Sunday, September 25, 2011

Salamin Chapter 40


by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Pauna:

Salamat po sa paghihintay ng update na ito! Unti-unti ko po kayong bibigyan ng kasagutan sa kung ano ang meron kay Brian at Rodel sa mga susunod na chapter. Tulad ng sinabi ko sa comment ko sa nakaraang chapter.

Pasensiya po kung biglang bumagal ang aking pagsusulat. Emotionally blank talaga ako ngayon hindi ko alam kung bakit. Susubukan ko po maghanap ng mga tugtugin na makakahipo sa aking damdamin.




PAKKKK!!!

"Araaaaaaay!!! Nagtatanong lang kung saan ka sasakay bakit mo ako sinampal?!" ang gulat na daing ng barker ng bus na sunog na sa araw ang balat at marahil dahil sa kanyang pinanggalingan, katayuan sabuhay, at dala na rin siguro ng kanyang trabahong laging nakatayo at nagsisisgaw sa sakayan ay mukhang pasmado na ang payat na katawan niya na may suot na lumang maong na tinernohan niya ng shirt na kulay pulang kupas. Hindi matigil ang kanyang kamay sa paghimas ng kanyang namulang pisngi sa lakas ng aking sampal. Hindi ako nahirapan ibigay sa kanyang mukha ang aking pwersa dahil mas matangkad ako sa kanya.

Nagulat ako't inalis ko agad ang aking suot na shades ng maalimpungatang hindi ko kilala ang taong sinampal ko ng pagkalakas-lakas. Mabilis na uminit ang aking mga namumula nang pisngi sa matinding pagkahiya.

Gusto kong magpalamon sa lupa sa mga sandaling kaharap ko siya. Nakatingin sa amin ang mga tao sa aming paligid lalo na ang mga tambay sa yosihan sa bandang sulok ng hagdan kung saan may naglalako ng mga dyaryo, yosi, at kung anu ano pa sa mga malalaking mala-maletang kahoy na stante nila. Tulad ng inaasahan sa mga Pilipino, marami sa mga tambay roon ang nakiusyoso at nagbulungbulungan.

"Manong! Sorry po! Pasensiya na may nakaalitan lang po ako kanina sa inyo ko na nailabas yung sama ng loob ko. Pasensiya na po talaga. Hindi ko sinasadya." ang nagmamadali kong nawika sa kanya sabay luhod sa kanyang harapan.

Tumango sa akin ang barker at tumingin sa akin na magkasalubong ang kanyang mga kilay sa galit. Matapos ang ilang minuto ay biglang tumindi ang galit sa kanyang mukha. Nagtunugan ang mga nagsikipan niyang mga kamao. Mabilis niyang itinaas ito upang bumuwelo sa kanyang igaganting suntok.

Aktong dadapo na sana ito sa aking mukha ng biglang pigilan siya ni Rodel. Agad naman natakot sa kanya ang barker kaya't nagtatakbo itong umalis palayo sa amin nang pakawalan siya ni Rodel.

Nagulat ako sa mga pangyayari ngunit sa loob ko'y pinatay ko na si Rodel. Ayaw ko na siyang kausapin. Nakatitig lang ang mga mata niya sa akin na humihingi ng pang-unawa at kapatawaran. Galit na titig lang ang ibinalik ko sa kanya.

Agad akong tumayo sa aking pwesto at tinalikuran si Rodel. Naglakad ako palayo sa kanya sa kahabaan ng hintayan ng bus sa ilalim ng MRT station. Inip nang makasakay ng bus papuntang Alabang.

"Jasper, please let me explain. This time it's different."

Hindi ko siya pinapansin. Ni ayaw ko siyang lumitaw sa aking paningin kaya't sa kung saan-saan ko ibinabaling ang aking mga mata palayo sa dako kung saan pwedeng maaninag ko siya.

"Jasper, please naman pansinin mo naman ako. Magpapaliwanag lang ako." ang pangungulit niya habang pilit na hinahabol ang kanyang mukha aking paningin. Napapikit na lang ako sa sobrang gigil at napabuntong hininga. Kumapit siya sa aking kamay at hindi na talaga ako nakapagpigil.

"Para saan pa? Hindi ko na pakikinggan ang paliwanag mo, Rodel. Matagal ka na rin nawala. Iisipin ko na lang na hindi tayo nagkabalikan dahil matagal ko na palang pinagtutulakan na lang ang sarili ko sa iyo. Matagal na akong nagpaloko at umasa sa wala. Ayoko na Rodel." ang malumanay ngunit may gigil kong mga sinabi sa kanya. Gusto kong huwag umiyak kaya't ang boses ko'y halos parang giniginaw sa panginginig. Pilit kong hinatak ang aking braso para bitiwan niya. Saktong huminto ang napadaang airconditioned na bus papuntang Alabang kaya't nagmadali akong tinakasan si Rodel sa pagsakay dito. Bago makapasok ng bus ay nagsuot ako muli ng shades. Nahihiya na akong umiiyak sa harap ng ibang tao. Nararamdaman ko na tutulo nanaman ang aking mga luha.

"Ayoko nang iyakan pa si Rodel. Tama na. He is not worth it." ang pilit kong pagpapatahan sa aking sarili ngunit bago pa ako makahanap ng mauupuan sa dulong bahagi ng bus ay rumagasa na sa magkabila kong pisngi ang aking mga luha. Napabunot tuloy ako ng panyo habang naglalakad patungo sa bakante sa likuran. Kulang na lang itaklob ko ito sa aking buong mukha.

Sa mga oras na nakaupo na ako sa bandang likuran ng bus kung saan walang nakakakita sa akin ay hinayaan ko na ang aking sariling ibuhos ang mga huling luha ko para kay Rodel. Gusto kong may makausap para matulungan akong lumabas lahat nitong aking nararamdaman.

Kinuha ko agad ang aking telepono sa aking bulsa. Agad kong tinawagan ang natatanging taong makakaunawa sa aking nararamdaman ngayon.

"Hello, Alice?" ang pabulong kong bati habang humihikbi sa kanya nang sagutin niya ang aking tawag.

"Jasper? Umiiyak ka ba o may sipon ka? Anong nangyari?" ang tanong niyang nag-aalala.

"Nasa bus ako ngayon pauwi na ng Alabang. Galing kami ni Brian sa Makati pero nauna na ako umuwi." ang kwento ko sa kanya't natigil dahil parang sasabog na ang aking dibdib. Gusto kong sumigaw sa loob ng bus. Gusto kong basagin ang salamin ng bintana ngunit marahang dukdok lang ang nagawa ko. Ilang sandali akong nasa ganoong lagay. Hindi makapagsalita si Alice sa pagkabigla marahil sa marinig akong umiiyak.

"Si Rodel, niloko nanaman ako. Naghintay ako ng matagal, naniwala ako sa pangako niya sa akin, nahulog ako sa mga pinapakita niya. Akala ko mahal niya ako pero..." ang dagdag ko pa nag makabawi ako ng hininga ngunit nang babanggitin ko na kay Alice ang mga kasunod ay naninikip na ang aking dibdib sa matinding hinagpis.

"Tito, nasa hospital ako ngayon binabantayan si lolo. Please come over here. Let's talk about it. Pabubugbog natin siya kay Randy. Mamaya ka na umiyak, friend. Please? For me?" ang malambing na nasabi na lang ni Alice marahil alam niya ang aking pinagdadaanan ngayon.

Nagpaalam agad ako sa kanya matapos niyang sabihin sa akin kung saang room nakaconfine si Don Amante. Matapos kong ibaba ang aking tawag, madali nang namanhid ang aking damdamin. Ang alam ko lang, pagod na akong umibig pero sa mga sandaling iyon,  gigil na gigil akong inilabas ang lahat ng ito. Para lang akong galit na sumuntok sa pader at nawala na ang lahat ng aking dinadalang galit.

Natulala na lang ako sa bintana ng bus, hindi na lumuluha, walang iniisip habang pinagmamasdan ang papalubog na araw sa kabihasnan. Trenta minuto akong nasa ganoong lagay. Hindi katulad ng dati halos mawala talaga ako sa aking sarili. Nakalimutan ko na rin magbayad ng pamasahe nang di ako daanan ng kunduktor para singilin.

Pagpasok ng tollgate ng Alabang ang bus, inayos ko ang aking sarili upang bumaba. Taas noo at mabagal akong naglakad tungo sa Asian Hospital. May kalayuan mula sa aking binabaan ngunit sanay naman na akong maglakad kaya't balewala lang sa akin ang layo ng aking nilakad. Habang naglalakad, wala akong ibang iniisip. Blanko ang aking isip at damdamin. Parang nagkaroon na yata ng switch ang aking puso at isipan sa mga bagay dumaan sa aking buhay. Tila lahat ng ginawa sa akin ni Rodel ay nagdulot ng malaking pagbabago sa aking sarili ng hindi ko namamalayan.






Nang makapasok sa Asian Hospital, dumeretso na ako sa mala-hotel na kuwarto kung saan nakaconfine ang aking tiyuhin. May mga nakasalubong akong bumati sa akin na empleyado ng ospital ngunit hindi ko sila napansin dahil na rin siguro sa suot kong shades o marahil nagsarado muna ang aking pandinig sa lahat ng bagay. Tumigil nga yata ang mundo ko dahil sa mga pangyayari. Pagod na yata talaga ako.





"Tito...?" ang nahihiya kong bati nang buksan ko ang pintuan ng kanyang silid. Una kong nakita ang round table na may apat na upuan at sa di kalayuan ay ang sala set.

"Pasok ka jiho. Nandito ako." ang masiglang bati ni Don Amante na nanggagaling sa kabilang banda ng silid. Pumasok ako't pinuntahan kung saan nanggagaling ang boses ni Don Amante. Nakita ko sa tabi niya si Alice kinakalikot ang kanyang iPad. Si Don Amante ay nakakangiti na. Parang wala lang ang nangyari sa matanda. Nawala si Alice sa kanyang ginagawa at napatingin sa aking kinaroroonan. Isang abot na ngiti ang ipinakita niya sa akin at nagmamadaling tumungo upang ako'y kanyang yakapin ng mahigpit.

"Aray!" ang agad kong daing nang madiinan niya ang mga pasa ko sa aking likuran. Kumawala siya bigla at nagtataka kung ano ang dahilan ang aking daing.

"Okay ka lang?" ang bulong niya sa aking tenga.

"Okay na ako. Naiwan ko na sa bus." ang sagot ko sa kanya sabay pakawala ng isang pilit na tawa.

"Eh bakit ka umaaray? Niyakap lang kita." ang naiintriga niyang tanong sa akin. Naalala kong wala pala siyang alam sa nangyari sa amin ni kuya.

"Naglasingan kami ni kuya. May mga pasa at sugat ako sa likod. Mahabang kwento pero naconfine kami si kuya na lang naiwan sa baba." ang kwento ko sa kanya.

"Anong nangyari sa kanya?" ang nababahala niyang tanong sa akin.

"Okay na siya. Mamaya ko na lang ikukuwento." ang pilit ko sa kanya.

"How are you doing, tito?" ang nahihiya kong tanong sa matanda. Hindi ko siya matingnan sa mga mata niyang nakapako sa akin.

"I'm doing good. I'll be out of here very soon. How about you? Bakit nakashades ka, jiho?" ang maayos niyang sagot sa akin nang mapunta ang kakaiba kong itsura.

"Oo nga, you went here without your glasses?" ang pansin naman ni Alice sabay hugot ng aking shades mula sa aking mukha.

Nakita nilang dalawa ang namumugto kong mga mata. Napakagat labi ako at tinitigan ng masama si Alice sa kanyang ginawa. Tumawa lang siyang malakas. Yumuko ako pilit itinatago kay Don Amante ang aking mga mata.

"Friend, it looks good on you. Buti naman naisipan mo na magcontact lens, Jasper." ang natatawang sabi ni Alice.

"I couldn't agree more to what Alice said, Jasper. You looked more like your mother now." ang masayang dagdag ni Don Amante. Napakamot na lang ako ng ulo sa aking narinig sa hiya.

"Gusto kong makita kuya mo. Puntahan natin." ang yaya ni Alice at nagpakita ng isang pilyong ngiti.

"Eh bakit di mo siya puntahan? Sino magbabantay kay Don Amante?" ang sarkastiko kong nasabi sa kanya.

"As if naman alam ko kung saan siya nakaconfine ngayon di ba? Isasama ba kita kung alam ko? Ikaw, naging kapatid mo lang si Simon kinalimutan mo na ako." ang nagtatampo niyang sagot sa akin na parang bata.

"Oo na. Sasamahan na kita." ang napilitan kong sagot sa kanya. Ibinaling ko ang aking tingin kay Don Amante na kanina pa natatawa sa aming dalawa sa panonood.

"Tito, puntahan lang po namin si kuya. Nasa baba lang po nakaconfine." ang magalang kong paalam sa kanya.

"Ano nangyari sa kanya?" ang tanong ng matanda at kumunot ang kanyang noo.

"Nauntog po ng malakas. Makulit kasi." ang palusot ko na lang sa kanya.

"Kawawang bata naman. Sige, puntahan niyo muna saglit si Simon. Parating na rin siguro ang mga alalay ko." ang pagpayag naman ni Don Amante habang tumatangong nagsasalita. Ngumiti kami ni Alice sa kanya at agad na nagpaalam.

Saktong paglabas ng pintuan ng kwarto ni Don Amante ay agad na isinara ito ni Alice at nakita ko sa kanyang mga mata ang maraming katanungan nang kami'y magkatitigan habang nakatalikod siya sa pinto. Hinawakan niya ng mahigpit ang isa kong braso.

"Jasper, ano nangyari? Sa inyo ni Rodel? Bakit? Ano nanaman ginawa niya?" ang naiintriga niyang mga tanong agad sa akin. Napayuko ako't nag-isip. Pumakawala ng isang malalim na buntong hininga bago sagutin siya.

"Pumunta kami ni Brian sa Park Square kanina pagkalabas ko ng ospital kanina. Sabi niya mas bagay daw na magcontact lens ako kaya pumunta kami doon. After namin lakarin itong para sa mga mata ko, kumain muna kami sa Yoshinoya. Nung kumakain na kami ni Brian, nagkwentuhan kami tungkol sa boyfriend niya." ang mahina at mabagal kong kwento kay Alice. Inaalala ang bawat pangyayari habang nagkukuwento ako sa kanya.

"Tapos? Tapos? Ano naman ang kinalaman ni Brian? Ano kinalaman ng sa inyo ni Rodel? Ano?" ang hindi makapaghintay niyang mga tanong sa akin na nagsusumigaw na makarinig ng sagot. Hindi ako kaagad nagsalita. Dahil sariwa pa ang lahat, sobrang pait, sorbang hirap balikan.

"Nagkwentuhan kami ni Brian ng tungkol sa boyfriend niya na nakilala niya sa Amerika. Sa isang coffee shop kung saan ito nagtatrabaho. Yung boyfriend niya ang unang nagpakita ng motibo na gusto siya daw nito. Siya daw kasi yung barista na kumuha ng order ni Brian." ang hirap kong wika na kay Alice. Batid ko sa mga tingin ni Alice na parang nahuhulaan na niya ang lahat nang banggitin ko ang salitang Amerika. Hindi ko napansin na tumulo nanaman ang aking mga luha.

"Ngayon lang naman kami naging close ni Brian. Alam mo yan. Madalas si kuya ang kasama ko at si Brian, laging wala sa bahay kung wala silang session ni kuya." ang dagdag ko pa tumatango lang sa akin si Alice habang ang mga mata niya'y puno na ngayon ng awa at pagkalinga. Hindi ako makatingin ng tuwid sa kanya. Nahihiya na ako para sa sarili ko sa matinding katangahan na pinahintulutan kong maulit sa akin.

"Ayun, katext kasi ni Brian yung boyfriend niya kaya nabanggit niya sa akin yun kasi nung mga oras na kumakain na kami nasabi niyang nasa Pilipinas din ang boyfriend niya at paalis na ulit papuntang Amerika. Hindi ako nagduda dahil malaki ang tiwala ko kay Rodel at isa pa, nagpunta na si Rodel sa bahay at dun pa natulog. Malapit lang kwarto namin ni Brian. Bakit hindi man lang sila nagkita? Kasi nagulat si Brian nang dumating sa Yoshinoya si Rodel agad ko siyang nilapitan. Naguguluhan ako pero napansin ko kahit si Brian naguguluhan dahil nalaman niya na magkakilala kami ni Rodel." ang sinabi ko pa habang impit ang aking pag-iyak dahil sa nasa corridor lang kami at maaaring marinig ng ibang pasyenteng nasa floor na iyon na bukas ang pintuan ng kwarto. Napatingin ako muli kay Alice, malungkot ang mga mata niya't napapailing sa aking mga ibinahagi sa kanya. Hindi ko man derestahang sinabi na sila ni Brian at Rodel, nakuha na niya ang aking ibig sabihin.

"If Brian is really unaware na ikaw ang boyfriend ni Rodel. So, it is possible that Rodel took the opportunity na itago sa inyo ni Brian ang lahat. Was Brian there when he slept over?" ang tanong ni Alice na parang nag-iimbistiga sa mga pangyayari.

"Ngayong naitanong mo na, wala nga. Nasa Tagaytay yata si Brian noon for two days kasama yung mga nakilala niya sa gimikan niya." ang sagot ko.

"There we go. Now, when you found out about this. Did you get mad at Brian?" ang tanong niyang maayos at dama ang pag-aalala.

"Hindi. Sabi ko sa kanya, mauuna na akong umuwi at magcocommute na lang ako tapos umuwi na ako. Pero sa sakayan sa Ayala Station kanina hinabol pa ako ni Rodel. Nangungulit at gustong magpaliwanag." ang sagot ko.

"Kinausap mo naman?" ang tanong naman ni Alice na parang nakakatanda siya kaysa sa akin sa tono ng kanyang pananalita.

"Hindi na. Hindi ko siya pinansin hanggang sa may dumaang bus, sumakay na ako." ang sagot ko sa kanya. Umakbay sa akin si Alice at hinimas-himas ang aking likuran upang patahanin ako. Nangiti naman ako sa ginawa niya.

"Yaan mo na. Makakalimutan mo rin siya balang araw. Mahal mo pa rin kasi yang si Rodel ngayon pero mawawala rin yan." ang wika ni Alice. Tinamaan ako sa huling sinabi niya.

"Mahal ko pa nga ba talaga si Rodel? Minahal ko pa rin ba siya?" ang tanong ko sa aking sarili. Pakiramdam ko, parang madali lang ang lahat para sa akin ngayon kalimutan ngunit hindi ko maintindihan kung bakit. Natuluyan na ba talaga ako kay Simon o natuluyan lang talaga ang pagkabawas unti-unti ng nararamdaman ko para sa kanya. Iniyak ko lang ang lahat pero may kakaiba talagang nangyayari sa akin sa hindi ko mapaliwanag na dahilan. Pakiramdam ko madali ko lang itong malalagpasan.

"Tara na, punta tayo sa kwarto ni Simon." ang yaya ko sa kanya para maiba ang aming usapan ngunit hindi siya lumakad sumunod sa akin.

"Ano nangyari sa inyo ng kuya mo? Hindi mo pa sa akin kinukuwento eh. Ang daya mo talaga, Jasper." ang tanong ni Alice. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang tanong. Nagulantang ako dahil hindi ko alam kung paano ko sa kanya sasabihin ang lahat. Babawasan ko ba o ibibigay ko sa kanya ang buong detalye.

(itutuloy)

41 comments :

  1. hahaha barker pala yung nasampal ni jasper ampupu kawawa naman nyayyy

    ReplyDelete
  2. naks! ikaw ang nauna Almondz! :) actually matagal ko na gustong gawin dati yan sa mga barker sa Ayala Station dati yan eh nung nagtatrabaho pa ako sa Convergys noong 2005-2006. Kakainis sila dati lalo na wala pa noon yung mga pink fences na naglipana ngayon sa buong greater manila area.

    ReplyDelete
  3. babawasan kaya ni Jasper ang mga detalye ng mga nangyari sa sasabihin niya kay Alice?

    malalaman natin yan sa susunod na kabanata, dito lang sa... SALAMIN!

    ReplyDelete
  4. ayyy sir jeff bakit mo naman yan gustong gawin sa mga barker?

    hmmm sabagay, ako nga nang-away ng guard sa MRT Taft, tas nang away rin ako ng tagabenta ng ticket sa LRT UN Ave nuong umuwe ako hehehe

    ReplyDelete
  5. ...then?sorry kuya parang isang scene lang kasi..parang wala ka sa mood mag sulat nw...sna mali ako...
    =teddyRICHIE=

    ReplyDelete
  6. Ahahaha, may na hug ako dati na nakatalikod,
    di na man siya gumalaw akala ko yung bestfriend ko di ko pala kilala, pero cute naman kaya ok lang sakin hahah XD pero manapak hahaha lol,
    ibang level na yan ^___^

    ReplyDelete
  7. Almondz: ginawa mo naman teleradyo story na to lol.. basta may pagkabratinella talaga ko kahit uber friendly ako basta ayoko kinukulit ako madali kasi mag-init ulo ko... isang taon ko silang tiniis talaga.. sasakay naman kasi ako kung sasakay ako sa bus na iyon di ba? eh dati kasi umuuwi ako umaga na mainit pa tapos buong gabi akong babad sa aircon kaya imagine mo na lang lagkit ko nun nilalakad ko kasi mula RCBC plaza to Ayala Station everyday. tapos yung mga barker dati doon, hahawakan ka pa talaga eh dati saktong may humawak sa braso ko eh nakajacket ako nun pagsakat ko ng bus matutulog sana ako nung nasandalan ko yung hinawakan niyang side amoy ebak... so I can assume na nagpupu siya at di siya naghugas ng kamay... kadiri talaga.. lol

    teddyRICHIE: hindi sa wala po ako sa mood, blanko talaga as in nanaman ako. hindi ko alam kung bakit :( sorry na sorry na... babawi ako sa next chapter...

    Ace: pareho pala tayo... madalas din akong ganyan.. malas ko pa dati sa loob ng grocery kala ko nanay ko kinakalabit ko tapos tinawag ko kapatid ko sa likod ko pagtingin ko ulit dun sa babae hindi pala siya yung nanay ko tapos pinakamasaklap pa sa boobs ko siya kinakalabit. :(

    ReplyDelete
  8. yaiks amoy ebak? ampupu naman yun sir, pero ako nga kahit amoy yosi lang ayaw kong makatabi e. ok lang kung nagyoyosi pero wag naman yung akala mo humithit ng isang kaha sa loob ng isang paghithit.

    anyway back sa kwento, mahirap talagang magsulat ng kulang ka sa sangkap (in ur case e emotion)...kaya relax ka sir, at mag-unwind, magmuni muni o kung ano man...

    ReplyDelete
  9. last try, pg to d pa npost bukas nlang aq mgccoment >_>

    wlang eksena c andrew..sad :(
    bt ba c andrew hnahnap q d naman xa ung bida? xD

    parang angiksi ng chap na to ngaun...ok ka lng po, sir?
    d q pa tpos ung ka-ibigan m, pg ntpos q na mgccoment nq dun^^

    ReplyDelete
  10. uu Almondz hihihih... sa tatlong story na ginawa ko.. masasabi kong ganito pala kahirap kung susulat ka ng walang damdamin.. kulang ang creativity kung wala talagang emote :(

    Rue: uu, medyo kulang ako deep inside kasi.. hindi ko alam kung ano

    ReplyDelete
  11. gagawa sila nang exena ni simon sa
    hospital, si simon ang patiente
    tas si jasper ang doctor.

    physical exam hahah :D

    ReplyDelete
  12. Sans ma-post na ung chap 41 hayztzzz.,, adik na ko.!

    ReplyDelete
  13. Hi Jeffy,
    Akala ko si Rodel yung nasampal. Nice one.

    nalito ako dun sa 1. "Para saan pa?....Winisik ko ang aking braso... parang di naman pwede wisikin ang braso baka hinatak nya ang braso sa pagkakahawak ni Rodel

    2.Nagpaalam na agad ako....para lang akong naggigil at inilabas ang lahat ng ito. siguro nang gi-gigil na ilabas ang lahat ng ito.

    3."Ngayong naitangong mo na. baka nai tanong

    ok lang na di publish kasi corrections lang naman itong comments
    Regards

    ReplyDelete
  14. hahhahaha... galing... buti naaalala mo pa ung mga details na ibinigay mo sa unang mga kwento about sa mga characters ehehhe...

    ang hirap kaya pagtagpitagpiin ang mga complicated stories, nakakamiss-out. hehehe...

    may pinag-usapan c brian at jasper to keep it secret dba? so babawasan ngaun ni jasper ang details na sasabihin nya kay alice hehehe...

    parang gusto kng marinig ang paliwanag ni rodel kay jasper pero sa harap din ni brian ehhehe... nice scene... baka in the end, brian-jasper story pala to ahahahha...

    galing talaga!

    -mars

    ReplyDelete
  15. Ace: kung pwede lang talaga gagawin ko yan sa kasunod na chapter! shet nainggit ako kay jasper. (Simon: tuwad! Jasper: Opo doc! Simon: Parang kagat lang ito ng langgam. Jasper: Doc dahan-dahan lang ha?) lol

    Hajie04: kung mahanap ko ulit damdamin ko sulat agad ako ng kasunod. mahirap kasi talaga sumulat ng walang dibdib pumapangit talaga kwento..

    Norbert: Thank you! naedit ko na yung mga corrections :)

    Mars: Thank you :) yun nga eh. may kodigo ako kahit di ko binabasa ulit yung nasulat ko na hihihihi... sa chapter 42 or 43 siguro si Rodel mageexplain :)

    ReplyDelete
  16. Sorry jeff pero tama, parang wala ka nga yata sa mood sa chapter na to, more on explanation to sa nkapaligid sa characters at flashback lng sa last chapter...clueless parin ako kung ano ba talagang meron. Haha! Wait na lang namin yung next. :)

    --ANDYSorry jeff pero tama, parang wala ka nga yata sa mood sa chapter na to, more on explanation to sa nkapaligid sa characters at flashback lng sa last chapter...clueless parin ako kung ano ba talagang meron. Haha! Wait na lang namin yung next. :)

    --ANDY

    ReplyDelete
  17. Ay susme kuya jeffy!

    Yung barkers na yan???!!! Peste minsan yung mga yun.

    Pinagtritripan ako dati pag nadadaan ako.

    "tol! Yung baklang mukhang tibo ayun oh. Hi Sir/Ms.!" - yan madalas marinig ko nun.

    Kaso di ko kaya lumaban. Sanay sa basag ulo yun eh.

    umiinit ulo ko sakanila!

    Kuya Jeffy nga pala there is this mobile site na nag copy ng musmos and ka-ibigan mo.

    Ayun i tooked it down by myself.

    Plakda na site nila.Ay susme kuya jeffy!

    Yung barkers na yan???!!! Peste minsan yung mga yun.

    Pinagtritripan ako dati pag nadadaan ako.

    "tol! Yung baklang mukhang tibo ayun oh. Hi Sir/Ms.!" - yan madalas marinig ko nun.

    Kaso di ko kaya lumaban. Sanay sa basag ulo yun eh.

    umiinit ulo ko sakanila!

    Kuya Jeffy nga pala there is this mobile site na nag copy ng musmos and ka-ibigan mo.

    Ayun i tooked it down by myself.

    Plakda na site nila.

    ReplyDelete
  18. Oo nga Andy. Pasensiya ka na ha? Hindi naman sa wala ako sa mood wala lang talaga damdamin ko nung sinulat ko ito. :)

    Erwin tawa naman ako ng tawa sa kwento mo sa barker lol...

    Sa kumopya ng ka-ibigan at musmos at inilagay sa wap site.. parang kilala ko na kung sino gumawa nun.. Dahil diyan, kahit PDF copy ng kahit ano sa kwento ko di ko na ibibigay. kung gusto nila basahin kwento ko pumunta sila dito kung gusto nila ng special treatment ayoko na. mabuti na maghigpit at magdamot kesa sa hinuhubaran na pala ako ng hindi ko alam. Dito at sa MSOB lang ang copy ng Ka-ibigan. Sa MSOB marahil nakuha yung copy ng kwento ko at para makuha iyong ka-ibigan kailangan may access ka as contributing author sa blogsite na iyon.. para siyempre bawas readers ng kwento ko dito at sa MSOB... delikado na pala... buburahin ko na Ka-ibigan at Salamin sa MSOB.. Yung Musmos nung sinulat ko iyon doon nawala na yung account na gamit ko doon kaya freebie na lan yun sa mga letcheng copiers na yan. Burahan na lang ng website para masaya labanan ng copyrights lol

    ReplyDelete
  19. hahahaha....XD
    talaga nga naman...
    ganda ng pasok nung barker....
    hehehehehehe......
    uu nga sir jeffy.....
    halatang my something sa chapter na to....
    pawang may mga kulang sa isinulat mo ngayon....
    pero ok lng yan....
    isipin mo nlng ang mga nag-aabang ng mag susunod mo pang chapter....
    sana nga ay makahanap ka ng panibagong outlet para sa mga sususnood mo pang kwento.....
    im looking foward to the next chapters...
    go!!!! sir jeffy....

    ReplyDelete
  20. As usual nabitin lang ako.Para may kulang hehehe..baka nga dala ng wala kang sa mood kaya parang may kulang hehehe..

    Anyway..baka naman kasi pag naexplain si Rodel mabago na naman ang isip ni Jasper. Hay sana naman may konti siya respetong natitira sa sarili. Hahayaan niya ba ulit mangyari na naman ang pagiging two timer niya. Hmmpp..Sinabi na nga niyang hindi siya worth it.Ang tanong kanino kaya siya mapupunta? Hehehe.

    Abangan ko next update mo.

    ReplyDelete
  21. W0w! Grbe xperience nyo. .hehe.aq? Sinunt0k q ung drver ng bus! Kc halos paliparin nya ang bus sa bandang ovr pas ng ortigas! Bgo aq bumaba ng bus sa araneta.sin0ntok q sya sa mukha. Ayun ngkagulo, takbo ang lolo at ngtago sa starlyts!haha. Kpal tlga ng r0del na yan!W0w! Grbe xperience nyo. .hehe.aq? Sinunt0k q ung drver ng bus! Kc halos paliparin nya ang bus sa bandang ovr pas ng ortigas! Bgo aq bumaba ng bus sa araneta.sin0ntok q sya sa mukha. Ayun ngkagulo, takbo ang lolo at ngtago sa starlyts!haha. Kpal tlga ng r0del na yan!

    ReplyDelete
  22. Yun ibang barker pa nga talagang pasigaw na sa tenga kung magtanong eh, may kasama pang akbay. Feeling close lang sila? Haha!

    Effect naman ang intro kay manong barker. Kaya mo naman pala bigyan ng bahid ng comedy ang kwento Jeffy eh. Please make it more often. Yes, nakakatuwa at nakakakilig yun bromance ng mga bida, pero syempre iba pa rin yun comedy talaga. Just to lessen lang yung pagiging miserable ng bida. About this chapter, as much as I hate to disagree with some of your followers, pero bitin talaga. Maybe you're going through something and you just did what you have to do para di kami mainip kakaintay or what, pero I think, sa bawat chapter po, dapat puno sya lagi. Not to the point na you're going to reveal everything na. May bitin factor pa rin pero satisfying dapat. But still, this chapter won't stop me from reading Salamin. And, I'm also waiting for the continuation of Breakwater. Hoping na makita mo agad ang inspiration mo. :)
    -icy-

    Yun ibang barker pa nga talagang pasigaw na sa tenga kung magtanong eh, may kasama pang akbay. Feeling close lang sila? Haha!

    Effect naman ang intro kay manong barker. Kaya mo naman pala bigyan ng bahid ng comedy ang kwento Jeffy eh. Please make it more often. Yes, nakakatuwa at nakakakilig yun bromance ng mga bida, pero syempre iba pa rin yun comedy talaga. Just to lessen lang yung pagiging miserable ng bida. About this chapter, as much as I hate to disagree with some of your followers, pero bitin talaga. Maybe you're going through something and you just did what you have to do para di kami mainip kakaintay or what, pero I think, sa bawat chapter po, dapat puno sya lagi. Not to the point na you're going to reveal everything na. May bitin factor pa rin pero satisfying dapat. But still, this chapter won't stop me from reading Salamin. And, I'm also waiting for the continuation of Breakwater. Hoping na makita mo agad ang inspiration mo. :)
    -icy-

    ReplyDelete
  23. Kaya nga kuya ingat sa Copy techniques!

    Masahol pa sa mga ninja yun mga wap site owners na yaan.

    Yaan mo i'll help take down that wap sites kuya.

    *Develish Laugh* BWAHAHAHAHAHA!

    mag sweet and mild coffee ka muna nga kuya.

    bawas bitterness. hehehehe! Peace tayo!

    ReplyDelete
  24. Jayfinpa: hindi naman sa wala sa mood. Pag wala kasi ako sa mood hindi talaga ako nagsusulat iba na agad ginagawa ko ganon ako magswitch ng activity kung wala ako sa mood sa isang bagay. Ewan ko ba, hindi ko maramdaman mga characters ko habang sinusulat ko yung kwento. Ganun yung pakiramdam mo. Gumimik na ko, naglamyerda na, pero wala talaga. Alam mo yung parang nagising ka na lutang ka lang. Hindi ka galit, hindi ka masaya, hindi ka rin malungkot. Parang wala lang talaga. LOL

    Icy: salamat sa inputs mo pero mukhang majority wins this time hihihihi... not that I'll follow the recommendations on the flow of the story din kasi I've planned everything na. Binibigyan ko naman ng comedy kung kutob ko talagang comedy yung ilalagay ko kung nabasa mo na yung scene na ililibing na si Basilia. I'm not going through something naman ngayon kasi kung meron nailagay ko na kaagad siya sa foreword kasi ganun ako kaopen sa inyong lahat. Kulang na lang pati pinaggagawa ko buong araw idadagdag ko lol pero matagal yun sa dami ng ginagawa ko sa isang araw lol.. Kung alam mo lang yung talagang nasa chapter na ito you'll tell me I should've written it in a different way... Yun din kasi nasabi sa akin ng isa sa dalawang taon nakakaalam ng plano ko sa story. :) Pero, thanks talaga sa input kasi you've given me a different perspective :)

    ReplyDelete
  25. Hay nako Erwin. Bahala sila ituloy lang nila magsasawa na rin ako at maghihigpit pa ako lalo sa ginagawa ko. Hindi ako bitter, I'm better. Patunay lang na kinokopya nila ang ginagawa ko ibigsabihin ganun na kaganda mga kwento ko ngayon. Many will never understand what I feel towards their actions unless they are writers themselves who had already been a victim of copyright infringement.

    ReplyDelete
  26. joNES: baka naman nakadroga kasi yung driver ng bus lol uso pa naman daw ngayon mga driver na nagdudrugs ngayon para tumagal sa pagbabiyahe :) buti na lang hindi ka napaano

    ReplyDelete
  27. try q lang ulit magcomment kasi ilang beses na aq ngtry ayaw gumana e sana gumana na this time hehehe...
    bitin nga po tong chapter na to pero ok naman me photos pa talaga ng ospital.

    Sayang sana si Rodel nalang ung nasampal kawawang barker...

    ReplyDelete
  28. Nagkatime akong magbasa ng mga comments ehehhe... nakakatuwa ang mga comments ehhehe..

    Nakakainis talaga pagnacopy ung gawa mo. kaya ako, ung mga designs na nagawa ko dati i make sure na bayad muna bago ko ilabas hehehehe...atleast pinagkakitaan ko na, bahala na ung bumili kng pano nya itago. Pero for this, this is a free art, nakakasama lng ng loob at kinopya lng ng walang paalam or even acknowledgment man lang...hahay

    maiintindihan namin kng maghihigpit ka sa mga story-copies mo. Basta lang mababasa parin namin ha.. hahahaha...

    God Bless u Jeff!

    -mars

    ReplyDelete
  29. Arl: Salamat! Nako pagpasensiyahan mo na blogspot nagloloko talaga dahil inaayos nila yung mobile version nila. BTW, kahawig mo bayaw ko nagulat ako kala ko siya yung nagcomment lol

    Mars: di ba? kainis. pero hinahayaan ko na lang ngayon yan. nakakasawa na kasi. Ako na nga itong nagpapakaservant ako pa naaabuso. I'll believe in you guys, my readers, na lang. Hindi ko naman karir ito. Pero di ko pa rin siyempre irerelax sarili ko. Papahirapan ko pa rin silang mga kumukopya ng bongga. Makapag-aral lang ako ng kailangan ko nakow good luck na lang sa kanila.

    ReplyDelete
  30. Nakakatuwa ka Jeffy, you really know how to interact sa followers mo. Kaya ang sarap mag-comment. Hehe.. Anyway, I've read yung part na nahulog si Mariah. That was funny nga. About the way you should have written the story, kaya mo na yan. Hihi.. Basta, I believe in your skills.
    -icy-

    Nakakatuwa ka Jeffy, you really know how to interact sa followers mo. Kaya ang sarap mag-comment. Hehe.. Anyway, I've read yung part na nahulog si Mariah. That was funny nga. About the way you should have written the story, kaya mo na yan. Hihi.. Basta, I believe in your skills.
    -icy-

    ReplyDelete
  31. Ay salamat napost din ung comment ko...
    Talaga kamuhka ko ung bayaw mo?
    Ikaw nung una sabi mo ako si bandwagon tapos ngaun kamukha ko naman ung bayaw mo ano naman kaya susunod? hehehe...

    Pwede ka bang maging friend sa FB?

    Thanks...

    ReplyDelete
  32. Now, medyo gusto ko na ring marinig yung side ni Rodel ngunit nakakainis pa rin at ginawa niya 'yun unless si Brian yung unang lumapit.

    Okay lang 'yan Kuya Jeff! The next parts will come to you. :)

    Can't wait for the next chapter Kuya Jeff!
    Go! lang ng Go! Kuya Jeff!

    - Jay! :)

    ReplyDelete
  33. maganda ang kuwento. lahat ng characters sa story ay may mahalagang papel na ginagampanan sa buhay ni jasper. nagawa ng author na bigyang buhay ang bawat chapter at sa style niya sa pagsusulat nagawa ng author na ipasok sa imahinasyon ng mambabasa ang nangyayari na para bang nanonood ka ng sine at nararamdaman mo ang lungkot, ang saya, ang paghihirap, ang pagpupunyagi ni jasper. hindi man perfect ang concept ng story ay nagawa naman nitong ipadama sa lahat ng mambabasa kung paano ang magmahal, magtiis, at maghintay....

    ReplyDelete
  34. Sir jeff, ewan q ba nun! Pero dna bago skin yun.dati pa nga, muntik na aq saksakin dhil sa hitsura q, Naiinis kc aq, ang dami kyang pasahero nun, tos,halos paliparin nya ung bus.un nga e, bka nka drugs,kya 2makbo aq papuntang starlyts, hahaha! Sir jeff, ewan q ba nun! Pero dna bago skin yun.dati pa nga, muntik na aq saksakin dhil sa hitsura q, Naiinis kc aq, ang dami kyang pasahero nun, tos,halos paliparin nya ung bus.un nga e, bka nka drugs,kya 2makbo aq papuntang starlyts, hahaha!

    ReplyDelete
  35. Arl: uu hawig mo bayaw ko. hayaan mo na ako may sapi lang ako. kung nababasa ni antonio francis tong comment kong to baka humahalakhak na yun pag inaamin kong may sapi ako lol..

    Antonio: wag ka maingay sa batch natin nung HS ha?

    Alex C.: ikaw rin wag ka maingay kay Margarita na lalo lol..

    Jay!: kung kaharap niyo lang ako siguro nagtug of war na kayo ako yung lubid lol.. ginagawa ko na nagsegway lang ako sa pinagawang project sa amin sa programming para wala na akong iintindihin tinapos ko na.

    Alex: salamat sa comment mo. medyo natouch ako dun ha :) makabagbagdamdamin :) naririnig ko tulog sa loob ng isipan ko yung melody ng MMK...
    Maala-ala mo kaya... nununinununinu.. hmmm.. lol

    joNES: nakadroga yun lol :) Victory Liner ba yung bus na nasakyan mo na minamaneho ng driver na iyon? Balita ko kasi sinunugan daw sila ng bus. baka may naghiganting pasahero na lol

    ReplyDelete
  36. sir ang layo po ng nilalakad nyo. hahaha. rcbc to ayala mrt stn. ako nga po dati, cvg glorietta 5 na, tinatamad pa rin lakarin papunta ng mrt. hahaha

    regarding sa story, ako po yung nag-wish na patayin ni miguel si rodel. haha. masalimuot masyado love life ng batang 'to. masyadong api. pwedeng maging kontrabida minsan. bidang-kontrabida. anyway. sana mabigyang linaw na po lahat, kasi andaming questions sa story nyo, pero enjoy pa rin naman basahin. keep it up! salamat sa info about multiple personality. interesting yun.

    ReplyDelete
  37. Sir jeff, buti nga. . Sa knila. Buti nlng, di q ksma yabbu q nun. Kc, f ever, my sweet serm0n na naman aq 24oras! Haha! Sna matauhan na cla! Try q lng pla sumilip d2,bka my 41 na.heheSir jeff, buti nga. . Sa knila. Buti nlng, di q ksma yabbu q nun. Kc, f ever, my sweet serm0n na naman aq 24oras! Haha! Sna matauhan na cla! Try q lng pla sumilip d2,bka my 41 na.hehe

    ReplyDelete
  38. Naawa naman ako kay Jasper. Lage nalang syang sinasaktan ni Rodel. Ang kati mo kasi Rodel ee. :)) LOL

    Simon, magpagaling kana. gisingin mo na ang totoong ikaw. :D Pls. :D

    Super ganda talaga author. :) I Love It! :D


    -SLUSHE_LOVE-

    ReplyDelete
  39. joNES masipag din kasi ako maglakad pero nagagawa ko yun noon kasi may kasabay naman akong pauwi ng south pati TL namin isabg nus lang sinasakyan namin. San Pedro kasi siya umuuwi at sa binababaan niya sa San Pedro may nasasakyan ako na pauwi na sa amin sa CAvite mas mabilis lang since village namin mismong boundary ng San Pedro. Buti ka nga naabutan mo CVGsa Glorietta 5 kasi yung lumipat kami sa CVG One na building noon before ako magresign bago pa lang yung building may mga crack na yung pader after nung lindol dati lol.. Isa pa.. nasa CVG Glorietta 5 si Raffy Santos yung isang TL na cute diyan na kabarkada ng officemate ko sa nilipatan kong opisina :)

    Salamat SLUSHE_LOVE :) posted na po chapter 41


    Ang hirap magpost ng comment ngayon ha.. dito na ako sa laptop ko nakalogin naman ako ayaw pa rin ah.. letcheng blogger talaga panay ang update!!!!

    ReplyDelete
  40. natawa naman ako dun sa sinampal ni Jasper..hahaha

    ReplyDelete

Hope to hear from you! Thank you! ^_^