Saturday, July 16, 2011

Salamin Chapter 09


by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Pauna:

Salamat po sa mga nagcocomment sa mga chapters ng stories ko. Nanlimos na talaga ako sa chapter 8 kasi... hindi ko na kayo nakakausap sa chatroom o kahit sa email... lahat tayo busy na sa kani-kanilang mga buhay tulad ko kaya medyo bumagal na ako sa mga updates ko. MISS KO NA KAYO!!

Ako naman, bukod sa kwento... nagsusulat na rin ako ng programs sa Turbo C++... LOL

Natutuwa po ako sa mga nagbibigay ng inputs nila... sa mga mahilig naman magspeculate kahit nakakaapekto sa ibang mambabasa nachachallenge po akong ikutin lalo ang kuwento para sa inyo sa mga hindi niyo aakalain. Iipunin ko ng katanungan muna mga isipan ninyo.

Sa pagkakataong ito... isasama ko na lagi sa ibaba ng mga ilalagay kong chapters kayong mga kaibigan ko na bilang tanda na hindi ko kayo nakakalimutan habang sinusulat ang mga kuwento ko at pagpapasalamat na rin sa inyo:

raffy, luigichan, almondz, slythex, khief, rairee, simarkako, akosikimer, lileevsor, donbuenavente, zekyme, romainvillaroza, rick, Andy, Mars, randolf (ranran), supermario, teddyrichie, hans/josh, jhinpaul, Half, mama Dalisay, dew, ace, kevin, mcfrancis, jojo, jojo pabon, jancep elric, brylle, cedric nicholas (LOL gusto mo kumpletuhin ko?), emray08, vince, darkboy13, ecG, saimy, Leon, bigbro, penshoppe, readymouth, Jasper Paulito, marc.


Mga anonymous na nagcocomment... hihihi.. collective noun na lang ang "Anonymous"


Thank you so much for being such nice friends! I LOVE YOU ALL!


Slythex: On Salamin: Jasper is still a part of me... as usual... with a dash of fiction.. majority na nga lang nito fiction na unlike Musmos & Ka-ibigan. All that are significant though are the people behind the story and the events that will be taking place except for the ending talaga every time.


Nagbalik ang mga larawan ng aking dinanas na paghihirap sa kamay ng isang walang kaluluwang gumamit sa akin na para lang akong laruan. Namuo ang matinding galit sa aking damdamin at di ko mapililang pigain ng sobrang higpit ang aking mga kamao.

Marahan kong inayos ang aking sarili upang umupo ng patagilid gawa ng hindi ko mailapat ang aking puwitan sa upuan sa matinding kirot at hapdi. Hindi ko naman maalis ang aking mga kamay sa aking noo na panay din ang kirot sa aking bawat paggalaw.

Sinilip ko ang bandang kama upang tignan si Rodel ngunit nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang isang taong hindi ko inaasahang naroon pala noong gabing iyon.

"Si Nestor? Kailan pa siya dumating? Panong?... Arrgghhh!!" ang bigla kong nawika na sinabayan naman ng sakit ng aking ulo kaya't di ko na nagawa pang isipin ang lahat. Lasing na rin ako kagabi at hindi ko na pansin ang oras ang mga tao sa aking paligid kagabi.

Nang humupa ang kirot ay muli kong sinilip ang dalawa sa kama. Masarap ang tulog nilang dalawa. Tila masaya sa piling ng bawat isa.




Hanggang kailan mananatili sa isipan
Ang pag-ibig kong walang hanggan
Ina-aliw sa toma ang kasiyahan
Wala namang napapala
At ngayon kumakapa sa dilim at hinahanap ka


Pilit kong naaalala ang aming masasayang sandali habang pinagmamasdan ko ang mala-anghel na mukha ng natutulog na si Rodel. Naaalala ko noong kami pa habang siya ay natutulog at mas maaga akong nagigising sa kanya ay ginigising ko siya sa pamamagitan ng aking mga halik at binabati naman niya ako ng kanyang matamis na ngiti tuwing mumulat na niya ang kanyang mga mata.

Ohh…oahh…pag-ibig kay lupit mo, pag-ibig
Ohh…oahh…bakit may ganito sa mundo


Bawat hakbang nanaisin pa

Patawad minahal kita ng lubusan
Hindi ko naman sinasadya
At ngayon wala ka na sa akin, sana’y madarama


Mahal ko pa rin si Rodel. Hindi pala ganoon kadali kalimutan ang unang pag-ibig. Lubhang napakasakit pala ng umibig. Ngunit tulad ng sabi ni Mariah, kaligayahan ng mahal mo ang mas mahalaga kung mahal mo talaga siya kahit kapalit nito ang sarili mong kaligayahan.

Ohh…oahh…pag-ibig kay lupit mo, pag-ibig
Ohh…oahh…bakit may ganito sa tao


Sana naman hindi mo iniwang luhaan
Dahil ikaw lang ang tinitibok ng pusong ito


Hindi ko mapigilang panoorin si Rodel na mahimbing na natutulog kahit nakayakap sa kanyang tabi si Nestor. Tila si Rodel lang ang napapansin ng aking mga mata sa bandang iyon ng silid.

Ohh…oahh…pag-ibig kay lupit mo, pag-ibig
Ohh…oahh…bakit may ganito sa buhay ko


Sana hindi natapos ang lahat. Sana hindi na lang naging kami kung ganito lang din mahahantong ang lahat.

"Ang lahat... hmph! At gagamitin pa rin niya ako kahit hindi kami?!! Wala na akong ibang iniisip na gagawa sa akin non kung hindi ikaw lang Rodel. Kung tayo pa rin nung gawin mo sa akin iyong kagabi hindi ako magagalit." ang nasabi ko sa aking sarili nang maalala ko nanaman ang pambababoy sa akin kagabi.

"Ngunit... hindi ganoon si Rodel sa kama... Hindi pa niya nagagawa sa akin yung ganoon... O dahil baka... walang pagmamahal ang mga naganap na iyon kaya ganoon na lang ang lahat?" ang wika ko sa aking sariling nagtatalo.

Isa-isa kong tinignan si Rodel, Randy, at Nestor. Dahan-dahan kong nilapitan at inamoy ang ulo ng bawat isa na lubos kong ikinagulat. Lahat sila'y nakapaligo na kagabi dahil iisa lang ang ng amoy ng buhok nilang lahat. Iisang shampoo lang ang ginamit nilang lahat.

"Nakaligo na silang lahat? Kelan?" ang tanong ko sa aking sarili sa gulat na hindi ko matukoy kung sino ngayon ang yumurak sa akin kagabi.

Dali-dali kong binalikan ang palikuran kung saan nangyari ang panghahalay sa akin upang tiyakin ang anti-dandruff shampoo na naamoy ko sa kanilang lahat. Hindi nga ako nagkamali sa aking inakala. Lahat sila ay nakapaligo na bago pa ako dinala sa lugar na iyon kagabi.

Napansin kong nakasampay ang basa kong shirt sa likuran ng pinto kaya't kinuha ko na ito at isinampay sa aking balikat.

Nang pabalik na ako sa silid ay napansin kong pabagon na si Randy at pumupungas nang tumingin sa akin.

"Good morning Jasper! Ano next natin?" ang masayang bungad niya sa akin.

"Kailangan kong magpakakalmado para hindi malaman ng lahat. Malaking gulo ito." ang sabi ko sa aking sarili sabay bitiw ng isang pilit na ngiti kay Randy.

"Randy... uwi muna ako sa bahay mamaya kung pwede nag-aalala lang ako sa nanay ko. Kung pwede lang sana. Magbibihis na rin ako doon." ang pakiusap ko kay Randy habang kinakabahan namang baka bulyawan niya ako kung makakaabala ako sa praktis namin.

"Ayun lang ba? Gusto mo samahan muna kita sa inyo? Tanghali na lang tayo magpapractice. Kung di ko naman sasabihin sa mga iyon hindi rin naman magkakaroon ng practice ngayon." ang malambing niyang sagot sa akin. Nakakakilabot.

"Salamat Randy! Magligpit muna ako ng kalat natin. Nahihiya kasi ako kay Rodel kung aalis na lang tayo basta." ang sabi ko sa kanya ngunit ang talagang pakay ko ay kumalap pa ng mga ebidensiya upang matukoy ko kung sino ang gumahasa sa akin.

"Yun lang ba? Tulungan na kita. May nakakalimutan ka nga pala... diba sabi ko... Andrew ang itawag mo sa akin?" ang sagot niyang may halong pagtatampo. Agad akong natigilan sa kanyang sinabi at napuno ng pag-iisip sa kanyang katauhan ang aking guni-guni.

"Oo nga pala... Sorry Andrew" ang sagot ko na lang sa kanya na may pilit pa rin na mga ngiti at nagsimula nang magligpit ng mga naiwang ginamit namin kagabi na nasa sahig pa rin. Wala na ang aking suka roon, mukhang nalinis na nila kagabi. Nakakahiya talaga.

Nang matapos kami roon ay tumungo na kami sa ibaba upang maglinis pa habang ang dalawa naman ay naiwang mahimbing pa rin na natutulog.

Sa sala si Randy at ako naman ay sa kusina naglinis. Itatapon ko na sana sa basurahan ang mga wrapper ng mga sitsiryang pinulutan namin kagabi nang mapansin kong may nakapaibabaw sa mga basura na banig ng pitong diazepam at iisa na lang sa mga ito ang hindi pa nabubuksan. Dali-dali ko itong kinuha bago itapon ang aking mga hawak na basura.

"Valium?! Napapalakas nito ang epekto ng alak ah... Sinong umiinom nito?! Sinong may kayang makakuha nito sa kanila?! Hinalo ba ito sa inumin namin kagabi?!" habang sinusuri ang gamot.

"Tol tapos na ako dito sa sala. Tara na tayo sa inyo! Iwan mo na lang muna yung gamit mo na nasa bahay babalik naman tayo doon mamaya." ang masaya niyang sinabi sa akin. Sa gulat ko ay agad kong ibinulsa ang gamot.

"Oo.. handa na ako... tara na..." ang yaya ko sa kanya.

Dali-dali na kaming tumungo palabas tungo sa kanyang kotse at bumiyahe tungo sa amin. Magkatabi lang kami dahil sa tabi na niya ako pinaupo. Kung gaano kami kabilis tumungo sa kotse ay ganoon din ang bagal ng kanyang pagpapatakbo ng kanyang sasakyan.

"Bakit ganyan ka makaupo Jasper?" ang natatawang puna niya sa aking lagay.

"Ah.. eh... wala... masakit muscle ko sa bahaging iyan... bumagsak yata ako... ewan ko ba..." ang palusot kong sagot sa kanya habang inaayos muli ang aking upo. Pilit kong tinitiis ang matinding pangingirot pa rin ng aking nawasak na butas na sinasabayan naman ng pangingirot ng aking ulo.

"Sa Putatan tayo ha?" ang sabi ko sa kanya nang makarating na kami sa tapat ng Toyota. Pilit ko na lang binago ang aming usapan dahil namumuo nang muli ang aking galit sa mga nangyari kagabi.

"Taga Putatan ka pala? Buti ka pa may malapit na 7-Eleven lang sa inyo isang dura lang ang layo." ang natatawa niyang biro sa akin.

"Wala naman akong pambili kaya para saan pa yung ikinalapit nung conevience store na iyon?" ang sagot ko sa kanya.

"May mga kapatid ka ba Jasper?" ang tanong niya matapos niya akong lungunin upang ipakita ang kanyang mga nagungusap na mga mata at matamis na ngiti. Nakakasindak ngunit nakakatuwa rin ang kanyang ginawa.

"Sana pero... nakunan ang nanay ko..." ang malungkot kong isinagot sa kanya habang ako ay nakatitig sa kalsada.

"Bakit nakunan nanay mo?" ang sunod niyang tanong matapos ulitin ang kanyang kaninang paglingon sa akin.

"Randy.. este.. Andrew... Nagdadalang tao kasi ang ina ko noon... naaksidente sa pagmamaneho ng trak ang tatay ko... yun yung naging dahilan siguro kung bakit nakunan si nanay..." ang malungkot ko pa rin sagot sa kanya sabay titig sa kanyang mga mata.

Naapektuhan siya sa aking sinabi at aking mga titig. Mabilis nawala ang saya sa kanyang mukha at tila nakopya niya ang ipininta ng aking mukha.

"I'm sorry to hear that... Jasper... change topic tayo... about me na lang ang pag-usapan natin." ang sagot niya habang nakatitig na siya sa kalsada.

"Oo nga pala no? Sige nga ikaw naman..." ang sang-ayon ko sa kanyang sinabi.

"May kaya kami pero lumaki akong wala ang pag-aaruga ng aking mga magulang. Si mommy at daddy parehong nasa US. Noong maliit pa lang ako, ang nag-alaga lang sa akin noon ay... yung tito ko... na pinsan ni daddy." ang kuwento niya sa akin. May panandaliang bakas na galit sa kanyang mga matang nakatitig sa kalsada nang banggitin niya ang kanyang tiyuhin.

"Dati madalas naman silang umuuwi para bisitahin ako. Pinakamasaya kong araw sa buong buhay ko ang makita ko ulit sila mommy. Pero mula nung grade four ako naging madalang na ang pag-uwi nila pero nagkakausap pa rin naman kami through internet. Nauunawaan ko kung bakit sila ganoon kasi para rin naman sa akin yung ginagawa nila. Buti ka pa, lagi mo kasama mom mo. Mayaman ka sa pagmamahal niya kahit..." ang malungkot niyang ikinuwento sa akin at hindi naman natuloy ang kanyang sasabihin marahil tungkol iyon sa aking yumaong ama.

"Ganun ba Andrew? Salamat ha? Ikaw pa lang ang nakapagsabi sa akin niyan... malungkot din pala ang buhay mo kahit lahat ng gusto mo ay nakukuha mo sa pamamagitan ng pera. May mga bagay ngang hindi talaga kayang bilhin ng pera." ang sagot ko sa kanya.

"Baka mag-iyakan pa tayo, tol. Maiba ako, ano ba yung mga kakantahin ng banda natin?" ang sabi ko naman sabay ngiti sa kanya. Agad din nagbago ang kanyang aura tila nalaman ko na iyon din ang gusto niya.

"Alternative na jazzy... hindi ako masyado maalalam sa genre ng music pero okay lang ba sa iyo mga parang ganon na kantahin?" ang tanong niya.

"Okay lang... para maiba naman... puro na lang din kasi classical yung kinakanta ko. Sana lang bumagay boses ko don." ang natatawa kong sagot sa kanya.

Nakarating na kami sa kanto ng aking tahanan at balak na sanang iwan muna siyang sandali upang magpark sa gilid ng eskinita dahil sa nahihiya akong makita niya ang lagay ng aking pamumuhay. Ngunit mapilit siya kaya wala na akong nagawa kundi ang bigyan siya ng mga paunang sabi sa lahat ng maaari niyang matuklasan tungkol sa akin.

"Ang kulit mo lumakad ngayon Jasper... anong meron?" ang natatawa niyang puna naman ngayon sa hirap kong paglalakad kanina pa. Hindi ko maiwasang magmabagal dahil masakit na talaga ang aking likuran.

"Wala.. hindi yata ako sanay sa shorts mo..." ang palusot ko sa kanya sabay bulaslas ng mga pilit na pagtawa.

Nasa harap na kami ng halos masirang pintuan ng aming tahanan. Pinagmamasdan lang ni Randy ang buong kapaligiran at tila bakas sa kanyang mga tingin ang kanyang awa para sa akin. Ibang Randy ang aking kasama. Inaakala ko kanina ay tutuyain niya ang bawat mapupuna niya ngunit sa pagkakataong ito ay tahimik lang siyang nagmamasid sa buong paligid.

"Nay... si Randy po... boyfriend ni Alice... Kasama ko po siya sa banda siya po ang nagsama sa akin... sasahod po ako sa pagsali sa kanila." ang pakilala ko sa kanya matapos buksan ni inay ang pintuan ng aming bahay.

"Magandang umaga po! Ako po si Andrew... ikinalulugod ko po kayong makilala ng pinakamatalino kong kaibigan." ang bati naman ni Randy sa kanya sabay nakipag kamay sa aking ina.

"Pasok kayo anak... pagpasensiyahan mo na ang bahay namin ha? And.. Ran.." ang nalito namang anyaya ng aking ina sa kanya.

"Andrew na lang po... huwag po kayong mahiya sa akin wala po kayong dapat ikahiya." ang sagot naman niya kay inay habang kami ay papasok na sa aming bahay.

"Anak mukhang mamahalin ang suot mo. Bakit nga pala nagakad kang hindi mo suot yang shirt na nakasampay sa balikat mo?" ang puna ng aking ina sa aking itsura sabay sunod-sunod ang kanyang ubo.

"Pinahiram po ako ni Andrew nay... nasa bahay nila yung gamit ko... umuwi muna sana ako para kumuha ng pamalit bago kami magensayo..." ang sagot ko naman.

"Salamat Andrew ha? Nakakahiya naman sa iyo... Kumain na ba kayo?" ang tanong naman ni inay kay Randy.

"Hindi pa ho eh..." ang nahihiya niyang sagot habang kumakamot ng kanyang ulo dahil nauna pang sumagot ang kanyang tiyan nang tumunog ito matapos marinig ang tanong ni inay.

"Masarap magluto si nanay Andrew..." ang pang-iingit ko sa kanya habang ako naman ay nakangiting ipinagmamalaki ang aking ina.

"Diyan lang kayo mga anak, bibili lang ako ng maluluto ko ha?" ang sabay paalam ng aking ina. Pansin naman ni Randy na wala kaming refrigerator.

"Ay, tita huwag na po... abala lang po... Alam ko na.. saglit lang po..." ang sagot ni Randy sa kanya sabay magalang na nagpaalam at nagmamadaling lumabas ng bahay. Nagtinginan na lang kami ng akin ina sa pagtataka nang siya ay makaalis.

Matapos ang kalahating oras na iniwan kami ni Randy sa aming lagay ni inay ay bumalik siyang may dalang mga supot ng Jollibee. Nanlaki ang mga mata namin sa aming nakita.

"Pasensiya na po eto na kasi pinakamalapit na mabibilihan dito." ang nahihiyang sinabi sa amin ni Randy habang inilalapag sa lamesa ang mga laman ng supot.

"Andrew... nag-abala ka pa... sana..." ang nahihiya kong sinabi sa kanya.

"Ano ka ba Jasper... huwag na kayong mahiya! Pahihirapan pa natin si tita na magluto at maghugas mamaya. Kailangan na rin natin magpractice agad.. eight o'clock na oh.." ang sagot niya sabay turo sa kanyang relo.

"Andrew, anak, ito ang unang pagkakataon na makakakain muli si Jasper ng Jollibee." ang kuwento naman ng aking ina sa kanya sabay ubo ng sunod-sunod na ikinabahala naman ni Randy dahil sa kakaiba na ang tunog ng kanyang ubo.

"Nay naman..." ang nahihiya kong sagot naman sa aking ina habang hinahagod ang kanyang likuran. Tinawanan lang niya ako at hindi naman makasagot si Randy sa kanyang nalaman.

Masaya kaming nagkuwentuhang tatlo tungkol sa school habang nilalasap namin ni ina ang sarap ng pagkaing napakabihira naming matikman. Nang matapos ay kaming dalawa na ni Randy ang nagligpit ibinalik ang mga pinagkainan sa mga supot upang itapon na rin ang mga ito sa aming paglabas ng bahay. Agad akong nagsuot ng aking unang nakuha sa aming aparador na suot pang-itaas. Kumuha muna ako ng pambahay na shorts at pang-itaas bago kami tuluyang umalis na ng bahay.

Naglalakad na kami pabalik at di maiiwasang mapadaan kaming muli sa parlor ni Mariah. Kinakabahan akong lubos dahil nasa labas lang siya ng kanyang parlor at naninigarilyo. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya kaming papalapit. Agad itong kumaway sa akin na pinapupunta kami sa kanya na parang wala nang bukas.

Pansin kong kumunot ang noo ni Randy nang makita niya si Mariah. Naalala kong galit siya sa mga bakla.

"Jasper... ang gwapo namang ng kasama mo... at ang sarap pa ha..." ang agad sa aking bati ni Mariah habang sinusuri si Randy mula ulo hanggang paa. Kinindatan niya akong may ibigsabihin nang magtagpo ang aming mga mata.

Tinaasan ko ng kilay si Mariah upang ipahatid sa kanya na baka makahalata si Randy tungkol sa akin at sa matinding takot. Hindi agad nakuha ni Mariah ang aking ipinahahatid sa kanya.

"Bagay sa iyo ang shirt mong blue ha? Yan ba yung bigay sa iyo nung ex mo?" ang puna naman niya sa aking pang-itaas na suot na hapit sa aking katawan.

"Ah... Oo..." ang kinakabahan kong sagot sa kanya. Sa malayo na nakatingin si Randy. Namumuo na ang malalamig na pawis sa aking ilong at noo sa mga oras na iyon.

"Salamat nga pala kagabi sinabihan mo si inay." ang pangingibang usapan ko.

"Okay lang iyon, ikaw pa Jasper. Isa pa, ayaw ko rin naman nag-aalala iyang inay mo. Parang anak na rin kita at kapatid ko na yang nanay mo." ang sagot naman niya na nagpalubag sa aking damdamin.

"Pakilala mo naman sa akin yang kasama mo! Ang gwapo-gwapo!! Ang sarap-sarap! Bagay kayo!!" ang dagdag ni Mariah punong-puno ng landi at sigla habang pinagmamasdan kaming dalawa.

(itutuloy)




22 comments :

  1. weee nilagyan ni rodel ng valium yung inumin...na gang rape tuloy sya.kawawa nmn..narpe na rape na nga,pinukpok pa ang batok...for sure may scandal na lalabas sa next chapters...ahehe...na remembr ko tly ung experience ko sa isa kong ex...muntik ko ng mainom yung inumin ko na nilagyan nya ng pampatulog...buti nlng dumating best friend ko at nakita nya yun kundi may scadal na ako nw kasi balak pla ng gago na gawAN AKO ng scandal..ayun sapak ang nakuha nya mula sa bff ko at isang sampal at tadyak mula skin..ahehe...barbaric yet he deserve dat treatment ryt?...tnx bossing jeffy for ths chapter...bitin nga lang sa last part...hehe..pero i REALLY LIKE IT!

    next chapter na poh..aheheh...day-off ko sa thursday sana pag open ko may mabasa ako na new chapter..aheheh...tnx ulit bossing

    ReplyDelete
  2. ako nauna sa pag comment..its me who first commented above...teddyRICHIE

    ReplyDelete
  3. nabitin ako.. hahaha..
    i really love your works sir jeff
    keep it up po!!! ^^
    ~Leigh

    ReplyDelete
  4. Thank you Leigh! Will do po for you guys ;-)

    ReplyDelete
  5. salamat sa pag-mention sa akin, i really the twist na akala ko eh mag aagawan na si Randy at Rodel para kay Jasper, hinde pa pala, at may matinding emotion ang nabuo, hehehehe

    thank you talaga and good job Jeffy..

    ReplyDelete
  6. Salamata mcfrancis! Okay lang po may twist pa yan sa chapter 10 lol hintayin ko makakahula lol

    ReplyDelete
  7. talagang kasali ako sa pinasalamatan ah.. hehehe at talagang pinanindigan mo ang Gemini.. pero salamat pa din at kasama parin kami nina mama bear at don sa mga pinapasalamatan mo kahit d na kami masyadong active sa chatbox mo.. maganda ang storya ng salamin kababasa ko lang ngayon from chap 1 to 9.. good luck jefofotz



    -Zekiee

    ReplyDelete
  8. hi mr. author! lagi ako nagbabasa ng story mo kaya lang kinokopya ko at sine-save ko sa phone ko at dun ako magbabasa...di kase ako pede magbasa sa pc masakit kase sa mata...ayos lang ba na kopyahin ko at i-save sa phone ko? hehehe...

    ReplyDelete
  9. hindi pasasalamat yan zekiel... naaalala ko lang kayong lahat..

    emrat08 sorry po hindi ako nagbibigay na ng copy kasi nananakawan na kaming manunulat ng iba... sana maunawaan mo po.. sorry talaga kung hindi ko kayo mapagbibigyan sa bagay na yun... :-(

    ReplyDelete
  10. whew! nice story nanaman..
    ang tagal kong naghabol sa mga kwento nyo...

    :( nabusy din kc...

    nag C++ pla kau... ehhehe

    Btw, nakakalito c randy at andrew...
    cno ba tumira kay jasper?

    SALAMAT po dito...
    GOD BLESS.

    ReplyDelete
  11. nakakabitin... sana araw-araw ay may bagong update... nakakahumaling ang iyong mga kwento...

    saimy

    ReplyDelete
  12. mars & saimy sorry talaga busy na ako sa school kaya mabagal na update ko... malalaman niyo rin eventually kung sino ang tumira kay Jasper.. :-)

    ReplyDelete
  13. (speculate nanaman haha)
    kaya pala doble ang personality ni andrew/randy hehehhe.


    (demanding)
    pdeng pa abutin ng 30 na chapters?

    ReplyDelete
  14. mas ok nga yon eh.. naaalala mo pa kami kahit bihira nalang kami mag online sa chatbox mo.. :D


    galingan mo nalang yung C++ mo pag may problema ka email mo lang ako tulungan kita..

    ReplyDelete
  15. Twist after twist after twist. Galing mo jeffy. La ka pa din kupas... Keep it up nd ingatz ka lagi! :))

    ReplyDelete
  16. tnx jeffykolokoy kasi kasama pa din ako sa list kahit bihira na ako makapag-ol....gudluck sa studies mo. keep safe always..godbless....miss u..

    ReplyDelete
  17. kawawa naman si jasper!! Ayoko mag-isip ng kung ano man sa story, haha basta eenjoyin ko na lang. Ayoko malito . Pero hindi ko parin mapigilan na talagang pag-isipan. Haha! Sino nga kaya ang ng-rape??


    Kinabahan ako para kay jasper dahil dun sa pinaka unang comment, haha! Gang rape? Wag nman sana, wala din sanag scandal!

    Jeff, gustong gusto ko to. Hehe. Galing. Thanks sa bati sakin. Busy din ako eh, hindi kita ma-email, tsaka baka mainis ka na kasi tungkol lagi sa ano ko yung email ko. Pero ngayon, happy kaming dalawa. Haha!


    Goodluck at Ingat lagi.

    --ANDY

    ReplyDelete
  18. sa ibang language na lang zekiel baka dun na kita tanungin hihihi...

    brylle & emray ok lng un busy din ako kaya mabagal na update ko ng story patapos na exams. next week back to normal na ulit ako sa pagsusulat.

    andy.. kelan ba ako nagsawa? lol... sabi naman sau anytime pwede mo ko kausapin diba? hihihihi

    ReplyDelete
  19. cge lang speculate lang kau hihihihi para machallenge ako sa pagloop ng story lalu :-D

    ReplyDelete
  20. ngayon lang ako magcocment...jeffy like the story..ganda ng nilagay mong twist ha...pwede bang manghula? hehehe...child abuse/molested ba si randy/andrew? ksi napatigil sya ng kwento sa tito nya...gusto ko lng malaman ang sa valium kungsino may ari nun...heheheh...bawal yun! hahahaha...naka private ksi yung blog di ko maopen sa phone ko...low class ksi phone ko...hehehhe

    ReplyDelete
  21. parang eksena sa SUACKK yung rape scene.. bigla ko tuloy naaalala sina enzo, erwin at zack hahahaha

    ReplyDelete
  22. actually egG this story IS inspired by SUAACK by kuya Mike Juha po. :-)

    ReplyDelete

Hope to hear from you! Thank you! ^_^