Friday, September 23, 2011

Salamin Chapter 39


by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Pauna:

Maraming salamat po sa paghihintay! Pasensiya na hindi ko agad napost ang chapter na ito kahapon. Uuwi na ako mamaya. Pagdating ko sulat naman ako ng chapter 40 :)

Sa anonymous na nagcomment sa chapter 38, paki-elaborate lang po yung negative comment na inilagay mo kung bakit pangit ang chapter 38. Hindi kasi nakakatulong sa aking pagsusulat ang kaunting nailagay mo.  Hihintayin ko sagot mo :)



"Ano yun?" ang tanong ni Brian habang nakataas ang isa niyang nakakunot na mga kilay na lagi niyang ginagawa kung siya'y nagtatanong.

"Pwede, sa ating dalawa na lang itong napag-usaoan natin tungkol sa akin at kay Simon sa nararamdaman ko sa kanya?" ang nahihiya kong tanong sa kanya.

"I have a condition to agree on that." ang sagot niya sabay nagkrus ng kanyang mga braso at taas noong tumitig sa akin habang ang kaliwang bahagi ng mga labi niya ay nakataas na nakangiti.

"A-ano?"

"What happened to me and Simon behind closed doors, you have to keep all of them secret muna." nanahimik akong saglit matapos marinig ang kanyang kundisyon. Nakaisip pa ako ng itatapat ko sa kundisyon niya.

"Mahal mo ba si kuya?" ang tanong kong gustong linawin muna ang isang bagay bago ko sabihin ang aking gusto.

"Hindi. Infatuated lang ako. Boyfriend ko lang mahal ko. Kinama ko lang siya. Ano? payag ka?" ang sagot niyang may bakas na kapilyuhan na sa kanyang mga ngiti at titig.

"Basta hindi mo na uulitin ha? Papayag ako kung di mo na hahayaang mangyari ulit sa inyong dalawa mga iyon. Please? Nasasaktan kasi ako kahit siguro mas mahal ko ang boyfriend ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit." ang malungkot kong pakiusap sa kanya. Tumamis ang ngiti sa mga labi ni Brian at ako'y kanyang niyakap ng mahigpit matapos tumangong pumayag sa aking mga sinabi.

"Mahal na mahal mo nga si Simon. Nakikita ko ang dating sarili ko sa iyo bago ako umuwi dito. Napakaswerte nila ng kuya at ng boyfriend mo." ang bulong niya sa akin habang nakapatong ang kanyang baba sa kaliwa kong balikat.

"Bola ka naman diyan. Focus ka na lang kasi sa boyfriend mo." ang sagot ko sa kanyang natatawa kahit natutusok na ang aking leeg sa nakaumbok na buto ng kanyang balikat. Kumalas si Brian sa kanyang yakap sa akin at pinagmasdan ang aking mukha.

"Are you serious in waiting for your boyfriend to return?" ang tanong niya. Patuloy pa rin naman ang pagsuri niya sa aking itsura.

"Oo naman. Tatanggapin ko siya ng buong buo makita ko lang siyang muli sa aking harapan. Kahit hindi na siya magpaumanhin. Ako na ang magsasabi sa kanya na pinatawad ko na siya at magpapasalamat pa ako na nasa harapan ko na ulit siya." ang malalmin kong sagot kay Brian dala ng damdamin at naitagong kalungkutan sa pangungulila para kay Rodel. Brian's face was then filled with awe while he looked me in the eye. Pilit kong nginitian siya pabalik.

"Jasper, you know? I think it'd be better for you to remove those glasses of yours. Why don't you try using contacts as an alternative to that?" ang suhestyon niya sa akin.

"Image stylist ka rin ba, Brian?" ang tanong kong natatawa na kanyang pabirong tinarayan.

"I saw that movie with that line and I'm not John Lapuz, okay?" ang natatawa niyang sagot.

Nagtawanan na kami ng mga sumunod naming usapan. Sa unang pagkakataon, nagkaroon kami ng bonding moment ni Brian at lalo kaming napalapit sa isa't-isa.

"You know? Let's go out today and get you that contact lens that will look good on you." ang sabi niyang binalik sa aming usapan tungkol sa aking itsura.

"Talaga? Bolero ka rin pala no?" ang natatawa kong sagot sa kanya. Ngumiti lang siya pabalik.

"Seriously, Jasper. Why not use contacts?" ang tanong niya sabay hawak ng kanyang dalawang kamay sa aking magkabilang panga at sinuri muli ang aking mukha.

"Ewan. Hindi ako maarte kasi sa katawan. Pero kung sabi mo na bagay, magpapacontact lens ako sa isa pang kundisyon." ang maligalig kong sagot sa kanya.

"Eh ano nanaman iyon?" ang nagmamataray niyang tanong sabay ng pagtaas muli ng isa niyang kilay.

"Pwede mo ba ako sa isama sa session niyo ni Simon para makausap ko si Simon? May gusto lang akong malaman. Gusto ko lang makasiguro." ang seryoso kong sagot sa kanya.

"Eh bakit hindi siya ang tanungin mo. Just call him Simon! You see him switch to much recently, right?" ang sagot niya.

"Aba malay ko ba, ikaw itong psychiatrist sa ating dalawa." ang nang-aasar kong sagot sa kanya. Humalakhak lang ang gaga at napailing.

Matapos ang ilang oras naming pag-uusap at pangungulit ni Brian. Kami'y pumunta sa isang tindahan ng salamin sa mata na nagbebenta ng contact lens sa may Park Square sa Makati City. Pinipilit niyang piliit ko ang may kulay ngunit hindi ko talaga tipo ang nirerekumenda niya sa akin kaya't clear lenses lang ang aking binili.

Matapos doon ay nagtungo kami sa Yoshinoya upang kumain.

"Eh di hindi ka na nahihirapan ngayon sa eyeglasses mo." ang wika ni Brian habang ibinababa ang tray ng aming order sa mesa at ako nama'y hinihilot ang arko ng aking ilong dahil sa naninibago ako na malinaw ang aking kapaligiran ng walang nakapatong na salamin dito. Napayuko lang ako nang ako'y mangiti sa kanyang sinabi.

"Pa-demure ka pa diyan para kang dalagang madre. Umayos ka nga diyan." ang wika niya habang binababa ang kanyang order na Beef Yakiniku, Chicken Katsudon at inumin sa kanyang harapan mula sa tray. Nang matapos ay kinuha ko naman sa kanya ang tray ay kinuha rin ang para sa akin, and Bento A - Ebi Tempura at large red tea.

Hindi pa sumusubo ng pagkain si Brian ay inilabas nanaman niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at nagtext. Napuna ko ang kanyang ginagawa habang nagsasawsaw ng tempura sa kikoman gamit ang chopsticks. Natuto akong gumamit ng chosticks nung minsang nagluto si Andrew para sa akin ng Yakisoba sa bahay. Subok lang ang ginawa niya ngunit lubos ko naman itong nagustuhan.

"Sino katext mo? Boyfriend mo?" ang nanunukso kong tanong sa kanya habang nakangiti bago kumagat sa tempurang tumutulo pa ang kikoman.

"Oo. Sabi ko kasi nandito ako ngayon sa Park Square, nangungulit." ang sagot niya sa aking habang abalang nakatitig sa screen ng kanyang phone at nagpipipindot.

"Gising na pa siya? Madaling araw na sa states ah. Bakit ka kunukulit?" ang tanong ko matapos lumunok ng nagmamadali para makapagsalita sa pagkamangha sa kasipagan na makapagusap sila kahit magkaibang oras ang kanilang kinagagalawan.

"Ay, di ko ba nakukuwento sa iyo?" ang nabigla niyang sagot at ibinaba ang kanyang telepono sa mesa sa kanyang harapan.

"Kelan ba tayo nag-usap ng ganito? Kanina lang di ba? Napakaprivate mo kasi." ang sarkastikong taong ko sa kanya't nakangiti.

"Ang sabihin mo, parang nagbuhol na bituka niyo ni Simon." ang natatawa niyang sagot.

"Dumating na dito ang boyfriend ko. It's been almost a month and he'll be going back to the US to continue his study." ang dagdag niya sabay dukot ng chopsticks at tinusoktusok laruan niya ang kanyang mga pagkain.

"Boyfriend ko rin. Mahirap ba talaga dun sa states? Paano kayo nagkakilala?" ang tanong ko agad sa kanya. Bakas sa aking mukha ang interes na marinig ang mga sagot niya. Nasa isip ko na sa mga oras na iyon si Rodel at gusto kong isipin na marahil ganoon din ang pinagdaanan niya nang pumunta siya roon.

"We met at a coffee shop where he was working part-time. It was love at first sight." ang sabi ni Brian habang nakatingin sa kawalan at abot tenga ang kanyang ngiti. Nawala na ang gana niyang kumain at pansin kong nadudurog na ang ulam sa ibabaw ng kanyang kanin sa patuloy niyang pagtusok dito.

"I ordered my drink while I was still looking at the menu behind him after he asked me when I got my turn. I was a little preoccupied too at that time and the long line have caused me to feel a bit irritated." ang patuloy niya habang nagpapabaling ng bahagya sa kaliwa't kanan ang kanyang ulo. Nakangisi lang akong nakikinig sa kanya. Natigilan ako sa aking pagkain sa mga sasabihin niya.

"When I looked at him after I took my wallet to give him my card, he was smiling at me and from his eyes I saw rather a different intention. Maraming coffee shops doon, marami ring cashier o barista ang nakaharap ko na. Siya lang ang kakaiba. He's filipino, and very manly. Oozing with sex appeal that he made me wet by just staring at his eyes." ang patuloy pa ni Brian habang tumitindi ang kanyang kilig habang nagkukuwento.

"I was speechless so I just smiled back at him. Then he said, 'Can I have your number?'. I was shocked and butterflies started to flutter inside me." ang dagdag niya sabay tigil upang ilabas ang nararamdaman niyang klig at gigil na nagipana na sa kanyang mukha.

"Ano ba yan. Skip ka na sa ibang detalye. So nagkakilala kayo?" ang istorbo ko sa kanyang daydreaming. Umasim ang mukha niya.

"Hay nako. Anyways, we met again after his shift dahil binigay niya sa akin schedule niya after I got my order. Then everything fell into place even in bed. Yun na." ang pahabol niya.

"Sus me. Akala ko kung ano na kasunod." ang nadismaya kong sagot sa kanya at ibinalik ang aking atensiyon sa aking kinakain.

"He's almost here now. Pinapunta ko na." ang sabi ni Brian bigla bago siya nagsimulang kumain. Nabigla ako.

"Nakakahiya naman. Baka inaasahan niya na may date kayo. Sana sinabi mo na kasama mo ako." ang halos mabulunan kong sinabi sa kanya.

"Too late for that. Sorry, self centered ako masyado. Me, me, me. I't be better to introduce you to him by surprise na rin. For the date, okay naman siguro sa kanya na kasama ka namin." ang wiika ni Brian at bumalik ulit sa pagkain.

Nang magseryoso na kami sa aming hapunan, tahimik na walang imik kaming inubos ang aming pagkain hanggang sa nauna siyang matapos sa akin.

Sa likod ni Brian kung saan naroon ang entrance ng Yoshinoya ako ay napatingin. Nanlamig na nagingig ang aking mga kamay na may hawak na chopsticks. Parang biglang nawala ang aking lakas. Nanlaki ang aking mga mata sa isang lalaking lumitaw sa di kalayuan. Mabilis na nag-init ang aking dibdib sa taong aking nakita. Magkahalong tampo at pananabik ang nahari sa aking puso.

Napatayo ako bigla habang nakapako ang mga titig ko sa kanya. Napansin agad ako ni Brian.

"Jasper, you look like you've seen a ghost?" ang tanong niya habang hinihimas ang kanyang sikmura at nakasandal sa likod gn kanyang upuan. Hindi ko siya napansin kaya't agad niyang sinulyapan ang dako kung saan ako nagigimbal.

Nakatayo si Rodel na sinusuri ang paligid. Nagkaabot kami ng tingin at marahan kaming naglakad papalapit sa isa't-isa. Tulala lang akong tiningala ang mukha niya dahil sa kanyang tangkad. Namuo ang mga luha sa aking mata. Puno naman ng lungkot at pagsisisi ang mga nasa mata ni Rodel ang aking nakita.

"B-bakit mo ako iniwasan? Hindi mo man lang ako hinayaang ipagtanggol ka. Nanindigan ako sa pagmamahalan natin, Rodel." ang sabi ko sa aking nanginginig na boses.

Nakalapit na sa aming tabi si Brian, bakas ang pagtataka sa aking reaksiyon at sa mga aking mga nasabi.

"Magkakilala kayo, Jasper? Rodel?" ang naguguluhang tanong niya sa aming dalawa.

Nagtitinginan na ang ibang customer sa aming paligid. Nakiusyoso na ang mga taong nakakita sa akin na ako'y lumuluha.

Tumango si Rodel at hindi ako matignan ng mata sa mata. Napakagat siya sa kanyang labi na parang may gustong sabihin ngunit nagdadalawang isip siya.

"Rodel? Why is Jasper crying?" ang tanong ni Brian sa kanya. Umiling lang si Rodel habang ang mukha niya'y tulad ng sa isang magnanakaw na nahuli.

Ipinakita ko kay Brian ang umaagos kong mga luha.

"Brian, si Rodel ang boyfriend ko na best friend ni Simon. Ikaw ang gusto kong tanungin ngayon. Kaano ano mo si Rodel?" ang halos humagulgol ko nang tanong sa kanya. May kutob na akong masama ngunit pilit kong iwinawaglit ito sa aking isipan. Nagsalubong ang kanyang kilay sa aking sinabi.

"Rodel IS MY boyfriend. He's the one I was telling you about." ang may galit niyang sagot sa akin.

Tinignan kong muli si Rodel. Nakayuko na gustong magpalamon sa lupa.

"Rodel, bakit? Ano ulit ang dahilan? Dito ulit sa Makati? Ha? Gusto mo dun sa SM sa gilid ulit ng Dusit Hotel? Sagutin mo ko. Kung uulitin mo lang ang lahat ng iyon sa akin. Maawa ka naman sa akin. Pangalawa na ito." ang nangigigil kong sinabi sa kanya. Patuloy naman si Rodel sa kanyang lagay ngunit tuwing titingin siya ay hindi siya makatingin ng tuwid sa akin.

"I don't know what's going on now so you guys better explain things to me. I'm not liking this anymore." ang sabat ni Brian.

Tumingin ako sa kanya at ipinakita ang pilit na ngiti.

"Brian, sabi ko sa iyo, magfocus ka sa boyfriend mo di ba? Kay Rodel pala. Ngayon, nalaman ko na mali pala ako. Hindi ako galit sa iyo. Sorry, magkita na lang tayo sa bahay. Magcocommute na lang ako." ang maayos kong pakikipag-usap sa kanya. Tumango ako't binalikan ang aking mga paper bag ng aking pinamili na nakapatong sa ilalim ng aming mesa. Bumalik ako't dinaanan lang silang dalawa nang ako'y lumabas ng Yoshinoya. Agad kong sinuot ang isang shades na binilo ko kanina habang naglalakad ng mabilis. Halos mabunggo ko na ang aking mga nakakasalubong sa paglalakad patungong Ayala Station dahil hindi na ako nakatingin sa iba maliban sa sahig habang ang isip ko'y puno ng pagsisisi at panghihinayang at ang puso ko'y durog na durog at puno ng galit.


Nang mapadaan ako sa daan tungong sakayan ng bus sa Ayala Station, sa mismong gilid ng na pinagigitnaan ng Dusit Hotel at SM, nagbalik ang lahat ng alaalang tila nagyari lang kanina. Napahinto ako't napatingin sa mismong pila ng taxi. Pinagmasdan ko ang kapaligiran. Tila hindi nagbago ang lahat ng naroon. Kahit ang simoy ng hangin na may bahid ng usok mula sa mga sasakyan, naroon pa rin.

Para akong nanood ng pelikula sa paglitaw ng aming mga anino sa lugar kung saan kami nakatayo't magkaharap. Lahat ng iyon ay nagsimulang maglaro sa loob ng aking isipan.

--- simula ng flashback ---


"Jasper, sana maunawaan mo. Patawad pero hindi ko na kayang manatili sa relasyon natin. Kasalanan ko at wala na akong salitang pwedeng gamitin para masabi lang sa iyo para hingiin lang ang kapatawaran mo. Kailangan na talaga natin tapusin ito ngayon. Hindi na kita mahal." ang sabi niya sa aking puno ng lungkot at pait ang kanyang mga mata ngunit mas dama kong gusto niya nang lumaya kaysa ang pagsisising tinatapos na niya ang anim na buwan naming relasyon.

Pasado alas otso na ng gabi at narito kami sa pila ng taxi sa likod ng SM Makati sa ilalim ng ambon habang kami ay nag-uusap. Hindi namin pansin ang aming kalagayan. Tila mas mahalaga ang kahihinatnan ng aming usapan.

"Bakit naman biglaan bakit ngayon mo lang sa akin sinabi ito? Inisip mo ba muna ako? Naisip mo man lang ako sa kagustuhan mong iyan? Niligawan mo ko upang ibigin kita ngayon gusto mong tapusin ang lahat? Pansin ko na ang pagbabago mo. Pwede ba natin muna itong pag-usapan?" ang nanginginig kong sinabi sa kanya sa pagkabigla.

"Ayoko! Umuwi na tayo! Tapos na tayo!" ang pautos niyang sinabi sa akin.

Tila gumuho ang aking mundo sa akin narinig. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi at kung papaano niya ito sa akin sinabi. Mabilis na umagos ang aking mga luha sa sakit na aking nadama.

Tatalikuran na sana ako ni Rodel upang sumabay sa mga nakapilang gustong sumakay ng taxi ngunit kumapit ako sa kanyang kanang braso upang pigilan siya.

Hindi ko inaakalang magagawa niyang sampalin ako. Mabilis na humapas ang kanyang kaliwang kamay sa aking kanang pisngi na tumunog ng malakas at siyang kumuha ng atensyon ng mga tao sa aming paligid.

Gulat ang aking mga matang tumitig sa kanya dahil nagawa niya akong saktan. Ipinangako niyang kahit kailan ay hindi niya ako sasaktan at kukunin niya ang sarili niyang buhay kung magawa man niya ito. Ang mga pangako ay nilikha at nandyan upang mapako.

"Gusto mo tulungan kita mag-move on? Sige, sasabihin ko na sa iyo ang nilihim ko sa iyo. Tatlong buwan na rin kami ni Nestor." ang mayabang at inis na inis niyang sinagot sa akin.

"Naala mo na nagpapaalam ako sa iyo madalas na gagabihin ako o hindi ako uuwi ng bahay dahil sa basketball? Kasama ko siya noon. Gusto mo pa marinig ang iba?" ang dagdag niyang sinabi sa akin.

Hindi ko siya pinagdudahan dahil sa buong buo ang tiwala ko sa kanya. Hindi ko inakalang magagawa niyang lokohin ako sa kabila ng hindi ko sa kanya pagtago ng kahit ano sa akin.

Nanginginig ang aking mga kamay at tuhod sa aking nalaman.

"Sabi mo... Ako ay... Sabi mo... Hindi mo ko... Sabi mo sa akin... Ikaw ay..." ang nanginginig kong sinabi sa kanyang hindi mo matapos sabihin. Dati ay kinukumpleto niya ang aking sasabihin tuwin sasabihin ko sa kanya ang linyang iyon. Sa pagkakataong ito ay nasabi ko lang ulit dahil sa gusto kong ipamukha sa kanya ang kanyang mga sinabi sa akin.

Hindi na siya nakikinig s akin. Panay lang ang lingon niya sa pila ng taxi at hindi makatitig sa aking mga mata.

"Rodel... salamat... at paalam." ang huli kong sinabi sa kanya matapos punasan ang luha sa aking mukha. Agad akong tumalikod sa kanya at tumungo sa sakayan ng bus sa ilalim ng MRT Ayala station.



--- tapos ng flashback ---


Unti-unting naglaho ang mga nakatayong anino namin sa lugar kung saan nangyari ang lahat. Masidhing sakit na ang nararamdaman ng aking puso. Parang lumulutang ang aking utak dahil hindi ko na maramdaman ang aking katawan. Naglakad ako ngunit parang nawawala ang aking mga paa.

"Rodel..." ang bulong ko habang malayo ang aking mga tingin.

Nang paakyat na ako sa hagdan kung saan ako maaaring mag-abang ng mga nagdaraanang bus papuntang Alabang, sa ilalim ng MRT station. May kamay na kumapit sa aking kanang balikat.

"Saan ka pupunta?" ang tanong ng boses sa aking likuran. Mabilis akong lumingon kasabay ang paglipad ng aking bumigat na kamay sa kanyang mukha bago ko pa siya makilala.

(itutuloy)

46 comments :

  1. syet...nakakalungkot nangyari kay jasper..:(..affected tuloy ako maxado..lol..

    sanapoh kuya mapost na ung chapter 30 mamaya..tnx

    ReplyDelete
  2. Sabi ko na nga ba eh!

    Tama hinala ko sa kung sino bf ni Brian.

    Kuya Love Square talaga.

    Ahihihi!

    ayoko na mag dag dag ng comment baka kung ano nanaman masabi ko.

    Nice merienda!

    ReplyDelete
  3. bad trip. bakit lagi syang ginaganun ni rodel. sana patayin na sya (rodel) ni miguel. hahaha joke

    ReplyDelete
  4. asar talaga kapag umieksena si brian....
    nice chapter padin....
    lalong gumaganda ang mga updates ng stories mo sir jeffy...
    na to think eh...
    sinimulan ko basahin ang salamin nung SEPT. 17 5:30 AM AT NATAPOS KO NG SEPT. 18 7AM simula chapter 1 to 36, simula noon ay nanabik ako sa mga sumunod mong chapter..
    habang inanantay ko ang next three chapters ng salamin eh sinunod kong binasa ang KAIBIGAN at MUSMOS na inabot LNG NG TWO DAYS...
    ayos...
    keep it up sir jeffy...

    ReplyDelete
  5. grabe jeffy naninikip ang dibdib ko sa chapter na ito..super sad talaga ako dito..bet ko pa naman si rodel for jasper...

    kelan po ung nxt chapter?
    more power on you

    ReplyDelete
  6. grabeng twist ng story..haha pero I LIKE IT! :)

    ReplyDelete
  7. Aba kakaiba talaga ito!

    Rodel. Fuck you, sumama kana kay nestor! :@

    jasper. Kayanin mu para kay simon!

    Jeffy cute. Thumbs up :)Aba kakaiba talaga ito!

    Rodel. Fuck you, sumama kana kay nestor! :@

    jasper. Kayanin mu para kay simon!

    Jeffy cute. Thumbs up :)

    ReplyDelete
  8. 1st time ko mag-comment pero bago ko ibigay ito gus2 ko lng malaman mo na i enjoy reading ur stories.

    Ang comment ko ay ito:

    about sa Rodel-Brian tandem, hindi ba nagtanong ang bawat isa (Rodel-Brian) kung saan nakatira si Brian sa Pinas?, at hindi ba sila nagkitang dalawa e nag-overnight pa naman si rodel sa bahay ng mga Tiongco?

    ReplyDelete
  9. Haist... Una ako magcocoment. Sir, nakakainis naman. Sabi ko na nga on the middle of the story I knew it was Rodel Brian's talking about. Kawawang Jasper. Bakit ganon, inspite of the pains that he suppered from Rodel ganun lang? Iiwanan lang nia ito? Sana si Rodel iyong kanyang sinapak. Parang masyado na yatang api dito si Jasper sana bigyan mo naman ng konting angas ang personality nia. If I were in the shoes of Justin I would rather kill him (joke lang) masyado akong nadala sa story. Sana pinadugo mo man lang nguso ni Rodel para naman makaganti kahit papaano si Justin or else give him a lesson to learn in his entire life being polygamous. A AIDS maybe? hehehe... Sana more chapters to come at aabangan mo talaga but little by little may nangyayari maganda Lastly, I am really enjoying this rollercoster ride of emotions of feelings, kilig, inis, galit, suspense ano pa ba?

    Yours, gerald.sese@gmail.com

    ReplyDelete
  10. Hello again Jeff!

    i can't wait for the next chapter.

    Ahahahah! connected lahat ng story m ah... from Musmos, Ka-ibigan at Salamin. I like it... while im reading this story, inaalala ko ung mga scene s other stories m and they are really connected. heheheh

    Galing m talaga!

    Sna mpost m n ang next chapter. :)

    -jovee86

    ReplyDelete
  11. Hahaha daming twists!
    Sana may chapter 40 na.. Keep it up jeffy!

    goi

    ReplyDelete
  12. aray! skit naman, my pnaalala ka naman skn sa eksenang un T.T

    otei, nu nga b msasabi q? hmm...parang maiksi tong chapter na to compared sa iba...peo ms konti typos... o.o

    kht wg m na muna dugtungan, pahinga ka po muna at bka mpano kpa :( tke care po laging un T.T

    otei, nu nga b msasabi q? hmm...parang maiksi tong chapter na to compared sa iba...peo ms konti typos... o.o

    kht wg m na muna dugtungan, pahinga ka po muna at bka mpano kpa :( tke care po lagi

    ReplyDelete
  13. Ewan ko..minsan hindi ko maisip kung kelan tayo magbubulag bulagan pagdating sa pag ibig. Minsan tama na ang isang pagkakamali. Pero sa pangalawang pagkakataon tama pa rin bang pagpasensyahan natin sila. Hindi ko lubos maisip kung tama ba ang maging martyr.Oo minsan kelangan pero siguro naman may hangganan.

    Hay sabi ko na nga ba? Si Rodel ang BF ni Brian.Ang nakakapagtaka lang ay hindi pala nagkikita sila Rodel at Brian kahit iisang bahay lang ang tinutuluyan nila? Weird noh.

    Hay excited na ako sa susunod na gagawin ni Jasper..sana mali ang naiisip ko na maging twist ng story.hehehe..

    ReplyDelete
  14. rodel, ayoko na sayo, isa kang taksil sarap mong sakalin, kawawang jasper, sa pangalawang pagkakataon sinaktan na nmn cya ni rodel, kay simon kana lang jasper.

    ReplyDelete
  15. grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr............. rodel is a two-timer!! not once but twice!!!!!!!!! jerk!!!!! grrr

    kainis xa!!!

    -tnx sa update kuya jeffy..nxt nah!!

    PS.cnxa di ako ngpaparamdam these days pero ngbabasa naman ako sa lahat ng updates mo kuya jeffy!!! ambilis mo mg update!!. tnx po....


    -HANS

    ReplyDelete
  16. Good evening Jeffy,
    Medyo nalito lang ako dun sa
    "Bola ka naman diyan .... kanyang balikat.Kumalas si Simon sa kanyang yakap. Parang si Brian ata yung kausap niya dba.
    Si Brian din ba yung kontrabida na sinasabi mo sa mga susunod na chapters?
    Regards

    ReplyDelete
  17. Sino kaya yung nasampal ni Jasper ng aksidente?

    Si Rodel ba o si Simon? I don't think na si Brian ang hahabol sa kanya para lang makapag-usap sila dahil magagawa naman nila yun sa bahay nila Simon.

    You can feel the sadness of what happened to Jasper. After him sticking up to his uncle just to protect their relationship wherein Rodel just ran away from and now, he finds that he was somehow used... Ang bigat sa damdamin to find out that behind your back, that will happen and that happened in another country too. It's like sticking pins through your body and not feeling anything because of the pain the heart endures more than the body which can heal but the heart which takes more time to heal and when hurt, it takes the hurts the body can endure multiple times.

    Nakakaiyak Kuya Jeff! :(

    By the way, sayang wala si Simon sa chapter na ito. :(

    Can't wait for the next chapter Kuya Jeff!
    Go! lang ng Go! Kuya Jeff!

    - Jay! :)

    ReplyDelete
  18. sino ang sinampal ni jasper? awwww, anu ba yan! umpisa pa lang hindi ko na gusto si Rodel, hayup sya grrrrr.

    bigo na naman si jasper :(

    ReplyDelete
  19. what the hell!!??? Naman jeff!! Haha! Grabe yung pangyayari na yun ha, pero sa start pa lang ng usapan nila tungkol sa boyfriend nila, kinukutuban na ako na si rodel ang bf ni brian, at ngayon palagay ko.....wala ng rodel-jasper sa ending, haha pero malay natin?? Pero kung ako kay jasper, after non, hindi na ako babalik kay rodel if ever na mkipagbalikan ulit ito. Para kay andrew nga yata si jasper, kaso kawawa naman si alice!! Isa ito sa pinaka gusto ko na chapter, pulido yung twist! Galing jeff!

    --ANDYwhat the hell!!??? Naman jeff!! Haha! Grabe yung pangyayari na yun ha, pero sa start pa lang ng usapan nila tungkol sa boyfriend nila, kinukutuban na ako na si rodel ang bf ni brian, at ngayon palagay ko.....wala ng rodel-jasper sa ending, haha pero malay natin?? Pero kung ako kay jasper, after non, hindi na ako babalik kay rodel if ever na mkipagbalikan ulit ito. Para kay andrew nga yata si jasper, kaso kawawa naman si alice!! Isa ito sa pinaka gusto ko na chapter, pulido yung twist! Galing jeff!

    --ANDY

    ReplyDelete
  20. Norbert: Thank you! Wala na ako kagabi sa sarili ko dahil sa gamot na ininom ko kagabi. Nacorrect ko na. THank you talaga for pointing this one out for me :)

    Jayfinpa, anonymous & Gerald: tama ka sa sinabi mo. may mga ganun talaga, nagpapakamartyr at may nang-aabuso. Sa mga susunod na chapter malalaman niyo ang kanila ni Brian at Rodel. revelation pa lang sa next chapter yung justification ko ng details :)

    Almondz, Andy, Rue, Jay!, goi, & rion: Thank you ha? hihihih sa next chapter ko kasyo sasagutin mabuti sa story :)

    jovee86: Kaya nilabas ko pa rin cast ng Musmos dito at Ka-ibigan parang signature ko lang na story ko din ito lol :)

    Jaceph Elric & Hans: Ang poot hohohoho

    ReplyDelete
  21. naweirdohann din ako jeffy kung bakit hindi man lang nagkita sila rodel at brian sa bahay ni simon. hmmmmm...

    -rover

    ReplyDelete
  22. Rover: sa chatper 40 niyo po malalaman kung bakit :)

    ReplyDelete
  23. Sorry but I don't want to here Rodel's side on this. In fact, I want him to feel SO MUCH regret for doing that to Jasper. It just hurts.

    Of the events that happened, I would definitely vote Simon for Jasper. Though Simon has a condition, at least he still acted and treated Jasper better.

    It hurts when I read the chapter again just to read the wrongs done by Rodel. Who wouldn't feel awful if that were to happen.

    I was really empathetic when I was reading the story and I'm sure many were empathetic while reading the story too.

    Sorry Kuya Jeff... the story just came across something which I never ever ever want to happen.

    - Jay! :)

    ReplyDelete
  24. ok jeffy.. sabi mo eh.. lol

    hook na talaga ako sa site mo... tuloy-tuloy lang po!

    -rover

    ReplyDelete
  25. haha.so si brian pla ang pinupuntahan ni rodel pag nawawala sya...hahah...so pwde na patayin si brian at isama mo na rin bossing si rodel...hahaha nung una pa man ay wala na akong gusto sa rodel na yan db?hehehe.kill na agad bossing!isama mo na yung doctor na nakikitulog dito nw sa bahay na bumibisita DAW sa ate ko at dahil gabi na eh eto nakitulog sa bahay namin.pero hindi ko na cya pinapasok sa kwarto.d ko na nga sya pinansin.nagtulog tulugan ako kanina.

    =teddyRICHIE=

    ReplyDelete
  26. teddyRICHIE: di maganda sa kalusugan yan. hayaan mo na lang sila try to find happiness within yourself first and everything will be okay for you lalo na pag nakilala mo na si future hubby mo :)

    Jay!: Poot! pareho kayo ni teddyRICHIE :) relax lang :) lol

    ReplyDelete
  27. waaaaah... Rodel is totally a jerk...

    Sana nga may times na si jasper naman ung nanlalamang. Palagi na kc cyang api..hehe
    kudos kuya jeff
    -cugertz

    ReplyDelete
  28. lol natatawa naman aq sa reaxon ng iba xD wg kau mglit ky rodel guys... dhl sa kanya my maaliwalas na daan na para sa jasper~andrew loveteam x3
    wa nio na dn xa ipapatay, cge kau bka m2lad cla sa sm pampanga crime of pasion lol
    kwawa un :(

    ReplyDelete
  29. whoa! i didn't see that coming. this story is full of surprises. pauwiin na sa states yun dalawa sa next chapter. kawawa nman si jasper from the very start ng kwento puro panloloko na ginagawa ni rodel. haist!

    ReplyDelete
  30. ahahhaha.. sabi ko na dati may iba si rodel eh... napakimposible lang kc na wala ahahahhaa...

    ReplyDelete
  31. I was soooo busy taking in calls kaya di ako nakapag-comment agad. Hehe.. Tatanong ko sana kung bakit di nakita ni Jasper ang sweetness nila Brian and effin Rodel. Pero for sure, may explanation yan sa chapter 40. Iba ba ang name ni Rodel pag sila ni Brian ang magkasama? Walang clue man lang na something fishy's goin on? I pity Jasper. Justification lang talaga na we can't have it all tong story mo.
    -icy-

    I was soooo busy taking in calls kaya di ako nakapag-comment agad. Hehe.. Tatanong ko sana kung bakit di nakita ni Jasper ang sweetness nila Brian and effin Rodel. Pero for sure, may explanation yan sa chapter 40. Iba ba ang name ni Rodel pag sila ni Brian ang magkasama? Walang clue man lang na something fishy's goin on? I pity Jasper. Justification lang talaga na we can't have it all tong story mo.
    -icy-

    ReplyDelete
  32. icy: pinilit ko lang kasi umabot muna sa minimum number of words ko ang chapter na ito bago ko siya pinost dapat mahaba ito pero pinutol ko muna need to get a check-up today kasi sa chapter 40 justification ko sa mga nangyari sa likod ni Jasper at kung may kasalanan ba o wala si Brian sa panghihimasok niya sa relasyon nila Rodel at kung bakit walang hint na lumabas sa mga nakaraang chapter... sa buong kwento bagamat madalas si Rodel may malabong bahagi pa sa katauhan niya ang hindi ko binubunyag and the following chapters will be the chance for me to do that according to my plan until the end of the story. yung pagkakasulat ko lang talaga ng chapter nito sobrang kulang sa detail naging revelation lang siya but without and explanation :) thanks icy for that :)

    ReplyDelete
  33. mars: buti ka nahulaan mo dahil it's time for Rodel & Brian's scene & background na muna sa mga kasunod na chapters :)

    screwed: exactly and I'm aming to give you guys the detail behind everything on that na. It's like an experience of having a boyfriend, loving him, believing him, and in the end lolokohin ka pa rin pala. :)

    Rue: okay lang yan Rue, yan din kasi ang gusto kong maging reaction nila kahit bitin ang details sa relasyon ni Brian at Rodel :)

    ReplyDelete
  34. cugertz: the right chapter will come for Jasper. May hint na ako sa magiging daloy ng story sa dream scene ni Jasper :)

    ReplyDelete
  35. Nakakainis si Rodel.. nanggigigil ako sa inis sa kanya! >.<
    Well, I understand Brian's side kasi wala xang kaalam2 na partner ni Jasper si Rodel.

    Grabe tlga mga ngyayari kay Jasper :(
    wawa nmn xa.. naku, kung may magandang mngyayari sa knya parang may papalit na pangit..
    kambal ba nya ang malas?? :(

    galing mo tlga magsulat kuya jeffy! ^^, keep it up po!

    ~Leigh

    ReplyDelete
  36. i lillly lillly like it..... jejejejjeje... paganda ng paganda n tlga ang kwento, i like d twists, pls. make rodel realize his mistakes and make his life miserable..... heheheheh

    next chapter na pls......


    jockey

    ReplyDelete
  37. nakakainis si rodel dalawang beses nia ng sinaktan c jasper..baka si simon ang para sa kanya..


    ~kinilabutan ako sa chap. 38..

    next chapter na po :]

    ReplyDelete
  38. Hay ganda talaga ng Salamin full of twist di mo mapredik ung mga mangyayari....
    Sensya na po ngayon lang ulit ako nagcomment kasi hindi ako makacomment sa CP nagloloko lagi...

    Jasper wag u nang babalikan si Rodel sobra na sya...
    Sabi nga ni Once is enough two is too much...
    hehehe ke Andrew u nlng....

    Thanks po sa mabilis nyong pag-update...
    medyo pahinga rin po kau para hindi po kau magkasakit..
    God Bless you po...

    ReplyDelete
  39. I dont want to hate Rodel yet kasi nga sabi mo malabo pa ang pinaka share nya sa kwento. Just can't take the idea na twice na nyang sinaktan si Jasper. Hehe.. So funny and nakakahiya to admit, but I've checked your update 3x during my shift last night. Hahaha!! Nakaka-hook naman kasi. :)
    -icy-

    I dont want to hate Rodel yet kasi nga sabi mo malabo pa ang pinaka share nya sa kwento. Just can't take the idea na twice na nyang sinaktan si Jasper. Hehe.. So funny and nakakahiya to admit, but I've checked your update 3x during my shift last night. Hahaha!! Nakaka-hook naman kasi. :)
    -icy-

    ReplyDelete
  40. Wag kasi magpakatanga sa pag-ibig.

    Ito motto ko.
    Kiss without loving, listen, but do not believe, and leave before you are left.

    ReplyDelete
  41. ngayon po ba yung next chapter? grabe ang sakit nun. Pangalawang beses masaktan sa iisang tao sa parehong dahilan tsk tsk tsk. Ayoko ko na kay Rodel promise. Thanks po Jeff. God Bless po.

    - ecko

    ReplyDelete
  42. Salamat Leigh :)

    jockey: sa mga susunod na chapter tignan po natin kung dapat bang pahirapan ko si Rodel o hindi sa mga susunod na chapter :)

    joed12: salamat :) posted na chapter 40

    Arl: okay lang po iyon. tumitigil naman ako kung nakapatpos na ako ng isang chapter kung may emotions pa ako at inspired pa sumusulat ako the next day ulit at post agad :)

    icy: sorry kung 3x beses mo inulit pero hindi ko pa agad napost ang kasunod. sorry talaga :(

    Ace: dati ko rin motto yan tinalikuran ko lang.. ewan ko ba.. nahulog pa rin ako pero hindi naman na ako nagsisi muli :)

    ecko: opo kakapost ko lang po ng chapter 40 :)

    ReplyDelete
  43. sabi na nga ba ehh...sana lang wag syang mapatay ni Simon sa ginawa nya..weeew! sayang..hahaha

    ReplyDelete
  44. Gago ka pala Rodel eh! Umasa akong magbabago ka pagkatapos nung sa inyo ni Nestor pero ganito lang pala ulit gagawin mo kay Jasper. Gago ka! Di ka na nakonsensya. Wala kang puso! Di na ako aasa para sa inyo ni Jasper. Kay Simon na lang siya. Pakyu! Magsisi ka sana nang sobra!

    Sorry, di ko mapigilan mapa-comment. Hihi

    ReplyDelete

Hope to hear from you! Thank you! ^_^