Saturday, November 12, 2011

Innocentia Chapter 14


by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Itinapon ako ng aking mga magulang dahil noong bata pa ako'y pinaligiran na ako ng mga kababalaghan. Si padre Alexis, ang paring nagbinyag sa akin na kinalaunan ay natanggal sa kanyang pagiging pari ang nagmagandang loob na umampon sa akin. Marami siyang alam tungkol sa aking katauhan at isa sa dahilan kung bakit niya ako kinupkop ay sa pareho kami ng pinanggalingan.





Jiro



Ayon sa kanya, kami ay isang Essentia Primus o mga napipiling tao bago pa magkaroon ng multiverse o ang pagdami ng dimensyon at mahati bawat dimensyon sa iba't-ibang panahon. Ang bawat dimensyon ay nalilikha sa bawat pangyayari o aksyon na ginagawa ng mga naninirahan sa isang mundo. Halimbawa, kung ang isang tao pipili kung sa kanan o kaliwa ba siya tutungo, ang isang dimensyon ay malilikha taliwas sa kanyang nagawa. Kung pumunta siya sa kanan, ang nalikhang kopya ng universe niya na may katulad niya ay kaliwa ang tatahakin at para hindi na balikan pa ang nangyari na ay tinatapos ng paglipas ng oras ang kanilang nagawa.

Kaming mga Essentia Primus ay nilikha upang bantayan at pangalagaan ang daloy panahon at ang pagdami ng dimensyon ngunit ang ilan ay nangahas na gamitin ang kanilang kapangyarihan upang pagharian ang ilang dimensyon. Ss kasaysayan ng tao noong unang panahon, ang ilan sa kanila'y naging demi-god na sinasamba ng mga normal na tao sa lahat ng dimensyon, and iba nama'ynaging masyadong galante sa tao sa sobrang kabaitan at pagmamahal sa kanila kaya nabinigyan ang ilan sa kanila ng kaalaman sa paggamit ng salamangka kapalit ang pagkawala ng kanila. Dahil dito, nagkaroon ng hidwaan ang bawat nilalang at nagkaroon ng dibisyon ang lahat.

Nahati ang multiverse sa limang uri dahil sa mga pangyayari. Minabuti ng nag-iisang lumikha na hatiin ang lahat bagama't di magkakalayo at ayusin ang pagkakasama-sama ng magkakauri.

Ang mga normal na tao'y napunta sa grupo ng dimensyon na tinatawag na Medius o ang gitna kung saan ang alam ng lahat ay ang tunay na mundo na replika ng Primam Mundo o ang pinakaunang mundong nilikha.

Ang Contrarietas o ang kabaligtaran mismo ng lahat ng nasa Medius kung saan lahat ng masama ay mabuti at ang mabuti ay masama. Isang anino mula sa salamin ng lahat ng nasa Medius ang Contrarietas.

Ang dalawang balanseng uri ng mundong ito'y nasa tinatawag naming Canitia o gray area na pinagigitnaan ng dalawang uri pa ng mundo na pinaninirahan pareho ng mga natitirang Essentia Primus upang pamunuan ang dalawang mundo ng mga normal na tao, ang Simulacrum kung saan lahat ng masama ay naroon at ang Lucerna naman ang kabaligtaran nito kung saan lahat ay kabutihan. Ang dalawang ito'y magkakadikit at laging nagkikiskis at may agad na epektong sabay sa Medius at Contrarietas.

Kaming mga Essentia Primus, hindi apektado ng multiverse dahil hindi kami nagkaroon ng kopya ng aming existence sa buong multiverse at dahil dito ay kaya naming puntahan ang lahat ng multiverse. Sa madaling salita, natatangi kami sa lahat ng nabubuhay ngunit kami'y muling ipinapanganak sa mundo ng mga tao tuwing kami'y mamamatay at nabubura ang aming mga ala-ala upang muling magsimula. Dahil dito, nasa aming karapatan na pumili ng aming landas na pipiliin, ang maging Tenebrarum o isang Essentia Primus na kami sa Simulacrum o ang maging isang Sancti na kasapi ng mga taga Lucerna.

Sa madaling salita, ang mga Essentia Primus ay walang katapusang digmaan. Ang mga Tenebrarum ay may kakayanang kontrolin ang mga kahindikhindik na nilalang, mga normal na taong nabigyan nila ng bahagi ng kanilang kapangyarihan o tinuruan ng salamangka at may kakayanang impluwensyahan ang mga taga Medius at Contrarietas sa pagpunta nila sa Canitia o ang gray area, isang uri ng dimensyong parallel sa Medius at Contrarietes na ganun din sa Lucerna at Simulacrum. Sa mata ng normal na taong makakakita sa kanila, isang anino lamang sila. Kaya't dahil doon ay anino ang tawag sa kanila naming mga Sancti.

Sa resort, sa mga sandaling inaalalayan ako ni July na unanan ang kanyang braso.

"Somnus..." ang bulong ko kay July upang patulugin at agad na pinatigil ang oras. Pinagmasdan kong maigi si July kahit kaunti lang ang dumadamping liwanag sa kanyang mukha mula sa ilaw na nanggagaling sa aming likuran.

Hinaplos kong saglit ang kanyang maamong mukhang kay tagal ko nang hinanap. Sa mundong ito ko lang pala siya matatagpuan sa lawak ng mutiverse.

Habang nasa ganoon kaming lagay, hindi pumasok sa aking kaisipan kung ano ang tumatakbo sa isip ni July sa mga oras na iyon. Kinailangan kong gumawa ng aksyon dahil sa mga sandali ring iyon ay bumangon ang limang itim na aninong hugis tao sa mismong tubig dagat.

Agad akong bumangon at tumayo sa tabi ni July at nginitian lang ang mga halos di ko na makita sa dilim ng gabi na naglalakad na papalapit sa amin sa ibabaw ng tubig.

"Huwag kayong madaya." ang wika ko sa kanila't biglang tila static sa video ang kumalat sa aking paligid at napunta ako sa isang dalampasigan ngunit sa pagkakataong ito'y nasa likod ko ang dagat at kaharap ang isang tila walang hangganang buhanginan na liwanag lang ng buwan ang nagbibigay tanglaw kung saan nakatayo ang limang anino kanina na ngayo'y kita ko na kung ano ang tunay nilang mga itsura.

Limang taong cloak at halos nakatago na ang kanilang mukha sa nakataklob na hood ng suot nila. Hindi man sila gumagalaw ay may malakas na ingay na nagmumula sa kanila. Ang nakakangilong paulit-ulit na tunog ng nagabbaliang mga buto.

Sumigaw ang nasa gitna nila habang nakaturo sa akin sa sarili nilang wika. Kakayanan naming mga Essentia Primus ang gumamit at maintindihan ang lahat ng wika. Isa sa mga kaya naming gawin.

"Hindi mo kami mapipigilang kunin ka, Ianus!"

"Paano niyo nalaman pangalan ko? Di naman ako famous. At ano nanaman binabalak ninyo? Sino nag-utos sa inyo't buburahin ko. Ang lakas ng loob niyong harapin ako!" ang hamon ko sa kanila. Nagwala ang nasa gitna nila't tumakbo papunta sa akin at naglabasan ang mga patalim sa bawat daliri ng kanyang dalawang kamay. Dahil sa kanyang pagtakbo ay umangat ang hoob mula sa kanyang ulo't nakita ko ang kabuuhan ng kanyang mukha na mula mata paitaas ay ulo ng palaka.

"Iwww.... frog... kadiri..." ang nawika ko sa aking nakita't nanatiling nakatayong tinutuya siya ng aking pagngiti.

"Ibalik mo hood mo ang pangit mo!" ang sabi ko sa kanya.

Bago pa siya makalapi sa akin...

"Vade..." ang aking malalim na sinabi at lumabas ang puting hangin na maliwanag. Sabay nito'y malakas na paglindol ng buong kapaligiran kaya't ang mga kasama ng isang pasugod sa akin ay nagulat at nagsubok na ring tumakbo papunta sa akin labas ang kanilang mga matatalim na mga daliri. Umikot ang puting hanging nagliliwanag sa akin na para akong nasa gitna ng gatuhod sa laki na ipuipo at mabilis na kumalat ito sa lahat ng direksyon at tila abong unti-untiang nabura ang lima na nilamong ng puti at nagliliwanag na hangin.

Nang malipol ang mga ginamit ng mga Tenebrarum ay agad din nawala ang puting hanging nagliliwanag at mabilis na natigil ang lindol na aking nalikha.

"Istorbo mga ito... subukan niyo't pa ko. Sarap ng higa ko eh. Mga letche." ang sabi kong naiinis sabay kumpas muli ng aking kamay sa hangin upang bumalik sa dimensyong aking pinanggalingan. Muli, tila nagkaroon ng static sa video ang buong paligid at sa isang iglap ay nasa tabi na akong muli ni July.

Nang makabalik ay agad akong tumabi kay July ngunit napansin bigla ang ginagawa niya sa akin.

"Parang ang sweet naman yata ni July sa akin ngayon? Mokong na ito." ang sabi ko sa aking sarili at umayos na sa dati kong pwesto sa kanyang tabi.

Kahit kaya kong gawin na gamitin ang aking lakas sa sarili kong kapakanan ay di pumasok sa akin na gawin ang bagay na iyon. Wala kasi sa akin ang maruming pag-iisip at pagnanasa di tulad ni July na napakabvious na nag-uumapaw sa dalawang bagay na iyon kita sa kanyang pagiging mahilig sa mga babae. Nakakadiring isipin. Kinikilabutan ako.

"I wish you'd never know about this... expergefactum." ang bulong ko sa walang kaalam-alam na si July para gumising matapos kong patakbusin muli ang daloy ng oras.



July



Pakiramdam ko'y naalimpungatan akong bigla na ewan. Yung gumising na hindi naman ako natulog. Hindi ko maintindihan.

Nasa bisig ko na si Jiro kaya't madaling nawala sa isip ko ang aking naramdaman. Mas nanaig ang matinding kilig at kailgayahang nag-uumapaw sa aking dibdib kahit pilit ko pa ring pinipigilan ang sarili sa damdamin ko para kay Jiro.

"July, bakit?"ang tanong niya.

"Anong bakit?" patay malisya ako ngunit kutob ko'y itatanong niya kung bakit ko siya itinabi sa akin ng ganoon. Agad bumangon si Jiro't inilayo ang sarili. Humiga siyang muli sa buhanginan.

"Wala..." ang pikon niyang sagot at sa mga sandaling iyon ay narinig namin ang yapak ng papalapit na helper sa aming likuran. Napabagon kaming dalawa't nakita ang helper na may bitbit na dalawang malaking plastik na may lamang tatlong grande ng beer at isang plastik na puno ng tube ice.

"Ser, ito na po yung pinabibili niyo." ang may accent na bungad ng helper sa aming dalawa.

"Salamat ha?" ang wika ko sa kanya't inabot ang kanyang mga bitbitin.

"Wala lang iyun ser. Salamat din po sa tip niyo sa akin. Dalhan ko na lang po kayo ng pistel at baso." ang nahihiya niyang sagot sabay tango at tumalikod sa amin upang iwan na kami ni Jiro.

"Pahiram na rin ng pambukas ng bote!" pahabol ko sa kanya't tumango lang ng hindi kami nililingon.

"Hmmm... hindi ko gusto iniisip nung boy na yun." ang sabi ni Jiro nang makalayo ang lalaki. Halata kasi niya na may malisyang iniisip ang helper tungkol sa aming dalawa na magkasama sa iisang resort at kami lang dalawa ang taong naroon upang mag-inuman. Nakakapagtaka nga naman dahil di naman kami mukhang magkapatid at iisang kwarto pa ang aming tutuluyan.

"Gusto mo naman?" ang biro ko sa kanya.

"Paanong magugustuhan ko? Aber? Ikaw nga dapat ma-offend sa bagay na yun dahil baka iniisip niya na may something tayo. Baka pagtripan mo nanaman ako kapag nalasing ka ibato mo pa sa akin na may iniisip sa atin yung boy na yun." ang nahihiya ngunit nagtataray niyang sagot sa akin sabay iwas ng tingin. Nangiti naman ako sa inasal ni Jiro't sinabi.

"Hindi. Okay lang yun. Alam naman natin na wala naman..." ang sabi kong naputol.

"Wala talaga... kahit kelan." ang mabilis na sabat niya't naglakad ng mabilis at nagdadabog patungo sa kubo kung saan kami dati nag-inom.

"Bakit nabwisit bigla 'to? Ano nanaman kaya ginawa ko?" tanong ko sa aking sarili't napakamot sa aking ulo habang pinagmamasdan siyang palayo.

Makalipas ang isang saglit. Natawa akong lalo sa kanya. Sumunod akong naglakad na hindi mapigilan ang sarili sa pagtawa at sa mga sandaling iyon ay lubos na kaligayahan ang aking nararamdaman.

Nang makapasok sa loob ay magkabilang banda kami ng mesa naupo na dati naming pwesto. Ayaw tumabi sa akin ni Jiro. Nanaig ang katahimikan sa aming dalawa habang hinihintay namin yung helper na dalin ang gagamitin namin sa pag-inom. Si Jiro, seryoso lang sa kanyang lugar, tahimik na pinakikinggan ang agos ng tubig dagat sa dalampasigang rinig na rinig sa aming kinaroroonan. Halata sa kanyang mga mata na may malalim siyang iniisip. Ako naman, kung anu-ano na rin ang tumatakbo sa aking isipan. Tuwang tuwa akong pinagmamasdan si Jirong nakatitig sa kawalan sa kanyang bandang kanan. Sinusuri kong maigi ang kanyang mga mata, ang hugis at tulis ng kanyang matangos na ilong at ang kanyang mamula-mulang medyo pouted na labi.

Hindi ko napigilang ngumiti't makaramdam ng kilig. Napakamot ako ng aking ulo sa di pagkapaniwalang tumitindi na ang nararamdaman ko sa kanya ngunit ganoon din ang pagtindi ng pagpigil ko sa aking sarili. Ayos na lang ng mukha ko ang makapagsasabi na may gusto ako kay Jiro tuwing tinititigan ko siya.

Ilang saglit bago dumating ang helper ay nahuli ako ni Jiro na nakatitig sa kanya't abot tenga ang ngiti. Agad na nagsalubong ang kanyang kilay.

"Anong meron? Pinagtitripan mo nanaman siguro ako diyan sa loob ng kokote mo no?"

"Eh alam ko naman na may gusto ka sa akin dati, di ba? Bakit ayaw mo dito sa tabi ko umupo? Tropa naman tayo ah." ang palusot ko na lang.

"Wala kasi si Frida. Huwag mo kong gawing substitute ng substitute mo."

"Anong substitute ng substitue?"

"Wala. Manahimik ka na lang jan. Nakikinig ako sa dagat."

"May chismis ba ang dagat sa iyo? Sabihin mo naman sa akin. O baka naman may concert ang dagat. Bagong kind of music ba yan?"

"Sira. Wala. Basag trip ka eh no?" ang pagtataray niyang aking tinawanan. Ang cute ni Jiro.

"Halika nga dito sa tabi ko. Ang hirap uminom ng walang katabi."

"Bakit? Di ka sanay na walang bebot sa tabi mo kaya replacement ako?" ang sungit ni Jiro.

"Hindi. Ang layo mo kasi parang ang hirap mag-usap ng malayo ka. Gusto mo mamaya nagsisigawan na tayo habang nagkukuwentuhan?"

"Eh ano naman? Magsigawan na kung magsigawan tayo lang naman ang tao dito."

"Ayun nga eh. Tayo lang naman ang tao dito, dito ka na lang sa tabi ko."

"Bakit ba?"

"Basta dito ka na lang, please?"

Tamad na tamad si Jiro na naglakad at lumipat sa aking tabi't napabuntong hiningang tumitig sa mesa.

"Oh? Bakit?"

"Gusto ko na magswimming."

"Mamaya, pagkatapos natin uminom."

"Gusto ko ngayon na."

"Sige swimming ka dun. Inom lang ako dito."

"Ayoko nga. Natatakot ako eh."

"Bakit ka naman natatakot? Ano naman kinaibahan ng dagat sa umaga at sa gabi?" at natahimik si Jirong saglit.

"Eh... Kasi... basta."

"Matatakutin ka pala eh." ang biro ko sa kanya na kanyang agad na kinainisan.

"Eh kasi... malamig yung tubig." wala na siyang palusot di niya masabi sa akin na gusto niyang lumangoy ng may kasama.

"Eh ano naman kung malamig ang tubig? Iinit ba yun kung sasama ako dun? Paano? Iihian ko muna yung tubig? Mamaya pagkatapos ng inuman natin para marami akong maiiihi." ang dagdag kong biro sa kanya. Inis na inis naman siyang paulit-ulit na umiiling ng mabilis na parang bata habang ako'y nagsasalita.

Walang nagawa si Jiro kundi ipagliban na lang muna ang kanyang paglangoy sa dagat.

Nang dumating ang helper, nagsimula kami agad ni Jiro ng inuman. Haban gnagkukuwentuhan at nag-aasaran ay nakahanap ako ng tiyempo na akbayan siya't kabigin ng paulit-ulit sa aking tabi. Sa di na mapigilang kalasingan ay kung saan saan na rin napunta ang takbo ng aming usapan.

"Jiro, honestly. Si Mark ba first time mo?"

"Saan?"

"Sa lahat." ang sagot ko't agad naman siyang tumango.

"Talaga? Siya pala nakadivirginize sa iyo." at humalakhak lang ako ng malakas ngunit naging seryoso lalo ang mukha ni Jiro. Matapos ang ilang saglit kong katatawa'y natigilan ako ng mapuna ko ito.

"Oh? May nasabi ba akong masama?"

"Wala pa nangyayari sa amin."

"Ows?! Talaga?! Mukhang kasing libog ko yung si Mark ah."

"July, maniwala ka man sa hindi. Hindi naman yun ang dahilan kung bakit ko sinagot si Mark eh. Hindi ko siya naging boyfriend para lang sa bagay na yun at dahil sa hindi namin pa ginagawa yun alam kong di niya ako ginawang jowa para lang tirahin niya ng tirahin." ang malalim niyang wika. Natahimik naman ako sa kanya dahil tinamaan ako sa kanyang sinabi.

"Pero nablow mo ba siya?" ang biro ko na lang para ngumiti naman si Jiro ngunit seryoso pa rin siya't umiling.

"Talaga? Eh... handjob?" at doon na siya tumango at lalong namula.

"Kawawa naman pala ikaw." ang nanlalambing ko biglang nasabi sa kanya't nakabig siya ng malakas sa aking tabi't napayakap. Tumigil ang oras at nanatili kami sa ganoong lagay. Mabilis na namuo ang butil ng malalamig na pawis sa aking ilong. Hindi ko alam kung magdedeny ba ako na okay lang sa akin yung lagay namin o hahayaan ko na ang aking sariling ibalot na sa kanya ng tuluyan ang aking mga bisig upang yakapin siya ng mahigpit.

"You'd do anything for him naman di ba?" ang tanong ko sa kanya.

"I'd do anything for the man I love." ang wika niyang may ibigsabihin.

Umayos kami ng aming upo't tahimik na nagpinagsaluhan ang aming inumin hanggang ito'y maubos. Nang maubos ay nagharutan kami. Kinikiliti ko siya sa kanyang tagiliran at siya nama'y walang tigil na umiiwas at pinipigilan ang aking mga nakaabot na kamay sa kanayng tagiliran.

Naghabulan kami patungo sa dagat kahit parehong susuray-suray na. Halos madapa kamign dalawa ni Jiro at dahil sa mas mabilis akong tumakbo sa kanya ay mabilis ko siyang naaabutan at nakikiliti ng saglit bago ko siya muling pakawalan upang habuling muli. Umaalingaw-ngaw sa buong kapaligiwan ang aming tawanan at sigawan.

Nang mapunta kami sa mas malalim na banda ng tubig at mula tiyan pababa'y nakalubog na sa tubig ay nagkaharap kami ni Jiro matapos ko siyang kilitiing muli. Sa tulong ng maliwanag na buwan, aninag naming dalawa ang mukha ng bawat isa. Napatitig ako sa mga mata ni Jirong nagsusumamo't malungkot ako nama'y ganun din ang ibinalik sa kanya. Parang may gustong sabihin ang bawat isa ngunit may bagay na pumipigil sa amin.

Nakalimutan ko na ang aking katinuan. Agad kong hinawakan ang magkabilang pisngi ni Jiro't tumangong isinugod ang aking mga labi sa kanya't naging mapusok ang aming naging halikan. Hindi pumalag si Jiro. Tinanggap niya agad ang aking ginawa't sinalubong ang pagpasok ng aking dila sa pagitan ng kanyang mga labi. Naging mabilis ang tibok ng aming mga dibdib. Pareho kaming napahingal dala ng gigil na biglang naghari sa aming mga katinuan.

Napayakap sa aking baywang si Jiro. Ganoon din ang ginagawa ko sa kanya't mariing siyang idinikit sa akin. Sa mga sandaling iyon ay may mga tila alitaptap na biglang nagsulputan. May karamihan sila ngunit hindi ko na sila nakita dahil pareho kami ni Jirong nakapikit at nilalasap ang sarap ng malalambot na labi ng bawat isa.

itutuloy...


32 comments :

  1. Nalito ako sa explination ni Jiro. Pero nevermind that.

    Ayiiiiiiiiiiihhhhhhh kinikilig ako!!!!

    Lakas naman maka alitaptap ni July sabagay top siya. Ahihihihi!

    ReplyDelete
  2. Erwin F: sabi ko na eh magulo pa rin lol... basta unique being si Jiro lol..:)

    ReplyDelete
  3. Yeah unique nga siya. Powerful!

    Naalala ko tuloy yung pinanood ko. Kamen rider decade. Iba ibang alter universe. Hehehehe! Offtopic.

    ReplyDelete
  4. Erwin F: Mask Rider Black lang napanood ko sa lahat ng Kamen na lumabas :)

    ReplyDelete
  5. Ang hirap naman mag comment gami ang cp. Anyway mas lalong nagiging kumplikado na ang lahat ah to think na may claire pa at ngayon may mga mukhang palaka pang nasali. Jefofotz ang tagal mag load ng blog mo sa cp ko.. Naka mobile template ba yan?

    ReplyDelete
  6. mabilis siya sa iphone at ipad kakasubok ko lang ngayon. Android ka ba zekiel? Check ko later hiramin ko cp ng utol ko.marami na akong tinaggal sa lumang template kong script basic na ito na dinaan na lang sa css :-) email ko sa iyo lumang template ko. Lol parang damit lang

    ReplyDelete
  7. kakilig nmn :)ganda ng istorya,,good job kuya jeff,,,this is my first time na magcomment sa lahat ng blog na pinupuntahan ko eheh:)keep it up po:D

    ReplyDelete
  8. Ahhhh! Showa period na kamen rider yun kuya. Classic! :p

    mabilis naman sa cp ko. Saka madali mag comment.

    Asar nga lang yung captcha minsan.

    Nga pala kuya ano meron sa froglets? Bakit yun nagamit mo? Mala freddy cruger pa. (tama ba spelling?) natanong lang.

    ReplyDelete
  9. nakakainis.... wahhhh bitin ako....i dont understand the explanation of jiro...baka alien si jiro....but im so happy at d n makaila si july sa feeling nya para kay jiro....kilig to the bones talaga parang chicken joy ng jollibee...

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  10. kilig tlaga!!!grabe!!!spell "KILIG"?... Jeffrey Paloma.d q alam f maiihoi aq s kilig.basta...mganda!!!sori,pero ...NEXT!!!

    ReplyDelete
  11. waaaahhh...

    Nahilo ako sa unang part. Wala pa rin akong maintindihan. Sana "footnotes" na lang o special chapter ang explanation.

    Anyways, si July at Jiro ay parang reincarnation ng ibang dimension. Na muling nagtagpo dito sa mundo ng mga normal. Ito ang aking pagkakaintindi.

    Next chapter

    ReplyDelete
  12. okey na nagloload na xa nang tama.. buti naman at binawasan mo na ang laman nito.. :D

    ReplyDelete
  13. Jeff, naguluhan ako sa unang part ng chapter na to, hindi ko masyado magets.

    Pwede magkritiko naman ako ngayon? Lol.

    Jeff, para sa akin kasi maganda na yung kasimplehan ng story, yung plot. Kung paano nagsimula hanggang sa last chapter.

    Para sa akin lang to ha? Yung pag-dagdag mo ng theme ng fantasy sa story parang hindi masyado tumutugma. Ang isa pa, masyado ng late yung pagpasok ng fantasy sa story.

    Maganda na sya kung ano sya.

    Parang mas tutugma yung pgka fantasy nya kung yung original na plot/ 1st chapter ang ginamit mo sa unang chapter ng story, kasi dba pinalitan mo yung unang chapter.

    Parang late na kasi talaga yung fantasy, kasi dun sa mga nakaraan chapters parang padaan daan lng yung touch ng fantasy, yung bang parang na-ignore lang.

    Para bang yung reaksyon ko nung binabasa ko yung story ay "Wait, anong nangyari?" "Bakit ganon?" hirap i-explain eh.

    Maganda na talaga yung story eh, nalito lang ako.

    Maganda yung theme na straight na galit na galit sa katulad ni jiro, tapos sa takbo ng story nabago yung pananaw nya at hindi nya napansin na nahuhulog na sya kay jiro. Kung baga add na lng ng mga conflict/twist sa story.

    Wala sana magalit sa akin, ako po ay ngpahayag lang ng sarili kong puna sa story na ito.

    Pero syempre halos bago pa lang itong story na 'to ni jeff, so alam ko po na majujustify nya kung bakit ganon ang takbo ng story na ito na ginagawa nya.

    Para sa akin lang talaga, parang hindi masyadong match yung touch ng fantasy sa story, kasi maganda na sya kung ano sya, yung kasimplehan ng story, yung tinakbo ng story na to sa simula pa lang.

    Ayun lang po. Pasensya na jeff ha? Hehe!

    Pero goodluck, hindi ako ang writer ng kwento na to kaya wala ako karapatan sa mga pinagsasabi ko, kasi alam ko naman na may plan ka para sa story mo. :)


    --ANDY--

    ReplyDelete
  14. jeffy wide reader ka talaag! heheheh...so nice to some things pero mejo magulo pa eh...more explanation pa...habang binabasa ko ito di ko mapigilan mapangiti at kiligin sa asal ni july sa knya...heheheh...jeffy mahilig ka talaga mambitin...heheheh...next please...want to know the reaction of Jiro after those torrid kiss full of emotion and delight...hahahha

    ReplyDelete
  15. I'm using IPAD :> anyway, medyo nakakalito nga ung unang part ung kay Jiro, pero ung kay July naman, GRABE!!! Hahaha!! Nakakakilig :)) AT LAST!!! THEY KISSED!!! AAAYYYIIIEEE =))

    ReplyDelete
  16. master_lee: thank you!

    Erwin F: Rice dispenser lang alam kong Showa hihihihihi wala akong maisip na ilalagay na mukha diyan nung una nga daga eh lol… ndi ko rin alam tamang spelling cruger o cuger yata yun hihihihihi

    ramy: ganun ako weak ako magexplain kaya di ko minsan ginustong sumulat para sa school newspaper noon hirap ako sa pagexplain ng bagay lol.. i'm more of a story teller pero try ko bumawi sa ibang chapters.. thank you!

    Rion: salamat po! Try ko gumawa ng kasunod na chapter sa biyahe..

    Gerald: thank you! I'll make sure to make a footnote nalang sa mga susunod na chapter :) kaunti lang nakakaunawa sigurado ng POV ni Jiro lol.. HIndi ko naisip magfootnote!! stupid stupid stupid! lol ang tanga ko talaga lol… thank you Gerald :)

    kuya Ogie!! Meron actually :) may connection :)

    Zekiel: kaya nga nagbawas na ako ng nasa page para mabilis ang loading time.. magbabawas na rin ako ng mga badges yun mga wala naman kwenta kita ko naman sa e-referrer yung nagdadala talaga ng viewers sa site ko para mas lalo bumilis loading time. Inalis ko na rin like button sa FB page ko icon link na lang to redirect users sa facebook page para makakuha kayo ng updates through FB.

    ANDY: thank you friend! Sobrang thank you! Naghihintay ako ng ganyang comment kasi hindi ko kayang tignan sarili kong gawa ni proof read nga di ko nagagawa after ko sulatin lol… pero salamat ha? I'll try my best to justify the fantasy in this story. There's a big connection kasi pero di ko lang masabi dito :) Thank you Andy :)

    readymouth: favorite ko yan sa lahat ng bagay ang mambitin lol thank you sa comment :) sa next chapter malalaman niyo agad sa unang paragraph pa lang ang reaction ni Jiro.

    chris: tanggap ko na magulo side ni Jiro lol.. :) salamat :) okay naman siya sa ipad diba? mabilis naman matagal lang magload ng kaunti ang sidebar pero keri na.. :)

    ReplyDelete
  17. readymouth: nakalimutan ko idagdag... hindi ako hide reader kung alam mo lang... :) I really never wanted to read. Kahit dyaryo ang babasahin ko lang dun for sure yung erotica or horoscope lol wala na tapon na yun after lol

    ReplyDelete
  18. Medyo mabagal xa sa android stock browser jeffy. Pero ok xa dolphin browser ng android. Matagal lang ang text reflow nya. Yeah. Ma ok xa sa iphone. Newe, kilig to the bones ako sa ginagawa ni july kay jiro. Pero lasing kasi sila? Panu na pag nagising na at mahimasmasan. What will july do? Supress his feelings again for jiro And hurt jiro in the process? Wag naman sana...

    ReplyDelete
  19. wastedpup: sbi n nga b android nga mbgl mgload 2. hihihihihi pgnhimasmasan c jiro gugunawin niya mundo ni july lol :) next chapter ko ssbihin ang tunay n sgot :)

    ReplyDelete
  20. hmmm, he he he, nainlove na sya. iba tlaga pag puso na ang gumana, kahit anung pigil ang gawin, lalabas at lalabas pa din. . . . its either na ipakita at iparamdam rather than kipkipin at tago at manghinayang ng walang katapusan,we have to take the challenge, kc andun ung thrill at development ng isang tao to grow. d ba? sana mas mahahaba ung susunod na chapter. he he he.

    ReplyDelete
  21. getz q naman ung mga alter universe since gnyan takbo ng guniguni q, nguluhan aq nung pnangalanan xD hna ng memory q sa gnyan, kkbsa q lng tas my ibng pngalan aqng mbbsa nlilito aq o.o

    ah nvm... ok naexplain mga anino, peo anu nga b gs2 nla ky jiro? hmm... misteryo pa dn un

    aun my flag retreat na! xD ibnaba na ni july ung bandila ng pggng str8 lol

    kakatuwa, ambunan m naman aq ng gling m x3

    ReplyDelete
  22. robert_mendoza94: mas mhb? try q pro di ko mdls gwng lgpsn ang 3k per chapter :) thank you!

    Rue: thanks! yaan mo magfofootnote na lang aq 2ld ng sbi ni Gerald :) meron ka naman galing forte mo kya ang fantasy :) dami mo na nga nagawa sa blog mo eh :)

    ReplyDelete
  23. Isa pa lang powerful being si Jiro... and yet he never use it to take advantage on normal people.

    Confused pa ako kasi nasabi ni Jiro sa kanyang sarili na kaytagal niyang hinanap kung saan-saan si July...

    Kauri rin kaya niya si July...well aabangan ko na lang sa mga susunod na chapter...

    Yes I somehow agree to Mr. Andy mas maganda siguro para sa akin na normal love story na lang...ok lang din siguro na may konting pahapyaw na fantasy...

    Siguro as one of your regular reader di ko pa rin gaanong matanggap kung masyadong heavy ung pagka-fantasy ng story... opinion ko lang po un I hope di nakakao-offend...

    As what I use to say you are still the author of your story it is your prerogative to do as you please...hehe sana mabigyan lang ng enough justifications as to why it is a necessity to the story...

    Pero in fairness napabilib ako sa special ability ni Jiro napaka-powerful nia ni hinde man lang siya gumalaw at pinagpawisan sa pakikipaglaban sa ibang powerful beings ah..
    Kinabog talaga ang ibang story..hehe

    ReplyDelete
  24. Ross Magno: Thank you! Am taking notes naman pero hindi ko na aalisin yung fantasy side ng kwento. I'll just make sure na lang na hindi masyadong maging fantasy ang kwentong ito since hindi ko talaga forte yun at subok lang ito. Am done with the romance na madrama na kasi I want to add something that'll blend sana. Definitely I'll try romance comedy naman sunod. Part of a hobby lang :)

    ReplyDelete
  25. Hmmmnnn, tgal ko di nkpgcomment ah.... I like the
    flow of the story, tpos ganda din nun ios device
    design ng blog, feel at home ang pagbbsa ko kasi
    isa dun gngmit ko, fit n fit...=)

    ReplyDelete
  26. Ahahaha... nakakalito ung mga names na ewan ahaahaha...
    Pero nice ...

    Ang galing ng mga tulad ni Jiro, makakascore ka sa kahit kanino gawa ng powers na mapatigil ang oras ahahahaha....Yayaman ka rin nga nmn talaga kng ganun hehehehe, dami mong magagawang work ehhehe...

    Very nice...
    been following this...

    galing mo talaga...

    -mars

    ReplyDelete
  27. can relate to jiro's personality,
    EXCEPT dun sa supernatural something niya. haha.
    Mas lalong gumanda ang flow ng story dahil sa touch ng fantasy.

    next chapter puhlease!. haha.

    ._KT.monti.

    ReplyDelete
  28. ay magic wow umandar na ang ultimate imagination ko , parang anime lang na ang genre Magic at love. naku kilig to the bones//

    ReplyDelete
  29. first time kong makapagbasa ng stories mo...hmmm,interesting, mukhang babalikan ko tong story na to!

    ReplyDelete
  30. nakkalito naman ang expalanation pero isa lang ang naintindihan ko na ang lahi ni jiro ang original hehehehehe ... ayan na napakawalan na nila ang damdamin nila hindi ba si july at jiro ang tunay na nagmamahalan sa salin lahi ng panhon ni jiro ........

    ReplyDelete
  31. nakakalito nga ba??? parang..hehehehe pero ayos lang...ang galing ehhh..hahahaha nice Jiro, maw power ka pala..hahahaha ayun na....kinikilig na naman ako kay JJ (jiro-july)hahahaha

    -jojiemon ^_^

    ReplyDelete
  32. Parang Harry Potter. May Dementors pa yata. Tapos yung stopping time, parang yung bagong Korean teleserye na My Love from the Stars... hindi ko masyado type na meron pang mga supernatural, mga multiverse at mga iba pang kaLatinan, pero go na lang ng go...magandang love story eh...

    ReplyDelete

Hope to hear from you! Thank you! ^_^