Wednesday, August 31, 2011

Salamin Chapter 26

Links to this post 21 comments :

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Pauna:

Salamat muli sa inyong paghihintay, walang sawang pagsubabay araw araw, at walang humpay na pagcomment sa bawat chapter ng kwentong Salamin na tumutulong sa aking pagsusulat.

Mid-term exams na po namin mamaya at hindi ko maalis sa isipan ang story na ito hanggang di ko maisusulat. Magsusulat pa rin ako ng story bago ako magreview.

Sana'y magusthan niyo po ang mga revelations at kaganapan sa chapter na ito. Maraming salamat po muli at magandang umaga!


Sunday, August 28, 2011

Salamin Chapter 25

Links to this post 21 comments :

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Pauna:

Thank you for patiently waiting and avidly reading my stories as always! Si Almondz at Mars, since Musmos at sa mga walang sawang nagkukumento sa bawat chapter ng aking mga storya, maraming salamat talaga. Hindi ko na kayo lahat mabanggit dahil sa bawat chapter ay nakalagay na ang inyong mga pangalan kasama sa inyong mga puna.


Malaking tulong po sa akin ang mga comment ninyo maganda man o hindi. Challenge naman para sa akin ang mga speculations niyo at ang mga ito ang nagdidikta sa akin kung maganda ba o hindi na ang aking sulatin.


Tungkol sa sulatin, hindi ko po kayang magsulat ng sabay kaya't iisang kuwento lang lagi ang aking ginagawa. Sinubukan ko na po ito pero nahirapan talaga ako. Sa bagay na iyan, may nalaman po akong balita na ititigil ko na daw muna ang "Salamin" para sumulat ng isa pang story. Wala pong katotohanan iyon at kung hindi mismo ako nagsabi, hindi po totoo iyon.


Kung ano man ang dahilan meron ang nagkakalat ng tsismis at kung sino man sila, hindi na sa akin mahalaga iyon dahil wala tayong mapapala sa kanila. Natutuwa pa nga ako sa totoo lang dahil naiintriga na ako kahit wala akong pangalan sa industriyang ito at hobby lang itong ginagawa ko.


Basta para sa akin dito sa site ko, magsusulat ako habang may mga nagbabasa at nagcocomment sa inyo, iyon ang pinaka-essence nitong site na ito. Ang kagandahan lang na nakukuha ko o reward sa ginagawa ko, ay ang pakikipagkaibigan ninyo.


Kahit wala akong planong magtayo ng grupo, sa mga followers ng site ko, subscribers ng feeds, mga nagLIKE ng Facebook page ko para makakuha ng updates, at mga bumibisita kada-oras dito. Kayo nag-uudyok sa akin na huwag kong tigilan itong ginagawa ko.


Maraming salamat po!


Adrianne/dane25 tama na po ang pagpoke sa akin sa FB mabubuntis ako lol


Saturday, August 27, 2011

Salamin Chapter 24

Links to this post 23 comments :

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Pauna:

Salamat sa inyong paghihintay at sa mga walang sawang pagsubaybay at paglalagay ng comments sa bawat chapter ng aking mga sulatin.

Almondz, thanks for telling me na chapter 26 nalagay ko sa Facebook page :) mali hihihi

Hindi ko na patatagalin pa, eto na ang chapter 24 ng Salamin. Sana'y magustuhan niyo po ang chapter na ito.


Thursday, August 25, 2011

Salamin Chapter 23

Links to this post 19 comments :

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Pauna:

Paumanhin po sa pagkadelay ng chapter na ito. Palapit na kasi ang mid-term exams. Next week na actually.

Gusto ko muli pasalamatan kayong mga walang sawang taga-subaybay ng aking mga kwento na patuloy na nagbibigay lakas sa akin sa pagsulat at lalo na ang inyong mga comments at emails sa akin na patuloy ang pag dating.

Sa mga kasamahan ko, sa mga mababait at masisipag na admins ng MSOB, at kay kuya Mike Juha. Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala. Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya sa inyong tulong at suporta para sa ating masaya at lalong lumalaking samahan.


Monday, August 22, 2011

Salamin Chapter 22

Links to this post 22 comments :

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Pauna:

Salamat sa 100,000 views sa inyong lahat since May 2011 to date!!

Pasensiya na po medyo nadelay ang isang ito. Salamat po sa inyong mga puna na aking minemeryenda habang gumagawa ng mga kasunod na chapter. Nakakataba po ng puso lalo na rin ang inyong mga emails sa akin. Sa mga nakikipagheart to heart talk naman, asahan niyo pong sa atin lang iyon. Sana kahit papaano'y nakatulong ang opinyon ko.

Hi to Ramm, numero08, soul, at jakob! Nice to know you're reading my stories po.

Sa mga nanghula kung sino ang namatay sa Chapter 21, tumama ang hula ninyo.

Salamat muli Ms. Dalisay sa pagkakataong makapagshare ako ng stories sa blogsite mo. Ibabahagi ko na po ang kuwentong Musmos sa Fall In Love with Dalisay.


Friday, August 19, 2011

Salamin Chapter 21

Links to this post 41 comments :

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Pauna:

Salamat! Salamat! Salamat! Eto na po ang inyong pinakahihintay! Sana'y magustuhan niyo po ang kasunod na ito.

Hindi ko na po patatagalin pa ang inyong paghihintay.

Almondz at Zekiel, ibang klase kayo. Bilib na bilib ako sa inyo. Salamat at sobrang nakakataba ng puso talaga. Alam niyo na ibig kong sabihin.

Andy, ingat lang friend ha? Basahin mo yung reply ko sa iyo sa email mo.

Jojo Pabon: Sa pustahan niyo jan sa Japan, hindi pa tapos ang story kaya wala pa dapat bigayan ng premyo sa nanalo... bwahahahaha... email mo sa akin pusta mo sabihin ko sa iyo kung sino tama hihihihi


Wednesday, August 17, 2011

Salamin Chapter 20

Links to this post 22 comments :

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Pauna:

Salamat muli sa inyong paghihintay at walang sawang pagbabasa at paglalagay ng inyong mga puna! Iisa lang po ang masisiguro ko sa inyo sa daloy ng kwentong ito. Wala pa po tayo sa kalagitnaan ng buong kwentong Salamin. Sana'y patuloy pa rin ang inyong pag-aabang dahil sisiguraduhin kong magagagawa ko as regular as possible ang updates para sa inyo.

Bilang pangako gusto ko pong banggitin muli ang mga pangalan ng mga taong malapit na sa akin at mga taong madalas maglagay ng kanilang comment sa halos bawat chapter ng story na Salamin:

Gel, Dr.jones, Almondz, Slythex, Dalisay Diaz, khiefblue, rairee, simarkako, akosikimer, lileevsor, zekyme, romainvillaroza, rick, Ms Chuniverse, Andy, Ecko, Mars, randolf (ranran), supermario, teddyrichie, redlions, hans/josh, jhinpaul, Half, ace.raven, wastedpup, dew, Ace, kevin, mcfrancis, jojo/jojo pabon, jaceph elric, brylle, nico, emray08, vince, darkboy13, ecG, Stu, saimy, Leon, bigbro, penshoppe, readymouth, Jasper Paulito, at marc, rushly, Ramm, dane25, Tye Reyes, Jayfinpa, at si Ardonona from Sydney na nakita kong nagiwan ng message sa akin sa chatango.

Sa mga kaututang dila ko dati sa chatroom ng site kong ito. MISS KO NA KAYO AT SORRY abala lang po talaga ako. Rairee at JhinPaul bagama't maraming masaya, malungkot, at masakit akong naranasan sa chatroom na iyan, gusto ko pa rin magkaroon ng pagkakataon na magkausap-usap muli tayong lahat. Iba-iba na kasi oras natin. :-(

Si Raffy, naglaho na rin na parang bula, wala na akong balita sa kanya. Kahit sa emails. Pag kinati talaga ako ng kakulitan tatawagan ko na siya. bwahahaha!! KUYA MAGPARAMDAM KA NAMAN!!

Romrom, lapit ko na makuha phone ko makakaViber na ulit kita bwahahaha!

Dane25/Adrianne: salamat! nabasa ko yung sa chatango. One day you'll get the same number. You need links lang to have it. I know you'll get more than what I have now.

May nagpapanggap na Luigi Chan sa emails, hindi ko sinasagot. Alam niya numbers ko pwede siya makipagkita sa akin kung gusto niya.

Speaking of emails, THANK YOU SA MGA FAN MAILS!! SOBRANG NATUTUWA AKO SA DAMI NG MGA EMAIL NINYO! ;-)


Tuesday, August 16, 2011

Friday, August 12, 2011

Salamin Chapter 18

Links to this post 22 comments :

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Pauna:

Salamat po muli sa inyong paghihintay sa karugtong ng kuwentong Salamin at napakarami ninyong mga comments. Salamat din po sa mga nag-Like sa Facebook page at asahan niyo po na makakareceive kayo ng real-time update sa site ko mula doon bukod. Special mention naman sa dalawa natin follower sa twitter na sina gimakichi09 at iamsiemprebella.

Wala po ako gaanong masabi ngayon bukod sa taos pusong pagpapasalamat sa inyong suporta.

Ikinagagalak ko pa rin pong banggitin ang humahaba kong listahan ng mga kaibigang mambabasa at mga naglalagay ng kanilang mga comments. Nako gagawa na talaga ako ng Hall of Friends sa site na ito para permanent ang names niyo hihihii:

Raffy, Gel, Dr.jones, Almondz, Slythex, Dalisay Diaz, khiefblue, rairee, simarkako, akosikimer, lileevsor, zekyme, romainvillaroza, rick, Ms Chuniverse, Andy, Ecko, Mars, randolf (ranran), supermario, teddyrichie, redlions, hans/josh, jhinpaul, Half, ace.raven, wastedpup, dew, Ace, kevin, mcfrancis, jojo/jojo pabon, jaceph elric, brylle, nico, emray08, vince, darkboy13, ecG, Stu, saimy, Leon, bigbro, penshoppe, readymouth, Jasper Paulito, at marc, rushly, Ramm, dane25, Tye Reyes, Rovi Yuno, at Jayfinpa.

Pasensiya kung hindi pa po ako sumasagot sa emails ngayon hindi pa po kasi ako nagbubukas medyo busy lang hihihi.

Romrom! Sorry nga pala wala akong Viber recently kasi nabagsak ko iPhone ko under repair ngayon. Naglupasay kasi ako sa kabaong ng lola ko sumabit headset ko tapos ayun nahugot sa bulsa ko. Buti na lang di nabasagan pero deads lang siya.


Wednesday, August 10, 2011

Salamin Chapter 17

Links to this post 35 comments :

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Pauna:

Maraming salamat po sa mga walang sawang paghihintay, pagsubaybay, at paglalagay ng inyong mga puna sa bawat chapters ng aking mga istorya. Lalong lalo na sa mga nagpupuyat at nagcocomment agad. Grabe kayo! Amazing! :-)

Hindi po ako abala gaano ngayon kaya’t nakakasulat ako ng inyong sinusubaybayan.

Salamat sa mga nag-aalok sa akin na sumulat para sa inyong mga blog site at pasensiya po kung hindi pa ako nakapagsusulat kahit isa sapagkat nakatuon po ako sa kuwentong Salamin ngayon at di ko talaga kayang pagsabay-sabayin.

Salamat din po sa nag-aalok sa akin na sumulat para sa mga indie film ngunit masyado na po mataas bagay na iyan para sa akin.

Pasensiya po sa mga advertisements, kailangan ko lang ilagay na upang tulong na rin sa akin habang ako’y nag-aaral dahil sa hindi ko na kayang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral na tulad ng ginawa ko dati na halos wala akong tulog sa isang buong linggo.

Kuya Raffy, miss na kita. Gusto kita tawagan pero nahihiya talaga ako. Ikaw ang number one reader at fan ko. Sana ikaw na lang ang image ni Luigi Chan. Sana iisang tao lang kayong dalawa. Musmos? LOL

Muli, gusto kong banggitin ang mga sumusunod na pangalan ng aking mga kaibigan na nakilala ko sa kanilang mga comments/emails/chat:

Gel, Dr.jones, Almondz, Slythex, Dalisay Diaz, khiefblue, rairee, simarkako, akosikimer, lileevsor, zekyme, romainvillaroza, rick, Ms Chuniverse, Andy, Ecko, Mars, randolf (ranran), supermario, teddyrichie, redlions, hans/josh, jhinpaul, Half, ace.raven, wastedpup, dew, Ace, kevin, mcfrancis, jojo/jojo pabon, jancep elric, brylle, nico, emray08, vince, darkboy13, ecG, Stu, saimy, Leon, bigbro, penshoppe, readymouth, Jasper Paulito, at marc, rushly, Ramm, dane25, Tye Reyes, Rovi Yuno (of TFE, Unbroken, Strangers & Angels, at MSOB ).

Solid MSOBians like me kita-kits po sa weekend! I’ll be on the cooking committee din to cook for you guys sa GEB. Makikita na natin si KUYA MIKE!!!!!!


Sunday, August 7, 2011

Salamin Chapter 16

Links to this post 30 comments :


by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com


Nakatayo si Rodel akay ang aking nanghihina nang ina. Mas nakuha ng aking ina ang aking pansin nang makita ko sila.

Puno ng dugo ang kanyang damit mula sa kanyang dibdib tungo sa bandang puson na tila gumapang na paibaba sa dami. Parang natapunan lang ng isang basong kape ang kanyang daster ngunit sana’y kape na lamang ito.

Malalim na ang kanyang mga mata at mataas na ang kanyang mga balikat sa tindi ng hirap sa paghinga at madalas na pag-ubo. Ilang gabi na rin siyang di makatulog dahil dito. Hindi makakain dala ng kawalan ng gana sa pagkain. Sa madaling salita, bumibigay na ang katawan niya.

Nakakapit na siyang sumandal sa pinaka poste kung saan nakakabit ang pintuan ng parlor pilit umaalis sa alalay na bigay ni Rodel. Lubhang napakapayat na niya ngayon. Tila hindi tumatalab ang mga iniinom niyang gamot sa kadahilanang ilabg beses na rin natigil ito sa kawalan ng pera. Ang pambili namin sa pagkain ay ilang beses na rin namin nagasta para bumili kahit ng kanyang antibiotic.

“NAY!!!!!!” ang sigaw ko sabay karipas ng takbo tungo sa kanya upang saluhin siya sa kanyang akmang pagbagsak sa tarangkahan ng pinto. Agad ko naman siyang nasalo ngunit sa natitira niyang lakas ay itinulak niya akong palayo. Nasalo ko na lang siya sa aking mga hita nang ako’y mapaupong paluhod inaalala lang na baka siya mabagok sa sahig.

“Anak, mahahawa ka! Gusto lang kitang kausapin.” ang wika niyang hinang-hina na sabay pakawala ng puwersadong ubo kung saan ang nakatakip niyang kamay ay nabugahan niya ng may karamihang dugo. Winisik niya ito sa sahig at tinitigan niya ako ng kanyang mga naluluhang mga mata.

“Nay! Bakit pa kayo pumunta dito hindi niyo na lang ako hinintay sa bahay! Uuwi naman ako agad pagkatapos ko maglinis nitong parlor! Nay!” ang paninisi ko sa kanya sa kanyang lagay pilit pinipigilan ang aking matinding awa at takot na nararamdaman sa mga oras na iyon.

“Anak, mahina na ako at di na kaya ng katawan ko ang mga gamot. Huwag ka sana magalit sa akin o kay Mariah. Itong huling punta namin sa duktor ay sinabi ko kay Mariah na huwag sasabihin sa iyo ang...”

“Basilia!!!!!” ang nakabibinging sigaw ni Mariah na nakatayo na pala sa harapan ng parlor kita kami ni inay sa bukana ng pintuan. Nagmamadali siyang lumapit sa akin di pansin si Rodel at kinuha niya sa aking mga bisig si inay at inabutan niya ako ng kanyang panyo upang itakip sa aking bibig at ilong. Itinaboy ko lang ito at niyugyog si inay na nasa mga bisig na ngayon ni Mariah.

“Nay!!! Ano yung hindi niyo sa akin sinasabi ni Mariah?!!”

Agad kong nilingon si Mariah na puno ng awa ang aking mga mata. Awa lang din at pagsisisi ang nakita ko sa mga lumuluhang mata ni Mariah.

“Mariah?! Ano yung sinasabi ni inay na hindi mo pwede sabihin sa akin?” ang pagmamakaawa ko sa kanya.

Si inay ay umuubo na ng umuubo habang umiiyak. Tila kawalan ng pag-asa ang nakita ko sa mga mata nila. Gulong-gulo na ako at takot na takot sa isang lihim na hindi ko na mahintay marinig mula sa kanila.

“Sorry, Jasper. Pinakiusapan kasi ako ni Basilia na huwag na sabihin sa iyo. Kaya hindi ako tumutulong na sa pambili ng gamot ay dahil sa nalaman na namin na kailangang taasan na niya ang dosage niya dahil sa pagliban niya sa pag-inom ng gamot kadalasan ay lumakas ang sakit ng inay mo. Hindi rin pwede ang doble dahil sa gamot na ipinaiinom sa kanya nagkaroon na rin ng complications sa liver inay mo.” ang pag-amin niya sa akin sabay abot sa aking kamay na nakakapit sa braso ni inay upang ito’y pisilin.

Nabigla ako sa aking narinig at di na nakapagsalita pang tinitigan na lang ang aking inang kasing puti na ng papel ang mukha ang pagkakaputla. Tinitigan ako ng aking ina na may pilit na mga ngiti ang kanyang labi.

“Anak, ayaw na kitang pahirapan pa. Gusto kitang mamuhay ng masaya at gusto kong mamuhay ka na para sa iyong sarili. Pasensiya anak kung hindi ako masyadong magtatagal sana patawarin mo ako. Masaya ako kahit paano’y alam kong kaya mong abutin ang lahat ng gusto mo sa buhay. “ ang wika niya sa akin habang umaagos ang mga luha sa kanyang mga pisngi. Agad akong yumakap sa kanya ng napakahigpit na tila wala nang bukas na naghihintay. Di ko na pansin kung mahahawa ako sa kanya at sa mga dugong sumalin na rin sa aking dilaw na shirt. Hindi ako nakuntento sa mga yakap kaya’t hinalikan ko pa siya ng paulit-ulit sa kanyang noo at mga pisngi.

Si Rodel ay walang nagawa kung di ang panoorin lang kami sa aming lagay at maawa.
“Nay!!! Huwag kang magsalita ng ganyan inay!!! Sabi mo gusto mo akong makitang magtapos ng college!! Sabi ko sa iyo pagkagraduate ko magtatrabaho ako at kikita ako ng limpak para gumanda buhay natin!!! Huwag na huwag mo akong iiwan nay!!!” ang pagmamakaawa ko sa kanya. Naninikip ang aking dibdib parang gusto nang lumuwa ang aking puso palabas sa sakit ng aking damdamin na takot mawalan ng natatanging kapamilya.

“Anak, hindi mo man sa akin sinasabi pero alam ko na ang pagkatao mo mula pa nang naging kayo ni Rodel. Ibang saya ang nakikita ko sa iyo mula noong magkakilala kayong dalawa. Ang mga kinukuwento mo sa akin noon na ginagawa niya, mga binibigay niya sa iyo, at ang parating pagsasama niyong dalawa ang nagbigay sa akin ng idea. Hindi kita ikinahihiya anak dahil kahit ganyan ka, higit ka naman sa isang tunay na lalake. May paninindigan ka, responsable ka, matalino ka, at bukod sa lahat, maabilidad. Kaligayahan mo ang nais ko, sana’y magkaayos kayo ni Rodel. Kung hindi man, gusto kong maging kayo ni Andrew kung sa lalake ka rin lang mapupunta. Ina mo ako, alam ko kasi anak kita.” ang mga wika naman niyang pilit kumurot sa aking puso habang matamis ang kanyang mga ngiti.

“Nay! Hindi bakla si Andrew.” ang natatawa kong sagot sa kanya. Binalot naman ng pagtataka ang mukha ni Rodel kung sino yung tinutukoy ni ina na Andrew ang pangalan.

Humagulgol kaming dalawa ni Mariah sa sinabi ng aking ina. Lalong humigpit ang yakap ko sa kanya sa kahit kaunting kaligayahang dulot ng pagkakaalis ng tinik na matagal nang nakatusok sa aking damdamin sa lihim kong itinago sa aking ina.

“Salamat, inay...”

“Nagugutom na ako. Magsiligo nga kayong tatlo agad baka kayo mahawa. Uminom kayo agad nung antibiotic pag dating niyo sa bahay. Alalayan niyo ko pauwi ng bahay.” ang wika ng aking ina. Natawa kami sa pagtataray ng aking ina na unang beses lang din namin nakita ni Mariah.

“Mana pala sa iyo si Jasper. Kasing taray mo anak mo. Buti na lang nakapambahay pa lang ako wala akong susuutin ngayon kung nataon pag ginupitan ko na mga suki ko.” ang wika ni Mariah na tinawanan ng aking ina at ni Rodel.

Inalalayan namin siya pauwi ng bahay at nagpaalam na si Mariah nang maihiga na namin si inay sa kama. Agad naman kami naligo ni Rodel ng hindi sabay tulad ng bilin ng aking ina bago ako nagsimulang magluto ng aming almusal. Humiram muna si Rodel ng aking pambahay pamalit bilang pagsisigurado kahit nakainom na kami ng gamot.

“Anak, kuwento ka naman ng tungkol sa inyo ni Rodel mo.” ang pakiusap niya sa akin habang ako’y naghihiwa ng bawang sa hapagkainan namin. Nahiya ng kaunti si Rodel sa kanyang narinig at napayuko na lang sa sahig.

Tagilid siyang nakahiga sa kanyang papag pinanonood kaming dalawa habang ako nama’y abala sa aking gawain. Si Rodel ay nasa aking tabi lamang at tahimik na nakikiramdam sa amin. Nahihiya marahil dahil alam na ng aking inay na naging magkasintahan kami.

“Nay, si Rodel, niligawan po ako nung start pa lang ng classes. Nagkita kami sa lobby nung nag-eenrol po ako, nagtanong ako sa kanya kung saan ako pupunta. Since ahead siya sa akin ng isang taon at alam na niya pasikot-sikot sa school, inalok niya akong samahan na daw niya ako. Naging magkaibigan kami mula noon. Tapos, napansin ko na lang isang araw na iba na yung mga titig niya sa akin hanggang sa ayun nililigawan na pala niya ako, nagkagusto naman ako sa kanya.... Ayun.. Ganun lang...” ang kuwento ko sa kanya na nagpabagal sa akin sa aking ginagawa ngunit hindi naalis ang aking titig sa aking hinihiwa. Natatawa naman si Rodel na kanina pa nananahimik habang binabalikan din ang aming nakaraan.

“Anak pipikit lang ako ha? Gisingin mo na lang ako kapag naluto na iyan. Kuwento ka pa, naaalala ko tuloy yung mga araw na nililigawan din ako ng itay mo.” ang sagot naman niya sa akin.

Tinignan ko siyang pumikit habang nakangiti pawang inaalala ang kanila ni itay o ginuguhit sa kanyang isipan ang aking mga nakaraan kay Rodel habang patuloy naman ako sa pagluluto.

Nakapagsaing na ako’t inaahon na sa mantika ang pritong tinapang galunggong. Nilingon ko siya at nakitang mahimbing na ang tulog niya. Hindi na ako nagpatuloy sa aking pagkuwento.

“Nay, kakain na po tayo.” ang imbita ko sa kanya habang inihahanda na ang aming mga gamit pangkain. Hindi siya sumagot. Pinagmasdan naman siya ni Rodel na nagtataka sa lagay ng aking ina.

Nilapitan ko siya at marahang tinapik-tapik sa kanyang hita.

“Nay? Gising na po inay. Kakain na po tayo. Nay?” ang sabi ko sa kanya habang inuuga na siyang marahan para gumising. Hindi pa rin siya nagigising. Napailing na si Rodel sa kanyang nasaksihan.

Binalot agad ako ng takot at pagkabigla sa hindi pagsagot ng aking ina. Hindi ko mapigilang maalis sa aking isipang patay na ang aking ina sa mga sandaling iyon. Napalakas ang pagyugyog ko sa kanya. Agad lumapit sa akin si Rodel upang haplusin ang aking likuran.

Di ako nakuntento, kumapit ako sa magkabilang braso niya at inuga siya habang patuloy na tinatawag siyang gumising.

“NAY!!!! KAKAIN NA TAYO INAY!!!! GISING NA NAY!!!!!” ang sigaw kong panawagan sa kanya sa abot kaya ng aking lalamunan. Wala na akong pakialam kung marinig ng mga kalapit bahay.

Bumuhos ang mga luha sa aking mga pisngi nang matanggap kong hindi lang natulog ang aking ina. Niyakap ko siyang mahigpit di alintana ang malagkit na dugong natuyo na sa kanyang mukha at dibdib.

Gusto kong magalit ngunit hindi ko magawa. Gusto kong matuwa dahil tapos na ang paghihirap niya ngunit hindi pa rin dahil sa ako’y ulilang lubos na. Hindi ko na alam ang aking gagawin sa mga oras na iyon.

“Jasper... Tahan na... Masaya na nanay mo, tapos na ang paghihirap niya. Tutulungan kita sa pagaasikaso ng libing ng inay mo...” ang pagpapalagay naman niya sa akin. Agad siyang umalis sa aking tabi at may kinuha sa bulsa ng kanyang suot na shorts kanina na envelope na puti. Hindi ko na siya pinansin dahil abala ako sa pagtangis sa pagkawala ng aking natatanging kapamilya.

Kinalabit niya ang aking likuran nang makabalik siya sa aking tabi upang iabot sa akin ang puting envelope.

“Ano yan?! Pera?!! Hindi na maibabalik ng perang iyan ang buhay ng nanay ko!! Huli na ang lahat!! Bakit ka nga pala nandito, Rodel?! Hindi ka ba masaya sa buhay mo ngayon na lahat nasa iyo na kailangan mo pang makita na nawalan ako ng isa sa mga natatanging pinahahalagahan ko sa buhay?! Ano?!! Masaya ka na bang makitang patay na ang ina ko?! Matapos niyo akong babuyin ni Randy?!!!!” ang galit kong bulyaw sa kanya. Sa di ko maintindihang dahilan ay poot ang agad na napuno sa aking dibdib nang makita ko si Rodel na inaabutan ako ng envelope na puting kutob ko’y pera ang laman. Hindi naman siya nakasagot sa akin at nabigla lang sa aking nasabi ukol sa bintang ko sa kanya at kay Randy.

Lahat sila kaya ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng pera, kami ay wala ni isang kusing. Namumuhay kaming isang kahig isang tuka lamang at dahil dito wala na ang aking ina. Sa mga oras na iyon, tila nakabuo ako ng sama ng loob sa mga mayayaman.

“Lumayas ka Rodel! Lumayas ka sa harap ko! Bigay mo naman sa akin yang mga suot mong iyan kaya’t huwag ka nang magpalit! Huwag ka nang babalik dito!” ang utos ko sa kanya habang nakaturo sa bukas naming pintuan. Hindi na siya nakipagtalo. Agad siyang lumabas matapos iwan sa tabi ng aking inay ang ibinibigay niyang envelope. Sabay niyang kinuha ang kanyang mga hinubad na damit palabas ng aming pintuan.

Lumipas ang isang oras na tumatangis ako sa tabi ng aking ina. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Balot na ng matinding pangungulila ang aking kalooban. Sa huling pagkakataon ay tumabi ako sa kanya na parang bata hanggang sa maramdaman kong unti-untian nang lumalamig ang katawan niya.

Bumangon ako sa kama matapos ang isang sandali nang kahit ang noo niya’y wala na rin kahit kaunting init. Muli ko siyang pinagmasdan at nakitang parang natutulog lang ang aking ina. Kinuha ko ang nakabalunbon niyang kumot na nasa kanynag tabi at ibinalot ito mula kanyang talampakan hanggang sa kanyang ulunan.

“Basilia?!” ang bulalas ni Mariah nang makarating siya sa harapan ng aming pintuan. Hindi na ito nagpatumpiktumpik pa at yumakap sa aking upang umiyak din. Nag-iyakan lamang kaming dalawa hanggang sa kami ay napagod na. Umupo kaming magkaharap sa mga silyang naiwan namin ni Rodel kanina.

“Ako na ang maghahanap ng punerarya at paglilibingan ni Basilia sa pampublikong sementeryo dito sa Muntinlupa. Nalaman ko agad kanina pag daan ni Rodel sa tapat ng parlor kanina. Pinalayas mo daw siya. Sabi niya babalik pa rin daw siya at pasensiya na kung dalawang libo lang ang naidagdag niya kasi yung lang ang laman ng wallet niya hindi pa siya nakapaglabas sa ATM niya. May limang libo daw yung envelope na puti. Gamitin mo na daw rin yun. Suhol daw sana sa iyo yun para bumalik ka sa banda ninyo.” ang wika ni Mariah sa akin sabay abot niya sa akin ng dalawang libo na galing kay Rodel.

Nilingon ko ang punting envelope na naiwan ko sa tabi ng aking ina. Kinuha ko ito at inabot kay Mariah.

“Ikaw na bahala sa pera Mariah, kung ano man ang kukulangin sana pautangin mo pa rin ako. Sa pagkakataon naman na ngayon sigurado akong karamihan sa kikitain ko sa paghahanapbuhay ipambabayad ko na sa mga utang ko namin sa iyo.” ang sabi ko naman sa kanyang hiyang-hiya na ngunit kapit na ako sa patalim upang mahimlay lang ng maayos ang aking ina sa kanyang huling hantungan.



Tulad ng pangako ni Mariah, siya mismo ang naglakad ng punerarya at libingan ng aking ina. Bukod dito, tumulong din siya sa pag-aasikaso ng mga nakiramay sa aming mga kakilala namin at upang makabawi sa nagastos ay nagpasugal na lang kami sa burol ng aking ina.

Sa huling gabi ng burol ni inay habang abalang nagtotong-its si Mariah at ang ng iba pang mga naroon sa labas ng aming tahanang gutay-gutay na nagkaroon ng liwanag salamat sa nahiram na generator. Madaling araw na ng mga oras na iyon.



“Hoy! Huwag ka muna umuwi! Gusto ko pa makabawi sa pabiskwit at pakape ko no.” ang pangungulit ni Mariah sa isa niyang kasugalan.

Nakaupo lamang ako sa kanyang tabi na pinagmamasdan ang kanyang pakikipaglaro habang nilalanghap ko ang bawat buga niya ng kanyang sigarilyo. Ilang araw din akong hindi nakatulog mula nang mamatay ang aking ina. Tila manhid na pareho ang aking katawan at damdamin sa lahat ng mga nangyayari sa akin.

“Hoy, Jasper. Kumain ka na! Puro ka na lang biskwit di ka na kumakain ng kanin! Heto, pumunta ka muna sa lugawan sa kanto at kumain ka doon. Hindi ko kakayanin na magburol agad ng isa pa ngayon. Buti na lang may mga nalapitan tayo sa gobyerno at yung DSWD malaki ang naitulong sa atin.” ang sabi niya sa akin matapos ibaba ang kanyang binalasang deck ng baraha sabay abot ng isang daan mula sa mga perang nasa tapat niya sa ibabaw ng mesa.

“Busog pa talaga ako sa kape at biskwit kanina, Mariah.” ang tanggi ko sa kanya sabay tulak palayo ng kanyang kamay habang nakatingin ako sa aking mga paang pinagkikiskis ko dahil sa kati ng kagat ng mga lamok na dumapo dito.

“Hay nako! Tama na ang drama! Kung buhay pa si Basilia sigurado ako magagalit sa iyo ‘yon.” ang wika niyang nababanas.

“Oh... Tignan mo kung sino ang parating. Huwag kang mag-aamok ha?! Igalang mo nakaratay mong inay.” ang babala niya sa akin nang makita niya sa di kalayuan ang parating na bisitang makikiramay.

(itutuloy)




Salamin Chapter 15

Links to this post 12 comments :

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Pauna:

Maraming salamat po muli sa mga nagpahabol ng kanilang pakikiramay at sa mga nageencourage po sa akin. Okay na po ako ngayon.

Pasensiya na po kung hindi ako nakasagot agad sa mga emails ninyo dahil natambakan ako mula nung nawala si lola.

Muli, salamat po sa aking mga tagasubaybay at sa mga walang sawang nagpopost ng kanilang mga puna sa mga chapters ng aking mga kuwento.

Raffy, Gel, Dr.jones, Almondz, Slythex, Dalisay Diaz, khiefblue, rairee, simarkako, akosikimer, lileevsor, zekyme, romainvillaroza, rick, Ms Chuniverse, Andy, Ecko, Mars, randolf (ranran), supermario, teddyrichie, redlions, hans/josh, jhinpaul, Half, ace.raven, wastedpup, dew, Ace, kevin, mcfrancis, jojo/jojo pabon, jancep elric, brylle, nico, emray08, vince, darkboy13, ecG, Stu, saimy, Leon, bigbro, penshoppe, readymouth, Jasper Paulito, at marc, rushly, Ramm, at maraming mga Anons.

Huli sa lahat, maraming salamat po sa 57 kong followers sa site kong ito. Parami kayo ng parami kaya naman nakatataba talaga ng puso at nakakaganang pag-igihan ko pa ang aking pagsusulat.


Thursday, August 4, 2011

Salamin Chapter 14

Links to this post 22 comments :

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Pauna:

Lubos po akong humihingi ng paumanhin sa katagalan ng matagal ko nang natapos na chapter na ito ng Salamin sa kadahilanang nawalan kami ng internet connection dala ng bagyong nakalipas at ang pagpanaw noong Sabado ng aking pinakamamahal na lola na tumayo bilang ina sa aming magkakapatid at nag-aruga sa amin na higit sa pag-aaruga na binigay sa amin ng tunay naming ina mula ng kami ay ipinanganak hanggang sa binawian na siya ng buhay.

Maraming salamat po sa mga nakiramay at nakihatid ng kanilang pakikiramay sa Facebook, sa aking chatroom, etc.:

Rovi Yuno, Dalisay Diaz, ,Lileevsor, Rairee16, TeddyRICHIE, JhinPaul, Andy, Almondz, Ernesakajunjun, josh, Leigh, Akosikimer, Khiefblue, Rick, at Chester. Sa aking mga officemates dati sa HSBC salamat din po.

Special thanks to Zekiel Palacio (Zekyme) who was there for me to communicate with you guys regarding sa nangyari recently sa buhay ko bukod sa kanyang pakikiramay.

DR.Jones: Salamat po muli sa iyong payo dahil kanina lamang ay nakitaan ng sintomas ng tuberculosis si Eric at bukas mismo ay pupunta kami sa health center nila sa BiƱan, Laguna. The knowledge you have shared proved very helpful.

Salamat pa rin sa inyo na patuloy na nag-aabang at nagbabasa ng aking mga kwento:

Raffy, Gel, Dr.jones, almondz (Hari ng comments hihihi), slythex, Dalisay Diaz, khiefblue, rairee, simarkako, akosikimer, lileevsor, zekyme (bwahahaha! we're back in the business), romainvillaroza, rick, Ms Chuniverse, Andy, Ecko, Mars, randolf (ranran), supermario, teddyrichie, redlions, hans/josh, jhinpaul, Half, ace.raven, Dalisay Diaz, wastedpup, dew, ace (rereply ako sa email mo kakabukas ko pa lang po), kevin, mcfrancis, jojo/jojo pabon, jancep elric, brylle, nico, emray08, vince, darkboy13, ecG (go lang sa comment!), saimy, Leon, bigbro, penshoppe, readymouth, Jasper Paulito, at marc, rushly, Ramm, at maraming mga Anons.