Thursday, September 29, 2011

Salamin Chapter 41


by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

If loving is to get hurt then I don't want to love at all.





Bumuntong hininga ako't kinulekta ang aking sarili. Isang saglit akong nag-isip kung ano ang aking sasabihin kay Alice. Nagtatalo ang aking damdamin bilang kakampi, karibal, at kapatid ni Simon. Nalilito ako kung ano ang tama at mali. Naguguluhan na rin ako kung alin ang mali na tama at mga tamang mali para sa akin, para kay Simon.

"Ano? Kalimutan mo na kasi iyang si Rodel, Jasper." ang tanong ni Alice. Hindi pa rin ako sumasagot. Nakapako sa sahig ang aking mga mata.

"Alice, naginuman kasi kami kagabi ni kuya. Nag-alitan kami dahil sa ginawa niya sa iyo. Nauntog siya ako naman nagkaroon lang ng kaunting pasa." ang kinakabahan kong pagsisinungaling sa kanya habang hindi naman ako makatitig sa kanya ng tuwid.

"So, you beat him? Don't make me laugh, tito. You're not the type na kayang patumbahin si Randy. Compare mo na lang iyang katawan mo sa laking bulas nya sa iyo no? Come on. What's the real story. I'm waiting, Jasper." ang natatawa't makulit niyang sinabi sa akin na parang ayaw maniwala. Gumugulong ang mga mata niya paitaas tanda na hindi tumatalab ang aking kasinungalingan.

"Nagkamali siya ng tapak kaya nauntog siya at naout of balance." ang depensa kong may kaunting pagdiin upang paniwalaan niya.

"Eto na lang, may natutunan ako kay Brian na magugustuhan mo." ang agad kong dagdag upang mabago na ang takbo ng aming usapan. Kahit airconditioned sa lugar ay nagsisimula na akong pawisan ng malamig.

"And what dirty trick might Brian have thought you? Sige nga?" ang hirit ng parang nag-iinarteng si Kris Aquino sa kanyang sagot sa akin. Patuloy pa rin ang pag-ikot ng itim ng mga mata niya paitaas na parang nang-aasar lang.

"Pwede natin kausapin si Simon. Mismong si Simon. Tawagin mo lang siyang Simon." ang bulaga ko sa kanya sabay ngumiti ang aking bandang kanang labi.

"Ohh.... Ohhh... Ohhhh!!! Will it work?!?! Does it really work!!?!?! How can you be so sure about that?" ang excited niyang tanong sa akin sa malakas niyang boses sa pagkabigla. Umalingawngaw sa buong corridor ang boses niya't bigla siyang napatakip ng kanyang bibig nang mapansin niya ang kanyang sarili. Tumango lang ako sa kanya habang nananatiling nakangiti.

"Alam ko na ang balak mo. Kung ano nasa lugar mo, ganyan din ang gagawin ko. Kanina pinarinig sa akin ni Brian yung recorded sessions nila. Kinilabutan ako sa mga narinig ko." ang sabi ko kay Alice sabay abot ng aking isang kamay sa kanya upang anyayahan na siyang maglakad tungo sa kwarto ni Simon.

"That's what I like about you, tito." ang malambing niyang sagot sa akin sabay hawak sa aking kamay habang abot tenga na ang kanyang ngiti.

Naglakad kaming parang magnobyo na umuugoy-ugoy pa ang aming magkahawak na mga kamay habang naglalakad. Nangingiti lang ang mga nakakasalubong naming duktor at nurse na nagtatrabaho roon. Hindi naman namin sila pinansin sa aming paglalakad pababa sa floor kung saan naroon ang silid ni Simon. Kahit sa elevator parang kami lang dalawa ang taong naroroon. Mukhang umandar na rin ang aking pagiging suplado tulad ni Alice. Nasa dugo na yata namin ang bagay na iyon.



Nakarating kami sa tapat ng silid ni Simon. Excited na excited si Alice at mukhang hindi na siya makapaghintay. Agad niyang binuksan ang pintuan habang abot tenga ang kanyang mga ngiti. Sa pagbukas ng pintuan ay agad naming nakita si Simon. Nakaupo at nakatitig sa labas ng malaking bintana ng silid. Nakasuot ng gown na pang pasyente. May patch pa rin ng gasa ang kanyang ulo. Sa kaliwang kamay naman niya ay may nakakabit na suero. Tahimik at parang ibang tao na siya dahil sa dating ng kanyang aura.

"Randy?" ang tanong ni Alice sabay ng pagkawala ng kanyang kanina'y masayang mukha na ngayon ay balot na ng pagtataka.

Lumingon sa aming dako si Simon. Napaisip siya ng kaunti na parang hindi niya kami kilala base sa ipinipinta ng kanyang mukha.

"Simon?" ang tanong ko sa kanyang nagbabaka sakali.

"Sino ka? Pano mo nalaman pangalan ko?" ang tanong niya. Lumapit kami ni Alice sa kanyang tabi. Sa aming paglalakad. Hindi mapigilan ni Alice na yumuko upang itago ang namumuo na niyang mga luha.

"A-Ako si Jasper, ang k-kapatid mo." ang sagot ko sa kanya. Sa mga sandaling iyon parang sinaksak ako sa dibdib at nakaramdam ng matinding awa para sa kanya. Marahil, dahil sa hindi siya si Andrew at si Simon na ang aming kausap. Dahil sa lumago kong pagmamahal sa kanya ay kay Andrew pala, isang katauhan lang na maaaring mawala kapag-gumaling siya.

Hinaplos ko ang likod ni Alice, naramdaman kong pareho kami ng nararamdaman ngayon. Bilang nagmamahal sa isa sa mga katauhan ni Simon. Parang nagkaroon ng amnesia ang taong kaharap namin ngayon. Parang lahat ng aming nakaraang masasaya ay nakalimutan na niya kahit ang katotohanan ay ibang katauhan ni Simon ang nakakaalala.

"Ah... ikaw pala yun... Eh sino siya? Bakit siya umiiyak?" ang tanong niya sa akin sabay turo ni Simon kay Alice na tumutulo na ang luha sa sahig habang nananatiling nakayuko at di pinupunasan ang mukha.

"Si Alice, ang best friend ko at pamangkin ko. Schoolmate mo at girlfriend mo." ang pakilala ko sa kanya sa nanginginig ko nang boses. "Hindi mo rin alam kung ano ang mayroon kayo?" ang bulong ko sa aking isipan.

"Pamilyar nga siya. May naaalala na ako." ang sagot sa akin ni Simon sabay ngiti. Para namang nabunutan ng tinik si Alice sa kanyang narinig. Nagkaroon siya ng kaunting pag-asa sa naging sagot ni Simon. Ihinarap ni Alice kay Simon ang mukha niyang namumula at basa na ng mga luha. Sumampa si Alice sa tabi ni Simon at hinalikan ito ng mariin. Nagulat si Simon sa kanya ngunit lumaban lang din ito ng halik kay Alice.

Para akong nadudurog sa aking nakikita habang nagsisimula na silang dalawa mag-init. Tila wala lang ako sa paligid nila habang pinagsasaluhan nila ang mainit nilang tagpo. Sa kabilang banda, parang nagsisisi ako sa sarili kong umibig sa isa sa katauhan ni Simon. Naniwala at umasa.

Biglang tumigil si Alice at umalis sa tabi ni Simon. Si Simon nama'y napasunod ang mukha sa paghiwalay ng mga labi nila ni Alice.

"Saan ka pupunta?" ang tanong ni Simon sa kanya na parang nabitin. Ngumiti si Alice ng abot tenga't nakaharap sa kanya habang nauuna ang katawan niyang naglalakad tungo sa pintuan palabas.

"I'll go get something sa car. Better be safe than sorry." ang maharot niyang sagot kay Simon sabay subo ng kanyang hintuturo na parang lollipop lang ito at sinipsip habang hinihila palabas ng kanyang bibig. Isang pilyong ngiti ang ibinalik ni Simon sa kanya at sinundan niya si Alice ng tingin hanggang makalabas itong naglalakad na humahampas pakaliwa't kanan ang balakang. Nasasaktan akong lubos sa mga nagaganap at pilit kong kinikimkim ang lahat.

Isinara ni Alice ang pinto sa kanyang paglabas. Pagkakataon ko nang masagot naman ang aking mga katanungan.

"Simon... kuya... mahal mo ba ako?" ang nahihiya kong tanong sa kanya habang nakatitig pa rin siya sa pintuang kakasarado laman. Tumingin si Simon sa akin na puno ng pagtataka ang kanyang mukha.

"Weird mo bro." ang sagot niya sa akin. Para akong kandilang nauupos sa mga sandaling marinig ko ang mga sagot niya sa akin. Parang ang puso ko'y nagmistulang babasaging salamin na nahulog at nadurog ng pino kasama ang aking mga pangarap kasama siya.

"Baliw. Kapatid mo ko di ba? Mahal mo ba ako bilang kapatid?" ang tanong ko sa kanyang palusot na hinaluan ng tonong pabiro.

"Hmm.. Hindi ko alam tol. Weird eh. Sabi mo kapatid kita di ba? Siguro. Ewan ko." ang sagot niya ulit sa akin matapos itong pag-isipan mabuti.

"Andrew! Lumabas ka diyan! Kausapin mo ko! Magpaliwanag ka!" ang sigaw ko bigla sa kanyang punog-puno ng galit. Pumitik na ang aking pasensiya. Nasagad na ako ng sobra.

Sa isang iglap, nanumbalik ang dating aura ni Andrew sa kanya. Hindi ko napigilang lumuha ng sobra. Napasampa ako sa kama sa kanyang tabi at niyakap siya ng mahigpit habang ang mga kamay ko na nasalikuran niya ay marahang pinupukpok siya sa inis.

Ginantihan niya ako ng yakap. Mahigpit. Mainit at puno ng pagmamahal. Tulad ng dati kong nararamdaman tuwing kasama ko siya. Tuwing inaalagaan niya ako. Tuwing buhay siya kay Simon at minamahal niya ako. Ibinubuhos ko sa mga sandaling iyon ang lahat ng kaya kong iluha. Para akong namatayan sa tindi ng aking hagulgol sa kanyang dibdib.

"I hate you!" ang paulit-ulit kong sinabi kay Simon sabay sa bawat pukpok na ginagawa ko sa likuran niya.

"Sorry, bunso." ang malungkot lang na nasabi niya. Nanatili kami sa ganoong lagay ng ilang saglit. Maya-maya, may kumatok sa pintuan at agad itong binuksan.

"Ang sweet niyo talaga magkapatid. Yang bunso mo, niloko nanaman ng boyfriend niya at kay Brian pala siya ipinalit." ang wika ni Alice habang mabagal na naglalakad siya papalapit sa kama ni Simon. Inilayo ako ni Simon sa kanya at pinagmasdan ang aking mukha ng kanyang mga naaawang mga titig.

Umalis na ako sa kama nang makalapit si Alice. Sumampa siya agad rito at tumingin sa akin ng may pilyong mga ngiti.

"Tito, you know the drill. Bantay ka muna sa pintuan sa labas ha? Fifteen minutes lang naman." ang pakiusap sa akin ni Alice at ipinakita niya sa akin ang kanyang isang kamay na may hawak na condom. Parang nagunaw na ng tuluyan ang aking mundo sa mga sandaling iyon.

Ibinaling ni Alice ang kanyang tingin kay Simon habang pilyo pa rin ang kanyang mga ngiti. Hindi niya Alam na si Andrew ang kasama niya ng mga sandaling iyon kaya't si Andrew ay medyo nagulat sa kanyang ginawa at liyad siya ng kaunti nung hawakan ni Alice ang kanyang alaga.

"Now, Simon. Where were we?" ang maharot na tanong ni Alice sa kanya. Sa isang iglap din matapos ni Alice sambitin ang pangalan ni Simon ay agad nagbalik si Simon sa kanyang katinuan. Bakas sa mukha ni Simon ang saglit na pagkabigla ngunit hindi na niya ito pinansin pa dahil parang nagusuthan niya ang lagay na inabutan niya.

"Tagal mo kasi eh. Medyo lumamig na eh. Anong nangyari kanina?" ang pilyo ring sagot ni Simon sa kanya sabay hawak sa malulusog na dibdib ni Alice habang nakangiti ito ng abot tenga.

"Eto ang mangyayari ngayon. Madali lang yan painitin. Patatayuin ko pa agad yan. Kakayanin mo kaya tulad ni Randy?" ang tukso ni Alice sa kanya sabay hawak ni Alice sa kanyang alaga sa ilalim ng suot niyang gown. Bigla ring sumulpot si Randy sa pagkabigkas ni Alice ng pangalan nito.

"Babe! I missed you so much!" ang malambing na sinabi ni Randy sa kanya sabay dive nito sa mga bundok ni Alice kahit may suot pang shirt si Alice.

"Randy?! Randy!!" ang maharot na wika ni Alice sa pagkabigla ng magpalit si Simon ng katauhan. Sinalubong niya ng kanyang mahigpit na yakap si Simon at ninamnam ang simula ng kanilang tagpo.

Hindi ko na kayang tiisin ang mga nangyayari. Nagmamadali akong lumabas ng silid at maayos na isinara ang pintuan sa aking paglabas.

Nagbantay lang ako sa labas ng pintuan tulad ng pakiusap sa akin ng aking pamangkin ngunit nawawala na ako sa aking sarili. Mas matindi ang sakit na aking nararamdaman sa mga oras na iyon kaysa sa sakit na malamang pinagtaksilan nanaman ako ni Rodel. Hindi ko na matanggap ang lahat ngunit dahil dito ay napatunayan kong mas mahal ko na nga si Andrew kaysa kay Rodel.

Umupo ako sa sahig at sumandal sa mismong pintuan ng silid ni Simon. Kinuha ko ang aking panyo sa aking bulsa at agad na itinakip ito sa aking mukha gamit ang dalawa kong kamay upang saluhin lahat ng aking mga luha. Ilang sandali akong nasa ganoong lagay, pinipilit na pinipigilan ang paghagulgol, pilit na pinipigilan ang naghuhumiyaw kong puso na dumadaing na sa matinding sakit at galit sa mundo.

"Inay, niloloko ko na ang sarili ko. Umibig nanaman ako at ang sakit sakit na ng dibdib ko. Ayoko na umasa, ayoko na umibig, ayoko na magmahal. Isama niyo na lang ako, inay. Buti ka pa, natagpuan mo tunay na pagmamahal kay itay para kalimutan mo lahat ng mayroon ka sa buhay. Ako, nakuha ko nga ang buhay na mayroon ka dati pero ngayon ganito naman kagulo ang mundo ko ngayon." ang taimtim kong pagdadasal habang impit na umiiyak dahil sa matinding awa sa sarili at masidhing kawalan na ng pag-asang lumigaya.

Nangmapagod na ako ay inayos ko na ang aking sarili. Pinagmasdan ko na lang ang aking paligid. Tipikal na corridor lang ito na dirty white ang kulay ay malamlam ang liwanag na galing sa mga ilaw. Ngunit kahit pilit ko nang nililibang ang aking sarili at sinusubukang kalimutan muna ang lahat ay hindi pa rin matigil ang aking utak sa kakaisip.

Sa mga sandaling iyon ay may nabuo akong desisyon para sa aking sarili mula sa araw na iyon.

Matapos ang halos trenta minutos kong paghihintay sa labas ay bumukas din ang pintuan. Agad akong napatayo mula sa aking pagkakasalampak sa sahig at humarap sa pinto.

Medyo maaligamgam ang init ng hangin na dumampi sa aking balat na lumabas sa bukana ng pintuan kung saan sumilip si Alice na medyo nakusot ang masikip na damit habang sinusuklay niya naman ng pababa ang kanyang kamay ang kanyang mahabang buhok. Kahit naka-aircon ay makikita mo sa mukha hanggang sa leeg niya ang kaunting butil ng mga namumuong pawis. Batid ko ang kaligayahang nakamit niya sa kanilang ginawa sa kakaibang ngiting ihinarap niya sa akin.

"Okay ba itsura ko?" ang tanong ni Alice sa akin. Napatingin ako sa loob at sinilip si Simon na inabutan ko namang itinataas na sa baywang ang nakasuot na niyang salawal sa loob ng kanyang gown.

Nakita ko na medyo nagulo ang kama at nakusot ng sobra ang suot niya. Pansin ko rin na may kahabaan na ang dugong umakyat sa tubo ng kanyang swero dahil sa ginawa nila. Nagkaabot ang tingin namin at agad kong ibinaling ito kay Alice.

"Huy! Jasper! Ano? Maayos na ba?" ang tanong sa akin ni Alice habang patuloy na sumusuklay ng buhok.

"Gawin ba akong salamin." ang bulong ko sa aking sarili sabay ngiti sa kanya at sinabing, "Oo, maayos na. Tara, puntahan natin si Don Amante. May sasabihin lang akong napaka-importante."

"Later na lang! Dito muna tayo. Tito naman eh." ang pakiusap niyang may halong pagmamaktol. Bigla siyang napatigil at nanlaki ang mga mata niya nang mapatingin siya sa aking likuran.

Tumingin ako sa aking likuran kung saan siya nakatingin at nakita kong naglalakad na papunta sa amin ang dalawa sa aming mga alalay sa bahay at kasama na nila ang mabuting babae na umampon sa akin.

Halata sa mukha niya na hindi pa siya nakapagpapahinga mula sa biyahe pauwi. Simple lang ang suot niya. Nakamaong, dilaw na shirt na medyo maluwag, at nakasandals lang. Ang buhok niyang mahaba ay nakapony tail ang ayos.

Isa sa dalawang alalay na kasama niya ay si Lupe at siya ang may dala ng bag ni Mrs. Tiongco.

Isang matamis na ngiti ang bati niya sa akin habang siya'y naglalakad. Itinaas niya ang mga kamay niya paharap sa akin habang siya'y papalapit na humihingi ng isang yakap.

Natuwa ako sa aking nakita. Nagmadali akong lumapit sa kanya bagama't matinding hiya ang aking nararamdaman na makaharap na rin siya sa unang pagkakataon.

Nang kami ay magkalapit ay napansin kong magkasing tangkad lang pala kami.

Napayuko ako. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Basta ang alam ko, gusto ko siyang pasalamatan sa lahat ng magagandang bagay na dala ng pag-ampon niya sa akin.

"Why, my baby? Ano yun? Huwag ka na mahiya, jiho. Anak kita di ba? Come, give mommy a hug." ang malambing niyang sinabi sa akin. Tumango ako sa kanya an abot tenga ang aking ngiti nang mawala ng kaunti ang aking hiya. Niyakap niya ako ng mahigpit at ganun din ang ibinalik ko sa kanya.

Nang magwalay kami ay napansin niya ang namumugto kong mga mata. Nagtaka siya kung bakit.

"Kamusta ka na? Buti nakalabas ka na agad ng hospital." ang nag-aalala niyang nasabi sa akin.

"Okay na po ako. Medyo masakit lang yung mga sugat at pasa sa likod ko". hinawakan ni mommy ang aking aking baba at tinignan ang magkabilang bahagi ng aking mukha, sinururi.

"Nakwento na sa akin ni Lupe ang nangyari. Don't worry. Did you cry pa rin ba? Why? Nag-away ba ulit kayo ng kuya mo?" ang nanlalambing niyang tanong sa akin.

"Hindi po kami nag-away ni kuya." ang nahihiya kong sagot sa kanya.

"Bakit namamaga mga mata mo?" ang nag-aalala niya sa kanyang puna sa akin.

"Hindi po. Kakasuot ko lang po ng contact lens kaninang tanghali. Bago lang po kaya medyo hindi pa po ako sanay. Unang beses pa lang po kasi ako nagsuot ng ganito." ang palusot ko sa kanya at agad naman niyang tinanggap ang aking paliwanag.

"Where's Brian? I didn't see him at home." ang tanong niya at halata sa mukha niya na medyo nakukunsumi na siya.

"Ah, kasama ko po kanina sa Makati bumili ng contact lens pero kasama niya po ngayon yung nobyo niya. Nagdate sila kaya nauna muna na ako para bantayan si kuya." ang kwento ko at lalong nakunsumi si Mrs. Tiongco sa kanyang mga narinig. Napabuntong hininga siya.

"Tsk! Talaga yang si Brian. Hindi pa rin nagbabago. Napaka carefree ng batang iyon. Hindi na nagmature." ang nasabi niya.

"Mommy, okay lang po. He's doing his best naman sa mga sessions nila ni kuya. Nanood pa nga ako minsan kahit ipinagbabawal niya kasi wala daw talaga sa practice niya na magsama ng hindi tulad niyang espesyalista." ang palusot ko para kay Brian.

"Really?" hindi siya makapaniwala ngunit tinanggap naman niya ang aking paliwanag. Napatingin ako kay Lupe sa likuran ni Mrs. Tiongco at nahuli ko siyang tumatawa ng patago. Nakita niya akong tinitira ko na siya ng masamang tingin kaya't agad niyang inayos ang kanyang sarili.

"Hi Tita Maya!" ang malambing na bati ni Alice sa kanya nang siya'y makalapit sa amin. Naibaling ni Mrs. Tiongco ang tingin niya kay Alice.

"Oh my, gumaganda ka lalo ha? How are you?" ang malambing na sinabi niya kay Alice. Nagbeso ang dalawa.

"Okay naman po. Eto, pinuntahan ko na rin si Randy dito sa room niya since nasa taas po si lolo nakaconfine." ang sagot niya. Napailing si mommy sa kanyang nalaman.

"Don't call him Randy. He's Simon." ang puna ni Mrs. Tioncgo sa tawag ni Alice kay Randy.

"Kawawa naman si Don Amante. Napakabait pa naman ng lolo mo." ang niya kay Alice. Biglang naibaling ni Mrs. Tiongo ang kanyang atensiyon niya sa akin nang may maalala siya.

"Nga pala, Jasper. Sigurado ka na ba sa decision mo? Have you informed Don Amante about this?" ang tanong niyang seryoso na ang kanyang tono.

"Opo pero mas maganda po kung tayong tatlo ang mag-uusap." ang sagot ko sa kanya.

"Good thinking. But let's keep it mellow baka matuluyan siya." ang sagot niyang may halo nang biro. Natawa kaming dalawa ng Alice sa kanya.

"Tita talaga. You're mean." ang sagot ni Alice sa kanya.

"Before anything else, I'd like to see Simon." ang sabi niya sa amin at ipinatong niya ang kanyang kamay sa aking kaliwang balikat at pumunta na kami sa silid ng aking kuya.

Nang makarating sa harap ng pinto ng silid ni Simon, pinauna na namin si mommy na magbukas at pumasok rito. Abot tenga na ang ngiti ni mommy at ang mga mata niya'y unti-unti nang namumula at pinamumuuhan ng luha ng kaligayahang makapiling ang kanyang anak.

Nakatayo ako sa likod niya. Nasilip ko ang loob ng silid at nakita kong nakaupo si Simon sa ibabaw ng kanyang kama. Nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang buong mukha at kita ang mabilis na pagtaas at pagbaba ng balikat niyang humihikbi. Marahil ang batang katauhan niya na ang gising. Marahil nagulat sa kanyang kinalalagyan ngayon. Naawa ako ngunit sa isang banda ay kinutuban na ako kung bakit ngunit kailangan kong magpakatigas ng aking damdamin dahil alam kong wala rin akong pag-asa sa kanya bukod sa nakatatandang kapatid ko siya at wala siya sa kanyang sarili.

"My Simon. Why are you crying?" ang lambing ni mommy sa kanya habang siya'y papalapit na naglalakad sa kanyang anak. Niyakap niyang parang batang nagmamaktol si Simon nang ito'y kanyang nalapitan. Hinalikan niya ang ulo ni Simon habang hinihimas niya ang buhok nito. Ampon lang ako, siya ang tunay na anak kaya't di na ako dapat magtaka kung mayroon man pagkakaiba sa pikikitungo nila sa akin. Nauunawaan ko naman ang bagay na iyon ngunit dahil sa aking nakikita, hindi ko maipagkakaila sa aking sarili na lubos akong nangulila sa aking yumaong ina na kumukurot sa aking damdamin sa mga oras na iyon.

Tahmik lang kami ni Alice na pinapanood sila. Hindi sumasagot si Simon kay mommy. Patuloy lang ang pag-iyak niya nang biglang ibaba niya ang kanyang kamay na nakatakip sa kanyang mukha. Natigilan siya sa pag-iyak at bakas pa ang pagkabigla niya sa kanyang ginagawa. Napatingin siya kay mommy at bakas sa mukha niya ang magkahalong hindi pagkapaniwala at lubos na kasayahan.

"Mom?" ang tanong niya sabay kuskos ng kanyang mga mata.

"Yes, Simon. I'm here now." ang sagot ni mommy sa kanyang tonong mapag-alaga.

Nag-usap silang dalawa mabuti habang nasa ganoong lagay. Kinalabit ako ni Alice at niyayang lumabas. Marahil gusto niyang bigyan ng privacy ang mag-ina o dahil sa nakikita na niya sa aking mata ang pangungulila sa aking ina nang lingunin ko siya.

"Umm.. tita Maya, we'll just wait outside po ni tito Jasper." ang magalang niyang paalam sabay hila sa akin palabas ng pintong isinara niya kanina dahil siya ang huling pumasok sa aming tatlo.

Saktong nabuksan na ko na ang pintuan, sa mismong awang ay nasilip ko si Rodel na nakatayo sa kabila at nagkaabot pa kami ng tingin. Isasara ko na sana ito ngunit agad niya akong pinigilan. Ayaw kong makalikha ng eksena kaya't nagmadali akong lumabas kasama si Alice at agad na isinara ito.

Nang ibaling ko ang aking tingin kay Rodel ay napansin kong kasama pala niya si Brian. Siya marahil nagturo kung saan nakaconfine si Simon. Mukhang nakadaan na rin sila sa bahay dahil nakapambahay na ngayon si Brian.

"Bakit ka nandito?" ang nangigigil kong tanong sa kanya. Humawak si Alice sa aking braso nang mapansin niya ang panggigigil ng mga kamay ko habang kaharap ko si Rodel.

"Jasper, I asked him to come over. I want us to be clear on everything that had happened. Please? You should hear his reason.." ang nahihiyang sagot sa akin ni Brian sa tanong ko kay Rodel.

"Pero bakit pa?! Para saan pa? Ayoko na at tapos na. Sayong sayo na siya Brian." ang nasabi ko sa masidhig poot na magsisimula nang sumabog. Nagdilim na ng tuluyan ang aking paningin. Agad kong nilapitan si Rodel at pinadapuan ng malakas na sampal ang kanyang mukha. Umalingawngaw sa corridor ang tunog na nilikha ng aking palad sa pisngi ni Rodel.

Nanatili lang na nakabaling ang mukha niya kung saan ito dinala ng aking kamay. Mabilis na namuo ang mga luha sa kanyang mga mata kung saan nakapako ang nanlilisik kong mga titig.

"Yan yung sampal na binigay mo sa akin noon. At eto, ibabalik ko na rin sa iyo ito." ang sabi ko sa kanya sabay hugot ng singsing na ibinigay niya sa akin nung magkabalikan kami. Ang natatanging alahas na suot ko. Ang tanging alahas na nagawa kong suutin kahit di ko gustong nagsusuot ng mga ganito.

Nang mahugot ko ang singsing ay isinilid ko agad sa kaliwang bulsa sa harapan ng kanyang maong. Napatingin ako sa nakababa niyang kamay kung saan nakasuot pa rin ang kapares ng singsing na ibinigay niya. May kurot na dala sa aking damdamin ang ibig sabihin ng mga singsing na iyon at ang makitang suot pa niya ito habang kinakaliwa niya ako. Hindi ko talaga matanggap na ganon lang ang lahat sa kanya sa pangalawang beses.

"Mahal kita, Jasper. Hindi pa rin nagbabago nararamdaman ko para sa iyo. Sana pakinggan mo muna dahilan ko para maunawaan mo. Bukas na ang alis ko pabalik ng Amerika." ang malungkot na sinabi ni Rodel sabay tango.

"Lumayas ka sa harapan ko kundi ipadadampot kita sa mga security ng ospital na ito. Wala na rin saysay kung magpapaliwanag ka dahil aalis ka na at dahil niloko mo na ako." ang mariin kong utos sa kanya sabay turo sa kanyang likod kung saan ang daan palabas ng ospital. Nagkatitigan kami ni Rodel, malungkot at nagsusumamo ang kanyang mga mata sa akin. Wala na akong naramdamang awa para sa kanya. Nagmistulang tumitigas na semento ang puso ko para sa kanya. Hindi na rin ako nakaramdam ng dahilan para mag-alay ng luha para sa kanya sa mga sandaling iyon.

"Hihintayin kita, Jasper. Ikaw lang ang mahal ko. Tutuparin ko pa rin ang mga pangako ko sa iyo." ang malalim niyang mga nasabi sa akin sabay baling ng kanyang tingin kay Brian. Hinawakan niya ito sa balikat at pumisil-pisil. Tila lumalabas lahat sa kabilang tenga lahat ng sinasabi sa akin ni Rodel.

"Bry, sabi ko na sa iyo eh. Salamat sa lahat ng naitulong mo sa akin pero sa huling pagkakataon, paki sabi na lang kay Jasper ang lahat. Paalam." ang malungkot niyang paikusap sabay talikod sa amin at naglakad na palayo. Hindi ko siya sinundan ng tingin tulad nilang dalawa ni Brian at Alice. Tinitigan ko si Brian ng masama at hinintay ang pagkakataong magsasalubong ang mga mata namin ngunit nang humarap siya sa akin ay todo iwas ang kanyang paningin.

"Kung ano man iyan Brian. Hindi ko pakikinggan iyan." ang mariin kong sabi sa kanya. Inakbayan na lang ako ni Alice at isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat upang ako'y huminahon.

"Tita Maya is inside and you're in for it." ang namimikon na sinabi ni Alice kay Brian habang abot tenga ang kanyang mga ngiti. Nakita ko ang biglang pamumutla ng mga labi ni Brian sa sinabi ng aking pamangkin.

Kita ko sa gilid ng aking mga paningin ang mukha ni Alice nang tumayo siya ng tuwid at alisin niya ang kanyang ulong nakasandal sa aking balikat. Nakataas ang isang kilay niya at tinignan niya mula ulo hanggang paa si Brian. Tumitig sa akin ang mga mata ni Brian na puno ng katanungan at takot. Marahil inakala niyang inilaglag ko siya kabila ng relasyon nila ni Rodel.

"Tito, tara na, pasok na tayo sa loob." ang malambing na yaya niya sa akin habang nananatili siyang nakatitig kay Brian at ipinapakita ang kanyang mapaghiganting mga ngiti.

Naunang pumasok si Alice sa loob at kita ko sa kanyang galaw na masaya siya. Siguro dahil sa pagkakataong ito ay makakapaghiganti na siya. Napatingin si mommy at si Simon sa kanyang pagpasok. Nangiti si mommy sa galaw niya.

Sumunod lang kami ni Brian sa kanyang paglalakad papasok. Nang lingunin ko si Brian ay kita ko sa kanya na para siyang bibitayin sa kanyang itsura.

"Bakit ka sumira sa usapan natin? Mawawala ang lisensiya ko kapag nireport ako ng mommy mo at baka makasuhan pa ako." ang wika niya sa akin matapos ko siyang talikuran. Hinarap ko siyang muli dahil hindi ako nakukunsensiya sa mga sinasabi niya bagaman may awa ako sa kanyang kalagayan ngayon.

"Wala akong sinasabi. Marunong akong tumupad sa mga pangako ko di tulad niyang BOYFRIEND mo. Ang dapat mong sisihin ay si Miguel. Siya ang nakipagbreak kay Alice at nagsabi sa amin na may relasyon daw kayo at mahal ka daw niya. Ipagdasal mo na lang na hindi susulpot yang Miguel na yan para suportahan si Alice kung magsumbong man ang pamangkin ko kay mommy. Ikaw na ang naglagay sa sarili mo sa alanganin." ang bwisit kong pagkasabi sa kanya na may kahinaan upang hindi marinig ng iba. Napailing si Brian sa kanyang nalaman. Sa hindi ko maintindihang dahilan kahit wala akong galit kay Brian ay parang nakaramdam ako ng paghihiganti kay Rodel sa inaasahan kong magaganap sa loob ng silid.

Nang makapasok kami ay nanatili sa sulok malapit sa pinto ng silid si Brian habang ako nama'y katabi ni Alice na nakatayong nakaharap kay Simon. Nakaupo si mommy sa silya sa kabilang banda ng kama ni Simon at masayang pinagmamasdan ang kanyang anak.

"Tita, may... sasabihin pala ako sa inyo. Yung tungkol dun sa..." ang nambibitin na wika ni Alice kay mommy habang halata sa kanyang mga mata na may binabalak siya. Napatingin sa kanya si mommy habang nakangiti pa rin tulad ng kanina. Napatakbo papalapit si Brian sa bandang paanan ng kama at hindi maipinta ang takot sa kanyang mukhang pinamumutilan na ng malamig na pawis. Napalingon ako kay Alice sa kanyang mga susunod na sasabihin. Kinalabit ko siya habang nakangiting aso at marahang umiiling ng kaunti.

(itutuloy)
























36 comments :

  1. ganda talaga nito lagi ko check ung blog mo po pag may update.. thank you po

    ReplyDelete
  2. hi! this is the first time for me to comment in your site. i would like to congratulate you for this good story. i can't wait for the next chapter. . .hahaha sa mga avid follower naunahan k kau, almonds hehe. . .hi! this is the first time for me to comment in your site. i would like to congratulate you for this good story. i can't wait for the next chapter. . .hahaha sa mga avid follower naunahan k kau, almonds hehe. . .by the way im jake.

    ReplyDelete
  3. Gusto kong magkabalikan sina Jasper at Rodel. Gusto ko nang marinig ang panig ni Rodel even though sa other chapter eh ayaw ko.. hehehe.

    It's like the tention can be felt as you read the chapter.

    For Brian, I hope he just gets greetings from 'Tita Maya' after all, Jasper said that he was helping Simon and that he even let Jasper into one of his sessions with him so... Good luck to him. Another good luck for explaining to Jasper.

    For Rodel, I feel sincerity in his words and he even had his ring on with the partner of the ring given to Jasper. I don't think now that they (Brian) were even a couple since when Rodel tried to talk to Jasper outside the room of Jasper at the hospital, what Rodel was saying didn't even affect Brian even though Rodel was very much sincere when he was talking to Jasper.

    Nice work Kuya Jeff!
    Ano nakapag-trigger na sumulat ka ng ganito ulit? ayiieee.. hehehe.

    Can't wait for the next chapter!
    Go! lang ng Go! Kuya Jeff! :)

    - Jay! :)

    ReplyDelete
  4. naawa aq n naasar k rodel.ttlkuran n nman nya c jasper.sna ndi n nlng muna cya umalis pra mkpgpliwanag,cguro nman f tlagang mhal nya c jas,kya nyang ipagplit ang lhat.suyuin sna nya c jasper ndi dhil s my kslanan cya kundi dhil s mhal n mhal nya tlga ung tao.gus2 q cla n jasper mgk2luyan,gus2 q dn cla andrew and jasper.ang gulo q!!!ah,basta,gus2ng gus2 q 2ng kwen2ng 2!!!

    ReplyDelete
  5. Super ganda Jeffy... Your talent in writing is really one of the best... keep up the good work... Salamat sa mga stories mo na palagi naming inaabangan... nabasa ko na rin lahat at avid fun mo talaga ako... til next chapter ng salamin...

    -Rey

    ReplyDelete
  6. tarantado talaga etong si rodel! hmmmm.. ano naman kaya 'palusot' neto???

    baka sabihin niyang nahawa siya kay simon at nagkaroon rin ng multiple personality at habang na sa amerika eh nakalimutan niya si jasper kase nag-iba yung personality nya, pero pagbalik nya ng pinas eh bumalik siya sa dati at balik din kay jasper.. LOL!

    wala talaga akong mathink na 'katanggap-tanggap' na 'palusot' na manggagaling kay rodel.. pero parang may gustong ipahiwatig na 'maiintindihan' rin natin ito.. kahit nagpupumiglas ako upang paulanan ng suntok ang tarantadong iyon.. LOL again!

    kaya aabangan ko talaga itong 'palusot' ni Rodel..

    thanks jeffy! :D

    -rover

    ReplyDelete
  7. mabuti na lang maaga na post ito..hehe

    ano nanaman kaya ung twist ng brian-rodel-jasper affair... Ano kaya ung sinabi ni rodel kay brian na sasabihin nya kay jasper.?
    -cugertz

    ReplyDelete
  8. If loving is to get hurt then I don't want to love at all. Haha tinamaan ako dito!

    Weeh! May konting chance pa para sa team rodel-jasper. Haha! Basta mas gusto ko parin sila dalawa. Simon-alice na lang.

    Kawawa si brian :(

    sobrang ganda at nadala ako sa chapter na to kya nagulat na lang ako ng biglang tumataginting na 'Itutuloy' na yung nabasa ko! BITIN! Sana bukas meron na. Haha!

    --ANDYIf loving is to get hurt then I don't want to love at all. Haha tinamaan ako dito!

    Weeh! May konting chance pa para sa team rodel-jasper. Haha! Basta mas gusto ko parin sila dalawa. Simon-alice na lang.

    Kawawa si brian :(

    sobrang ganda at nadala ako sa chapter na to kya nagulat na lang ako ng biglang tumataginting na 'Itutuloy' na yung nabasa ko! BITIN! Sana bukas meron na. Haha!

    --ANDY

    ReplyDelete
  9. Salamat Anonymous, Rey at Jake :)

    Naku Andy, cugertz, rover, at rion mamaga mga braincells niyo kung sino ang makakatuluyan ni Jasper sa bandang huli at kanin mapupunta si Alice :) Nasa tamang damdamin nanaman ako sumulat kanina eh tapos brownout pa mula umaga kaya ayun nagcompose na ako ng chapter 41. Yung line sa pinaka simula ang pinanghugutan ko ng damdamin ng chapter na ito lol.. emote lol

    ReplyDelete
  10. Ok..hmmpp..mukhang may tension hahaha..Pero sana for the last time ay nakinig siya sa paliwanag ni Rodel.Dun niya sukatin kung tama bang ipaglaban pa niya ang pag ibig niya kay Rodel.Masyado naman masalimuot ang buhay at pag ibig ni Jasper.

    Abangan ko next update!

    ReplyDelete
  11. i guess it's better for jasper to be single. after lahat ng nangyari. i don't like rodel for him, rodel's a liar. i hate liars hahaha affected. friends nalang sana sila rodel at jasper in the end.

    ReplyDelete
  12. nice...nkabawi ka bossing..your the BEST bossing jeffy.pero still kill brian,rodel at si asungot...bwahaha...mga walang kwntang tao sila.i hate brian kasi haliparot sya.i hate rodel kasi malibog sya at manloloko...and i hate the asungot kasi binubwesit nya parin ako lalo na kanina!buntutan ba nmn ako mula pagkasakay ko sa jeep hanggang sa pagkababa ko at papuntang bahay.nakasakay sya sa car nya habang sinusundan nya ako.and he did it not only once but 5 times na...pag malaman ko lng tlga kung sinong doctor ang kakampi nya sa emergency room,i will make sure na pagsisisihan nya na nakilala pa nya ako.

    =teddyRICHIE=

    ReplyDelete
  13. hmmmm valid naman kaya yung reason na yan haist, wait ko na lang po next chapter.

    - ecko

    ReplyDelete
  14. Natutuwa ako sa attitude ni alice ehhehe... palaban na ewan hahahaha...

    Kawawa nmn c brian. Kc nmn super malibog din kaya hotseat na ngayon hahaha. Sana c rodel mismo ang mageexplain kay jasper kng ano talaga ang totoong nangyayari at kng ano ang meron cla ni brian.

    Kahit parang hindi mashado emphasized ang role ni simon sa chapter na to, xa nmn ung pinakamaswerte ehhehe dumating na mommy nya, nakascore pa kay alice ehhehe.. As usual, c jasper loser parin pero tinalo xa ni brian sa pagiging loser sa chapter na to, hahaha hotseat kc ehehhe..

    nice! cant wait for the next chapter ehheheh...
    dko parin maipair ung mga characters hahay~...
    afterall, bka c jasper at brian nga! ehehhehe...

    salamat jeff!

    -mars

    ReplyDelete
  15. wow. ang haba na nito jeffykulokoy ah....dami mo talagang alam. ahahaha...

    ReplyDelete
  16. aw! natatakot aq para ky brian x.x laki ng mwawala sknia pg ngkataon :o
    ayos! im very much satisfied with this chapter... centrum!

    ReplyDelete
  17. nabasa ko na ito kanina as of posting time ni sir, kaso...wala akong maisip na sasabihin.

    ayan nasabi ko na.
    tntnt

    ReplyDelete
  18. pwede po bang mahiram to "If loving is to get hurt then I don't want to love at all." ipost q lng po s facebook nakatelate po kasi aq e. ilagay nmn po ung name nyo s baba nn hehehe kung pwede lng po

    thanks.

    ps
    wait q po reply nyo bago q ipost
    thanks po ulit.

    ReplyDelete
  19. WOW... GRABE!!! K-A-K-A-W-I-N-D-A-N-G!!!

    Hmmm... If given a valid reason and nakakawindang na revelation ni RODEL bakit ba hindi sila (diba). Kase I think is very hard to think na pwede si JASPER kay ANDREW/RANDY/SIMON/MIGUEL/LITTLE RANDY its very complicated na except mabibigyan ng AUTHOR ang JUSTIFICATION. (A Homophobic/A Straight/A Gay/A Child) and given the fact that the real HE is SIMON (Sia ba yung homophobic?)

    Grabe dami nagcocoment sa story mo. IKAW NA! Tuloy-tuloy lang po sa story para spontaneous di katulad ng iba sabay-sabay nga nakakairita naman sa paghihintay ng update and losing the interest of readers. And I appreciate your interaction to your readers. Love na yata kita (hihihi)

    ReplyDelete
  20. Kakaloka 'tong taong 'to. ang galing-galing mo! Ikaw na. Napukaw mo interest ng mga readers. Mga nakakalokong twists and turns ng story. Go Jasper go for RODEL I think he has valid reasons sa nangyari sa kanila BRIAN and he really loves you. And I guess that would be the chapters that we'll waiting. ABANGAN ang susunod na chapter. I LOVE U na Kuya JEFFY

    ReplyDelete
  21. OMG... Absorb na absorb ako sa story na ito. Grabe ang mga twists kakalurkey. Masisiraan na yata ako ng bait pag wala pang update. (OA hihihi) GO JASPER-RODEL!!!

    ReplyDelete
  22. GO JASPER-RODEL!!! Kuya Jeffy saan ka kumukuha ng inspiration sa story na ito? Grabe ang galing. Nakakasira ng Ulo (Taas at baba hihihi) GO Go go next chapter na yan...

    ReplyDelete
  23. JASPER-RODEL Solid FANS HERE!!! Hahaha sa inyo iikot ang story... (Sana)siguro mga 30 chapters pa to. BWAHAHAHA. Sana di magkaroon ng Multiple Personality Disorder and Author para tuloy-tuloy update ng story. CONGRATULATIONS it's a very GOOD story. SIMPLE but COMPLICATED.

    ReplyDelete
  24. JASPER Manligaw ka na lang kaya. Hehehe para maiba at maging compicated lalo story. Hihihi

    ReplyDelete
  25. Good afternoon Jeffy,

    Kangina ko pa nabasa ito around 12:30a.m. kaso pagod na ko mag comment.kasi libing nung nephew ko na husband ni Camille dyan sa Dasma.

    kapag sinunod ko yung "If loving is to get hurt then I don't want to love at all" eh forever single siguro at lonely? Sabagay ang pag-ibig eh kusang dumadating nang di mo inaasahan

    As usual nalito na naman ako dun sa:

    Bumuntung hininga ako't (kinuketka? -collect ba or recompose?)

    Ano? kalimutan mo na yung si Rodel,Jasper - parang instead na yung eh iyang si Rodel

    So you beat him?...Compare no na lang sa katawan at laking bulas nya sa iyo noh? -baka compare mo na lang iyang katawan mo sa laking bulas nya sa iyo ...... I'm waiting,Jasper" ang ang natatawa - instead ang natatawa

    "Nagkamali siya ng tapak kaya nauntok (nauntog) kasi naout balance siya? -Sa pagkakamali nya ng tapak eh naout balance siya kayat ayun nauntog siya.

    "And what dirty trick....Tuloy pa ril (rin) ang pag-ikot

    Ano yung nasa square box design lang ba yun or photo yun?

    "Pamilyar nga siya. May naalala na ako" ang sagot sa akin ni Alice (Parang si Simon ata yung sumagot kay Jasper)

    "Saan ka pupunta?" Ang tanon (tanong) ni Simon

    "Inay....tamtim (taimtim)

    Halata sa mukha niya....dilay (dilaw)

    "Hi Tita Maya!... naibalin (naibaling)

    Nang mahugot ko ang singsing... ibigsabihin (ibig sabihin)

    Well done Jeffy sa Chapter na ito lalong luminaw yung condition ni Simon on the otherhand since alam na ni Alice and Jasper kung ano ang switch para lumabas ang mga gusto nilang katauhan ni Simon eh mas nakakaawa si Simon. Para na lang siyang object.Baka pag nagwawala siya eh sigawan lang siya ni Lupe ng Simon eh bumait kaagad.

    ReplyDelete
  26. Jayfinpa, screwed, teddyRICHIE, ecko, Mars, Rue, Almondz, Gerald, and Anonymous peeps: Sa mga susunod na chapters natin malalaman :) Salamat guys sa mga comments natutuwa talaga ako each time nababasa ko posts niyo everytime. :) Naaaliw ako kasi alam ko na yung mangyayari minsan alam niyo na yung magaganap ayon sa alam ko pero pag nilalagay ko na yung mga nangyayari naguguluhan na kayo nagrerequest pa yung ilan :)

    Karamihan talaga sa inyo gusto na marinig ang explanation ni Rodel. since chapter 40. Basta, wait lang kayo lalabas din yan sa mga susunod na updates :)

    Sa dami ng characters pinipilit kong bigyang focus din yung siginificant roles at yung iba support lang. Kaya lang dahil sa pangangailangan ng eksena minsan nawawala ang focus sa kanila like Alice, she just entered the spotlight again for the flow na ng updates :)

    Brylle: malikot lang utak ko lol..

    Arl: Sige lang copy mo lang yang quote na yan. Naisip ko lang yan kahapon habang nagdadrama si Jasper sa pinto ng room ni Simon habang naglalafangan sila ni Alice lol

    ReplyDelete
  27. Norbert: Salamat ha? Grabe proof reader na rin kita :) Nacorrect ko na yung mga tinuro mo maraming salamat talaga. :) Grabe ang dami kong mali sa chapter na ito natatawa ako sa sarili ko. :)

    Yung nasa square box image yun ng room ni Simon pero hindi yata nagload sa end mo ng maayos. May toyo pa rin ang blogspot kung di Google Chrome ang gamit na browser. Nasubukan ko siya kahapon sa IE9 naloka ako lol..


    Oo nga eh. Kaya siguro ganun ang dahilan ni Brian kung bakit private ang sessions nila ni Simon. One of his better reasons. :)

    ReplyDelete
  28. Norbert: Kamag-anak mo pala si Princess/Mama Sarah! :) It's an honor!

    My condolences po for your loss. :(

    ReplyDelete
  29. after ng bagyo naka balik din!

    Nice Chapter Kuya Jeffy! ^_^

    Natawa ako kay Brian. parang ako pag namumutla.

    HAHAHAHA!

    ano kaya masamang balak ni Alice?

    ReplyDelete
  30. Honestly nagustuhan ko ang flow ng story up to this chapter 41 kahit hindi ko nabasa lahat ang previous chapters. Sapat na para ma-entice akong subaybayan ang nalalapit nitong wakas. Isang itong fiction stories at nakakaalis ng stress everytime you read it back or read it over again. Hindi nakakasawa. Sana maging totoo ito in real life na ganito lang kadali ang makalimot. If you really love someone you do it unconditionally and you will know for sure if that straight/bi guy loves you in return. Sad to say, in a homo relationship there is a BIG question mark on that. Nagmahal ka at ipinaglaban mo siya and you expected him to do the same? We should not expect too much from him. We should be happy that in our life we experience love and betrayed afterwards. That's ok. At least we tried to love. In Jasper's case the author can do anything to change the fate of his life. If it's in real life, kailangan kalimutan na niya si Andrew. Hindi puwede haluan ng awa ang love. Si Andrew if it's in real life ay imposible umibig kay jasper as he treats him bunso. Dito pumapasok ang imagination ng author. Kaya niyang baguhin ang takbo ng buhay, sa malungkot, sa masaya, sa paraang halos lahat ng mambabasa ay iisa ang kagustuhan. Sana fiction na lang ang buhay...

    ReplyDelete
  31. Alex: Thank you :) sana nga fiction lang ang buhay but in reality we make our own destiny using the power of our own will to change things accordingly.

    Hindi sa nakalimot na si Jasper but rather he isn't sure of the real feelings of loving someone. Because of Rodel going far and Andrew's care for him (not to mention the tempations) confused him of who from both does he really love. Jasper has been pushed much of what just happened and because of his hate kay Rodel he finally closed his door for him. As for the other details on that :) on to the flow of the story.

    For me, reading stories would not only depend on how the author can drive my mind on how the story goes rather I would like to see some missing aspects that would help me think if I was in that position and how was this character came to a certain decision or how did the character end up feeling that way.

    There are certain aspects of Jasper's feelings that was not emphasized for the readers to find out themselves. Why did Jasper felt that way for Andrew and how can it be if I was in his position? The answers are endless and would all depend on each reader's point of view. Yours for example, such 'should be this' and 'that' because this is what you know and they are the reasons for you to say it so.

    I agree to your statement that there is a big questionmark on unconditional love for homos. The simple answer is because for one, loving someone of the same sex and receiving it is a RARE opportunity for each making one or both of them posses the other so much that it would neglect the term freedom and the opposite of such as we all know, would tend to abuse too much freedom and then would become a reason for being possesive. Gulo no? Basta Trust, Betrayal, Lust, Polygamy, Monogamy, Temptation, and Love are all factors that affects an intimate relationship and depende na lang talaga siya kung paano haharapin at aayusin o susulusyunan ng dalawa sa isang relasyon. Ang susi lang ay isang open na communication sa bawat isa at bukod sa pagtitiwala sa bawat isa ay ang pag-iingat na huwag masira ang tiwala.

    Sa awa and love, you can never separate them rather hindi pwedeng gawing dahilan ang awa sa pilitin ang sariling mahalin ang iba.

    Tungkol sa kagustuhan ng aking mambabasa. Sa paraan kung paano ko sinusulat ang aking kwento doon ako nakikinig pero sa kung paano dadaloy ang kwento ay ayon talaga ito sa gusto kong mangyari at swerte naman dahil ang gusto ko ay nagugustuhan ng karamihan. In the first place, this story won't be like this if I haven't started writing it di ba? They can speculate but their speculation never really affected the original flow of the story. Nagkaroon lang ng twist para magkagulo utak nila :).

    Two people knows how the rest of the story would go but I'll not mention their names because apart from me telling them to keep it secret because I never want to destroy the anticipation of my readers for the following updates. Mahirap na rin na malaman niyo kung sino sila dahil pareho silang gwapo baka hingiin niyo number nila sa akin at facebook profile. Yung isa sa kanila no idea talaga ako pero sobrang close niya sa akin kahit anonymous ang true identity niya sa akin. What's important is we're good friends and he really helps me get that emotional boost when I need it. :)

    Grabe gustong gusto ko comment mo talagang comment siya Alex. Napapaisip mo rin ako ng bongga! hihihihih

    Sa totoong buhay, possible nga na little bro lang ang treatment ni Andrew kay Jasper or Jasper wouldn't be even feeling intimate over Andrew since he's a lunatic lol :)

    ReplyDelete
  32. Erwin: magpapalabas si Alice ng masamang hangin sa loob ng room ni Simon :) hihihiih

    ReplyDelete
  33. Thanks po...
    naipost ko na po sa FB ko...
    waiting for the next update hehehe....

    ReplyDelete
  34. Cant wai for the next parts... Keep it up jeffy.

    ReplyDelete
  35. Update na agad ng chapter 42. Go! Lol

    ReplyDelete
  36. walang anuman.. Arl

    wastedpup gusto kita gawing model as Jasper tuloy sa profile pics mo sa fb bagay na bagay :)

    Anonymous ginagawa ko na po ngayon :)

    ReplyDelete

Hope to hear from you! Thank you! ^_^