Saturday, September 3, 2011

Salamin Chapter 28


by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Pauna:

Salamat po sa inyong mga puna sa chapter 27 ng story na ito at sa masugid ninyong pagsubaybay. Dahil sa iyong walang sawang paghihintay at sa dami ninyong nagbabasa sa story na ito binibilisan ko na ang updates.

May average of 700 viewers and bawat chapter nito according sa statics per posts on a daily basis. Nakakatuwa po talaga. Pati na rin ang pagdami ng aking mga followers sa site na ito at sa Facebook page natin na nagsisilbing means of receiving updates lang sa Facebook account niyo. Hindi ko po kayo bibiguin bilang pasasalamat sa pagshare niyo sa mga kakilala niyo ng site/stories ko.

The numbers don't matter but they prove me that you guys are liking my stories. Sana huwag kayong magsawa sa pagbibigay niyo ng comments maganda man o hindi kahit through email lang. Malaking tulong po kasi sa akin iyon para maimprove ko ang pagsusulat ko.

Will wait for your positive and negative comments on this one again guys. Request lang po, please focus on the material content or your reaction to the posted chapter lang and not on the possible flow of the story when you comment kasi it'll push me to twist the story more and it won't help me improve my writing style. Sige kayo sasakit ulo niyo hihihihi

Note to

Raffy: Kuya, huwag mo kong itulad sa alimango... tong tong pakitong kitong ka pa jan ha... hmph! lobster ako... hihihi Sira ulo ka talaga Raffy.




"H-hindi pa rin eh. Ang hirap. Hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula." ang kinakabahan kong sagot sa kanya. Hirap na pinuno ko ng laway ang aking bibig upang lumunok linisin ang aking lalamunang nanunuyo sa nerbyos dala ng maamo niyang mukhang may matamis na ngiti na matagal ko na hindi nakikita.

"Akala ko ba matalino ang bunso kong kapatid?" ang mala-batang nagmamaktol niyang sagot sa akin. Tumayo siya ng tuwid at nakasimangot. Naglakad ng kaunti sabay patalikod na ibinagsak ang kanyang katawan sa kama sa aking tabi. Tinapik niya ako sa likod upang lingunin siya.

"Paano ka na ngayon bunso? Bakit ka ba naglayas?"

"Ayaw mo ba? Aalis na lang ako. Pasensiya na talaga sa abala." nahiya akong lubos sa tanong niya sa akin. Babangon na sana ako upang umalis ngunit pinigilan niya ako agad sa aking kaliwang brasong hinila niya pabalik sa kama.

"Gusto nga ni kuya na nandito ka ngayon. Nanabik ako sa iyo... Sa kulitan natin kahit minsan lang nangyari. Pansin mo na rin siguro sa school na umiiwas na sa akin ang mga classmates at kaibigan ko sa school. Iiwasan mo na rin ba ako?" ang malambing ngunit nakakaawang sinabi niya na nagdala ng kurot sa aking damdamin.

Hinarap ko siya."Hindi naman sa ganoon. Nahihiya lang talaga ako."

"Nagtatanong lang kasi si kuya. Gusto niyang malaman kung kamusta na si bunso. Ano ba kasi nangyari sa iyo? Bigla ka na lang nagbago."

Humiga ako sa kanyang tabi ng marahan. Sa sobrang lapit namin ay nagkiskisan ang aming mga braso. Nakiliti ako sa balahibo niya kaya't di naiwasang humagikgik akong sabay bangon. Natawang nagtaka lang siya sa nangyari sa akin.

"Ano nakakatawa? Ayaw mo naman sagutin si kuya eh." tanong niya sabay hila ulit sa akin pahiga sa kama sa kanyang tabi.

"Wala!!! Nakiliti kasi ako sa balahibo mo!" ang natatawa kong sagot sa kanya habang nakaturo sa kanyang braso.

"Ah! Ganun pala ha?" sabay kapit niya ng mahigpit sa aking braso at marahan na ikiniskis iyo sa kanyang braso upang ako'y makiliti at humalakhak na sa pagtawa hanggang sa magmakaawa akong tigilan na. Naninikip na ang aking dibdib at nananakit na ang aking tiyan ngunit patuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa. Hindi ko magawang kumawala sa kanyang kapit.

Matapos ang isang saglit, tumagilid siya paharap sa akin. "Di nga? Anong nangyari sa bunso ko para maglayas?" tanong niya habang pinagmamasdan ang gilid ng aking mukha.

Umayos ako paharap sa kanya. Hindi ko pa rin maalis ang ngiti sa aking mukha sa matinding kiliting naiwan sa aking balat na hanggang sa oras na iyon ay nararamdaman ko pa rin kahit tumigil na siya.

"Kuya, nung tumugtog tayo sa Padi's sa Metropolis, pinatay si Mariah ng jowa niya." isang katahimikan ang namagitan sa amin at parehong nawala ang mga ngiti sa aming mukha.

"Yung gagong nanggulo nung lamay ng nanay mo?" ang paninigurado niya.

"Oo, yun iyon. Siya yun." ang mahusga kong pagsang-ayon na parang ako mismo ang nagtuturo sa madla na si Abet iyon. Nakapagtataka nga lang dahil awa ang nakita ko sa mga tingin ni Simon.

"Kawawa naman siya. Nahuli na ba?" ang sabi niyang di ko inaasahan. May pakialam siya at awa para sa isang taong nambastos sa kanya na dati'y halos gusto niyang banatan.

"Nahuli na. Di ka kasi nanonood ng balita. Siya rin daw yung pumatay kay Nestor at Vincent. Connected daw sa drugs." ang sagot ko sa kanya sabay haplos naman niya ng buhok sa aking noo pataas.

"Boring ang news bunso eh. Alam mo naman si kuya walang hilig sa mga ganyan."

"Sira ka talaga. Anyway, nanirahan pa rin ako sa bahay na iyon kasi pumayag yung pinsan niyang si Tetay na kupkupin ako pero huthot tapos inalipin lang ako. Alam mo ba, kuya?" ang parang batang pakikipag-usap ko sa kanya. Napakagaang ng pakiramdam ko sa mga oras na iyon. Ang sarap pala ng may kuya, parang lahat ng gusto kong sabihin masasabi ko sa kanya. May mga bagay na pwede kaming pag-usapan na hindi namin napag-uusapan ni Rodel. Kakaiba ang pakiramdam na kapatid ang kasama at kakaibang saya rin ang dulot nito sa akin. Sa isang banda pilit kong iniwasan na dalin sa aking isipan sa oras na iyon si Rodel. Ayaw kong malungkot. Masaya na ulit ako at baka kinalimutan na rin niya ako. Parang ayaw ko na umasa kahit sa loob ng higit isang taon ay nagnanasa pa rin akong makapiling siya.

"Ano yun bunso?" ang parang nakatatandang kapatid niyang sagot. Masasabing parang naglalaro na kami. Umaarte sa katayuang kailangan ng bawat isa. Ako bilang bunso at siya naman ang kuya.

"Pinakakadiring pinapagawa nila sa akin, pinalilinis nila sa akin yung kubeta pagkatapos nila mag-pupu tapos di pa nila binubuhusan man lang! Kadiri" parehong nakangiti kaming dalawa ngunit kunot ang aming mga mukha sa pandidiri. Naiisip marahil ni Simon kung ano ang itsura.

"Yaaaakkk!" ang nakakatawang reaksyon ni Simon habang nanlalabas masok ang kanyang dila sa kanyang bibig na halatang diring-diri sa kanyang mga naiisip sa mga oras na iyon. Natawa ako sa kanyang itsura.

Hinaplos niyang muli ang buhok sa aking noo paitaas. "Kawawa naman pala ang utol ko. Buti na lang lumayas ka na pero sana hindi ka na naghintay ng ganoon katagal. Dito ka na lang, ako ang bahala sa iyo. Ipapaalam kita kila mommy at daddy. Hindi humihindi yung mga iyon sa gusto ko."

"Kung alam mo lang. Kung alam mo lang." ang sabi ko sa sarili habang pinagmamasdan ang walang alam-alam na si Simon. Naisip kong sorpresahin siya kaya.

"Salamat per sandali lang ako dito. Maghahanap ako ng trabaho, titigil na rin muna ako sa pag-aaral ko. Kung kikita na ako ng sapat, bubukod na ako para mamuhay." ang sagot ko sa kanyang nagpapangap at hirap na pinipigilan ang sarili na matawa habang unti-untiang nalulungkot ang mukha ni Simon na nakikinig sa akin.

"Ganun ba? Hindi ba kita pwedeng pilitin na dito na lang tumira? Dito ka na lang magtrabaho kung gusto mo." ang panunuyo niyang umaasa.

"Parang ang pangit kasi kuya. Hindi ko nakikitang magiging katulong niyo ko dito tapos ganito tayo? Hindi rin ako magtatrabaho. Baka kung ano pa isipin ng mga tao dito sa inyo at makarating ito sa kung sino. Ayaw ko rin ng chismis. Alam mo namang baby girl ang bunso mo eh. Mahirap na." ang kunwari kong paghindi sa kanya.

Nalungkot si Simon. May mga bagay talagang hindi kaya ng pera, isa ito sa mga bagay na gusto niyang di kaya ng ano mang halaga.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili. Unti-untian na akong bumigay sa pagtawa. Hindi niya maunawaan ang dahilan kung bakit ako tumatawa sa naging usapan namin. Pilit niya akong tinanong kung bakit ngunit hindi ko siya sinasagot hanggang sa nainis na siya. Tumayo na siya sa kama at tumungo sa labas ng silid. Matapos ang ilang sandali ay nagdadabog itong bumalik sa aking tabi.

"Ipinaayos ko na kay manang yung room mo. Dito ka muna matutulog ngayong gabi pero bukas dun ka na sa room ni kuya magstay." ang nagtatampo niyang sinabi sa akin. Hinayaan ko lang siya. Hindi ko pa rin mapigilan na mangiti ng lubos. Ang hirap itago sa kanya ang isang bagay na alam kong ikaliligaya niya.

"Thank you kuya!" ang masigla kong sinabi sa kanya sabay bangon sa kama. Sa unang beses, nagawa kong asarin si Simon ng hindi niya alam.

Nilingon ko siya sa kama. "Thank you!"

"Kamusta na kayo ni Rodel?" ang seryosong tanong niyang di ko inaasahan. Agad nawala ang aking ngiti. Umupo muli ako sa kanyang tabi.

"Hindi ko na alam. Wala na akong balita sa kanya. Isang araw, hindi na niya ako binabalitaan. Kaya binalik ko na rin yung phone dati." sabay bitiw ng isang malalim na buntong hininga. Nakaramdam ako ng kaunting pagbabakasakali habang pinagmamasdan ko ang singsing na suot ko pa rin sa aking kamay.

"Nabubuksan mo ba yung phone?" ang tanong ko sa kanya.

"Oo, ayaw mo gamitin eh." ang sagot niya.

"Nagtext ba si Rodel?" ang agad kong tanong sa kanyang umaasa.

"Wala."

Nanlumo ako sa aking narinig. Kinalimutan na nga ako ni Rodel. Alam naman niya ang aming address kung may problema pwede naman siyang sumulat at madalas naman akong bantay sa computershop pero walang dumating ni-isa.

Nanahimik akong saglit nag-iisip ng tungkol sa amin ni Rodel. Wala na talagang pag-asa. Sa pangalawang pagkakataon, nawala nanaman siya sa akin. Sa oras na iyon, tatanggapin ko ng buong buo ang aking bagong buhay, bilang isang ampon na iiwan ang lahat ng nakaraan kasama si Rodel at kung ano man ang naging amin.

Tumayo ako't tinungo ang aking bagahe habang si Simon nama'y sinusundan ako ng tingin. Tinago ko ang lungkot sa aking mukha. Nang maabot ko ang aking bagahe sa loob ng closet na nakapatong sa sahid ay niluhod ko ito habang ang mga titig ko nama'y hindi maalis sa aking singsing. Iniikot ko itong nakasuot sa aking daliri. Kahit minsan ay hindi ko pa ito hinubad simbulo na kahit kailan ay hindi mawawala sa aking isipan si Rodel. Isa-isang tumulo ang luha sa aking mga mata habang pilit sinasabi sa aking sarili na wala na ang lahat.

Marahan ko itong hinubad. Tinignan kong maigi ang nakaukit sa loob nito na ngayon ko lang nasilayan. Wala na rin naman saysay ang lahat kaya't isinilid ko na ito sa bulsa ng aking bag. Iyon lang ang laman.

Napabuntong hininga ako sa aking ginawa. Nagpunas ng aking luha bago tumayo at inayos ang aking sarili bago bumalik sa tabi ni Simon. Sa aking paglalakad pabalik ay napuna niya ang aking itsura.

"Babalik pa rin si Rodel. Baka may problema lang bunso."

Ngumiti lang ako ng pilit hanggang sa makarating ako sa kanyang tabi.

"Halika dito sa tabi ni kuya, hug kita."

Nagparaya na lang ako. Humiga ako sa kanyang tabi at ako nama'y inakay niya para yakapin ng mahigpit. Lalo akong nanabik sa yakap ni Rodel sa mga sandaling iyon. Kahit mahigpit ang yakap ni Simon, iba pa rin ang damdamin sa bisig ni Rodel. Iba ang pakiramdam ng niyayakap ka ng taong mahal mo.




If you ever find yourself stuck in the middle of the sea
I’ll sail the world to find you
If you ever find yourself lost in the dark and you can’t see
I’ll be the light to guide you

Find out what we’re made of
What we are called to help our friends in need


Lalong niyakap niya ako ng mahigpit habang umaawit na kumurot naman sa aking damdamin. Hindi ko napigilang lumuha muli. Inalis ko na ang aking salaming balakid sa aking pagpunas ng mga ito.

You can count on me like one, two, three
I’ll be there and I know when I need it
I can count on you like four, three, two
And you’ll be there ’cause that’s what friends
Are supposed to do, oh yeah, ooh, ooh


Nakikinig lang ako sa kanyang awitin at minsa'y natatawa dahil sa inuugoy-ugoy niya akong nanlalambing.

If you toss and you turn and you just can’t fall asleep
I’ll sing a song beside you
And if you ever forget how much you really mean to me
Everyday I will remind you


"Lagi ka nga nandiyan pati si Alice. Napakabuti niyong kaibigan, kuya." ang sabi ko sa kanya na hindi naman niya sinagot dahil patuloy lang siya sa pagkanta habang nananatili naman kami sa aming lagay. Hindi na ako nagsalita pa. Nakinig na lang ako sa kanyang awitin habang nangingiti sa ibigsabihin ng awitin ni Simon.

Find out what we’re made of
What we are called to help our friends in need

You can count on me like one, two, three
I’ll be there and I know when I need it
I can count on you like four, three, two
And you’ll be there ’cause that’s what friends
Are supposed to do, oh yeah, ooh, ooh, yeah, yeah


Naalala ko ang karamdaman niya. Matinding awa ang naramdaman ko sa kanya at para kay Alice. Gusto kong tumulong pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

You’ll always have my shoulder when you cry
I’ll never let go, never say goodbye

You can count on me like one, two, three
I’ll be there and I know when I need it
I can count on you like four, three, two
And you’ll be there ’cause that’s what friends
Are supposed to do, oh yeah, ooh, ooh

You can count on me ’cause I can count on you


Natahimik akong nagiisip ng malalim, malayo ang tingin at nakikinig sa kanya.

Nasa ganoon kaming lagay nang biglang kumalam ng malakas ang sikmura naming dalawa. Natawa kaming pareho sa nilikha nitong tunog.

"Gutom na si kuya. Kain na ikaw." ang sabi ko sa kanyang may lambing.

"Anong ako lang? Lagi tayo kakain ng sabay mula ngayon. Busog ka man o hindi, sabay tayo lagi kakain." ang utos niyang sinagot ko lang ng pagtango.

Tumungo kami ng hapagkainan at naghintay sa hapunan na malapit nang maihanda. Sa paghihintay ay dumating si Brian, parang bagong gising. Mukhang nakaidlip siyang sandali mula kanina. Si Simon ay nakaupo sa pinaka isle ng mesa habang kami naman ni Brian ay makaharap na nakaupo sa magkabilang tabi niya.

Sa akin lang nakatingin si Simon, ayaw niyang pansinin si Brian. Kinakausap niya ako ng tungkol sa school habang si Brian nama'y nakikinig lamang ngunit tuwing nagsasalubong ang mga mata namin ay kita kong may gusto rin siyang sabihin sa akin.

Masaya ang usapan namin ni Simon hanggang sa kami'y kumakain na.

"Jasper, can you come with me later after diner? Alice told me you're into novels. I need to have you check on my books." ang yaya sa akin ni Brian na sinagot ko lang ng pagtango habang may laman pa ang aking bibig. Isang matalim na tingin naman ang ibinigay ni Simon sa kanya.

"Randy, sama muna ako kay Brian ha?" ang paalam ko agad sa kanya pagkalunok ng mabilisan ng laman ng aking bibig kanina.

Bakas naman ang pagkadismaya sa naging reaksyon sa mukha ni Simon at umiling.

"You'll be interested to see what I have upstairs." pagmamalaki naman ni Brian na aking nginitian bago sumubo muli ng pagkain.

Alam ko na ang binabalak ni Brian kaya't pipilitin kong sumama sa kanya at lansihin si Simon na iwan na kaming dalawa lang ang magkasama.

"W41" ang biglang sinabi ni Simon bago sumubo ng pagkain. Napalingon ako sa kanyang sinabi at naalala ang mga numero at letrang binibigay niya.

"N8,W19,R26,N50 at W41?" ang bulong ko sa aking sarili iniisip ang mga naibigay na niyang hint sa kanyang pinasasagutan sa akin. Matagal nang umiikot sa aking isipan ang mga iyon at kahit anong paraan o ilang beses ko ikut-ikutin ay di ko pa rin ito mahulaan.

Natapos kami kumain at pinilit ko si Simon na hintayin ako sa kanyang silid bago kami tumungo ni Brian sa kanyang silid.

Sa kwarto ni Brian, naalala ko si Rodel, mahilig din pala siya sa dark red at gawa sa kahoy na binarnisan lang ang mga gamit. Mukhang mamahalin ang mga ito. Ang kanyang kama'y binarnisan lang tulad ng lahat sa silid, ang mesa, ang patungan ng telebisyon, ang cabinet, lahat gawa sa kahoy na mukhang mamahalin lahat.

"Tara, dito tayo." ang panawag niya sa aking pansin habang ako'y namamanghang kinikilatis ang nakakaginhawang dating ng kanyang silid.

Sumunod ako sa kanyang study table kung saan nakapatong ang kanyang Macbook Pro. May mga pinidot siyang sandali at nagdial ng contact sa Skype.

"Hintayin lang natin sandali ha? Baka may ginagawa si Maya ngayon." ang sabi niya sa akin at tumango lang ako sa kanya.

Kinakabahan ako na hindi ko malaman. Para akong madudumi na mahihimatay. Mabilis na binalot ako ng hiya at kaba na kausapin ang mommy ni Simon. Kailangan ko nang kapalan ang aking mukha.

Ilang ring pa at nakita na namin ang ina ni Simon na mukhang kagigising lang. Ako ang una niyang pinansin at batid kong natuwa siyang makit akong muli.

"Jasper! Alice told me. It would be an honor to have a son like you." ang agad niyang nasabi. Nangiti si Brian at ako nama'y nahiya lang na napayuko sa kanila.

"How are you? I've heard you've been through a lot. Don't worry, all is well. Pero gusto ko mismo marinig sa iyo. Papayag ka na ba?" ang tanong niyang nakakatakot hindian kahit matamis ang kanyang mga ngiti.

"O-opo Mrs. Tiongco. Payag na po akong magpa-adopt sa ilang kundisyon po." ang sagot ko.

"Tell me your terms. Anything that has a monetary equivalent. Gagawan natin ng paraan iyan." ang sagot niyang palagay na maibibigay niyang lahat ng aking hihilingin. Maliit na ngiti ang aking ipinakita sa kanya.

"Gusto ko po muna subukan kung papaano ako mamumuhay sa ganitong mundo. Baka mabigla po ako. Isa po sa pangako ko sa yumao kong ina ay ang umunlad ang aking buhay sa sarili kong sikap. Malaking swerte po ito para sa akin pero natatakot po akong baka abusuhin ko ito. Gusto ko rin po ilihim ang bagay na ito sa school. Gusto ko pong manatiling scholar para na rin po walang mabago sa akin sa school. Gusto ko po tulad ng dati. Masaya naman po ako sa katayuan ko sa paaralan kaya ayaw ko po muna papalitan ang aking apelyido sa ngayon. Iyon lang po ang mahihiling kong kapalit sa mabuting ipagkakaloob niyo po sa akin bilang anak at kapatid ni Simon." ang nahihiya kong sabi sa kanya.

"Humble you are my son but someday you will have to bring the name Tiongco for you to be formally acknowledged as a member of our family." tumango lang ako sa kanyang sinabi.

"I have few na hihilingin ko sa iyo, anak. Tulungan mo kapatid mo dahil kayo na lang dalawa ang magsasama kapag nawala na kami ng daddy mo." ang nakatatabang pusong sinabi niya sa akin. Nakangiting nakikinig pa rin sa amin si Brian.

"Push yourself in accepting that you are a Tiongco now so start calling me mommy and my husband your daddy." at tinawanan ito ni Brian habang ako nama'y nagiti sa lalong pagkahiya. Dama kong umaabot na lahat ng aking dugo sa aking nag-iinit nang pisngi.

"And one last thing, I will talk to Simon later to tell him of this. I want to surprise your kuya." ang masaya niyang pakiusap sa akin.

"Opo... Mommy..." ang sagot kong nagdulot sa kanya ng saya. Nakita ko ang pagkinang ng kanyang mga mata at abot tengang ngiti. Namuo ang luha ng kaligayahan sa kanyang mga mata na agad naman niyang pinunasan.

Nagpaalam na siya sa akin at nakiusap kung maaari ko silang dalawa ni Brian mag-usap. Lumabas ako ng silid at mabagal na naglakad tungo sa silid ni Simon. Pilit kong inunawa kung bakit ganoon na lang ang pagtanggap nila sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa mga magagandang sinabi sa kanya ni Alice o ni Simon upang pagnasahang ako ang kanilang maging anak.

Harap ng pinto ng silid ni Simon ay inayos ko ang aking sarili upang pigilin ang kaligayahang magtutulak kay Simon na magtaka. Nang buksan ko ang pintuan ay naabutan ko si Simon na nakasalampak sa sahig at humuhini habang gumuguhit sa isang malaking sketchpad. Dahan-dahan ko siyang nilapitan upang makahuli ng pagkakataong biglain siya at kulitin.

Sa aking paglapit sa kanyang likuran ay napatingin ako sa kanyang ginuguhit. Gusto kong matawa dahil sa hindi nalalayo ang kanyang gawa sa mga kayang iguhit ng mga nasa pre-school.

Lumingon sa akin si Simon na may pagtataka sa kanyang mukha.

"Sino po ikaw? Nasaan si kuya Randy?" ang tanong niyang parang bata na aking ikinabigla. Pati boses ni Simon ay naiba. Binalot ako ng kilabot. Ako ang kanyang nasorpresa.

(itutuloy)

31 comments :

  1. hala... inateka na ng sakit na naman si simon... haayyy... kaabang abang talaga story mo jeff.. kahit sa work sinisilip ko kung me bago na chapter.... good job.. cant wait for the next chapters :)

    ReplyDelete
  2. salamat jp!

    which reminds me.. jhinpaul! nasira phone ko text kita ulit kung ayos na cp ko. hope you're doing well :)

    ReplyDelete
  3. Wala ka pa ring katulad kung mambitin at gumawa ng istorya jeffy. Keep it up. Ingatz!

    ReplyDelete
  4. Hala kuya jeffy!

    Ano yan?!

    Pang apat na katauhan?

    Now im confused.

    Kakaaning! Yet so exciting!

    Puzzle is still not solved.

    Kuya galingan mo madami ka na readers. Im so proud sayo. (nanay? Hahahaha!)

    Hala kuya jeffy!

    Ano yan?!

    Pang apat na katauhan?

    Now im confused.

    Kakaaning! Yet so exciting!

    Puzzle is still not solved.

    Kuya galingan mo madami ka na readers. Im so proud sayo. (nanay? Hahahaha!)

    ReplyDelete
  5. waaaaa.....sino nanamn yung sumapi kay simon...
    interesting talaga ang isang ito jeffy ang husay
    naeexcite ako't parang d na makapaghintay sa susunod na kabanata..ehehehe

    ReplyDelete
  6. thank you wastedpup! ganyan talaga pag nakakasulat na ako ng 3k+ words lol nambibitin na ang labas

    ReplyDelete
  7. Salamat inay Erwin! lol

    dalawa na kayo na nanay ko.. miss ko na rin yung isa na nasa Australia... si inay lileevsor :)

    ReplyDelete
  8. hihihihi... louie ako na ang sumapi kay Simon lol kami na ni Jasper lol

    ReplyDelete
  9. grabe na ang mga pangyayari di ko inaasahan na may susulpot na bagong alterego si simon.... ngayun da who na yung bago niyang alter ego??????

    Let see next time...
    Galing talaga ni jeffy cute........ Next next next. ahahahaha...

    Para sayo ititigil ko na ang pagfoforecast ng mga mangyayari...... ahoo ahoo.. :)

    ReplyDelete
  10. Jaceph wala naman bad sa pagforecast ng magaganap lol panulak gulo sa story nga yun eh.. sayang lang kasi hindi ko na napapansin yung kung paano ko sinusulat yung story... sa flow ng story may goal na ako actually bago pa ako nagsimula sa story na ito.. pakiramdam ko kasi may kulang pa.. informal kasi pagsusulat ko.. baka may mas maganda pang way para isulat ko yung kwento.. hindi ko madescribe eh pero para may kulang eh.. yun din kasi pakiramdam ko pero di ko mahanap kung ano..

    ReplyDelete
  11. hala, ako ang nasurprise ni Simon awwww nanayo mga balahibo ko ampupu.

    anyway kagigising ko lang hehe Good morning guys, salamin wouldn't be complete without my precious comment.

    pinuyat kasi ako ni mahal kagabi :)

    ReplyDelete
  12. THanks Jeff so much sa mga stories mo lalo na dito sa 'Salamin'. Tagos sa puso ang storya... Isa ka ng henyo! more power! -Jomski

    ReplyDelete
  13. Tama ka Almondz hindin kumpleto bawat chapter ng Salamin kung wala ka hihihihi

    Okay lang yan at least napuyat ka dahil sa taong mahal mo :-)

    ReplyDelete
  14. pero totoo po sir jeff, kinilabutan ako dun sa huling bahagi nyayyyy

    ReplyDelete
  15. Hala. Ano to...
    'bat may ibang katauhan nanaman, dahil ba un kay Jasper. . .

    Wala ng pag-asa tong c Randy/Andrew/Simon/pre-schooler hehehehe... apat na eh..Sabagay si Sensui nga eh pito (7) at umiiba din ung boses nya...Feeling ko lumalala c Simon...

    Or it can be supernatural, sinapian na si Simon ahahahhaha...
    Siguro bata ung sumapi sa kanya...

    Ah! Cguro, after this chaper may another persona nanaman... Name nya Jeffrey... may sapi din, yung kung ano ano ang naiisip. Hehehe

    I like this story, nakakatakot at kaabang-abang.
    Nakakatakot dahil takot akong ma miss ang isang chapter kasi di ko na maintindihan...


    I lili lili like it..

    -mars

    ReplyDelete
  16. katakot nman ang dissociative disorder parang sinaniban lang

    ReplyDelete
  17. Salamat Mars! Si Sensui gumawa ng personalities niya as part of his abilities at to help him make decisions.

    ReplyDelete
  18. classmate, galing... superb... you're a genius...

    this whole thing is now part of my routine - reading your precious piece.

    just so you know, may pagka technical na yung tema nang story which is good because you are not just bound sa iisang tema.

    i remember reading one of sheldon's novel pertaining to multiple personality na talaga namang nagpasakit ng ulo ko... hehehehe...


    this is a good read... just be mindful lang sa mga medical facts na ipi present mo sa mga susunod na chapters para ma-justify yung character ni simon...

    congrats and goodluck!

    ReplyDelete
  19. this is a good read, classmate - a much awaited series for every reader of this piece.

    you're becoming a genius of this turf.

    you have a good way of presenting your character ... good transition...

    just be mindful in presenting your medical facts to justify your character's (simon) behavior in the coming chapter/s...


    i envy you on this... :) heheheh... keep it up!

    ReplyDelete
  20. mas kapanapanabik ang mga susunod na chapters... araw araw ako nagchecheck kung may new chapter na ba... kakatense sa suspense... but waiting is really worth! =)

    ReplyDelete
  21. OMG tonio you've changed a lot!!!!!! Sa ating lahat sa batch natin sa EARIST nung HS tayo lang dalawa so far ang nagbago ang aura. Lahat sila kung ano sila nung HS ganun pa rin hanggang ngayon. I mean in a good way ha.

    Pakshet bad boy na itsura mo! lol
    Naalala ko tuloy THE natin na subject pag hapon kay Petrache... Kelan kaya mawawala yung masamang damong iyon? Mabisita nga minsan mabigyan ng dog food na may lason. LOL

    Sana magkita-kita ulit tayo sa next reunion.

    Salamat sa inputs ha? Grabe lumalabas matabang utak mo ngayon ha? Nung HS hindi ka outspoken. At least sa pagkakaalam ko. :-)

    Regarding sa medical terms, I'll make sure to justify it pero hindi ako maglalalim masyado sa bagay na iyon kasi karamihan sa readers ko yuppies at teenagers baka mabali yung something pero sisiguraduhin kong maiintroduce ko sila sa ganitong uri ng babasahin sa ganitong tema.

    Grabe baka masampal ako ni Mrs. Ortega dito sa tagalog ko, ang spelling ko, ang grammar ko. LOL

    Call center boy ka na rin pala ha tulad nila Daguman. Babalik din tayo diyan paggraduate sa UPHS dito sa area lang layo kasi ng DLSUD nakakatamad na bumiyahe.

    Sana magustuhan mo pa rin mga pinaggagawa kong dala ng kawalan ng magawa sa buhay. LOL

    PS. WAG KA MAINGAY HA? SI COLOBONG LANG YATA ANG NAKAKAALAM NITO PERO HINDI NAMAN YATA MAHILIG YUN DITO. :)

    ReplyDelete
  22. Antonio... di ba ako si Sapi? Hindi pa rin nabago lakas ko mula nung HS... bionic pa rin ako medyo controlled na nga lang.. hindi na rin ako nakapaglalaro ng volleyball or basketball mula nung napilayan ako sa right leg ko. Si Simon the Sapi.. lol

    ReplyDelete
  23. Thank you Jomski! Dahil diyan ginagawa ko na ngayon ang kasunod at lalabas na rin ito mamaya. Wala akong post editing na ginagawa lagi at wala akong editor na katulong kaya pagpasensiyahan niyo na po kung medyo barabara na. :)

    ReplyDelete
  24. Hay ang galing mo naman Kuya Jeff. Sobrang kayang hirap kung paano maincorporate ang Mutliple Personality Disorder. Bravo!!

    Para kay Jasper ako ay nababahala. Hindi dahil sa nagpaampon na siya,yan ay dahil kay SIMON/ANDREW/RANDY.Kahit ako ang nasa katayuan ganun din ang mararamdaman ka.

    Galing,galing...nakakainspire talaga kau.Salamat din pala sa tulong mo.Alam mo na yun.

    Abangan ko next update.

    ReplyDelete
  25. Thank you Jayfinpa! Actually masakit siya sa ulo pero kulang pa yan. My background in acting for theater & film nung college pa ako sa La Salle ang nakatulong ng lubos sa akin medyo masakit lang siya sa ulo. Switching in between identities while I write is hard baka rin kasi mawala yung essence or kulangin ako

    ReplyDelete
  26. hi jeffy sus kadami naman nang personality pala ahahahaha. God Bless po sa inyo. Sorry kung di me nakakapag comment na kasi nag rerent na lang me now nag hahanap pa ko work so tipid tipid muna hehehehe.

    - ecko

    ReplyDelete
  27. kaunti lang ya ecko :)
    kawawa ka naman pala... okay lang yan :)

    ReplyDelete

Hope to hear from you! Thank you! ^_^