Thursday, November 3, 2011

Innocentia Chapter 07


by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Matapos umalis nila July at Jessica mula sa set at naiwan na lang kami ni Mark sa likuran ng direktor...





Jiro



"Jiro, okay ka lang?" ang nag-aalalalang tanong niya sa akin dahil bakas ang lungkot sa aking mukha.

"Wala lang ito. Nagugutom ka na ba?" tanong ko sa kanya para maiba ang usapan.

"Malapit na." ang sabi niya. Nangiti naman ako.

"Bakit malapit na? Malapit ka na magutom?" ang natatawa kong paglilinaw.

"May kulang pa para magutom ako eh."

"Ano?" nagtatakang tingin anmana ng binalik ko sa kanya na sinagot niya ng isang pilyong ngiti.

"Kiss muna." ang sabi niya na akin naman ikinabigla.

"Hay... Mark... mahuhulog ako sa ginagawa mo niyan eh."

"Eh yun naman ang gusto kong mangyari di ba?"

"Kasi.. ano eh..."

"Kasi ano?" ang tanong niya ulit.


Sa mga sandaling iyon ay lumapit sa amin ang isa sa mga PA na kakatapos lang kumausap sa aming direktor dahil nakakailang take na sila gawa ng hindi masunod ng mga modelo ang gustong mangyari ng direktor.

"Mark, sino yan?" ang mataray na tanong ng di ko kilalang PA na papalapit sa amin.

Brusko ang katawan niya ngunit halata mo ang malamya niyang galaw na naghuhumiyaw ng kanyang tunay na katauhan kahit lalaking lalaki siya manamit.

Napatingin kami sa kanya at nang magkaabot ang aming mga mata ay tinaasan niya ako ng isa niyang kilay.

"S-Si Jiro, bagong associate ni si July." ang tila kinakabahang wika ni Mark sa lalaki.

"Bakit ka nakadikit sa kanya? Buong araw kitang hinahanap kung saan-saan ka nagpupupunta. Kanina sa bus naghintay na ako doon malaman ko lang nung bumabiyahe na na nasa kabilang bus ka." ang inis na sinabi niya kay Mark nang makalapit ay namaywang pa. Isang saglit na katahimikan ang namagitan sa aming tatlo habang ang PA ay tinitignan ako ng masama mula ulo hanggang paa.

"Jiro, this is Nick, my boyfriend." ang nahihiya niyang pakilala sa akin.

Pinilit kong ngumiti at nakipagkamay kay Nick habang nakaupo ngunit tinignan lang niya ng masama ang kamay kong nakaabot sa kanya.

"I want to eat na. Let's go." ang yaya niya kay Mark. Bakas naman sa mukha ni Mark na ayaw niyang sumama dito.

"Mark, sige na. Sumama ka na kay Nick." ang malumanay kong sabi sa kanya.

"Babalik ako mamaya ha? Sama ako sa inuman." Walang nagawa si Mark kaya't tumayo na lang at sumamang naglakad kay Nick tungo sa labas ng resort upang makahanap siguro ng makakainan na malayo sa mga mata ng lahat.

Sa kanilang paglayo ay tanaw ko na inaaway siya ni Nick hindi ko maiwasang sisihin ang aking sarili sa mga nangyari. Hindi ko naman alam na may karelasyon na pala si Mark kaya't di ko masyadong pinagdiinan ang paglayo niya sa akin. Mabuti na rin siguro iyon dahil hindi ko naman talaga siya gusto at pangalawa, maraming bagay sa buhay ko ang hindi pwedeng malaman ng kahit sino sa kanila.

"Ayoko na maulit ang nangyari na. Gusto ko na mamuhay ng normal." ang sabi ko sa aking sarili.

"Ianus... Ianus..." ang bulong ng tinig ng isang matandang lalaki na aking narinig.

"Periti? Saglit lang po. Huwag dito. Makikita ng iba na kinakausap kita't magmumukha akong kadudaduda sa kanila." ang sagot ko na lang sa aking isipan.

Tumayo ako't bumalik sa likuran ng resort. Madilim na't mahirap maglakad sa buhanginan kahit may liwanag na nagmumula sa resort ay di ko pa rin makita ang aking nilalakaran. Ang malakas na hangin at tunog na lang ng umaahon na alon ang aking tanda. Nang makasigurado akong walang tao sa paligid...

"Nalalapit na, Ianus..." ang bulong muli sa aking tenga.

"Please, gusto ko lang mamuhay ng normal, periti." ang pakiusap ko.

"Delikado na mag-isa ka lalo na hindi mo ka pa nakakarecover, Ianus. Isa kang Sancti. Vive vitam tuam ut tua fatum!"

"Nag-iingat po ako, periti." ang panigurado ko sa kanya.

"Gumagalaw na ang mga anino. Hindi ka makapagtatago ng matagal sa mundo ng mga ordinaryong nilalang. Darating ang araw na lalayo ka rin sa kanila." ang babala niya at unti-unting humina ang boses niya.

Bumalik akong muli sa set matapos noon. Tahimik lang akong nanood sa shooting. Kahit paulit-ulit ang ginagawa nila. Natutuwa ako. Hindi ko maiwasang ngumiti habang ang mga normal na tao'y nagpapanggap bilang normal na tao na kilangan nilang gampanan sa likod ng kamera. Nakikita ko ang aking sarili sa kanila. Tulad ko, isang tao ngunit dahil sa aking katayuan ay nagpapanggap ako sa harap ng mga tao tulad lang nila.

Makalipas ang isang oras...

"Jiro! Kain na tayo para makainom tayo mamaya!" ang nakangiting anyaya sa akin ni Jessica habang may supot na Jollibee ang logo ang kanyang bitbit sa magkabila niyang mga kamay. Limang styro ang laman ng bawat isang supot.

Tumango ako't nginitian si Jessica at bumangon sa aking upuan sa likod ng direktor. Tinulungan ko si Jessica sa pagbitbit nang makalapit ako sa kanya. Nang tignan ko ang likuran niya ay nakita ko ang ilan sa mga PA na naghahanda ng pagkain sa mga mesang inihanda nila sa gilid ng set. Sagot pala ng company ang aming pagkain.

"Dun tayo sa likuran. Dumaan na si George sa caretaker para mapabuksan yung ilaw doon." ang sabi niya sabay turo sa daang papunta sa likuran kung saan ako galing kanina.

"Sila sir July po, ma'am Jessica?" ang tanong ko sa kanya matapos makuha ang dalawang plastik na bitbit niya sabay suri sa mga tao muli sa likuran niya kung nasa paligid si July.

"Tsk. Yaan mo na muna boss mo. Mukhang sa wakas magkakaigihan na sila ni Frida." nanlaki ang mata ko sa pagkabigla't nasabi ang...

"Si Frida at sir July?! Eh di ba may girlfriend po si..." at nanlaki naman din ang mata ni Jessica sa naputol kong sasabihin.

"May girlfriend si July?!! Sabi na nga ba eh! Kanina sa convenience store nakita ko sa wallet niya na may kasama siyang chinitang mestisa na dalaga dun sa picture niya!" may pagkadalawang banda pala itong si Jessica.

"H-hindi niyo po ba alam?" ang nauutal kong tanong sa kanya bago kami simulang naglakad patungo sa likuran ng beach.

"Hind. Kasi pala kwento iyang si July. May girlfriend pala siya. Playboy pala ang mokong na iyon kala ko pa naman one woman man siya." at sa mga sandaling iyon habang naglalakad kami sa eskinita palikod ay bumukas na ang mga ilaw hanggang sa likuran ng resort pati na ang ilaw sa isang kubo kung saan kami maghahapunan.

"B-bakit wala kayong alam? Di ba, matagal na kayong magkakasama sa trabaho? Highschool pa daw naging sila bago sila pumasok sa college." ang sabi ko. Kinakabahan na ako ngayon dahil nadulas ako sa isang bagay na hindi pala sinasabi ni July sa mga kasamahan niya.

"Ganoon siya kaprivate sa buhay niya! Imagine! Since before college pa pala niya girlfriend! Ano pangalan?" ang intriga naman niya.

"Masyado na po yata akong maraming nasabi. Pasensiya na po hindi ko na po masasagot ang tungkol diyan." ang nahihiya kong tanggi.

"So kilala mo? Buti ka pa! First ever ikaw pa ang nakaalam tungkol diyan! I think July likes you." ang bola niya sa akin dahil nasabi na marahil ni Frida sa kanya na type ko si sir July.

"Malay ko po. Straight si sir July. Ngayon, playboy pa pala." ang sagot ko naman habang umaakyat sa kubo nauuna kay Jessica. Tumawa lang si Jessica sa aking nasabi.

"Nakakaloka! Ikaw lang pala ang sagot para may malaman ako tungkol kay July." ang hirit niya bago pumuwesto sa upuang nakapalibot sa mesa na nagsilbing haligi rin ng kubo na aming pinuntahan.

"Pasensiya na po, ma'am Jessica. Sana po hindi niyo ako gawing espiya kay sir July. Hayaan na lang po natin siya sa buhay niya. Nadulas lang po ako ngayon." ang malungkot kong wika.

"Selos ka dear?" ang tanong niya.

"Hindi po. Yaan lang natin siya."

"Sabagay, nandiyan naman na si Mark. Kamusta na nga pala kayo non? Bakit di mo kasama ngayon?" ang pangingibang usap niya.

"May boyfriend po si Mark. Kumain po sila sa labas."

"Ah talaga? Yun ba yung maton na PA na madalas sa department nila na nakikita ko dati na madalas niyang kasama? Kala ko kasi break na sila kaya naman natuwa ako na makitang lumalapit siya sa iyo." ang pagkadismaya niya.

"Opo, si Nick yung boyfriend niya. Kanina ko lang nakilala at nalaman yung tungkol sa kanila."

"Kawawa ka naman pala dear. Yaan mo, dadating din ang prince charming ng buhay mo. Sa ganda mong iyan?!" ang pakikiramay naman niya.

"Okay lang po ako di rin ako sanay sa ganyan. Hindi naman din ako nililigawan ni Mark. Isa pa, hindi ko po siya type. Natutuwa lang po siya sa akin at sa akin kasi bumabagsak yung tinatapos niyang trabaho kaya naging close kami pero wala lang yun parang acquaintance lang." ang mahinhin kong paliwanag sa kanya.

"Asus! Ikaw hindi sanay?! Marami ka na sigurong naging boyfriend dati no? Baka naman choosy ka masyado?" ang tanong niya.

"Wala pa po. Wala din po akong planong magkaroon ng boyfriend."

"Sa ganda mong yan wala ka pang nagiging jowa?!?? BAKIT?!?!" ang hindi makapaniwala niyang tanong sa akin.

"Ayaw ko po.... Nga pala, paano niyo naman nasabi si Frida at si sir July?" ang pangingibang usapan ko naman. Inilalabas ko na sa supot ang mga styro ng pagkain at plastic spoon at fork para kukuha na lang kami mamaya.

"Hay nako, see for yourself pagdating nila." ang asbi ni Jessica sabay labas ng kanyang cellphone sa kanyang bulsa at kinalikot ito.

"Andito na kami!" ang masiglang sigaw sa di kalayuan ni July. Abot tanaw ko siyang nakaabay kay Frida at kapwa sila nagtatawanan. Dala ni July sa isang kamay ang isang plastic na may dalawang bote ng two liters na Coke Zero. Si Frida nama'y dala ang isang supot ng mga disposeable cups. Mukhang nagkakaigihan nga ang dalawa pero...


July



Alam ko may girlfriend ako pero hindi ko naman maitanggi ang kabaitan niya. Ayaw ko naman na masira ang pagkakaibiganan namin nila Jessica at George ng dahil sa pagtanggi ko sa kanya ngayon sa eksenang pwedeng gawin niya. Kilala ko na si Frida. Hindi ko siya pwedeng kausapin ngayon sa kundisyon niya.

Habang naglalakad na kami papasok sa eskinita papunta sa likuran ng resort at mabagal kaming naglalakad ni Frida habang akbay ko siya.

"Frida, hindi ko talaga inaasahan."

"Ang alin, July?"

"Yang nararamdaman mo para sa akin. Kaya lang...."

"Kaya lang ano?"

"May girlfriend na kasi ako. Gusto ko na sana sabihin sa iyo ngayon para malinaw lang ang lahat. Mabait ka Frida pero nagbabalak na akong pakasalan ang girlfriend kong si Claire." ang kinakabahan kong sinabi sa kanya na tinawanan lang niya.

"Yun ba? I don't care. Mga naikasal nga nasusulot pa eh. Besides, wala naman siya dito. Friendly, friendly lang naman ako ha? I just want to get that thing out of my huge chest. Now, I'm happy. I hope hindi ka iiwas sa akin. Let's just enjoy the night! No strings attached! Mangyari na kung ano ang mangyayari." ang sagot niya sa tila nanunukso niyang tinig. Bago kami umalis ng convenience store kanina ay lumaklak na siya ng isang bote ng vodka. Mabilis tamaan ng alak si Frida at lumalala ang personality niya tuwing nalalasing na siya.

Napalunok ako sa wika ni Frida, hindi ko malaman ang dahilan pero binigyan niya ako ng idea kaya't kung anu-anong bagay na ang pumasok sa aking kokote sa mga oras na iyon. Parang nanlalambot ang tuhod ko't nag-iinit ang aking puson dahil habang nakabalot ang kaliwa niyang braso sa aking likuran ay siya namang kiskis ng kanyang dibdib sa akin habang kami'y naglalakad.

"Cool ka lang, July?" ang tanong niya pa.

"Ako pa." pagmamayabang ko naman sa kanya.

Pinilit ko ang aking sarili na kumalma at magpakapresko. Inipon ko ang lahat ng aking lakas upang magkunwari'y masigla upang hindi makahalata ang iba naming kasama habang kam'i'y papalapit na sa kubo kung saan ay abot tanaw ko nang naghahanda si Jiro at si Jessica nama'y tanaw ko ang bunbunan na nakasandal sa bintana.

"Jessica, ako na lang aakbay sa iyo. Bitiw ka na sa likuran ko." ang pakiusap ko sa kanya. Hindi naman niya ako sinunod. Kinakabahan akong mapansin ni Jiro ang ginagawa ni Frida.

"Andito na kami!" ang sigaw ko para kunwari'y wala lang ang lahat. Nakita ko si Jiro na napatingin sa aming banda at pinagmasdan kami ni Frida mula ulo hanggang paa bago yumuko nang bumakas ang lungkot sa kanyang mukha.

"Patay! Ano kaya ang sinabi ni Jessica sa kanya. Napansin niya siguro ang harot ni Frida sa akin kanina. Mga babae talaga! Kung makpanghusga!" ang sabi ko sa aking isipan.

Nagpakakalmante lang ako nang kami'y pumasok sa kubo. Tinulungan ako ni Jiro sa aking dala at kinuha na niya ang mga plastic cup na dala ni Frida. Sa kabilang banda ng kubo kami naupo kaharap si Jessica. Hindi ko alam ang aking gagawin kay Frida. Nagsisimula na siyang sumandal sa akin at humawak sa aking kamay.

Habang nagsasalin si Jiro ng inumin sa baso ay patago niya kaming pinagmamasdan. Nang magkaabot ang aming mga mata'y agad niya itong iniwas. Halata ko na maraming katanungan sa kanyang mga mata. Pakiramdam ko guilty ako sa mga nangyayari kahit wala naman.

Nang makarating si George na kasama ang isa sa mga PA na may dalang kaha ng aming mga alak ay nagsimula na kaming kumain.

Tahimik kaming kumain at nagtitinginan lang. Si Frida kasi kung makadikit kala mo ay parang linta lamang. Pansin na nilang tatlo nila George ang nagaganap ngunit wala ni isa sa amin ang gustong pag-usapan ang tungkol doon.

Nang matapos kami kumain ay si Jiro na ang nagligpit ng aming pinagkaininan. Doon ko lang napatunayan na talagang masipag at maalalahanin itong si Jiro bagama't mahiyaing tao. Hindi ko pa rin siya makausap ng maayos matapos ang nangyari kanina sa dalampasigan nang pagdiinan ko ang kanyang pagkatao.

Habang nag-iinuman at may tama na ang lahat. Tahimik pa rin si Jiro at matipid lang magsalita. Napagtripan siyang ma-hotseat ni Jessica at Frida dahil sa baguhan nga lang siya at ngayon lang namin siya nakasama labas ng trabaho. Si George, tawa lang ng tawa tulad ni Jessica at Frida na napakadaldal na. Si Frida sa isang banda, dahil sa nasa harapan namin silang lahat nakaupo ay kung saan-saan na napupunta ng palihim ang kamay niya tago sa ilalim ng aming mesa.

"Tagay pa pare!" ang sabi ni George matapos ubusin ang isang kakatagay pa lang na baso ng alak. Pabagsak niyang ipinatong ang plastic cup sa ibabaw ng mesa.

"Ay ano ba yan, George! Ang alak iniinom hindi pinaliligo!" ang sabi ni Jessica matapos tumalsik sa kanya ang ilang butil ng alak gawa ng pagpatong ni George sa mesa.

"Jessica masarap ka daw kung cured ka na." ang tumatawang hirit naman ng suray nang si Frida habang nakapatong na ang ulo sa akin balikat. Sa mga oras na iyon ay magkahawak ang aming mga kamay at paulit-ulit kong ginuguhitan ng aking daliri ang palad niya ng letrang 'I' na gustong gusto naman niya.

"Anong cured?! Hamon?! WAHAHAHAH!" ang banat naman ni George sa kanyang nakakaasar na tinig at paghalakhak.

"Letche ka! Pag naging mas sexy pa ako kay Frida maglalaway ka rin sa akin at di kita papansinin." ang pikon na nasabi ni Jessica sa kanya sabay sampal nito ng kamay sa balikat ni George.

Inabot ni Jiro ang baso ni George at nilagyan muna ng yelo bago binuhusan ng alak.

"Tagay mo na yan pare." ang sabi ni George sa kanya. Tumango lang si Jiro bago inumin ang nasa basong hawak niya. Nainis naman akong bigla sa tawag ni George sa kanya.

"Tang ina, George! Sinong pare?! Bakla yang si Jiro, pare!" ang panunuyang lumabas sa bibig ko patukoy kay Jiro sabay turo sa kanya parang pinagtitripan siya. Lasing na lasing na rin ako sa mga sandaling iyon at matindi na ang pag-ikot ng aking mundo na sinasabayan pa ng parehong init na literal na aking nararamdaman at init na dala ng pagdikit sa akin ni Frida.

Biglang naging seryoso ang mukha ni George at lumungkot naman ang kay Jessica habang parehong nakatitig kay Jiro na gusto na biglang nabilaukan sa aking sinabi tungkol sa kanya. Pulang-pula na si Jiro dala ng alak pero lalong namula siya sa tindi ng hiya. Si Frida, sakabilang banda, tumatawa na tila nang-aalaska nakikisakay sa akala niya'y biro na aking pinakawalan habang hinihimas ang aking hita.

Lumapit si Jessica sa tabi ni Jiro, inakbayan nita ito at hinimas-himas sa balikat bilang pakikiramay sa kanyang nararamdamang sakit.

"Pota! Drama nanaman! Tama na nga yan!" ang gigil kong sinabi kay Jiro habang pinagmamasdan siyang nakayuko na halos itago na ang kanyang mukha.

Sa mga sandaling iyon, dumating si Mark. Masayang nakangiti nang pumasok sa loob ng kubo.

"Guys, pwede ako makisali?" ang tanong niya at tinabihan si Jiro sa upuan ng di naririnig ang pagpayag namin.

"Eto pa isang bakla." ang nasabi ko na lang habang pinagmamasdan sila ni Jiro. Napansin niya ang lungkot sa mukha nito kaya't...

"Jiro? Okay ka pa?" ang tanong niya. Tumango lang si Jiro sa kanya sabay harap ng kanyang mukha ipang ipakita ang pilit niyang mga ngiti.

"Pasensiya na, Mark. Lasing na yata ako.... " ang sabi niya na sinundan ng parang babae niyang hagikgik. Natuwa naman si Mark sa kanya kaya't inakbayan niya ito ng mahigpit na parang gusto na niyang yakapin.

Dama na ni George ang aking pandidiri sa dalawa. Tahimik lang na nakiramdam si Jessica sa akin at si Frida nama'y tuwang-tuwa na hinahaplos na ang aking bukol sa gitna ng aking mga hita sa ilalim ng lamesa habang nagkukunwaring inaantok na.

"Kaya niyo ba ito?! Tang ina mga bakla eto tignan ninyo!" ang hamon ko sa dalawa sabay hawak sa baba ni Frida upang iharap sa akin ang mukha niya't halikan siya. Mabilis na naghinang ang aming mga labi ngunit hindi ko na napigilan ang mga susunod na nangyari.

Nag-iinit na rin ako marahil kaya ko nagawang halikan si Frida. Smack lang sana ang gagawin ko ngunit napasubo na ako nang ipasok niya ang kanyang dila sa aking bibig. Para kaming gutom na naglaplapan sa harapan nilang lahat. Napapikit ako sa sarap kaya't di ko na nakita ang naging reaksiyon nilang lahat sa amin ngunit alam kong lahat ay nakatitig na sa amin.

Nangigil na ako kaya ang isa kong kamay ay idiniin ang kamay ni Frida sa ilalim ng mesa na kanina pa humihimas sa aking galit nang alaga.

(itutuloy)

19 comments :

  1. hala... isang fairy c jiro?


    updates agad sir jeff..


    -ICE- xD....

    ReplyDelete
  2. Gusto ko kalbuhin si July sa chapter na ito......

    Si Mark naman mukhang sawa na sa bf niyang talakera.

    Jiro is so weird... Hindi siya normal na tao?

    Kuya Jeffy.... Ang daming tanong pa rin di nasagot. Haahahaha! Nakakawindang.

    ReplyDelete
  3. @_@ kung makapanglait naman si july wagas.. :D

    ReplyDelete
  4. di gaano maganda ang story.. :(

    ReplyDelete
  5. Aba! Nakakalalaki si July ah. Asan na ang magical powers ni Jiro at ng magawa nyang pink na frog si July? Hahaha!! I'm so loving this story. However, I've tried using online spanish-english translations for "vive vitam tuam ut tua fatal", and wasn't able to find the exact meaning of the phrase. It has something to do with life, tama ba?
    -icy-

    ReplyDelete
  6. Ice: hindi fairy si Jiro :) lol naku kung ano ano na pumapasok sa isip niyo :)

    Erwin: Kakalbuhin mo talaga si July lalo sa chapter 8, lol. Malalaman mo rin ang mga sagot sa tamang panahon. :)

    Zildjian: hindi ba ganyan ang karamihan sa inyong mga "straight" wagas din :)

    Anonymous: Sorry if you don't like the sci-fi touch in this story. I know I can't please everyone but it doesn't mean I have to stop writing this one. :)

    Icy: Thank you! it's latin for live life according to your fate

    ReplyDelete
  7. Sir jeff, nkalagay kc "vive vitam tuam ut tua fata!"...translate as "live life as a fairy"... hehehe... kya nsbi ko n fairy c jiro....

    (!) ung nkalagay po.. kya d ko xa binsa as (l)..

    -ICE- xD....

    ReplyDelete
  8. sir jeff, dictionary gamit ko... latin-english dictionary...

    db different ung fata sa fatal? nkalagay kc sa story mo fata(!)...

    -ICE- xD....

    ReplyDelete
  9. Ice: pintalitan ko na ng fatum.. fata is fairy as noun but is also fata or fas for destiny. :) Kulang laman ng dictionary mo :)

    ReplyDelete
  10. d nman po kulang... d ko lng nbsa...hehehe...
    meron nman.... nagmamadali kc...

    -ICE- xD...

    ReplyDelete
  11. sir jeff, add kita sa fb ko...

    na-add ko na po...

    -ICE- xD...

    ReplyDelete
  12. Til nxt chapter. Naghahabol po sa pagbabasa...

    ReplyDelete
  13. ang tantya ko si july ang BI na iibig kay jiro ....... sarap batukan ni july dito ....

    ReplyDelete
  14. hmmmn...naisip ko lang...parang may ibang katauhan dito si Jiro ahhh di ko lang alam kung ano yun..hehehehe baka sumpain si July ni Jiro...tapos...tapos...tapos..babasahin ko na lang ang next chapter para maliwanagan ako..hahaha

    -jojiemon ^_^

    ReplyDelete
  15. Si Jiro ba may supernatural powers? O baliw on recovery? Alien? Member ng isang conspiritorial Secret Society? Ng Illuminati? he he he...ok yung story...

    -alem-

    ReplyDelete

Hope to hear from you! Thank you! ^_^