsheet samantalang kahit malapit lang ang aming labahan hindi pa rin siya dumarating.

Habang pinupuno ko na ng tubig ang batya ay narinig kong nagpapatugtog si Rafael at sumasabay sa pagkanta sa awitin habang papalapit sa aking kinaroroonan. “Oo” ng Up Dharma Down.

Tumayo siya sa tabi ko at umaawit habang nakatingin sa akin habang ako ay nakaupo sa bangko.

Maganda ang boses ni Rafael. Ngayon ko lang ito nabigyang pansin.

Tinulungan na niya ako sa paglalaba at maya-maya ay nagsimula na kaming magkulitan. Para kaming magkapatid na nagkikilitian at nagbabasaan.

Ang saya naming dalawa ngunit alam kong hanggang doon lang iyon dahil matigas pa siya sa bato sa pagkalalake niya.

“Seph, tapusin na natin to. Nagugutom na ko.” Ang pakiusap niya bigla habang kami ay nagkukusot.

“Eh di banlawan na natin at isampay nang makakain na tayo kila Jeremy.” Ang sagot kong nang-aasar sa kanya.

Binanlawan na namin ang aming nilalabhan at sinampay na matapos naming pagtulungan pigain ito mabuti.

“Next time nga gumamit ka ng rubber para may pansalo ka niyan ha?” ang pabiro kong sabi sa kanya.

“Ayaw mo non? Everytime malalabhan natin yung cover di na natin kailangang alalahanin? Isa pa ayoko non nasasakal si manoy kasi walang kumakasha dito.” ang pabiro rin niyang sagot sa akin.

“Hmph… Yabang! Hindi mo dapat ipagmalaki ang laki niyan sa akin no… hindi ako babae para mahumaling jan sa manoy mo.” Ang pikon kong sagot sa kanya.

“Pwede mo naman…” ang sabi niyang pabiro ngunit bigla siyang natigil.

“Ano? Putulin ko yan eh.” Ang pikon kong sagot sa kanya.

“Anong pwede kong ano?” ang naitanong ko naman sa aking sarili sa kanyang sinabi.

“Nagugutom na talaga ako Seph… kumakalam na… nanlalambot ako…” ang nagmamakaawa niyang sinabi sa akin habang isinipit ang huling bahagi ng aming sinasampay na wala pang sipit.

“Gusto mo sumugod kila Dexter ng ganito suot natin? Na may mga namumuo at nababakbak nang honey mo sa brief mo at boxers ko?” ang hamon ko sa kanya.

“Shower muna tayo. Amoy pawis na tayong dalawa eh. Sabay na tayo baka naghihintay na sila kanina pa.” Ang sabi niya sa akin.

Naisip ko bigla si Jeremy na baka naghihintay na nga. Mainipin pa man din yon at madali mag-init ang ulo pag naiinip. Hindi rin ako makahindi sa pagyaya ni Rafael dahil bukod sa tama siya baka isipin din niya na naiilang akong maligo kasabay niya dahil kung wala lang sa akin iyon ay bakit nga naman ako aayaw.

“Tara!” ang yaya ko sa kanya habang kinukuha ko ang aming mga nakasampay na tuwalya.

Tinungo namin ang banyo at sabay na pumasok.

“Tol… walang haharap sa ating dalawa ha. Talikuran tayo at walang maghuhubad ng underwear. Kuskusin na natin sa loob. Hindi ako sanay na may nanonood sa akin at may nakahubad sa harap ko.” Ang agad kong sinabi sa kanya. Baka hindi ko mapigilan magreact sa masasaksihan ko kasi.

“Nakita mo na ngang sumusuka ito kanina eh. Hindi naman to galit. Hirap kaya maligo ng may suot.” Ang sabi ko sa kanya habang hinihimas ang kanyang pututuy.

“Sige na, please. Igalang mo naman yung hiling ko.” Ang sabi ko sa kanya.

“Okay tol. Iginagalang ko pakiusap mo.” Ang seryosong sagot niya.

Nagsimula na kaming maligo ng ayon sa amin napagkasunduan. Habang naliligo ay ipinakuwento niya sa akin ang aking date kagabi ngunit binago ko ng kaunti ang aking kuwento sa kanya dahil ang alam niya babae ang kadate ko.

Malungkot naman siyang nakikinig sa aking mga kuwento sa di ko malamang dahilan.

Natapos kaming maligo at naghubad ng aming mga underwear habang nakatapis ang aming mga tuwalya.

Sabay na rin kami nagbihis ng pambahay nang hindi nakikita ang ano ng bawat isa.

Agad naming tinungo ang bahay nila Jeremy sa loob.

Sa sala nila Jeremy ay nakaupo silang magkatabi ni Dexter sa sofa. Tulad ng dati, naglalambingan.

Kumunot ang noo ni Jeremy nang kami ay makita. Tumayo siya at namaywang.

“Ang tagal niyo! Did you guys wash more than your bedsheet?” ang mataray na tanong sa amin ni Jeremy.

“Sorry po inay… naligo muna kami bago kami pumunta dito.” Ang sabay naming bigkas kay Jeremy habang nakayuko sa pagsisisi.

Humalakhak si Dexter sa aming tatlo habang si Jeremy naman ay nagtaka sa kanyang narinig.

“Wendy ko… tara na… kain na tayo… gutom na ang lost boys natin mahal ko…” ang yaya ni Dexter sa aming lahat upang kumain na habang natatawang nakahawak sa kanyang tiyan.

Biglang umamo ang mukha ni Jeremy at nanlambing kay Dexter na humahagikgik.

“Peter Pan ko… ang tigas kasi ng ulo ng mga bata mo eh… gusto mo gawa pa ulit tayo mamaya bago matulog or before we go to work?” ang sabi ni Jeremy kay Dexter.

“Ang cute cute talaga ng bunso ko!!! Kakagigil!!! Opo… gagawa tayo ng baby later… itago mo muna si Puti sa bartolina niya baka manood siya sa atin mabulag iyon…” ang nangigigil na sagot ni Dexter na tinutukoy pa ang putting teddy bear ni Jeremy.

Nang matapos kami mag-almusal ay nagpaalam na kami ni Dexter. Hindi ko naikuwento sa kanila ang aking date dahil ibang detalye ang maibibigay ko sa kanila sa harapan ni Rafael.

Sa aking bahay ay bumalik kami ni Rafael sa aking silid upang piliting makatulog muna bago pumasok mamayang gabi sa trabaho. Pareho kaming nakahilata sa kamang parang ibinuburol lang ng magkatabi habang ako ay katext si Harold. Iniba ko ang pangalan ni Harold sa aking telepono. Heather ang iniligay kong pangalan niya.

Nakikinig kami pareho sa paulit-ulit niyang tugtugin na “Tadhana” ng Up Dharma Down.

Habang masaya kong kausap si Harold ay hindi naman maiwasang maki-usisa ni Rafael.

“Seph… masaya ka ba ngayon?” ang tanong niya sa akin habang malungkot ang kanyang mga titig na bale wala lang sa akin.

“Sa totoo lang masaya ako pero alam ko pag naging kami ni Ha—Heather sigurado mas sasaya pa ako. Miss ko na nga siya ngayon.” Ang masaya ko namang sagot sa kanya habang abot tenga ang aking ngiti.

“So… Hindi pa kayo?” ang tanong niya habang sa kisa me na siya nakatitig.

“Hindi pa eh… ayokong magmadali… sabi kasi nila… mabuting kilala mo muna ang mamahalin mo bago mo ibigay ang puso mo… para hindi ka masaktan bandang huli…” ang sagot ko sa kanya.

“Totoo… Pero ang tagal mo nang naghintay diba?” ang sunod niyang tanong.

“Kung kailangan ko pa rin maghintay okay lang basta ang mahalaga may tinatarget na ang puso ko dati wala talaga.” Ang sagot ko sa kanya.

“Naghahanap ka kasi… hindi ka tumitingin sa tamang lugar… nakikita mo lang ang gusto mong makita… pero yung mga gustong magpakita sa iyo… hindi mo nakikita… kaya siguro ang tagal mong naghintay na may dumating sa puso mo… siguro… hindi ka na naghintay ng ganyan katagal kung nakita mo lang siya… Sana siya na yung hinihintay mo… sana hindi ka niya saktan dahil lubos na masakit pag nasaktan ka niya… ” ang seryosong mga sinabi ni Rafael na natiling nakatingin sa kisame.

“Salamat pare… huling part naintindihan ko pero yung mga una mong sinabi nahirapan ako. Pero Salamat talaga..” ang seryoso kong pasasalamat sa kanynag payo.

“Tol… hirap akong matulog ng nakahilata. Pwede ka bang tumagilid para madantayan na parang unan? Siguro naman sanay ka na. Please?” ang pakiusap niya.

Wala naman malisya kaya…

“Sige ba. Basta ba wag mo lang akong titirahin habang natutulog ha? Wala akong bahay bata. Takot ko lang jan baka hindi ako makapasok sa opisina.” ang pabiro kong sinabi sa kanya habang tinatapik ng marahan ang kanyang manoy.

“Ayan nagalit na!” ang bigla niyang sinabi nang biglang umumbok ang kanyang harapan.

“Ay sorry po! Sige na tulog na tayo at ilayo mo sa akin yan.” Ang utos ko sa kanya.

"Sabahin mo pag-iniwan ka niya... ihahanap kita sa mga babae ko ha?" ang huling sinabi niya.

Ipinatong niya ang kanyang kaliwang braso at hita sa aking tagiliran at nakatulog na rin kami pareho.

(itutuloy)

Ka-ibigan Chapter 07

Links to this post 8 comments :

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

“Salamat talaga.” Ang nasabi niya lang sa akin at lalong humigpit ang kanyang yakap.

Bigla lang siyang nag-ayos sa kanyang upo at kumalas sa aming yakapan. Nakatingin siya sa harap ng bus na akin din tinignan. Umaandar na pala ang bus at nasa SLEX na kami. Naniningil na ang kunduktor ng pamasahe hanggang sa kami na ang nilapitan niya.

Nagmakapagbayad kami ng sarili naming mga pasahe at nakuha ang aming ticket ay agad din naman bumalik ang kunduktor sa bandang unahan ng bus.

Nagtinginan kaming dalawa at nagtawanan bigla. Exciting ang ginawa naming lambingan sa likuran.

“Teka Joseph, nautakan mo ako ha! Sabi ko sa iyo sagot ko lahat diba?” ang sabi niya.

“Kanya-kanya tayong bayad sa date natin yan ang gusto ko.” Ang kundisyon ko sa kanya. Naisip kong marahil sa mga nakadate niya dati ay madalas siya ang sumasagot. Matinding awa ang naramdaman ko para sa kanya kaya mas lalong napalapit ang loob ko.

Bumaba na kami sa Mantrade at naghintay ng masasakyan ng papuntang Lawton ngunit puro ordinary na bus ang dumadaan noong mga oras na iyon.

Napag-isipan na lang namin magtaxi upang mmas mabilis at ligtas kaming makarating sa Malate.

“Manong, Orosa-Nakpil lang po.” Ang sabi niya sa driver matapos naming makasakay sa loob.

Malimlim ang ilaw sa loob ng kotse kaya sinungabad ako muli ni Harold ng isang mahigpit na yakap at nakangiting nakatingin sa akin.

“Ang lambing mo pala.” Ang aking binulong sa kanyang tenga.

Humagikgik siyang bigla sa aking ginawa.

Sandali lang ang aming binyahe ngunit sinalubong kami ng isang lubos na mabagal na daloy ng trapiko at maraming tao sa kalsada. Sa di kalayuan ay makikita mo ang mga iba’t-ibang ilaw na kumukutitap at tila may malalakas na tugtog na nagmumula sa labas na naririnig namin sa loob ng taxi.

“Pwede na tayo bumaba dito Joseph. Tag singkuwenta pesos tayo. Sabi mo share eh.” Ang sabi niyang pabiro.

Inabot namin ang aming bayad sa driver at lumabas na ng taxi.

Malakas na tugtugan talaga ang maririnig sa buong paligid tila naglalaban ang mga tugtugan ng magkabilaang mga bar sa aming kinatatayuan. Ngunit sa kabila nito ay mas malakas ang naririnig naming tugtog na gustong gusto kong pakinggan. Ang “Kingdom of Pretty” ni Bonnie Bailey.

Akmang-akma sa lugar na aming pinuntahan dahil maraming beki ang naglipana doon na lubos kong ikinatuwa. Tila langit nga ito ng mga katulad namin dahil marami akong nakikitang malayang naglalampungan sa mismong mga tables ng mga bar na nakaset sa bandang kalsada. Karamihan talaga sa mga nandoon ay may mga itsura pa.

“Gustong gusto ko yung Kingdom of Pretty!!!” ang sinabi kong pilit ipinarinig kay Harold.

“Talaga? Favorite ko rin yan! Ever After, Firefly, Rise, at Safe… basta Bonnie Bailey!!” ang sabi rin niyang pilit ipinaparinig sa akin dahil halos hindi kami magkaintindihan.

Tama naman siya sa kanyang sinabi. Di masyadong marami ang nakakaalam kung sino si Bonnie Bailey at ang karamihan sa nagkagusto sa isa niyang kanta ay alam lang ang title na “Ever After” dahil naging theme song iyon ng isang pelikula.

“Doon tayo sa BED!!! Masaya doon!!” ang yaya niya sa akin. Nagtaka ako kung bakit kami sa kama.

“Nangyayaya na ba ito? Parang ang bilis naman yata.” Ang nasabi ko sa aking sarili.

Tinungo namin ang sinasabi niya na akala ko ay kung ano na. Isang bar pala ito sa loob ng eskinita sa Malate.

Medyo mahaba ang pila pero okay lang. Maganda naman ang music at ang dami kong nakikitang bago lang sa aking paningin ngunit hindi kasama dito ang mga kauri namin. Lugar lang ang aking kinikilatis sa mga oras na iyon. May isang bahagi pala ng Maynila na para lang sa amin.

Hindi ko namalayan na sumasayaw na pala si Harold sa aking harapan at gumigiling-giling pa.

Hindi ako marunong sumayaw at lalong hindi ko alam kung ano ang aking gagawin sa kanyang ginagawa.

Natigilan lang ako sa panonood kay Harold at siya rin ay natigil sa pagsasayaw nang biglang may naghuhuramentadong beki sa aming harapan.

“Malandi ka!!! Sabi mo natutulog ka lang pero nandito ka pala!!” ang talak ng isang guwapong lalaking fitted ang buong kasuotan.

“Eh ano ginagawa mo rito kong sinabi mo sa akin na pupunta ka sa Baguio kaninang hapon?” ang sagot naman ng isa ring gwapong lalake na tinatalakan ng nauna.

“Para hulihin ka! At sino naman itong bangkay na kasama mo?” ang sabi ng nagtatalak na gwapo habang dinuduro ang isang payat nga at tuyot nang beki na walang itsura kasama ng lalaking natatalakan.

“Hoy! Hindi ako bangkay at di hamak na mas may itsura ako sa iyo!! Pinagpalit ka na ng jowa mo dahil mas mahal niya ako kesa sa iyo!!!” ang sabat naman ng dinudurong payat na beki.

“Mahaderang ahas ka na chaka ka pa!! Kapatid mo ba si Golum? Wit ka sa beauty ko neng ni butas ng pwet ko wala kang panama!!! Magsama kayo ng may tulong jowa mo!!!” ang huling pasigaw na sinabi ng gwapong lalake na nagtatalak at biglang nagwalkout. Sinundan siya ng lalakeng natatalakan. Pareho sila talagang may itsura. Naiwan naman ang payatot na tinawag nang nauna na ahas. Sa aming direksiyon sila papunta.

“Dude akin ka na lang dude, tayo na lang pre.” Ang mga narinig ko na lang na sinabi ng mga lalaking hindi namin kasama sa pila at nakatayong nagtatambay lang sa gilid ng pader na likod ng Sonata.

Nagtinginan kaming dalawa ni Harold at nagtawanan.

“Ganito ba lagi dito?” ang tanong ko sa kanya dahil sa buong talambuhay ko noon lang ako nakakita ng ganoon.

Tumango lang siya at parehong hinawakan ang aking mga kamay.

“Hayaan mo na sila… Tignan mo nga yung iba oh… nakatitig na sa iyo kanina pa… papaagaw ka ba?” ang sabi niya sa akin na may panunukso habang pareho naming kinikilatis ang mga kanina pa palang nakatitig na mga beking tambay sa labas ng bar.

“Hindi ako ganon. Old fashioned ako, sorry. Hopeless romantic ang hanap ko at wala akong makikita sa kanila sa ganitong lugar at pagkakataon. Isa pa, ikaw ang nagdala sa akin dito ikaw din ang kasama kong uuwi. Bukod sa lahat, wala akong karanasan sa ganyan at malaki ang respeto ko sa isang relasyon at sa relasyon ng iba.” Ang seryoso kong sinabi sa kanya.

Ngumiti lang siya at muling nagsasayaw na parang inaakit ako. Ang galing niyang umindayog.

Nahihiya akong hindi ako makasunod sa kanyang ginagawa. Sa bagay, mas may karanasan na siya kaysa sa akin o baka lang talagang wala akong talento sa mga ganoong paggiling.

Hindi nagtagal ay nakapasok din kami sa loob. Tinatakan lang ng stamp ang aming mga braso at binigyan kami ng dalawang stub ng ticket sa sinehan dati na nabibili na lang ngayon sa National Book Store.

Mausok, madilim, saksakan ng sikip, nakakabingi ang tugtugin, at bukod sa lahat nakakabulag ang patay sinding mga ilaw sa pinakalooban ng bar.

Halos hindi kami makalakad o makagalaw man lang sa sobrang sikip. Nakiusap na lang ako sa kanya na doon na lang kami sa bar kung saan marami ang nakatigil na kumukuha ng maiinom.

Naupo lang ako sa bakanteng stool habang siya naman ay nakatayong nagsasayaw sa aking harapan.

Inabot niya ang isa kong ticket at ibiniga ito kasama ng kanya.

“Vodka Ice!! Dalawa!!” ang sigaw niya sa barista at inabutan kaming dalawa ng tag-isang bote. Masarap pala yon. Puro beer, gin, at lambanog lang kasi dati iniinom ko. May rhum at brandy pero allergic ako doon.

“Nag-eenjoy ka ba Joseph?!” ang nakangiti niyang tanong na kailangan niyang isigaw at kahit nakalapit na ang aking tenga sa kanya dahil lubos na malakas ang tugtugin. Sinagot ko lang siya ng pagtango.

Hindi kami makakapag-usap ng ganito dito. Maingay at magulo. Gusto ko ang lugar pero hindi akma para sa akin na ipagdiwang ang isang date sa ganitong lugar.

Nanatili lang kami ni Harold sa sa aming lagay ng ilang oras. Nagulat na lang ako nang may tumabi sa aking gilid na akala kong oorder lang ng inumin. Bigla niya akong inakbayan at dinilaan ang aking leeg hanggang sa aking tenga.

Kinilabutan ako ngunit nagustuhan ko ang ginawa ng hindi ko kilalang lalakeng tumabi sa akin.

Agad kong nilingon ang lalake na magkasalubong ang aking kilay. Dama kong nabastos kasi ako sa kanyang ginawa at sa harap ng aking kasama.

Ngumiti lang siya at umalis.

“Okay ka lang Joseph?!” ang seryosong tanong sa akin ni Harold.

“Lumabas na tayo dito medyo nahihilo na kasi ako!!” ang palusot ko kay Harold para makaalis na sa magulong lugar na iyon.

Hinawakan niya ako sa kanang kamay at dinala na ako sa labas.

“Okay ka na?” ang nag-aabalang tanong niya sa aking kalagayan.

“Okay na ako, medyo may tama lang kasi nakarami na yata ako ng ininom tapos di pa ako kumakain. Masakit lang ulo ko sa ilaw at tenga ko sa tugtog pero okay na lang ako.” Ang sabi ko sa kanya habang hinihilot ang aking magkabilang noo.

“Kawawa ka naman. Doon tayo sa Silya kumain.” Ang agad niyang yaya sa akin. Napaisip nanaman ako kung bakit kami kakain sa upuan kung may mga restaurant naman sigurong sa lamesa kakain.

“Anong silya? Bakit sa silya tayo kakain?” ang inosente kong tanong sa kanya.

“Ayaw mo ba sa silya? Alam mo ba yon?” ang tanong niya.

Wala nga akong alam sa lugar na ito at unang beses ko pa lamang napunta sa lugar na iyon. Natawa na lang ako sa kanya at nagpaubaya,

“Sige sa silya na tayo kumain.” Ang sabi ko sa kanya at hawak kamay niya akong dinala doon.

Habang kami ay naglalakad hindi ko talaga maiwasang mag-isip.

“Bakit sa silya kung pwede naman sa mesa kumain? Weird naman dito.” Ang napako sa aking isipan ng mga oras na iyon.

Nakapunta kami sa isang restaurant na may mga lamesa at umupo kami malapit sa may telebisyon ng videoke nila na malapit sa counter.

Sa aking pagtataka ay namansin kong sa mesa naman kumakain ang mga customer doon.

“Kala ko ba sa silya tayo kakain pwede naman pala sa mesa.” Ang sabi ko kay Harold habang inaabutan kami ng menu ng waiter. Pareho silang tumingin sa akin at natawa.

“Joseph nasa Silya na tayo! Ano ba nasa isip mo kanina?” ang natatawa niyang sinabi sa akin.

“Kasi sabi mo sa silya tayo kakain kaya napaisip ako tapos dito sa mesa naman kumakain ang mga tao.” Ang inosente kong sinabi sa kanya na lalong nagpatawa sa kanya.

“Silya po ang pangalan ng restaurant na ito. Dito kami madalas magkita ng mga agents namin mamaya baka nandito na sila papakilala kita.” Ang sabi niya.

Ayaw kong malaman sa opisina namin ang aking pagkatao.

“Wag na. Pilit kong inililihim sa office eh. Kaya nagdadalawang isip akong makipagkita sa iyo dahil doon.” Ang kwento ko sa kanya.

“Wag mong sabihin na hindi rin alam ni Rafael at ni… Sino nga ulit yung beki niyong kasama?” ang tanong niya.

“Si Jeremy. Kahapon ko lang kinumpirma kutob nilang magjowa pero sa jowa niya ako umamin. Si Rafael hanggang ngayon clueless lalo na’t housemates kami ngayon di niya dapat malaman. Mabuti kong kaibigan si Rafael.” Ang kwento ko.

“Ay ganoon ba? Buti na lang at least bukod sa akin alam na ni Jeremy at nung boylet niya na beki ka rin.” Ang nakangiti niyang sinabi.

Umorder na kami at agad itong dumating sa aming hapag.

Nagkuwentuhan kami habang kami ay kumakain at pareho naming nagustuhan na kasama namin ang isa’t-isa. Sa madaling salita, may pinatutunguhan na kami ngayon. Ngunit ngayon ko lang napansin na parang madalas siyang magtext na parang may nangungulit sa kanya. Hindi ko ito masyadong pinuna dahil una hindi naman kami at ano ba ang pakialam ko sa mga kinakausap niya sa text.

Tapos na kami kumain at pasado alas dos na ng madaling araw.

“Nga pala, dalian natin dito baka may makakita pa sa iyo na kasama kita malalaman na sa office tinatago mo.” Ang paalala niya sa akin.

“Uwi na ba ako?” ang malungkot kong tanong sa kanya.

“Anong uwi? May oras pa tayo pero kung gusto mo okay lang sa akin naiintindihan ko.” Ang sabi niya na para bang nagbago siya ng katauhan na di tulad kanina nang nasa bus kami ay parang ayaw niya akong mawala. Siguro dahil sa dami na rin ng kanyang nainom.

“Saglit lang ha? Ihi lang ako.” ang paalam ko sa kanya at tinungo ang palikuran sa kaniyang likuran.

Sa loob ay inilabas ko ang aking telepono at napansing may miscall si Rafael na sampu. Nagtaka ako sa ginawa niyang iyon. Napansin ko rin na may kinseng mensahe akong natanggap sampu mula kay Rafael at lima kay Jeremy.

Inuna kong basahin ang kay Jeremy nang ayon sa pagkakalista sa aking inbox.

Message 1: Ngkta n kau? Kmusta nmn? Luv u frend! Gudlak! ;-j
Message 2: d k rply tmpo q.Sn n kau pmnta? Kmsta n d8 m? ok b? ^_^
Message 3: d k n rply.Pssst! Nkilang round kau s kama? ^_^
Message 4: Oist!Prmdm k nmn.wori n kmi ni kuya q sau >:-O
Message 5: P@#%&^ INA MO BALIK MO PHONE NG TROPA KO!!! MAGNABEKI!!

Natawa ako sa huling message ni Jeremy. Akala niya siguro nanakaw ang phone ko. Para malubag ang kanyang loob at tinawagan ko siya. Alam kong gising pa sila sa oras na ito dahil sa movie marathon. Agad na sumagot si Jeremy.

“Seph?!! Letche ka nag-alala ako sa iyo!!” ang ang naiinis niyang pabati sa akin.

“Jeremy okay lang ako busy lang ako kaya hindi ko napansin texts mo.” Ang sabi ko sa kanya.

“Eh… nakailang round kayo?” ang parang batang nagtatanong niyang interesado talagang malaman.

“Wala po sorry po. Date lang kami dito sa Malate.” Ang sagot ko sa kanya.

“Malate?!! Nako patay kang bata ka impyerno diyan. Magkakasala ka sa kadate mo! Maraming relasyon ang nawasak sa lugar na iyan!” ang gulat na sinabi ni Kevin.

“Kevin? Nakaspeaker phone ba ako Jeremy?” ang naitanong ko nang marining ang boses ni Kevin.

“Opo. Hihihih… si kuya Dexter po sumagot ng tawag mo kami na lang naman kasi tatlo dito sa bahay umuwi na si Raffy.” Ang kuwento ni Jeremy.

“Sinong Raffy?” ang tanong ko sa kanya.

“Si Rafael, Seph... Bagal mo pumik-ap!” ang seryosong sagot ni Jeremy gamit ang kanyang normal na boses.

“Ah… anong oras po umuwi si Raffy?” ang tanong kong parang kumakausap lang ng bata.

“Mga ten o-clock po umuwi na siya. Malungkot siya kanina mula nang umalis ka. Bitin yata sa bondin at puro kasi kami beki dito kaya kami na lang nag-enjoy. May kasalanan ka pa pala. Naiwan mo yung M2M na binili mo buti na lang si kuya Dexter ang nagsasaksak ng DVD sa player tinago niya muna yung tatlong DVD mo kunin mo na lang pagdating mo kung gising na kami.” Ang kwento ni Jeremy.

“Okay po. Sige po punta na ako kay Harold.” Ang paalam ko sa kanya at ibinaba na ang aking tawag.

Naalala kong balikan ang mga mensahe ni Rafael.

Message 1 – 4 (iba-iba ang timestamp): Tol prmdm k nmn.nbbgot n q d2.
Message 5 – 8 (iba-iba ang timestamp): Tol txbak pls.prmdm k nmn.
Message 9 : Tol nagaala2 lng me.d p q mk2log.txbk
Message 10: Tol ingt k pauwi.tbi k n lng s akn pgdtng m kng 2log n q.

“Ano kaya nakain nito. Bakit di na lang kasi siya magparaos ng magparaos sa bahay para naman malibang siya.” Ang nasabi ko sa aking sarili sa mga pawang tulirong mga mensahe ni Rafael.

Lumabas na ako ng palikuran at naghihintay na nagyoyosi sa aming mesa si Harold.

“Tol… pasama naman ako sa pwede kong masakyan ng taxi pauwi.” Ang pakiusap ko sa kanya.

Sinama niya ako sa malapit na pa lang kalsada ng Taft. Doon pumara ako ng taxi at bago ako sumakay.

“Ingat ka Joseph! Nag-enjoy ako ngayong gabi. Wala bang good bye kiss man lang?” ang naghihiya niyang pagpapaalam sa akin.

Hindi ako nagdalawang isip at agad ko siyang niyakap at hinalikan. Hindi ko inaasahan na ganoon kasarap makipaghalikan sa kapwa lalaki. Agad akong nakaramdam ng kakaibang init. Lumambot na ang puso ko para kay Harold. May namuo na akong pagtingin sa kanya.

Wala kaming pakialam sa paligid namin ng mga oras na iyon hanggang sa maudlot kami nang bumusina ang pinara kong taxi. Nagtawanan na lang kami.

“Ingat ka Harold pauwi ha? Text text na lang. Kita tayo bukas sa office sabay tayo maglunch.” Ang paalam ko sa kanya habang pasakay na sa likod ng taxi.

Umusad na ang taxi tungong Cavite sa nang mapagkasunduan namin ng driver na presyo. Lubos na kasayahan ang aking nararamdaman at parang sa mga oras na iyon ay agad akong nanabik na makita at makasamang muli si Harold. Sa pagkakataon na ako’y mag-isa na lang. Hinanap ko na agad siya sa aking tabi.

Nanatili akong ganoon ang aking damdamin at hindi umidlip sa biyahe sa kakaisip kay Harold habang tinuturo sa driver ang diresyon pauwi.

Hindi ako makapaniwalang sa wala pang isang oras ay nasa harap na ako ng aking bahay. Bukas pa ang ilaw sa bahay ni Jeremy at may ingay pa rin na nagmumula sa pinanonood nilang nakakatakot.

Tinungo ko ang bahay nila Jeremy at diretsong pumasok sa loob ng bahay sa sobrang saya.

Pumasok akong nakangiti na halos abot tenga. Nang makita ako ni Jeremy at Dexter ay agad silang tumayo sa kanilang malambing na pagkakaupo sa sofa at pareho akong niyakap.

“Congrats!!! Dalaga ka na Seph!!!” ang pabirong bati ni Dexter sa ligayang aking naranasan. Alam niyang tapos na ang aking problema kahit papano sa pagiging malungukit dahil kita nila sa akin ang pag-asa.

“Thank you sa inyong dalawa!!! Ang saya-saya ko!!! Sana maging kami sa bandang huli!!! Okay na okay siya para sa akin!!!” ang naibahagi ko na lang sa kanilang dalawa.

Napansin kong wala si Kevin at hindi na tinanong ang dalawa. Nagpaalam na lang ako sa kanila at dali-daling umuwi ng bahay. Napansin kong bukas ang ilaw sa aking silid. Lalo akong nag-alala sa aking nakita.

Nasa tarangkahan na ako ng aking silid at nagulat ako sa aking nakita nang mabuksan ko ang hindi nakalock na pinto ng aking silid.

(itutuloy)

Ka-ibigan Chapter 06

Links to this post 1 comment :

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

“Ngayon pwede?” ang mensaheng pumasok galing kay Harold.

“Ano ba to? Bakit ngayon na?” ang nasabi ko sa aking sarili.

“Ndi pwde ngyn.Nkpgcomit n q s brkda q e.Bks s ofis?” ang reply ko kay Harold.

“Cge.Bks n lng.Thx!Mwah!” ang reply nmn s akin ni Harold.

Habang ako’y abala sa aking telepono ay bigla akong ginulat ni Rafael mula sa aking likod akmang titignan sana ang aking telepono.

“Huy! Tara na uwi na tayo! Kanina ka pa nakaganyan masnatch pa yang iPhone mo.” Ang pabirong pagyayaya niya sa akin.

“Oo na. Daan muna tayo 7-eleven may bibilin lang ako.” Ang yaya ko kay Rafael.

“Ano pa bibilin mo dun eh naggrocery na nga tayo oh.” Ang sabi ni Rafael na iniaangat pa ang groceries na dala niya sa magkabilaan niyang kamay.

“Nakalimutan ko bumili ng “poppy corn” ni Jeremy.” Ang sabi ko kay Rafael.

Tumawa siya ng malakas sa pagkakarinig ng salitang “poppy corn”.

“Hala!! Nahawa ka na sa boyfriend non sa kalambingan niya kay Jeremy. Nagbebaby talk ka na rin.” Ang pananakot niya.

Kung alam lang niya na hindi lang sa bagay na iyon ako nahawa doon sa dalawa at kung alam lang niyang hindi ko na kailangang mahawa pa sa AC/DC mode nila.

“Hay Rafael kung di ka lang straight malalaman mo na rin ngayon na dual voltage ako.” Ang nasabi ko sa aking sarili.

Nakatitig lang ako kay Rafael habang ako’y nagmumuni-muni.

“Huy!! Tulala ka nanaman diyan!!!” ang pangungulit ni Rafael.

Ibinaba niya ang isa sa mga bitbit niyang plastic bag at hinawakan ang aking baba at magkabilang pisngi upang alugin ang akin mukha.

“Ano ka ba! Nagbibilang ako!!” ang palusot ko sa kanya.

“May Excel spreadsheet ka na ba sa utak mo? Nag pivot ka ba o combination nanaman ng mga connected formulas mo ng mga “sumproduct” at arrays mo? Nagvlookup ka pa ba ng poppy corns diyan sa utak mo? O may macro ka na diyan tititigan mo lang yung poppy corns maluluto na?” ang pabiro niyang sagot sa akin sabay tumawa ng tumawa. Kupara kasi sa akin at kay Rafael pagdating sa technical know-how ay di hamak na lamang na lamang ako sa kanya.

“Maluluto sila sa inis ko sa iyo pag tinitigan ko ang mga pack na bibilin ko. Tara na nga!” ang pikon kong paghila sa kanya tungo sa 7-eleven.

Madali akong naglalakad dahil ang bitbit ko lang ay ang mga pinamili naming DVD at siya ang dala niya ay ang mga groceries namin.

“Seph! Hintay naman ang bibigat nitong dala ko.” Ang narinig kong sinabi niya habang nanatili lang na mabilis ang aking mga paa sa paglalakad.

Hindi ako nagbagal sa paglalakad upang hintayin siya. Tinungo ko ang 7-eleven at tinumbok ang counter upang bumili ng limang pop-corn.

Hinintay lang ako ni Rafael sa labas ng 7-eleven hanggang sa lumabas akong bitbit ang aking binili.

Malungkot si Rafael na tumingin sa akin.

“Sorry na Seph… Please?” ang sabi niya.

“Alam mo namang pikunin ako diba? Bakit inaasar mo ko lagi?” ang tanong ko sa kanyang naiinis.

“Wala lang. Habit ko na yata to.” Ang sabi niya.

“Puwes, humanap ka ng maaasar mo wag lang ako.” Ang sabi ko sa kanya.

Tinungo namin ang sakayan papuntang Sunshine at umuwi na sa amin.

Sa harap ng bahay ni Jeremy, napansin kong naroon pa rin ang motor ni Kevin.

“Dexter! Jeremy!” ang salitan naming tawag mula sa labas ng bahay nila Jeremy.

Ako ang nasa harap mismo ng pintuan at nasa likod ko si Rafael. Hindi naming inaasahang lalabas sa pintuan si Kevin ng naka boxers lang gawa ng mainit na panahon.

Nanlaki ang aking mga mata nang bumugad sa akin ang kabuuan ni Kevin. Napatitig na lang ako sa kanya ng ilang saglit sa kanyang mukha. Alam kong natatawa na siya sa aking itsura pero para akong nanigas sa aking nakikita.

“Seph? Okay ka lang?” ang tanong ni Kevin na nagpabalik sa akin sa katotohanan.

“Ah.. O-okay lang… N-nandiyan ba ang m-mag-asawa?” ang tanong ko sa kanyang nauutal.

Natawa si Kevin at di na niya napigilang gawin ito sa aking harapan.

“Alam mo parang magkapatid lang kayo ni Jemimi… Pakiramdam ko marami kayong similarities kahit hindi pa kita gano kakilala… saglit lang ha? Tawagin ko lang sa itaas. Mukhang napuyat kagabi eh. Dito ako sa sala natulog hindi mo kasi ako pinatulog sa bahay mo kagabi eh” ang sabi niyang sabay bitiw ng isang kindat at matamis na ngiti.

Iniwan lang ni Kevin na nakabukas ang pinto at nang makaalis si Kevin ay bigla akong pinalo ni Rafael sa aking balikat.

“Tsong… trip ka yata nung kasama nila sa bahay… kilala mo yun?” ang sabi sa niyang may halong inis.

“Yun si Kevin yung pinsan ni Dexter. Hindi ko alam kung bakit siya nandito ngayon. Pre, mabait lang iyong si Kevin.” Ang sagot ko sa kanya pilit iniiwas ang tuloy pang usapan tungkol kay Kevin.

“Guwapo naman pare ah. Nababading ako sa kanya. Kung bading lang din ako liligawan ko na siya.” Ang panunukso pa niya.

“Eh di ligawan mo na! Magsama kayong dalawa. Ampotek naman oh!” ang irita ko nang sagot sa kanya.

Mula sa pintuan ay nakita naming pababa ng hagdan sina Jeremy at Dexter na kasunod naman ay si Kevin.

“Anong movies yan?” ang pabati ni Jeremy.

“Ah… ewan ko dito kay Rafael… basta puro horror movie kinuha niya.” Ang sagot ko sa kanya habang si Rafael naman ay panay ang tangong pagsang-ayon niya sa aking mga sinabi.

“Ayun! Wala naman matatakutin sa atin diba? Maghahanda kami ni Joseph ng dinner natin.” Ang pagmamayabang naman ni Kevin.

“Ha?! Experimental pa lang ako magluto at wala pa akong specialty. Isa pa wala kaming nabili para sa dinner na planong ihanda ng mokong na ito. Baka nakuwento ng dalawa pero… ano ang lulutuin namin?” ang mga umikot na tanong sa aking isipan.

“Diba Joseph? Tayo magluluto ngayon?” ang nakangiting si Kevin na tinatanong ako na parang sigurado siyang papayag ako.

Humarap ako kay Dexter at nagbitiw ng isang nagtatakang tinging nakataas ang aking isang kilay.

“Wag na Kevin pagod si Joseph, pa-deliver na lang tayo sa McDonald’s o kaya sa Jollibee.” Ang suhestiyon naman ni Dexter upang hindi matuloy kung ano man ang binabalak ni Kevin.

Nakahalata siguro si Jeremy at agad na kinuha ang kanilang landline upang tumawag sa dalawang nasabi ni Dexter.

Habang kausap na ni Jeremy ang isa sa nabanggit ay pumasok na kami sa sala. Nilapitan ako ni Dexter at hinawakan sa aking kaliwang balikat.

“Naiintindihan ko Seph. Sorry kung naoffend ka. Nais lang kasi namin ang kaligayahan mo. Hindi din pa kasi alam ni Kevin ang tungkol sa tinatago mo kay Rafael.” Ang malumanay na sinabi sa akin ni Dexter na nagpangiti sa akin.

Tumunog ang aking telepono at naalala ko si Harold. Nilabas ko ang aking telepono sa harap ni Dexter at siya ang una kong pinabasa nito. Isang abot tengang ngiti ang sinagot sa akin ni Dexter. Naunawaan na niya ang ibig kong sabihin.

“Ah… mukhang may nakarinig na pala sa itaas sa mga hinaing mo ha. Sige, good luck kaibigan!” ang sabi niya sa akin.

Tinignan ko ang akong telepono at binasa ang mensahe.

“Ayw m tlga ngyn?pls?cge n.mit nmn tau.sgot q lht.” Ang pangungulit ni Harold sa akin.

Nangiti ako sa aking nabasa at nagsimulang kiligin. Napatingin ako kay Rafael na nakakunot ang noo at balot ng pagtataka ang kanyang mga tingin. Hindi ko na siya masyadong inintindi dahil nais kong sagutin agad si Harold.

“Cge.San tyo?” ang reply ko.

“Tga Laguna me.San k b?” ang agad niyang pinadala sa akin. Mukhang hawak niya ang kanyang telepono ngayon.

“Cavite pro mlpit kmi s San Pedro at Biñan.” Ang sagot ko.

“Tga San Pedro ako!” ang sagot niya.

“Good!San tau mgkkta?” ang sunod kong tanong sa kanya. Desidido na akong tanggapin ang alok niya.

“Pwde s Pacita Complex?Sn m b gus2?” ang sagot niya.

“Cge dun lng tyo.Ano b plan m?” ang sgot ko.

“ Bhla n bsta sgot ko lht. :-j ” Ang sabi niya.

“Kita tau s hrp ng 9pm” ang reply ko at ibinalik ang aking telepono sa aking bulsa.

Hindi ko namalayang nakangiti pala ako ng mga oras na katext ko si Harold. Napansin ko na lang na nakatitig na pala ang lahat sa akin. Si Rafael naman ay bakas ang nagtataka naman niyang maka titig.
“Anong meron? Ngayon lang kita nakitang ngumiti ng ganyan Seph.” Ang tanong ni Rafael.

“May date ako ngayon!!! Sorry guys! Next time ako babawi sa marathon.” ang maligla kong ibinahagi sa kanilang lahat.

Dali-dali akong palabas na sana ng bahay ngunit kumapit si Rafael sa aking kanang braso upang ako’y pigilan.

“Sandali tol…” ang sabi niya.

Nagtitigan lang kaming hinihintay ko ang sunod niyang sasabihin ngunit hindi na niya itinuloy ay pinakawalan ang aking braso. Nakita kong biglang binalot ng lungkot ang kanyang mukha.

“Tol, pagkakataon ko nang lumigaya! Wish me luck pare!! Yung poppy corns ni Jeremy ikaw na bahala tapos yung groceries natin ha? Iuwi mo na lang sa bahay pagkatapos niyo manood. Puro delata at instant noodles lang naman yan.” ang masaya kong sambit sa kanya habang tinatapik-tapik ang kanyang mga balikat.

Tinungo kong bumalik sa bahay upang magshower at magbihis ng akma sa aking lakad. Habang ako ay naliligo, tila bumalik sa aking ala-ala ang malungkot na mukha ni Rafael nang ako ay paalis kila Jeremy.

Nagblack slim-fit low-rise na pants ako at fitted na pink v-neck shirt na medyo maikli ang bandang tiyan. Gusto ko kasi ipangalandakan ang aking garterline kay Harold.

Isinuot ko ang dalawang itim na krus kong hikaw sa dalawang butas sa kaliwa kong tenga. Konting clay-doh sa buhok kong maikli. Lacoste Red naman sa aking katawan at likuran ng aking tenga hanggang leeg kung pagbigyan man ako ng pagkakataon na makatabi si Harold ay iyon ang amoy na magpapaalala sa akin ng lahat ng gagawin naming dalawa.

Ito na ang unang pagkakataon kong lumandi at ibubuhos ko talaga ang pagkakataong ito para sa aking sarili.

Dali-dali akong lumabas ng bahay. Nang maabot ko ang harap ng bahay nila Jeremy ay napuna kong sarado ang pintuan at may ingay na ng pelikulang pinapanood nila ang maririnig sa labas ng bintana.

“Kuya!!!!” ang biglang sigaw na narinig ko mula kay Jeremy. Natawa ako sa kanyang sigaw. Naiisip ko kung ano ang itsura niya ngayon habang takot na takot na nagtatago at nakayakap sa bisig ni Dexter.

“Si Rafael kaya kamusta na?” ang natanong ko sa aking sarili dahil hindi naman niya kaclose si Kevin at siya lang ang straight doon.

Hindi na ako masyado nag-isip ng tungkol sa kanila. Mas matimbang ang naghihintay sa aking pagkakataon na magmahal ng isang tulad ko.

Nilakad ko ang palabas ng village hanggang sa sakayan sa Sunshine at naghintay ng jeep papuntang Biñan dahil mas madali akong makakapunta ng Pacita sa ganoong daan.

Sa Pacita Complex ay napaaga yata ang aking dating. Maraming tao dahil lingo ngayon. Nag-ikutikot muna ako. Nakakita ako ng mga pirated na DVDs na pelikula, compilation ng tugtog, at installers ng computer mula operating system hanggang sa games meron sila.

Bukod naman sa mga pirata ay may mga estante na naglalako ng mga brand new na mumurahing cellphone at mga second hand na medyo high end ang model.

Tumunog ang aking telepono. Kinuha ko ito agad mula sa aking bulsa walang takot na baka hablutin ito mula sa akin. Matindi ang kilig na aking nararamdaman na makita ang mensahe na mula kay Harold ngunit ako ay nagkamali.

“Tol.Ingat h?Uwi k early h?tc!bltaan m q bks pguwi m.enjoy!” ang sabi ni Rafael.

“Ano kaya ang nakain nitong kumag na to. Siguro narealize na niya na magkakagirlfriend na rin ako sa wakas. Yun lang ang alam niya.” Ang natatawang nasabi ko sa aking sarili.

Hindi ko na siya sinagot at nang ibabalik ko na ang aking telepono ay tumunog ulit ito. Tumatawag si Harold.

“Harold!!!” ang sagot kong di napigilan dahil sa lubos na galak.

“Joseph!!!” ang sagot niyang pabiro na ginagaya ang aking masiglang bati.

“Nandito na ako sa Pacita Complex nag-iikot, san tayo magkikita?” ang tanong ko sa kanya.

“Ah… dito na lang sa labas sa tapat ng Max’s” ang sagot niyang parang nililibot muna ng tingin ang paligid upang sabihin ang lugar na kung san niya ako tatagpuin.

“Sige papunta na ako diyan.” Ibina ba ko ang kanyang tawag at nagmamadaling naglakad tungo sa Max’s sa labas.

Sa di kalayuan ay kita kong naghihintay si Harold sa tapat ng Max’s. Naka black pants siya at at maluwang na putting shirt na medyo bitin. Kumaway siya nang makita akong papalapit na.

“Saan tayo nakaduty ngayon?” ang pabiro kong bati sa kanya. Tumawa siya ng malakas.

“Timang!” ang nahihiya niyang sagot sa akin sabay akbay sa aking balikat nang kami ay nagkalapit.

“Hmmm… may mga moves na agad siya… pero di agad ako bibigay…” ang bulong ko sa aking sarili habang binabalot na ng kilit ang aking katawan.

“So… saan tayo ngayong gabi?” ang tanong niyang nahihiya.

“Ikaw po bahala. Basta ang mahalaga kasama na kita ngayon.” Ang sagot ko naman sa kanyang nahihiya na rin.

Naglakad-lakad lang kami sa loob ng Pacita Complex at hinayaan ko siyang mag-isip kung saan niya ako dadalhin. Makaraan ang ilang ikot.

“Punta tayo ng Malate!” ang bigla niyang yaya sa akin.

“Pupunta tayo sa PWU? Anong meron doon ng ganitong oras ng gabi?” ang nagtataka kong itinanong sa kanya. Hindi kasi ako gumigimik at wala akong alam kung bakit doon niya gusto magpunta.

“Ha?! Seryoso ka?” ang tapatangang tigin niya sa aking tinanong.

“Harold sorry, wala talaga akong alam. Ikaw ang una kong kadate na lalake. Sa totoo lang. Hindi pa ako out maliban kay Jeremy at sa boyfriend niya. Si Rafael alam niya straight ako.” Ang seryoso kong paliwanag sa kanya.

“Talaga?! Eh… kasi akala ko kayo ni Rafael…” ang tanong niya sa akin.

“Nge… Straight pa sa ruler yun!! Dami kayang girlfriend noon.” Ang natatawa kong sagot sa kanya.

“Ganon?... hmmm… “ ang sagot naman niya at biglang nag-isip ng malalim.

Bigla niyang hinawakan ang aking baywang na para bang niyayakap ako at naglakad kami palabas ng Complex upang sumakay ng bus na dadaan ng Mantrade. Wala na kasing diretsong papuntang Lawton sa mga oras na iyon.

Nang makasakay kami sa bus ay hinila niya ako sa duluhang upuan. Kung tama ang bilang ko ay sampu pa lang ang nakasakay doon bukod sa aming dalawa. Natatawa si Harold habang tinutumbok namin ang dulo ng bus hindi ko alam kung bakit ngunit pilyo ang kanyang mga ngiting binibitiwan sa akin tuwing lilingon siya.

“Ano kaya ang nasa isip nito.” Ang tanong na nanatili sa aking isipan.

Nang maupo kami sa dulo na kita na lang ang aming mga leeg at ulo at niyakap niya ako ng mahigpit na nakapatong ang kanyang ulo sa aking balikat. Napakasarap pala ng pakiramdam ng niyayakap ka ng mahigpit ng kapwa mo lalaki. Lubos na saya ang bumalot sa aking damdamin sa mga oras na iyon.

Iniangat ko ang aking isang braso upang hawakan ang kanyang ulo at idiin ito sa aking balikat. Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa aming dalawa.

“Salamat ha?” ang sabi niyang nakangiti sa akin at nakatitig ang parang maamong tuta niyang mga mata sa akin.

“Ano ito? Bakit ganito kabilis? Bakit magkahalong lungkot at pag-asa ang nasa mga paningin niya?” ang natanong ko sa aking sarili.

“Para saan?” ang tanong ko sa kanya.

“Na nakipagkita ka sa akin at sumama ka. Yun lang.” ang sagot niya.

“Yun lang ba? Ang babaw naman non.” Ang pabiro kong sabi sa kanya habang kinukuskos ko ang kanyang buhok.

“Opo… Kasi… Ano… ah...” ang sabi niya habang nagsisisimulang mamula ang kanyang mga mata at mamuo ang mga luha. Nakaramdam ako ng lubos na awa sa aking nasaksihan.

“Oh… wag ka na malungkot. Ano ba ang dahilan?” ang sabi ko sa kanyang may halo nang lambing.

“Kasi… alam mo… pilit kong gustuhin na magmahal ngunit wala naman taong tatanggap nito mula sa akin… kahit mga kaibigan kong malalapit sa akin… nang mahulog ako sa kanila sa kanilang kabaitan… inamin kong mahal ko sila… ngunit dahil doon… isa-isa nila akong iniwasan… Ang sabi ng officemate natin na kaclose ko na babae… masyado lang daw puno ng pagmamahal ang aking puso… kaya kahit sino handa kong mahalin ng buong pagkatao ko… pero wala pa raw akong direksyon… wala pa raw nagmamahal muna sa akin binibigay ko na daw ang lahat ko… malas ko lang daw siguro… “ ang kuwento niya habang umaagos na ang kanyang luha.

Habang pinagmamasdan ko siya sa kanyang pamamahagi niya ng kanyang dalahin ay hindi ko na rin maiwasang lumuha.

Nakarelate ako sa mga sinabi niya ang kaibahan nga lang namin ay medyo iba na ang pinagdaanan niya ng dahil sa kagustuhang magmahal. Kumbaga sa giyera, siya tira na ng tira kahit walang target at ako naman walang target at iniipon ang bala. Swak pala ang pagkakakilala namin. Sana siya na nga ang hinihintay kong matagal na mamahalin ko habang buhay tulad ng pagmamahalan ng dalawa kong kaibigan.

“Marami na akong nakadate… sobra… karamihan pagkatapos kong makaeyeball yung mga nakakachat ko… either pangit talaga kasi pangit sila kaya iniiwasan ko na… yung iba naman… okay nga… pero may boyfriend na pala… masaklap pa… naibigay ko sa isa sa kanila ang una kong pagkakataon na ibigay ang aking sariling katawan maging kami lang… walang nag-workout kahit isa… either parausan lang ako , di ko type, o di ako type… Sa dami nila wala na akong maalalang pangalan kahit isa sa kanila… Sinubukan kong manligaw sa office pero… ginamit lang ako financially at sexually…” ang kuwento niya sa akin.

“Buti na lang pala nakakilala ako ng isang taong napagdaanan ang mga bagay na iyon dahil kung hindi baka parehas na rin kami ng dinadala ngayon.” Ang sabi ko sa aking sarili.

“Joseph?... tanong ko lang… kasi medyo napagod na ako… gusto ko lang makasiguro sa pagkakataong ito…” ang seryoso niyang sinabi sa akin habangnagpupunas ng mga luha.

“Ano iyon Seph?” ang tanong ko sa kanya dahil naudlot ang kanyang itatanong sa akin.

“Kasi… noong una kitang makita… alam kong iba ka sa lahat ng nakilala ko… basta… iba ang kutob ko… pero gusto ko malaman… lalaruin mo rin ba ako tulad ng ginawa nila o iiwasan matapos ang gabing ito?” ang mga mata niya ay nagmamakaawang nakatingin sa akin habang siya ay naghihintay ng sagot.

“Harold… sa totoo lang… pareho tayo ng pinagdaanan… at sa kagustuhan pareho rin tayo… pero hindi kita iiwan… alalahanin mo first date pa lang natin ito… gusto ko muna sumibol ang ating relasyon mula sa pagiging mabuting magkaibigan… yun kasi ang alam kong paraan para makasigurado tayo sa ating bibigyan ng ating pagmamahal. Malay mo di mo pala ako type… malay mo hindi mo pala ako kayang mahalin… alam mo iyon? Ayaw kong may masasaktan ang isa sa atin sa bandang huli…” ang paliwanag ko sa kanya.

“Ang masisiguro ko lang sa iyo ngayon ay… masaya akong nakilala kita… at gusto kong makasama ka lagi at makilala ka pa… at kung di man maging tayo… gusto ko maging mabuting magkaibigan tayo… dahil… nakita ko sarili ko sa pinagdaanan mo… isa pa… wala akong kinatatagpong iba maliban sa iyo at ikaw ang pinakauna kong makakadate… Sana magclick tayo sa isa’t-isa. Hirap kasi ng walang minamahal at nagmamahal diba?” ang malambing kong sinabi sa na nagpangiti sa kanya.

(itutuloy)