Tuesday, September 20, 2011

Salamin Chapter 36


by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Pauna:

Please support idol kuya Mike Juha's entry 'Pantalan' for PEBA by providing your good comments through this link Pantalan

Bago ang lahat.. HAPPY BIRTHDAY sa isa kong matalik na kaibigan.. si Zekiel Palacio :)


Salamat po sa walng sawang pagsubaybay, paghihintay, at pagtitiwala na magpopost agad ako ng update. :)

Sana'y magustuhan niyo po ang chapter na ito na may isang rebelasyon pa tungkol sa dati ninyong inakala.

Medyo nalate lang po ako ng pagpost update kasi nagloloko internet namin kanina.

Sa mga walang sawang nagbibigay ng mga comments na negative or positive! THANK YOU SO MUCH PO!!

Sa mga nagbabahagi o nagrerefer sa mga kaibigan na bumisita dito at basahin ang aking sulatin. TAOS PUSO PO AKONG NAGPAPASALAMAT SA INYO! :)



"How could you?! Sa ganitong panahon mo pa sasabihin yan! I don't believe you!" ang sagot niy Alice at nakaamba nanaman ang kanyang kamay na manampal ngunit agad ko itong pinigilan.

"Sino?! Si Randy?! Hindi ako si Randy!! Ako si Miguel at si Brian ang mahal ko kaya tapos na tayo! Ayoko na magpanggap na si Randy sa harapan mo! Malapit nang mawala si Randy! Makukulong na siya!" ang masasakit na pananalita ng isang katauhan ni Simon na ngayon lang namin nakilala.

"Alice, tama na. Hayaan na natin si kuya. Huwag nating kalimutan na may karamdaman siya. Gagaling din si Simon at magkakaayos din kayo pag bumalik na si Randy." ang bulong ko kay Alice kahit sa sarili ko'y wala akong kasiguraduhan sa aking sinasabi. Kahit alam kong bukod sa kanilang dalawa ni Brian...

"Si Andrew?" ang tanong ko sa aking sarili.

Mabilis na pumakawala si Alice sa pagkakahawak ko sa kanyang kamay at ako na ang hinila niya papasok sa loob ng mansyon. SA aming nagmamadaling paglalakad, nilingon ko si Simon. Nagkaabot kami ng tingin at naglakad lang siya paalis, marahil pauwi na sa aming bahay kung nasaan si Brian ng mga ganoong oras.

Sa aming paglalakad, sa di kalayuan ay dinig na namin ang palapit at palakas ng palakas na tunog ng parating na ambulansiya.

Nang marating namin ni Alice ang pintuan ng sala ay agad siyang bumitiw sa akin at nagmamadaling lumapit at lumuhod sa matandang nakahiga sa mahabang sofa. Namumutla at hirap na humihingal habang nakapikit ang mga mata. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang lolo at hinalik-halikan ito.

"Lolo! Please, don't leave us!" ang pagmamakaawa niyang halos maglupasay.

Nanatili lang akong nakatayo sa paanan ni Don Amante. Gusto kong maawa ngunit dahil sa hindi pa kami gaano nagkakasama at dahil sa siya ang dahilan ni Rodel upang lumisan. Para akong nanonood lang ng isang palabas na hindi ko maramdaman ang dinadrama ng mga gumaganap ang kaibahan lang, totoong nangyayari ito sa akin harapan. Hindi ko magawang maawa sa kadugo ko.

Ilang sandali lang ay agad na nagsidatingan ang mga sakay ng ambulansya at tumabi kami ni Alice sa isang sulok kung saan hindi namin sila maaabala. Hindi mapigilan ni Alice ang kanyang pagluha, naawa ako sa kanya. Ako ang dahilan ng lahat. Nakukunsensiya ako sa aking pamangkin at napakabuting kaibigan. Doon ko naramdaman na tinutusok ang aking dibdib habang tinitignan si Alice na nakapako ang mga mata sa matanda habang ito'y inililipat sa stretcher.

Nang mailabas si Don Amante, agad umupo si Alice sa sofa kung saan nakahiga kanina ang matanda. Nagtakip ng mga kamay sa kanyang mukha habang nakatukod ang kanyang mga siko sa kanyang mga tuhod. Patuloy ang pagluha.

Nadudurog na ang aking damdamin sa aking nakikita. Agad ko siyang nilapitan at hinaplos sa likuran. Nagpakatatag ako para patahanin si Alice ngunit nagsimula nang mangilid ang aking mga luha para sa kanya.

"Alice. I am so sorry. I really am very sorry. Hindi ko sinasadya. Nasasaktan lang talaga ako. Alam ko napakamakasarili ko pero kaligayahan ko na kasi ito. Alam mo na wala na akong hihilinging kayamanan kapalit sa kaligayahang meron na ako. Si Rodel." ang lumuluha kong sinabi sa kanya. Napatigil ng kaunti si Alice at ibinaling niya ang kanyang atensiyon sa isang alalay ni Don Amante na naiwan na kasama namin.

"Have a car prepared. I'll drive. Please tell mom about this and we'll meet at the hospital." ang utos niya dito matapos ayusin ang kanyang sarili.

Nang makaalis ang alalay ay agad humarap sa akin si Alice at niyakap ako ng mahigpit.

"Tito, you don't have to apologize. Lolo is old and it just happened. I'll do the same thing you did kanina if I was in your place and it's about Randy." ang sinabi niya sa akin habang humikibi.

Nang makabalik ang inutusan ni Alice kanina ay agad niyang kinuha ang susi mula rito at nagmamadali kaming tumungo sa ihinandang kotse na nakahanda nang lumabas sa garahe.

Maingat pa rin na nagmaneho si Alice kahit tumutulo pa rin ang kanyang mga luhang dalawa ang dahilan. Sa biyahe papuntang Asian Hospital, maya't-maya niyang pinupunasan ang kanyang mukha gamit ang kanyang braso. Nawala ang kaartehan ni Alice sa kanyang pagtangis.

Sa emergency, doon kami tumuloy at naghintay sa lobby ng ilang oras ng hindi nag-uusap hanggang sa dumating na ang doctor at sinabing nasa mabuting kalagayan si Don Amante at kailangan muna magpahinga.

Nang makaalis ang doctor ay pareho kaming nabunutan ng tinik ni Alice. Agad niyang minensahe sa kanyang telepono ang kanyang ina upang hindi na mag-alala.

Ako naman, sa isang banda, buong sandali mula nung kami'y dumating ay halos mamaga na ang utak sa kakaisip. Sinisisi ang sarili at naguguluhan. Si Rodel, si Don Amante, si Simon, at kung saan ako dapat.

Nakasandal akong halos mahiga na sa aking kinauupuan. Nakatingala sa kisame at binubuo ang aking mga iniisip.

"Jasper, okay na si lolo. Ano pa iniisip mo diyan? Huwag ka na mag-alala. Si mommy dadating na daw mamaya." ang wika ni Alice sa akin habang ipinangangalandakan sa akin ang abot tenga niyang ngiti sa kasiyahan sa maayos na kundisyon ng kanyang lolo.

"Para kang nalugi niyan di mo pa nga nahahawakan parte ng yaman natin." ang dagdag niya pang biro. Hindi ko siya magawang tignan ng mata sa mata.

"Wala lang ito. Napagod lang ako buong araw. Biruin mo naman nilakad natin buong mall kanina tapos ngayon nasa ospital na tayo." ang palusot ko.

"Kilala kita, friend. Ay, tito pala sorry." ang sagot niyang may halong biro.

"Sinabi nang wag mo kong tawaging 'tito' eh. Pinatatanda mo ko. Magkasing edad lang tayo ha. Huwag kang ganyan. Tapos boyfriend mo kuya ko. Ang gulo ng connections natin." ang pilit kong biro pabalik sa kanya ngunit biglang nawala ang ngiti niya ng banggiitin ko ang tungkol kay Simon. NAbaling ang kanyang tingin sa carpet at napabuntong hininga.

"Sorry, Alice."

"Tingin mo, gagaling ba kuya mo? Tingin mo, siya kaya ang tunay na si Simon? Tingin mo, mamahalin pa rin niya ako kung maayos na isipan niya at mawala man si Randy? Tingin mo, dapat ko pa ba ipagpatuloy ang sa amin na tinapos kanina ng isang personality niya?" ang magkakasunod na tinanong sa akin ni Alice.

"Alice, hindi ko rin alam. Sorry. Kahit ako naguguluhan na. Sorry kung ngayon ko lang sasabihin sa iyo ito pero sa mga nakikita ko kay kuya, mukhang lumalala na siya. Dati, nung nagkakilala kami, si Randy lang ang nakikita ko sa kanya at si Andrew. Yung sabi niya sa akin pa noon kapag kami lang magkasama, Andrew na lang daw tatawag ko sa kanya. Mabait naman siya sa akin at siya na ang katauhan ni Simon na napalapit sa akin... at... minahal ko." ang sagot ko sa kanya na sa mga huli kong nasabi ay para kong binatukan ang aking sarili.

Napatingin ako sa magiging reaction ni Alice ngunit iba ang pagkakaunawa niya sa paggamit ko ng katagang 'minahal ko'. Isang matamis na ngiti ang aking nakita sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit. Lalo akong nilamon ng aking kunsensiya sa ginawa niya. Hindi ko mapigilang lumuha.

Gusto kong linawin na sa kanya ngunit natatakot ako. Gusto kong umamin pero alam kong mali ang gagawin ko. Alam kong pag ginawa ko iyon ay magagalit sa akin ang pinakamalapit kong kaibigan at pamangkin. Sa loob ko, pakiramdam ko ngayon sa mga inosenteng mga tingin ni Alice sa akin ay napakalaki kong traydor. Isang kahati ni Alice sa pagmamahal kay Simon sa isang hating katauhang mayroon siya.

"Thank you, Jasper. I know you love him as your brother na. With you as his little brother, I know we can help him out. Kahit agawin pa siya ng walang kwentang doctor na iyon!" tinamaan ako sa mga sinabi ni Alice. Lalong nagpatindi ito sa dalahin ng aking kunsensiya.

"And because of what Miguel told us kanina, I sent a text message to your mom... Oh! I almost forgot!" ang dagdag ni Alice na nagpaalala sa kanya ng isang bagay na dapat niya sa aking sasabihin. Agad siyang kumalas sa pagyakap sa akin at muling kinuha ang kanyang telepono at pinagpipindot na parang may hinahanap.

"I told your mom that Brian is having a relationship with Simon's persona and I want you to be brutally honest to her with the details. She was kind of shocked on her reply. Look." ang wika ni Alice habang abalang kinakalikot ang telepono at nang mahanap ay agad niyang ihinarap sa akin ang screen nito at pinabasa ang mensahe ng aking ina.

"Thank you, dear! I'll call the three of them. I'll get a plane ticket and get back there as soon as possible to bring Simon here for a better treatment." ang aking pabigkas na binasa ang pinababasa ni Alice habang may ngiting nagsasabing makakaganti na siya.

"Dadating si mommy at isasama si kuya?" ang tanong ko sa aking sarili. Nakaramdam ako ng lungkot lalo sa aking nalaman.

"Didn't you notice anything between them ba?" ang tanong niya sabay silid ng kanyang telepono muli sa bulsa ng kanyang maikling shorts.

"Hindi ko alam. N-nagulat din ako sa sinabi niya kanina. Hindi kasi ako nanonood sa mga sessions nila dun sa room ni Brian." kinikilabutan ako habang itinatanggi ko sa aking pagsisinungaling ang mga bagay na aking nakita na bumabalik lahat sa aking ala-ala.

"Sessions?! Just the two of them!?! Geez!! Tito, I don't want to think of the things they're doing there. Kinikilabutan ako! Yuck! Parang nabawasan ng pogi points sa akin si Randy." ang sagot niya. Napaisip ako bigla sa naging reaksyon niya na nagpadagdag sa aking takot.

"Kakaiba pa la kalaban ang pamangkin kong ito. Parang tinamaan din ako sa mga sinabi niya kahit walang nangyayari sa amin ni kuya." ang bulong ko sa aking sarili.

"Ay! Sorry, Jasper. I didn't want to offend your sexuality. Exception ka. Gosh! Nangigigil lang talaga ako ngayon ha!" ang dagdag niya.

"Teka, bakit nga ba ako nakukunsensiya eh hindi ko naman inaagawan pamangkin ko?! Mahal ko lang naman siya. Di ko naman nagugustuhan ang mga halik niya dati... hindi nga ba?" ang tanong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang patuloy na pagtatalak ni Alice sa inis. Tanging sarili ko na lang ang aking naririnig sa mga oras na iyon. Nagsisimula nanaman akong mag-isip ng malalim.

Habang nasa ganoon akong lagay, kita ko naman si Alice na panak ang naknak habang kumukumpas pataas baba ang magkabila niyang kamay na parang mayroon oratorical speech. Ilang sandali kaming may sariling mundo.

"Tito? Hello? Okay ka lang? Tulala ka na." ang sabi ni Alice sa akin na humuli sa aking ulirat habang kumakaway siya sa aking mukha.

Sa pagkabigla, "Ay, oo. Iniisip ko lang kasi si Rodel." ang aking palusot. "Si Rodel nga ba talaga?" ang tanong ng aking kunsensiya.

"Hay nako, Jasper. He doesn't have the balls to stand up for you. If he loves you, he should've done that in up front and didn't ran away like a scared dog." ang banat niya.

"Ito naman, hindi ko na nga mahagilap yung tao eh. Mahal niya ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Suot ko pa nga singsing namin ngayon oh." ang depensa ko sa kanya sabay pakita ng aking kamay na may suot na singsing na bigay ni Rodel.

"Romantic ha. Hindi pa ako binibigyan ni Randy ng kahit ano maliban sa sperm cells niya! Hmph! Meron pala meaning sa iyo ang singsing na iyan. Kala ko naman eh, nagsisimula ka na mag-accessory mula nung lumipat ka kay Mariah. Sumalangit nawa!" ang sagot niya sabay tingala sa langit at nagkrus. Sa mga sandaling iyon, ang isang katanunang nasa aking isipan ay naisip kong itanong sa kanya.

"Alice, mahal na mahal mo ba si Simon kahit alam mong may toyo siya?" ang tanong ko sa kanya. Nagbalik sa mukhang naiirita hanggang sa malungkot at seryoso ang mukha niya.

"Honestly, I know it's not right but it's what my heart is telling me kasi. He's too good to be true and I know the risks. That''s why I'm praying everytime for Simon to get well and hope that when he does I'll be with Randy again." kinilabutan ako sa mga sagot ni Alice. Pareho kami ng nasa isip.

"Even if he went cold on me na for the past few months, I still hope na magiging maayos pa rin ang dati para sa amin." ang dagdag pa niya.


"Why, tito? Do you feel the same?" ang tanong ni Alice bigla na parang bumuhos sa akin ng nagyeyelong tubig.

"Minahal ko na siya bilang kuya, si Andrew. Pero sana, kapag gumaling siya, manatili ang bagay na iyon sa kanya kapag gumaling siya. Medyo bargas kasi maging kuya si Randy pero mapagtatyagaan na rin." ang sagot habang tumatwa ng pilit ngunit sumisigaw ang aking puso, hinuhusgahan ako sa aking kasinungalingan. Hindi ko maitatago sa aking sarili ang tunay kong nararamdaman.

"Bakit naman? Sabagay, may pagkabully nga siya sa iyo madalas kung present na present si Randy." ang natatawa niyang sagot na binalikan ko ng isang ngiti.

Sa ilang saglit naming kwentuhan ay biglang dumating ang aking pinsang ina ni Alice na simple lang ang suot. Maluwang na shirt, maong at sandals. May dala siyang mga prutas kasama ang isang alalay. Pinauwi na niya kaming dalawa at siya na lang daw ang magbabantay. Sa kanyang pananalita sa akin at itsura ng kanyang mukha, di ko naman siya nakakitaan na may galit siya sa aking nagawa matapos namin ikwento sa kanya ang mga nangyari. Tulad ng sabi ni Alice sa akin kanina, matanda na rin si Don Amante at nataon lang ang atake niya kanina.

Ibinaba ako ni Alice sa aming bahay bago umuwi. Hindi na siya bumaba pa ng kotse dahil sa galit siya kay Miguel at ayaw niya muna makita ang mukha ni Simon.

Patay na ang mga ilaw sa bahay kaya't maingat akong nagtungo sa aking silid upang hindi madapa sa paglalakad. Pag ahon ko sa hagdan ay napansin kong bukas ng kaunti ang silid ni Simon at lumalabas dito ang ilaw mula sa kanyang kwarto.

"Gising pa si kuya?" ang tanong ko sa aking sarili habang abot tinatanaw ang awang ng pintong nakabukas.

Dahan-dahan akong lumapit dito at sumilip. Nakita kong nakasalampak si Simon sa sahig at tinutugtog ang keyboards at kumakanta na parang bumubuo ng isang tugtog pero hindi naman talaga. Napansin ko rin na umiinom siya dahil sa katabi niyang baso at tatlong bote ng tequila.

"Kuya? Gising ka pa?" tanong ko habang inilalabas ko ang aking ulo sa bukana ng pintuan. Agad siyang napatingin sa akin at ngumiti. Pansin kong namumula na ang kanyang mga labi at pisngi sa kalasingan. Nakumpirma ko pa ito nang mabagal niyan inabot ang baso sa kanyang tabi at halos di maasinta ang pagtagay ng alak dito. Nang malagyan na niya ay sumusuray ang kanyang kamay at inabot nito sa akin.

Pumasok ako at yumuko upang kunin ang inaabot niya.

"Tequila!!" sigaw ng aking utak habang pinagmamasdan ang laman ng baso. Parang nanuyo ang aking lalamunan kaya't lumagok muna ako ng laway upang ihanda ang aking pag-inom.

"Dinadasalan mo?" ang maangas na tanong niya.

"Ah.. si Randy ka. Patay tayo diyan." ang bulong ko sa aking sarili.

"Hindi... kuya... kasi... alam mong ayaw ko ng tequila eh." ang sagot ko sa kanyang nahihiya.

"Tiongco ka dapat marunong kang tumumba niyan. Dali! Inom!" ang sagot niya sabay halakhak.

Inipit ko ang aking ilong at dahan-dahan na inilapit ang baso sa aking labi. Nang ito'y dumikit, kahit di ko pa nalalasahan o naaamoy sa tindi ng pagkakaipit ko sa aking ilong, sumisirko na ang aking sikmura at gusto na agad sumuka.

Tumayong sumusuray si Simon at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang ibaba ng baso at aking baba na parang inaalalayan niya ako.

"Bunso, inom tayo ni kuya ha? Malungkot si kuya eh." ang malambing niyang sinabi sa akin. Sa pagkabigla ay agad akong nakalagok ng isa.

"Si Andrew na siya?" ang tanong ko sa aking sarili sabay ubo ng malakas sa tindi ng lasa at init na aking nararanasan hanggang sa aking lalamunan. Gusto kong iluwa agad ngunit agad na hinaplos ni Simon ang aking likuran.

"Kawawa naman ang mahal ko." ang panlalambing niya.

"Upo tayo sa sahig, mahal ko. Damayan mo si kuya." ang imibita niya sabay yakap sa aking tagiliran upang sumabay ako sa kanyang pagupo sa sahig tabi ng mga bote at keyboards.

"Kuya? Bakit malungkot ka?" ang tanong kong malambing.

"Kamusta na si Don Amante?" ang tanong niyang taliwas sa aking tanong.

"Okay na po. Si ate Luisa na yung nagbabantay ngayon sa Asian." ang sagot ko.

"Masaya si kuya. Kasi sinabi mo sa harap nila na mahal mo ako." ang sabi niya.

"Hindi ka ba tinawagan ni mommy kanina? Tinawagan na kasi niya ako at si Brian." ang malungkot niyang sinabi. Agad kong hinagilap ang aking telepono at napansing naka silent mode pala ito at naiwan ang tatlong miscall na nakalagay sa screen.

"Hindi ko nasagot. Nakasilent pala kuya."

"Uuwi daw si mommy. Isasama niya ako sa states para magpagamot." ang malungkot niyang sinabi sabay tulo ng kanyang mga luha.

Hindi na siya nagsalita pa at tumungga na lang diretso sa isang bote ng tequila.

"Sabay tayo. Tumbahin natin. Tag-isa tayo." ang sabi niya sabay tungga muli sa bote matapos akong abutan ng bagong bukas na bote.

"Patay! Napasubo nanaman ako at kay kuya pa!!" ang sigaw ng aking isipan.

Kahit masuka-suka na, pinilit kong sabayan ang bilis ni Simon sa pag-inom habang kami ay nagkukulitan ngunit nang-maubos ko ang isang bote ay biglang nagdilim ang aking paningin.

Bumulagta ako sa mismong sahig kung saan ako nakaupo. Doon na ako humilata sa matinding kalasingan. Hindi ko nanaman naiwasan ngunit bumulwak mula sa aking bibig ang aking mga nainom. Natanggal na ang aking salamin at nalapag na ito sa sahig. Hindi ko na ito magawang kunin pa dahil halos mamanhid na ang aking katawan.

"Bunso ko talaga. Nagfountain ka nanaman." ang senglot na sinabi ni Simon nang makita niya ang nangyari sa akin. Humahagikgik siya kaya't ako'y natawa na rin.

Maya-maya, naramdaman kong tumakbo siya palabas ng pintuan at nagpatawag ng katulong upang maglinis. Hindi ko na siya maaninag ng aking mga mata kaya't hindi ko na rin pinansin ang lahat sa aking kapaligiran.

Nagmamadaling bumalik sa aking tabi si Simon at inalis ang aking shirt na nasukahan ko na. Kahit manhid, naramdaman kong pinunasan niya ang aking mukha ng bahagi ng aking shirt na tuyo pa.

"I love you bunso. Mahal na mahal na mahal kita." ang sabi niya.

Naramdaman kong umangat ako sa sahig sa ibabaw ng mga bisig ni Simon ng matapos niya akong punasan. Pagkatapos noon ay para na akong lumulutang habang naglalakad siya patungo naman sa aking silid habang ako'y kanyang bitbit.

Nang makapasok sa loob ng aking kwarto ay hindi niya binuksan ang ilaw sa aking kwarto. Dinig ko ang pagclick ng pintuan nang kanyang isara at ilock.

Kahit alam kong lasing na si kuya pero nanatili lang siyang nakatayo at di pa rin ako ibinababa.

"Mahal mo ba si kuya?"

"Mahal na mahal po kita." ang nasabi ko sa sobrang kalasingan ko.

Sa sandaling iyon ng matapos ko ang aking mga salita. Naramdaman ko ang paglapat ng mainit ng mga labi ni Simon. Hindi ako nanlaban. Hindi ako nagulat. Bumilis ang tibok ng aking dibdib. Di masukat na kaligayahan ang biglang nag-umapaw sa aking damdamin. Lumaban na ako ng halik sa kanya.

Matagal kaming naghalikan sa ganoong lagay. Sa aking kalasingan ay gumanti pa ako ng mahigpit na yakap sa kanya. Para akong naglambitin sa kanyang mga balikat habang magkadikit ang aming mga labing nagpapalitan ng pagmamahal.

Biglang nahirapan akong huminga. Dala ng allergy ko sa ilang mga alak, parang mawawalan nanaman ulit ako ng malay. Kumalas ako sa yakap ko kay Simon. Bumitiw ang aking mga labi sa kanya.

Maya-maya parang nalantang gulay na lamang ako at medyo hindi ko na mawari ang mga nangyayari sa aking kapaligiran. Nilalamon na ako ng aking kalasingan.

Nang muling idilat ko ang aking mga mata, dama ko ang malamig na agos ng tubig sa aking buong katawan habang dama ko rin ang mga bisig ni Simon na nakaalalay sa akin. Nagdidikit ang aming mga hubad na katawan, puno ng sabon.

"Ku-kuya... thank you... I love you..." ang aking sinabi sa kanya at nagdilim nanaman ang aking paningin.

Nakatulog na ako, hindi ko na namalayan. Ngunit may isang bagay akong napansin sa haplos ng mga kamay ni Simon kanina habang ako'y kanyang pinaliliguan. Ang pamilyar na hagod ng gumahasa sa akin nung ako'y minsang lango sa kalasingan.

Sa aking pagtulog, ako'y muling nagising. Mahigpit ang mga kamay na nakakapit sa aking balakang habang ako'y nakadapa sa aking kama na pamilyar sa akin ang amoy.

Namamanhid ang butas sa aking likuran sa matinding hapti at sakit dala ng paulit-ulit na pagbayo ng isang napakarahas na nilalang. Impit na dumaing ako sa pamimilipit ngunit mas higit pa rito ang hiwa na biglang bumukas at lalong lumaki ng akong maalala ang mapapait na sandali na ako'y nagahasa.

"Ikaw iyon kuya?!" ang gulat kong nasabi at nanlaki ang aking mga matang walang makita.

"T-tama na! Huwag! Kuya!" ang aking sigaw habang pilit na itinutulak palayo ang kanyang mga hita sa aking likuran.

"Anong kuya?! Hindi ako si Andrew!! Ako si Miguel!! Tulog na siya!!! Na-miss mo ba ito?!! Ha?!!!" ang nakakatakot na sagot niya sa akin sa malalim niyang boses at humalakhak na parang sinasapian ng maligno habang patuloy ang pagbayo sa aking nayurak na lungga.

Maya-maya, kasing sakit na ng kurot ang mga kapit niya sa aking likuran. Dumapa siya sa aking likod at sinimula akong kagat-kagatin tulad ng kanyang dating ginawa.

(itutuloy)

40 comments :

  1. cya pala gumahasa kay jasper..iba tlaga kwento mo, bawat chapter gumaganda, kaya ito lang masasabi wowwwwwwwwwwww i love this blog, keep it up dude!

    ReplyDelete
  2. thank you! sana nakuha ko pangalan mo para mapasalamatan kita ng maayos pero okay lang if you want to remain anonymous :)

    ReplyDelete
  3. ang ganda nmn ng kwento mo lagi kong inaabangan update nito, cya pala gumahasa kay jasper tsk,tsk
    pero jasper n rodel parin ako,pancn ko lalong gumaganda kada chapter.

    ReplyDelete
  4. nyay ampupu, ahayyyy...so siya rin pala ang totoong rapist???

    ReplyDelete
  5. Talagang nag-kiss sila kahit na bagong suka lang si Jasper? Sweet sana pero eewwwness talaga yun eh. Hahaha!! Can't wait for the next chapter. :)
    -icy-
    asper? Sweet sana pero eewwwness talaga yun eh. Hahaha!! Can't wait for the next chapter. :)
    -icy-

    ReplyDelete
  6. anu ba yan! na baboy nanaman si jasper.. at si simon pa talaga ang nang rape sa kanya.. wooot!

    ReplyDelete
  7. So si Miguel pala 'yung gumahasa kay Jasper...
    Even if so, I'm still supporting Jasper and Simon!

    For Alice, even after a major event that has just happened in her life, she still came through with a smile and tried to understand the condition of Simon.

    Can't wait for the next chapter, Kuya Jeff! hahaha!

    Go! lang ng Go! Kuya Jeff!

    - Jay! :)

    ReplyDelete
  8. Jeffy!! Have you read "L. P. Davies' Paper Dolls (1964)"? Parang nakikita ko yun transition ni Simon sa mga bida dun sa book when it comes to seeing a different persona while talking to that familiar person. Nakakaaliw! Sa story mo, sakit yun kay Simon. Dun sa Paper Dolls, talent nila yun. Pag di ka na uber busy try to read the book. Nice din yun.

    L. P. Davies - Paper Dolls (1964): a set of quadruplets who are telepathically connected. They feel each other's pain and share skills and talents.
    -icy-
    Jeffy!! Have you read "L. P. Davies' Paper Dolls (1964)"? Parang nakikita ko yun transition ni Simon sa mga bida dun sa book when it comes to seeing a different persona while talking to that familiar person. Nakakaaliw! Sa story mo, sakit yun kay Simon. Dun sa Paper Dolls, talent nila yun. Pag di ka na uber busy try to read the book. Nice din yun.

    L. P. Davies - Paper Dolls (1964): a set of quadruplets who are telepathically connected. They feel each other's pain and share skills and talents.
    -icy-

    ReplyDelete
  9. waaaaa..
    so dalawa cla ni nestor na gumahasa kay jasper noon...
    ehehhee... ano ba nmn to, c miguel ba eh nagpapangap lang na randy? pero wala nmn talagang randy?...
    hahay...

    hhehehe galing nito ehhehe

    -mars

    ReplyDelete
  10. weh ang aga nang updates !!!

    yun talaga ang una kong inisip eh.
    kala ko talaga nung una si randy ang nag rape, kasi brusko. Ngayun si miguel pala. o m gosh.

    kaya pala ganun ang ginagawang session ni brian, kasi si miguel manyak hahahahaha.
    pede pahiram kay miguel lol.

    (off topic,pantamboy kay miguel lol)
    The oozing crest of corruption,
    The arrogant vessel of madness!
    Deny the seething urge, stun and flicker, disrupt the sleep.
    The crawling queen of iron.
    The eternally self-destructing doll of mud.
    Unite!Repulse!
    Fill the earth and know your own powerlessness.
    Hadō no kyuu-juu Kurohitsugi

    ReplyDelete
  11. Ay....

    So namatay pala si Nestor ng walang kinalaman sa pangyayari sa pangagahasa kay Jasper?

    Miguel? Sino si Miguel?

    Kuya Jeffy sobrang twisted ng story. May galit, tampo or selos ka ba nararamdaman habang sulat mo ito? I can sense it.

    Sorry kung nanghimasok sa private life matters. Nanghuhula lang po.

    Ay....

    So namatay pala si Nestor ng walang kinalaman sa pangyayari sa pangagahasa kay Jasper?

    Miguel? Sino si Miguel?

    Kuya Jeffy sobrang twisted ng story. May galit, tampo or selos ka ba nararamdaman habang sulat mo ito? I can sense it.

    Sorry kung nanghimasok sa private life matters. Nanghuhula lang po.

    ReplyDelete
  12. ang ganda talaga.. pinagpuyatan ko talagang basahin to simula chapter 1-35 nung isang araw.. haha! ang ganda kasi e.. next chapter pls... nyahahaha

    ReplyDelete
  13. grabe s twist ng story!ang galeng,ang ganda.dmi rvelations.ndi tlga dpat btwan story!xcited n q s nxt chapter!!!sna lpit n ung nxt chapter!!!cant w8 n!!!

    ReplyDelete
  14. Good morning Jeffy, ok lang yun na excite kasi ako sa pag update mo.Alam mo naman na isa ako sa mga sumusubaybay sa Salamin,kaya whole day ko inintay He he he.

    Ang dami nang personality ni Simon.Baka dapat ipa exorcist si Simon nang mawala ang sumasapi sa kanya or ipa regress siya.

    Naku mapatawad kaya ni Jasper si Simon sa pag rape sa kanya? Siguro dahil mahal niya si Simon. On the otherhand, dahil sa sama ng loob lipat na sya sa bahay ni Don Amante.Si Simon naman ay dadalhin na sa states for treatment.Mas nagiging exciting and complicated ang plot ng story. Have a nice day and wait ko ulit ang Chapter 37.

    Ask ko lang yung sa Chatango I am trying to create an account using Norbert eh ayaw na kasi taken na daw.hindi ba na re reset yun? Kasi dati I just use Norbert as a temporary name. Hope you can enlighten me on this. Thank you.

    Warm Regards

    ReplyDelete
  15. ang ganda ng story sana may chapter 37 na mmya ang sarap kya ng kinakagat habang inaaano ka...hihihih lelz.

    ReplyDelete
  16. i knew it! tama ako sa hinala ko sa noong nagahasa si jasper...

    Mukhang alam ko na ang kasunod na mangyayari.. Hihi
    -cugertz

    ReplyDelete
  17. wow jeff ang ganda!! looking forward to the rest!

    ReplyDelete
  18. hihihi icy choosy ka pa ba kung senglot na kayo pareho tapos love niyo naman ang isa't-isa? hihih... Hindi ko pa nababasa yang L.P Davies' Paper Dolls eh.. yung kasi ginawa ko habang sinusulat ko ito kahapon sa imagination ko.. imagine pareho kami ng naisip? lol... pero... available pa ba siya sa National Bookstore? hahanapin ko yan kung may money and time na ako to read that.. mukhang maganda yung theme kasi... sa totoo lang.. bilang sa mga daliri sa kamay ang binabasa kong libro.. tamad kasi ako.. A Wrinkle In Time, Harry Potter 1-4 at yung 4 niya kalahati lang binasa ko the rest pinanood ko na lang sa sine lol..., tapos dalawa yata nung kay Stephen King nakalimutan ko na title, the rest kasi ng story niya pinanood ko na tulad nung IT at Pet Semetary, tapos may three books ako na parang Goosebumps pero nakalimutan ko na yung author basta may Cheerleader dun tapos yung isa may Professor na half lizard pala.. basta yung mga ganun yung mga binabasa ko before never romance talaga kasi mas gusto ko horror eh... Yung LOTR meron din ako yung Return of the King pero hindi ko na inabot sa kalahati yun kasi ang lalim ng english lol..

    Almondz, technically yes pero ibang personality ni Simon ang gumawa... hihihihih

    Zekiel masarap mababoy sa totoong buhay lol

    Salamat Jay! :)

    Umm... Mars hihihih sa next chapter mo malalalman ang kasagutan diyan hihihih...


    Ace!!! Memorize mo yung Kidou na madalas gamitin ni Rukia!! Di ba? pumatol din si bakla lol kasi manyak yung personality ni Miguel... sa mga susunod na chapter malalaman niyo kung sino-sino at bakit nabuo ang personality ni Simon na mga yun :)

    Erwin Fernandez wala naman po akong nararamdamang tampo o selos sa mga oras na sinusulat ko ang chapter na ito... nakokontrol ko na emotions ko matapos kong idispatya yung gumugulo sa akin na akala ni kuya Raffy ay siya lol... nakakapaginternalize na kasi ako ng maayos ngayon habang nanonood pa ng Bleach lol... episode 269 na ako sa wakas! lol..

    dEv at rion thank you po! mamaya na po ang kasunod na chapter pagkagaling ko sa school :)

    Salamat Norbert! Sa chatango.. mukhang may gumagamit na nga ng nickname na yun kaya di mo magamit yan :(

    Hi Screwed! thank you! nako sabi ko sa inyo wag kayo magbibigay ng wish o guess sa magiging flow ng story eh lol... hahaba ito lalo at malayo sa inakala niyo ang magiging ending lol

    tignan ko nga cugertz kung mahuhulaan mo ang kasunod na magaganap hihihihi

    Thank you Ruz! nagmarathon ka dito no? lol sabi ko sa inyo hintayin niyo sa MSOB posts ko eh lol

    ReplyDelete
  19. iba 'to, ndi na ako natutulog matapos ko lng.. hehe.. multiple choice tlga ang personality.. hehe

    ReplyDelete
  20. hnintay q 2 hanggang 2am hanggang sa nk2lugan q na,npaglitan pa q pgkagcng q kc naiwan qng nka on ung wifi lol
    amblis na mgshift ng mga katauhan ni simon, nkakaaning o.o

    patai na, mlalau c simon ky brian, bka d na xa mgamot pg ngkataon.. sa prev chap nkita na ung mga pinto kya plagay q mlapit ng mlunasan ni brian c simon

    kawawa naman c jasper :(( sna lng mkpglaban xahnintay q 2 hanggang 2am hanggang sa nk2lugan q na,npaglitan pa q pgkagcng q kc naiwan qng nka on ung wifi lol
    amblis na mgshift ng mga katauhan ni simon, nkakaaning o.o

    patai na, mlalau c simon ky brian, bka d na xa mgamot pg ngkataon.. sa prev chap nkita na ung mga pinto kya plagay q mlapit ng mlunasan ni brian c simon

    kawawa naman c jasper :(( sna lng mkpglaban xa

    ReplyDelete
  21. sorry naman akosichristian napuyat kita.

    Rue sorry din nawalan ng internet sa amin kagabi kaya napatagal paghihintay mo... buti ka pa anundant ang connection hihihih :)

    mamaya na po ang chapter 37! :)

    ReplyDelete
  22. Hahaha!! Di naman sa pagiging choosy pero parang awkward lang nung situation. Hihi..

    Im not sure kung available pa sya sa mga bookstores. Late 90's ko pa kasi yun nabili for an English project eh. T'was a nice story. More on sci-fi and thriller yung kwento nun.

    Pero syempre, iba ang kwento mo. May kilig factor. Actually, sa story mo lang ko nalaman yung type ng sakit ni Simon. Reading is healthy talaga. Salamat sa mga talented na writers like you.
    -icy-

    Hahaha!! Di naman sa pagiging choosy pero parang awkward lang nung situation. Hihi..

    Im not sure kung available pa sya sa mga bookstores. Late 90's ko pa kasi yun nabili for an English project eh. T'was a nice story. More on sci-fi and thriller yung kwento nun.

    Pero syempre, iba ang kwento mo. May kilig factor. Actually, sa story mo lang ko nalaman yung type ng sakit ni Simon. Reading is healthy talaga. Salamat sa mga talented na writers like you.
    -icy-

    ReplyDelete
  23. wala ako ma say....KAW NA TALAGA JEFFY....
    it is you already...

    ReplyDelete
  24. Sayang naman icy :( nga pala... Sybil na story din binasa ko pero hanggang kalahati lang ako ng book tinamad na ako lol... Dun ko hinuhugot yung concept ni Simon.

    Louie@DXB anong ako na? lol

    ReplyDelete
  25. Bawat chapter super suspense! Super exciting! BRAVO!!! Thanks Jeff for this magnificent masterpiece of yours! Woot Woot!!!

    ReplyDelete
  26. hindi rin ako mahilig magbasa ng makakapal na novels pero yung ganitong tipo ng literarura oo, mula pa nuong panahon ng Tabloid hanggang ngayon sa digital form na (napaghahalata ako).

    this is the first time i read (and follow)a story kung saan ang isang tauhan sa kwento ay may ibat ibang personalidad. (ayyy sa Musmos meron rin pala, pero gawa gawa lang naman iyon hehehe)

    ReplyDelete
  27. Almondz ito ang gawa gawa lang yung Musmos based on a not so far away past ko siya na augmented lang ng kaunti sa katotohanan :) sa October 28 ang birthday ni Kevin at makikilala niyo nang lahat kung sino siya :)

    ReplyDelete
  28. sir jeff i mean yung charcter po dun sa kwento... which was fabricated yung "pagpapanggap" dun sa musmos, unlike here na sakit yun ni simon...

    ReplyDelete
  29. ang GANDA!!! Ayoko na lalo kay randy/andrew/simon/miguel! Ang dami! Hahaha! Pa-init ng pa-init na talaga ang mga pangyayari! Sobrang ganda ng mga chapters mo ngayon jeff, kasi bawat chapter may rebelasyon. Next na next na!

    --ANDYang GANDA!!! Ayoko na lalo kay randy/andrew/simon/miguel! Ang dami! Hahaha! Pa-init ng pa-init na talaga ang mga pangyayari! Sobrang ganda ng mga chapters mo ngayon jeff, kasi bawat chapter may rebelasyon. Next na next na!

    --ANDY

    ReplyDelete
  30. cge, comment muna ako sa chap na ito.. abnormal ka na jeffy, ikaw na talaga magaling.. hehehe

    anyways, anong programming language/s ba trip mo? (parang job interview lang.. hihihi)

    apply ka sa amin at sigurado akong tanggap ka kaagad ;D

    may trabaho nang nakalaan para sa'yo.. ang magsulat ng at least 2 chapters sa isang full shift.. ano? game? hehehehe

    ReplyDelete
  31. lol ayun ba? oo nga Almondz hihihihihihi :)

    Salamat Andy :)

    Anonymous, C++ at VBA lang alam ko gamitin sa ngayon eh.. gusto mo hire mo na lang ako as storyteller mo parang si lola basyang? lol

    ReplyDelete
  32. Wahhh! Malapit na pala birthday ni Kuya 'Kevinpotpot'... hahaha! Ano Kuya Jeff? Magbubukas na rin ba siya ng blog?! hmmm... :D

    -----

    Hinintay ko nga pala ito kagabi. Nakatulugan ko pa habang hinihintay. Buti na lang hindi ako napagalitan.. nyahaha!

    Can't wait for chapter 37!

    - Jay! :)

    ReplyDelete
  33. ewan ko dun Jay! kay vin... basta gusto rin niya daw dati pero sabi niya marami daw magagalit kung ipupublish niya yung gagawin niya lol..

    ReplyDelete
  34. Sana eh ituloy na niya yung blog niya... wahaha!

    Dapat Kuya Vinpotpot rin tawag ko sa kanya dahil... wahaha! next time ko na lang sasabihin... (feeling close?) XD

    -----

    Chapter 37 na ng Salamin.. mukhang magpupuyat ulit ako! nyahaha!

    - Jay! :)

    ReplyDelete
  35. lol hanapin mo siya Jay! hanapin mo :)

    vin... peace :) lol

    ReplyDelete
  36. Talaga naman... ewan ko ba....

    magulo na ang mundo ko.. hahahaha...

    :)

    ReplyDelete
  37. boss jeff kami yung nag responde sa lolo ni alice...sakay kami ambulance...hahaha parang totoo kasi may inatake kaming pasyente nung nakaraang araw..may apo din na maganda sakay sa ambulance..hahaha

    -JP-

    ReplyDelete

Hope to hear from you! Thank you! ^_^