Sunday, May 22, 2011

Ka-ibigan Chapter 13


by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Isang saglit na katahimikan sa aming apat ang nanaig. Hindi ako nakaalis agad sa aking lagay. Hindi ko alam kong papano ako magrereact matapos ang aking ikinilos.

Alam kong nakatingin sa amin si Jeremy at Dexter.

Hinilia ako bigla ni Jeremy paalis kay Rafael at ihinarap sa kanya at sa aking siya yumakap.

“Insan maling tao niyayakap mo.” Ang nahihiyang sinabi ni Jeremy parinig kay Rafael.

“Eh… san pa ako kukubli eh nakasiksik ka na kay Dexter? Isa pa nagulat lang naman ako.” Ang nahihiya kong sagot.

Nagtawanan sila ng dalawa. Si Rafael nanatili lang sa kanyang ayos bagaman kaunting nabigla. Marahil sa aking ginawa at sa aking tawag sa kanya.

“Namumula kayo!!!” ang nag-aalalang sabi ni Rafael sabay tungo sa hapang kainan upang kunin ang iniwan naming gamot at isang basong tubig. Hindi pa kasi kami nagliligpit ng pinagkainan.

Agad niya kaming inabutan ng gamot tag isa at ako lang ang pinainom niya ng tubig. Hindi ko siya matignan ng mata sa mata.

Si Jeremy naman hindi maipinta ang mukha dahil nasa bibig na niya ang gamot. Naubos ko ang tubig dahil sa kaba sa nagawa ko kay Rafael.

Agad tumungo si Dexter ng mapansing si Jeremy ay nasa ganoong lagay at kumuha na rin ng basong may tubig para bigyan ito.

“Magpinsan talaga kayo! Grabe matatakutin ka rin pala Joseph sa mga hinihiwa at naglalabasang laman loob.” Ang natatawang sabi ni Dexter.

“Halika nga dito kayong dalawa ni Jemykoy ko. Para hindi ka tumatalsik kung saan-saan parang tuko na lang na kumakapit.” Ang dagdag niyang natatawa pa rin habang nasa aktong uupo na siya sa gitna namin ni Jeremy.

“Hindi na pare okay lang ako. Itatakip ko na lang ang unan sa mukha ko.” Ang nahihiya kong sagot kay Dexter habang nakaakbay na siya sa aming dalawa.

Si Rafael ay nanatiling tahimik sa dati niyang lagay. Nakatitig sa telebisyon ngunit parang nawala ang kanyang atensyon sa aming pinanonood. Nakakagat sa ibabang bahagi ng kanyang labi.

Hindi ako makatingin kay Rafael. Nahihiya ako sa kanya.

“Ay mga tol! May lakad pala ako ngayon. May date kami ni Heather.” Ang aking palusot at sabay tungo sa aking silid.

Kinuha ko ang aking tuwalya upang maligo na muna. Sa aking pagdaan sa sala papunta sa banyo ay hindi ako makatingin kay Rafael.

Mabilis akong naligo upang agad na makaalis. Hindi ko alam kung gising na si Harold.

Sa aking pagdaan muli sa sala ay nginitian ko lang ang magjowa. Hindi ko pinansin si Rafael ngunit batid kong natatingin lang siya sa kanilang pinapanood.

Marahil ay iniisip niyang baka alam ko ang ginawa niyang kapilyuhan dahil tinawag ko siyang Raffy. Marahil ay nahihiya rin siya sa akin.

“Rafael… bakit…? Sana… hindi mo isipin na minasama ko ginawa mo sa akin habang akala mong tulog ako… okay lang iyon… wala lang sa akin iyon… kapatid na kita di ba?” ang pakikipagusap ko sa aking sarili. Gusto kong makausap si Rafael sana ngunit nahihiya akong sobra.

Sa aking silid ay nagmamadali akong nag-ayos ng sarili. Habang buhok na lang ang natitira kong inaayos ay naisip kong muling tawagan si Harold.

“Joseph? Kamusta na!!” ang agad na masiglang sagot ni Harold pagtunog ng unang beep.

“Harold labas naman tayo. Gusto ko lang makipagkita sa iyo. Gusto pa kitang makasama.” Ang natutuwa ko namang imbita sa kanya sa ligayang muling marinig ang kanyang boses. Nanabik pala ako sa kanya.

“Sige, punta ka sa Olivarez tapat ng McDonald’s dun tayo magkita.” ang sagot niya. Nanahimik akong saglit.

“Miss na kita Harold. Bye!” Ang kinikilig kong sinabi sa kanya. Tila parang wala lang ang nangyari kagabi.

“I missed you to Seph! Later!” ang malambing niyang sagot na may halong kilig din.

Bumaba na ako ng bahay at nang mapadaan ako kay Rafael ay tinapik ko siya sa balikat. Napatingin siya sa akin.

“Raffy… alis na ako ha? May date ako. Dalin ko ba yung susi kung aalis ka din mamaya?” ang sabi kong hindi pa rin makatingin sa kanya ng diresto.

“Hindi Seph… dito lang ako. Wala akong lakad ngayon.” Ang nahihiya niyang isinagot sa akin.

Nagpaalam ako sa naglalambingang magjowa habang nanonood ng horror movie. Malungkot na tumingin sa akin si Jeremy at Dexter. Dama mong gusto nilang makiramay sa napansin na rin nila marahil na bigla naming pagbabago ni Rafael sa isa’t isa.

Lumabas na ako ng bahay at bumyahe sa takdang lugar na aming pupuntahan ni Harold sa BiƱan.

Batid sa aming mga tinginan ang saya at pagkasabik na makasamang muli ang isa’t-isa. Nag-akbayan na lang kami upang idama ang pagyakap sa isa’t-isang hindi namin magawa dahil sa gilid ng mismong restaurant ay terminal ng tricycle.

Halos sabay lang ang dating namin sa McDonald’s. Parehong may dating ang aming mga suot.

“Kumain ka na ba Seph?” ang agad na tanong ni Harold nang kami ay magkita.

“Oo eh… kakatapos lang...” ang nanghihinayang kong sinagot kay Harold.

“Samahan mo muna ako kumain ng brunch. Kakagising ko lang kanina.” Ang natatawa niyang yaya sa akin.

Agad kaming pumasok sa restaurant. Pinauna na niya akong makahanap ng aming uupuan at siya naman ay pumila na sa counter.

Tinititigan ko siya habang ako ay nasa aking upuan. Lumilingon siya sa akin at kami ay nagngingitian.

Nang makabalik si Harold bukod sa kanyang order ay nagdala siya ng isa pang ice cream sundae na may strawberry syrup ang kanya ay hot fudge. Hindi ko alam ngunit simbulo na yata ito na nagbabadyang siya na ang para sa akin.

“Paano mo nalaman?” ang tanong kong gulat na gulat sa kanyang binigay sa akin.

“Wala lang. Kutob ko lang. Swerte naman akong paborito mo pa ang napili ko mahal ko.” Ang sabi niya sa aking nagbalot sa akin ng matinding kilig.

Hindi ko mapigilang mamula ang aking mukha na agad niyang napansin.

“Seph… bat ka namumula?” ang sabi niyang may ngiting napakatamis habang natatawa.

“Malay ko no. Natutuwa lang ako. Paano ba iyan? Mukhang madali mong malalaman ang kiliti ko. Ang galing mong humula eh.” Ang pabiro kong sagot sa kanyang tanong.

Tinitigan niya ako ng nakakatunaw niyang mga tingin. Nangungusap ang kanyang namumungay na mga mata. Hindi ako bigla makatingin ng tuwid sa kanyang mga mata. Lubos na kilig at hiya na ang aking nararamdaman.

“Mahal kita Joseph…” ang malambing niyang sinabi sa akin batid ang bawat salitang sinabi niya.

Agad kong sinuri sa aking sarili ang aking isasagot sa kanya. Wala namang iba kung hindi siya na.

“Harold… mahal na rin kita… sana huwag kang magbago… sana lalo pa kitang makilala… ” ang sabi ko sa kanyang nanatiling nahihiya ngunit batid din ang ibig sabihin ng bawat salitang pinakakawalan kay Harold.

Abot tengang ngiti ang kumawala sa mga labi niya. Isang sabik na mga titig ang binitiwan niya sa akin.

“So… umm… tayo na?” ang assumptive niyang tanong sa akin.

“Ah… yung lang… sorry Harold… tawaging mo na akong manang pero… gusto kong dumaan tayo sa tamang proseso ng pag-iibigan… Masyado ka nang mahalaga para sa akin. Gusto ko muna siguraduhin kung dapat talagang maging tayo.” Ang paliwanag ko sa kanyang seryoso.

Bigla siyang napatawang pigil sa aking mga sinabi.

“Marami ka palang surprises. Hindi ko ineexpect yan, Seph.” Ang sagot niya.

“Sige, liligawan kita kung yan ang gusto mo pero ako rin dapat ligawan mo muna.” Ang sabi niyang hindi pahuhuli.

Ako nama’y natawa rin sa kanyang sinabi.

“Parang ang gulo non? Papano natin gagawin yun?” ang tanong ko sa kanya.

“Mahal… diskarte na lang natin sa isa’t-isa iyon basta ako, gusto ko ako lalake sa relasyon natin ha?” ang kundisyon niya.

“Tamang tama… gusto kong ako ang itrato mo naman ako bilang babae.” Ang sagot ko sa kanya.

“Hindi ka naman mahirap ibigin eh. Tignan mo nga hindi mo ako niligawan mahal na kita. Dahil kasi natatangi ang pagkatao mo sa iba.” Ang sagot niya habang inaabot ang aking mga kamay.

“Pasensiya ha? Medyo ilang akong gawin natin ito sa publiko kasi takot akong bastusin nila tayo. Liligawan kita at ipapakita ko sa iyo kung gaano kita kamahal pero gusto ko medyo tago sana tayo.” Ang paumanhin niyang hiniling sa akin bigla.

“Ito naman. Okay lang iyon. Ikaw na bahala kung gusto mo mag PDA tayo tulad ng ginawa natin sa Coco kagabi.” Ang natatawa kong ipinaalala sa kanya ang yakapan at halikang naganap sa aming dalawa sa loob ng bar na pang straight.

Natawa lang siya sa aking sinabi.

“Kain na tayo.” Ang yaya niya sabay handa ng kutsara at tinidor sa kanyang kamay upang kumain at ako naman ay nilantakan na ng patikimtikim lang ang aking sundae.

Napansin ito ni Harold.

“Nakakatuwa ka kumain ng ice cream. Para kang bata! Ang cute! Ninanamnam mo talaga yan ha?” ang sabi niyang nangigigil.

“Sira! Masarap lang kasi kaya inuunti-uniti ko.” Ang pikon kong sagot sa kanya.

“Ito naman hindi na mabiro. Mahal ko sorry na po.” Ang nanlalambing niyang sagot sa akin.

Sa ilalim ng mesa ay inangat niya ang kanyang kanang hita at ikiniskis ito sa aking kaliwa.

“Mahal na mahal kita Joseph.” Ang malambing at masaya niyang biglang sinabi sa akin.

Nagbalik nanaman ang mga nakakatunaw niyang mga titig habang sumusubo ng kanyang pagkain.

Hindi ko na rin naiwasang balikan siya ng mga ganoong titig. Paminsan-minsan ay nagkikindatan.

Naubos namin ang aming kinakain sa ganoong lagay ng hindi namin namamalayan. Hindi ko pansin kung nasarapan ba talaga kami sa aming kinakain o sa aming matagal na titigan.

Nang kami ay tumayo na sa aming pagkakaupo upang lumakad na.

Pumunta kami sa SM Sta. Rosa upang manood ng sine. Hindi gaanong kilala ang pelikulang aming pinanood dahil noong mga panahon na iyon ay wala pang lumalabas na magandang palabas.

Sa loob ng sinehan ay doon kami naupo sa itaas na bahagi. Kakaunti lang ang tao at magkakalayong nakaupo.

Tulad ng ibang mga nanonood. Dinala ako ni Harold sa isang bahagi ng mga upuan kung saan malayo sa ibang nanonood at doon umupo.

Wala naman akong alam sa mga binabalak niya kaya sumunod lang ako.

Nang mamatay na ang mga ilay at magsimula na ang palabas. Agad akong inakbayan ni Harold upang humarap sa kanya.
Hindi ko maialis ang aking tingin sa pelikula kaya hinawakan niya ang aking baba at hinarap sa kanya ang aking mukha.

Kahit medyo madilim dahil sa liwanag lang ng palabas ang umiilaw sa buong sinehan. Aninag kong namumugto ang mga mata ni Harold. Malalim ang mga titig sa akin at puno ng ibig sabihin.

Marahang itinulak ng kanyang kamay palapit ang aking mga labi sa kanya at kami ay naghalikan na parang wala nang bukas.

Bumilis ang tibok ng aking dibdib at ako’y nakaramdam na lang ng matinding init Kahit nakaaircon ay ramdam kong namumuo ang pawis sa aking leeg. Ilang minuto kaming nag-iiba lang ng posisyon ang aming mukha at halos mabasa na ng aming mga laway ang pareho naming baba.

Palitan ng sipsip at kagat sa labi ng bawat isa. Ang tulakan at subuan ng aming mga dila. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong halik. Madali ko lang siyang natutunan dahil sa magaling na si Harold na aking sinasabayan.

Galit na galit na ang aking alaga. Nasasaktan ako sa pagkakaipit nito sa aking panloob.

Nang aking inayos ito bago man mailabas ko ang aking kamay ay agad na ipinasok ni Harold ang kamay niya sa loob ng aking maong. Mabilis niyang hinawakan ng mahigpit ang mamasa-masa ko nang alaga.

Natigilan kami sa aming halikan at nanlaki ang aking mga mata sa tindi ng sarap na naranasan sa kanyang ginawa.

Si Harold naman ay pawang nalilisik sa pangigigil ang mga titig sa akin habang kagat ang ibabang labi.

“Harold… wag.. please… pag tayo na lang natin gawin ito… wag muna ngayon…” ang impit kong pagpipigil sa kanyang binabalak.

“Inalis niya ang kanyang kamay at agad na sinipsip ang kanyang mga daliri.” Naakit ako sa kanyang ginawa. Agad niyang inabot ang aking kamay ay ipinasok ito sa loob ng kanyang maong.

“Kamayin mo na lang ako please?... tulungan mo na lang ako.” Ang nagmamakaawa niyang pakiusap sa akin. Marahil ay natitigang na siya sa mga oras na iyon.

Nakakaramdam na ako ng pagkirot sa aking puson. Ayaw kong maranasan niya iyon. Nahihiya rin akong humindi sa kanyang pakiusap. Madali lang naman iyon.

Nag-iinit na rin naman ako at ito ang unang pagkakataon na gagawin ko ito.

“Sige… pero ngayon lang ha?” ang nahihiya kong sagot sa kanya.

Inilabas niya ang aking kamay ngunit nanatiling nakahawak ang kamay niya sa aking braso. Kumuha siya ng panyo at itinaas ang kanyang shirt. Inangat niya sa kanyang bibig ang aking palad at dumura dito.

“Ako bahala. Basta relax ka lang diyan. Medyo isarado mo lang ang kamay mo ngayon na parang may hawak kang saging. Huwag mong aalisin ang pusisyon ng mga daliri mo ha? Pagpasok piga ka lang ng kaunti.” Ang pabulong niyang sabi na puno na ng kamunduhan.

Ipinasok niya ang aking kamay muli sa kanyang maong at itinutok ang ulo ng kanya sa butas na nagawa ng lagay ng aking kamay. Tulad ng kanyang sinabi ay marahan kong hinigpitan ito na meyo nagpasikip sa pagpasok ng kanya.

“Ahhhh…. Ganyan nga mahal ko… tama yan… ganyan lang…” ang mahingal hingal niyang sabi habang sarap na sarap.

Marahang itinaas baba ng kamay ko ng kamay niyang nakakapit sa aking braso hanggang sa ako na ang mag-isang gumagawa nito.

Napapakadyot siya sa sarap at naramdaman kong lalong nababasa ang aking kamay marahil sa unang katas niya. Ibang klase ang dulas, parang katawan ng isdang nakabilad sa palengke.

Ako’y pinapawisan na sa aking ilong at noo. Pawang nanunuyo na ang aking lalamunan kaya ako’y panay na rin ang lunok ng sariling laway.

Kinse minutos ko din siyang tinulungan hangang sa sumambulat sa loob ng aking palad ang mainit-init niyang katas. Ang iba ay tumapon lang sa panyo.

Marahan niyang hinugot ang aking kamay sa kanyang alaga.

Dahil sa ginawa na namin iyon at wala naman dapat akong ikahiya sa kanya. Agad kong inamoy ang basa sa aking kamay. Halos mapatirik ang mga mata ko sa kakaiba nitong amoy.

Si Harold ay napatitig sa aking ginawa. Nanlaki na lang ang kanyang mga mata nang dilaan ko lahat ng kanyang katas sa aking kamay at halos simutin ko ito ng maigi. Para akong lalonh nagutom na gutom sa aking nilasap na katas.

Nang matapos akong sipsipin ang isa kong daliri ay agad niya akong sinunggaban ng mahigpit na yakap.

“I love you Seph… you really always turn me on…” ang bulong niya sa aking tengang napakapilyo.

Inayos ko ang aking sarili at mag-isang nagparaos. Ang naipong katas ko sa aking kamay ay agad niyang inabot at ginawa rin ang ginawa ko sa kanya.

“Ang… sarap..” ang sagot niya matapos rin tikman ang akin.

Nagpatuloy na kami sa palabas at halos hindi na rin nasundan ang daloy ng kwento.

Nang matapos ay isinakay ako ni Harold tungo sa GMA, Cavite kung saan ako nakatira. Nagpaalam siya na may flying kiss pa.

Sa bahay, ay halos walang pinagbago ang kanilang mga ayos. Ganoon pa rin ang itsura ni Raffy.

Sa aking pagpasok ay nakangiting tinignan ako ng magjowa samantalang ang magkasalubong ang aming mga mata ni Rafael ay lubos na kalungkutan ang aking nakita.

Agad kong inalis ang pagkakatitig sa kanyang mga matang nagtagal ng saglit at nagmamadali kong tinungo ang aking silid upang magpambahay.

Sa aking pagbibihis ay napansin akong pilas na pirasong papel na nagmula sa journal ni Raffy ang nakalapag sa sahig sa ibaba ng kama.

Puna kong may mga nakasulat dito nang akin itong pulutin.

(itutuloy)

10 comments :

  1. hmmm anu kayang nakasulat duon? ahhh baka nag-FLAMES si raffy hahaha!

    medyo malungkot ang kabantang ito, pro raffy <3 seph pa naman ako... huhuhu

    ReplyDelete
  2. naku pirasong papel mula sa journal ni raffy! ano kaya iyong nakasulat?

    almondz natawa po ako sa comment mo po. FLAMES talaga ang laman

    alam mo siguro dependent sa situation nila sir jeffy at sir raffy ang magiging ending nito. kasi based on sir jeffy's life daw ang mga sulat niya sabi niya.

    patay na!may kadate kahapon si sir jeffy na luther ang name dun sa chat nila kahapon! si sir raffy mukhang okay lang sa kanya na maging si sir jeffy at luther.

    ayaw kong magisip kasi pro raffy <3 seph din ako at jeffy <3 raffy ako

    parang ang ending nito is harold <3 jeffy na. huhuhuhu

    ((Cloud))

    ReplyDelete
  3. Naku pati pala dito, makakaabot ako! =))))

    Kapirasong papel. Ano nga ba ang pwedeng lamanin nun?

    Very puzzling ang end nitong part na ito.

    Makes us think. It makes us feel like we're involved in the development of the story.

    Anyways, naintriga talaga ako sa tunay na motibo ni Harold Kay Seph.

    I smell something fishy. >:| And I don't like it. Srsly.

    Aabangan ko itong part na ito sa MSOB, ha? ;)))

    -Andrew Johnson

    PS: Cute ka. Ayiiiieeeeee!!!! LOL!!!! Para mas lalo kang mapa-tumbling! No. Srsly.

    ReplyDelete
  4. ...Makikialam ba sa journal ng iba...
    Sympre journal nga kaya may nakasulat talaga ehhehe..

    Nakakaexcite namn sana may next na hehehe...

    -mars

    ReplyDelete
  5. hah bkit putol ung comment ko..
    Haist kalungkot naman ng c13..
    Luther..heather..harold..
    Peace..
    Saya date ni kua ayie...
    Bsta aq qng san ka masaya suportahan taka.. Ehe..
    Tc alwayz kua..:)
    [randolf]...<(-.-)>

    ReplyDelete
  6. hahahah wla hiya kah harold naunahan muna ang manok ko ito nman kasi ung rafael nato masyadong mabait hahahah pakita muna kasi ang pagmamahal mo

    ReplyDelete
  7. nakow! Siguradong manloloko yang si harold, may kaulayaw yan, may ibang lalaki na sumagot ng phone nya dba?

    Si raffy, cguradong mahal nya si seph! At nkasulat dun sa papel cguro yung nraramdaman ni raffy??

    Kumusta yung date mo jeffy? Haha! Hinihintay namin na kayo nman ni raffy ang magdate. Lol!

    sana naligo muna si seph baka maamoy siya nung tatlo sa sala! Hahahahaha!

    Sana sa next chapter wag na muna umeksena si harold.

    --Andy a.k.a Anonyreader--

    ReplyDelete
  8. jeffykolokoy ayaw ko ng harold-joseph...
    raffy-sephy ako. malandi kasi masyado si harold eh. ahahaha

    ReplyDelete
  9. Thanks for letting me know you guys are done with this part! You're comment lets me know it.

    ((Cloud)): sssshhh!! bad... bad... bad... gagalit si kuya Raffy sayo! papaluin kita sa pwet

    Andrew Johnson: tambling talaga ako ngayon 2x. salamat po sa compliment.

    Almondz & Mars: hohohohoho.... si joseph lang ang nakakaalam... kung FLAMES nga ba ang nakasulat :)

    Randolf (Bunso): hmm.. friendly date lang po.. sinehan.. diner... no kulitan.. plain chitchat lang..

    rushly16: wag masyado magalit lol

    Andy: thanks for taking the courage of introducing yourself to me. I still remember your problem. Please send me an email of it anytime po. Dun natin pag-usapan for your privacy. Yung date.... my hopes are high for me to know if I will love him and he'll love me... mula sa pagiging crush.. crush ko rin siya eh hindi niya alam nung college. Actually maliligo na si Joseph sa part 14 :)

    brylle: how i wish that too... :(

    ReplyDelete
  10. grabe.. si harold.. wawa naman si raffy :(

    ReplyDelete

Hope to hear from you! Thank you! ^_^