Thursday, November 1, 2012

The Wedding

Links to this post No comments :

by: Justyn Shawn



"Bakit ka dyan umiiyak? Diba magsasaya tayo ngayon? Diba susulitin natin ang weekends?" biglang sulpot sa harapan ni Ronnel si Josephine matapos niyang iaangat ang kanyang ulo mula sa pagkakaub-ob nito sa pag-iyak. Nakita niya ang kanyang nobyang nakangiti sa kanya. Ngayon, napakaaliwalas ng mukha nito. Ang ganda nito ay tila nagniningning sa kanya. Nakakahalina. 

Niyakap niya ng mahigpit ang kanyang nobya. Ngumiti ng pilit. Hindi niya pinakitang masakit ang kalooban niya sa pagkawala nito; na wala na ito at isa na ngayong kaluluwa ang sa kanya ay kamakausap. 

"Oo, susulitin natin ang buong weekends." saad ni Ronnel sa dalaga at masuyo niya itong hinalikan. 

Matapos nilang kumain ng agahan ay tila walang kakaibang nangyari sa kanila. Kahit masakit ang kalooban ngayon ni Ronnel, hindi niya ito pinakita sa kanyang nobya. Kahit na sising sisi siya sa sarili dahil kung hindi niya pinaghintay ang kanyang nobya ay hindi sana hahantong ang lahat sa ganito. Pilit na ngiti lamang ang pinapakita ng binata sa dalaga. Iyon na lang ang tanging paraan upang masulit kahit papaano ang kanilang weekends. Ang magsuot siya ng maskarang panakip sa pagsisisi at kalungkutan na ngayon ay bumabalot sa kanyang katauhan. 

Namasyal sila. Naglaro. Nanood ng sine. At madami pa silang ginawang masasabi mo talagang "sulit" ang weekends nila. Habang kasama ang kanyang nobya ay di maalis ang pagsisising nararamdaman niya ngunit mas nangibabaw ang kasiyahan doon, na kasama niya ang taong mahal na mahal niya; na binigyan pa siya ng chance na makasama siyang muli. 

Kung sana ganito lang sila noon..kung sana matagal na niyang ginawa ang mga bagay na ganito, hindi na sana hahantong pa ang lahat sa kawalan. Ngunit wala na siyang magawa kundi tanggapin ang katotohanan at magpakasaya na lang sa pagkakataong binigay sa kanina. 

Lumuhod ito sa harapan ni Josephine. May ngiti sa labi ngunit puno ng kalungkutan ang kanyang mga mata. "Will you marry me?" saad ng binata sa dalaga. 

"Kung alam mo lang kung gano ako katagal naghintay na sabihin mo ang mga katagang yan sa akin. Oo!!! OO.. I will marry you!!!"Tuwang tuwang sagot naman ni Josephine kay Ronnel. Bakas ang kaligayahan ng dalaga sa sinabi ng binata habang nakaluhod itong hawak ang kanyang mga kamay. Sa pagtanggap ni Josephine ay tila nawalang lahat ng kalungkutang bumabalot kay Ronnel. Niyakap niya ang kanyang nobya ng mahigpit. Punong puno ng kaligayahan. 

Isinoot ni Ronnel ang singsing sa kamay ng dalaga matapos niya itong halikan. Napakagandang tingnan itong suot sa kamay niya. Bagay na bagay. Niyakap ng mahigpit ni Josephine si Ronnel. "Ngayon pa lang sulit na ang weekends ko."tuwang tuwang sambit ng dalaga. 

Tumungo sila sa may simbahan. Duon, kahit walang pari, kahit walang saksi, kahit walang katibayang papel kinasal nila ang kanilang sarili. Ipinakita nila ang kanilang wagas na pag-iibigan. Gusto nilang pagtibayin iyon sa mga oras na iyon. 

Hinawakan ni Ronnel ang dalawang kamay ni Josephine. Ipinatong ito sa kanyang dibdib. "Josephine Lalusin, tinatanggap mo ba ako bilang iyong kabiyak na iyong pakamamahalin at paglilingkuran sa hirap at ginhawa, sa dusa at ligaya, sa habambuhay?" damang dama ni Josephine ang bilis ng tibok ng puso ni Ronnel habang nakapatong ang kanyang mga kamay sa dibdib nito. 

Matapos sabihin ang mga katagang iyon habang nakatitig sa mga mata ng dalaga ay napansin niyang tumulo ang luha nito. Huha ng kaligayahan. 

"Oo! Oo!..."nagmamadaling sagot ni Josephine sabay punas ng mga luha niya sa galak na nararamdaman. Ito ang matagal na niyang hinihintay na mangyari sa kanila ni Ronnel. At ngayon nga ay nangyayari na. Wala mang papel, saksi, o pari, ang pag-ibig nila ang naging batayan upang pag isahin nila ang kanilang dibdib. 

Kinuha ni Josephine ang mga kamay ni Ronnel at ipinatong din ito sa kanyang dibdib gaya ng ginawa ng kanyang kapareha."Ikaw Ronnel Bactong, tinatanggap mo ba ako bilang iyong kabiyak na iyong pakamamahalin at paglilingkuran sa hirap at ginhawa, sa dusa at ligaya, sa habambuhay?" 

“Oo.”nakangiting wika naman ni Ronnel kay Josephine. Matapos noon ay naghalikan silang dalawa. Isa iyong mainit at puno ng pagmamahal na halik. Napakasaya nila ng mga sandaling iyon. Iyon na yata ang pinakamasayang sandali sa kanilang buhay. 

Matapos nilang ikasal ang kanilang sarili ay nagpunta sila sa kanilang tagpuan kung saan madalas maghintay si Josephine kay Ronnel. Dito, sa lugar ding ito, may naghihintay na sorpresa para kay Ronnel. Masaya silang parehong tumungo dito dahil isa na ngayon silang ganap na mag-asawa. 

Kinuha ni Josephine ang isiniksik niyang sorpresa para kay Ronnel. Isang sulat. Binasa ito ng kanyang asawa. 



Labs, 

Mahal na mahal na mahal kita. Kung ang paghihintay lang ang kaya kong gawin upang mapasaya ka. Gagawin ko ito. Dahil mahal na mahal kita. Kahit pa man hanggang sa kabilang buhay..hihintayin kita. Ganun kita kamahal. I love you. 

Josephine 



Pagkabasa niyang iyon ay tila nagbalik sa kanyang katauhan ang pagsisisi. Kung hindi lang sana niya nagawang paghintayin ang kanyang nobya, buhay pa sana silang nagsasama ngayon. Tumulo ang luha sa mga mata ni Ronnel. Niyakap naman ito ni Josephine noong makita niya ang kanyang asawang umiiyak. 

“Asawa ko…”mapaglambing na wika ni Josephine habang yakap niya ang kanyang asawa at hinahaplos ang kanyang likod. “’bat ka umiiyak? Hindi ka ba masayang mag-asawa na tayo? Hindi ka ba masayang magkaisang dibdib na tayo? Hindi ka ba masayang magkasama na tayo?” 

“M-masaya..p-pero…k-kung di lang s-sana…..”humihikbing salaysay naman ni Ronnel. Hindi niya iyon maituloy dahil sumingit agad at nagsalita si Josephine. 

“Yun naman pala e. Masaya ka naman pala. Halika. May ipapakita pa ako sayo”yaya nito at naglakad sila patungo sa di kalayuan. 

Isa pang sorpresa ang nakita ni Ronnel. 

Hindi siya makapaniwala. Tiningnan niyang muli si Josephine ngunit duguan na itong nasa kanyang harapan. Nakita din niya ang sariling naliligo sa dugo. 

Naalala niyang bigla ang lahat ng mga nangyari. Pauwi na siya noon galing sa inuman. Lasing na lasing ito. Wala sa katinuan. Sinubukan pa niyang pumunta sa tagpuan nila at nagbakasakaling maabutan pa niya dito ang minamahal na nobya. Ngunit wala na ito at nakauwi na. Nagpasya na siyang umuwi. Lasing na lasing niyang inikot ang sasakyang kanyang minamaneho tungo na sa kanilang tinutuluyan. Hindi pa man siya nakakalayo, hindi niya napansin ang isang taxing humaharurot na papasalubong sa kanya. Hanggang sa ilaw na lang ang kanyang nakita. 

Hindi makapaniwala si Ronnel sa nasaksihan nito. Sa isang bangin, hindi malayo sa tagpuan nila, nakita niya ang kanyang katawan. Walang buhay.


Wakas

Tuesday, October 30, 2012

Waiting

Links to this post No comments :


By: Justyn Shawn 
email: jeiel08@gmail.com

Isang banggaan ang nadatnan ni Ronnel noong dumating siya sa tagpuan nila ni Josephine. Kinakabahan siyang nagmamadaling tinungo iyon dahil baka napano na ang kanyang nobya. Nakahinga ng maluwag ang binata nang makita niya itong matyaga pa ring naghihintay sa kanya. 

“Sorry labs. Busy kasi sa trabaho e. Di na din kita natext dahil wala akong load.”saad nito. Hindi umimik ang dalaga. Alam niyang may tampo ito sa kanya dahil pinaghintay na naman ito. Alam nitong ayaw na ayaw ng kanyang nobya na naghihintay ito pero wala siyang magawa dahil naipit siya sa kanyang trabaho. 

Saturday, October 27, 2012

Piso [7]

Links to this post No comments :


Ang Pagbabago
by: Justyn Shawn
email: jeiel08@gmail.com
blog: http://justynstories.blogspot.com/


Tila ang kalasingan ko noon ay nawala sa nakita ko. Ibang iba ito noong ito ay aking iniwan. Pagbukas ko ng pinto ay animoy wala ako sa sariling tirahan. Luminis ito, gumanda, halos lahat ay nakaayos na sa kanilang pwesto. Kung dati ay mukha itong dinaanan ng bagyo lagi, ngayon para akong may pitong katulong. Malinis. Maaliwalas. Maayos. 

Monday, October 22, 2012

Piso [6]

Links to this post No comments :

by: Justyn Shawn
email: jeiel08@gmail.com


Sa paglubog niya sa ilog na iyon matapos niyang ihagis ang piso, kita ko pa ang kasiyahan sa kanyang mga mata. Kita ko pa dito ang kasiyahang nag-uumapaw. Alam ko dahil magkasama ulit kami, nagkausap. Ako rin ay masayang masaya sa mga sandaling iyon hindi lang dahil sa magkasama ulit kami kundi dahil sa mga aral na dulot din niya sa akin noong kami ay magkausap. Ngunit may kurot din itong dulot noong di ko siya masumpungan noong ako ay umahon. Masigla ko pa ring dala-dala ang pisong ipagmamalaki ko sanang natagpuan ko na iyon. Ngunit wala siya. Hindi ko na siya makita kahit ano pa ang gawin kong paghahanap. Nalungkot akong bigla. Natakot. Kinabahan. Tila napakahiwaga ng pangyayaring iyon.

Tuesday, October 16, 2012

Piso [5]

Links to this post 1 comment :



Si Zaldy at ang Kanyang Payo
by: Justyn Shawn
email: jeiel08@gmail.com

Natulala ako kung sino ang nakita ko. Hindi ko akalaing makikita ko siyang muli. Biglang bumuhos ang mga luha ko sa galak. “Salamat…salamat at nagbalik ka.” Hindi ko na pinulot ang piso bagkus ay niyakap ko siya ng pagkahigpit higpit. Dinama ko ang init ng kanyang katawan sa pagkakayakap kong iyon. Pinakiramdaman ko ang tibok ng kanyang puso.

Tumingin akong deretso sa kanyang mga mata. Ganun pa rin tulad ng dati. Andon pa rin ang kislap nito. Andon pa rin ang nakakapanghipnotismo niyang mga titig. Sinampal sampal ko pa ang sarili ko kung totoo nga ba ang nakikita ko. Pumikit pikit pa ako baka dala lang ito ng puyat at nananaghinip lang ako ng gising na andiyan nga siya. Na nayakap ko siya at kaharap. Pero totoo…si Zaldy nga ang nasa harap ko. Buhay na buhay. Napakasigla nitong tingnan. Andon pa rin ang kanyang angking kakisigan na talaga namang nakakahalina. Napaka gwapo pa rin niyang tingnan sa pagdadala ng damit. Nakakabighani.

Nabuhayan ako ng loob. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko noong mga panahong iyon. Para akong nasa ibang dimension ng mundo. Napakasaya. Parang akin ang mundo. Umiikot batay sa kung ano mang gustuhin ko. Masarap sa pakiramdam.

Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. Hinawakan ko ang magkabila niyang panga. Sinuri ang bawat parte ng kanyang mukha. Mula dulo ng kanyang buhok hanggang sa kanyang baba. Animoy kinakabisado ang bawat detalye nito. Napakasarap ng pakiramdam habang pinagmamasdan ko siya. “Ikaw nga! Ikaw nga!..hindi nga ako nanaghinip.” Ulit ko pa sa sarili ko habang nasa harapan ko lang si Zaldy. Halos sumabog na ang puso ko sa galak. Miss na miss ko na siya.

ARNOLD

Links to this post No comments :



Lumipas ang araw, bwan at taon. Ganun pa rin. Tulad ng dati, tampulan pa rin ako ng tukso, pangungutya at panghuhusga ng mga taong lumilingon lang sa ganda ng pustura.

Habang tumatagal, habang pumipihit ang oras, habang imiikot ang mundo, ramdam kong nanghihina ako. Hindi pisikal kundi emosyonal. Madaming pangyayari sa buhay ko na nakapagpahina ng aking pananalig, ng pag-asa, at ng lakas upang humarap sa hamon ng buhay. Pilit ko itong nilalabanan, ngunit sadya talagang mapaglaro ang kapalaran.

Kolehiyo na ako ngayong pasukan. Si Daryl, kaklase ko na naman sa eskwelahan na pinapasukan. Ang nangyari sa amin ay kay sarap balikan. Mga kaganapan na noon ko lang natikman. Sa aking balintataw, pilit na kinakalimutan. Isang magandang panaghinip na bangungot ang katotohanan.

Binasurang ala-ala, pilit na bumabalik-balik tuwing siya ay nakikita. Sa eskwelahan kung saan minsan pa'y mababangga ko siya. Damdaming umusbong para sa kanya'y pilit na kinakalimutan na. Ang dami kong binigay, sinakripisyo para sa kanya ay pinaubaya. Ngunit hindi pala bukal ang pag-ibig na kanyang pinakita. Kaya naman ngayon, sisi ko ang sarili. Sa mga kaganapan sa akin ay nangyayari.

Magmuni-muni sa isang parke ang laging ginagawa. Pagtangis upang bigat sa damdamin ay mawala. Dito, pakiramdam ko ako’y malaya. Maipalabas ang damdaming inalipin na niya.

Paglipas ng buwan, damdamin para sa kanya’y unti-unti ng lumilisan. Huni ng ibon, sariwang simoy ng hangin, mga halaman sa parke ang aking naging sandalan. Magkrus man kami ng landas, wala na akong pakialam. Taas noo pa ako basta’t walang sinasagasaan.

Sa pagbubukas ng bagong semestre ng aming paaralan, may isang lalaking makulit sa akin daw ay nakukyutan. Hindi ko siya pinapansin sa kanyang mga tinuran. Takot na akong muling umibig baka puso ko na nama’y masaktan.

Simula na ng pasukan. Kaklase ko pala sya, Dyos ko naman! Ang pagiging makulit niya’y nananatili pa rin. Sinusuyo, sinasabayan sa pag-uwi, nangungulit kahit hindi ko siya pansinin.

Minsan pa ako'y nag-iisa, sa parke kung saan lagi ko siyang nakikita. Masuyo siyang tumabi at sa akin ay tumitig sa mata. Maamong mukha sa akin ngayo'y nakabalandra. Bigla siyang ngumiti, aking ikinabilga. Inilabas ang pagkaing kanyang dala. Sa amoy nito'y ako'y nagutom bigla. Ganyan talaga siya, kapag ako ay kasama. Inaalok ng kung anu-anong sa tingin niya'y sa aki'y makapagpapasaya. Ngunit ang kanyang mga ibinibigay ay hindi ko tinatanggap. Dahil baka malaman ko sa huli ito'y isa lamang pagpapanggap. Damdaming nabubuo pilit na isinasawalang bahala. Baka iwan niya akong bigla, iyan ang aking ikinababahala.

Sa kanya ay pilit na lumalayo. Hayaan ko lang sya, iyan kanyang pakisuyo. Titig sa mata, hawak sa 'king kamay, ako'y kanyang nilalambing. "Walang pagpapanggap na mahal kita", sabi niya sa akin. Ako ay biglang tumayo at tumakbo palayo. Dahil "mahal na kita" baka maibulalas ko.

Huling semestre na ng pasukan. Nagkasakit ako nun bago pa man. Taka kong sa bahay siya ay  nasumpungan. Hinanap niya ako dahil wala daw siyang makakulitan. Nasa kwarto ko siya at pinahihigop ako ng mainit na sabaw. Bigalang bumungad si Inay sabay sabing, "mabait naman pala iyong manliligaw". Bigla akong nabilaukan at kinabahan. Baka sinabi ni Inay na gusto ko na din sya, wag naman! Bimulis tibok ng aking puso kasabay niyon labi ko ay napaso. Mga titig niya sa akin ay nakapako. Hanggang paningin ko ay naglaho.

Sobrang pagod, puyat at pag-aalala, sabi ng doktor kaya sakit ko at lumala. Nakita ko na naman siya nung ako ay lumingon sa kaliwa. Ngumiti si Inay at sinabing siya sa akin ay ang nag-alaga. Mga hula sa aking mga mata ay biglang tumulo. Dahil sa pinakita niya ang pag-ibig niya at totoo. Nakita niya iyon noong magising siya. Lumapit sa akin at hinalikan mga luha sa mata. "Huwag ka ng iiyak dahil nasasaktan din ako aking mahal". Pagkasabi niya sa akin ay sa bisig niya ako pinasandal. Sa kanyang ginawa dama ko ang kanyang pagmamahal. "Mahal kita" ang sabi kong hinihintay niyang kay tagal.

Nagtapos kami ng kolehiyo ngunit ang pag-ibig niya ay hindi pa rin nagbabago. Ganon pa rin siya mula noong una. Makulit, pasaway, bibo. Nakakatuwa dahil ayaw ko sa kanya noong una ngunit heto ako't masayang minamahal sya. Hawak kamay kaming sumusuong sa laban ng buhay. Pinapadama sa isa't-isa ang pag ibig na walang humpay.

Sa parke kung saan may malungkot na nakaraan, ngayon masasayang bagay na doo'y kanyang pinalitan. Ang atmospera doo'y puno na ng pagmamahalan. Isang bagay doon din sa akin kanya akong tunuruan. "Buksan ang puso sa pangalawa. Kung sawi sa una, subukan ulit at umasa. Dahil hindi mo makikita ang sa iyo'y nakatadhana kung puso mo ay ikukubli mo na."

Siya ang nagpabago ng pananaw ko sa pag-ibig. Ang ngayong parte ng aking buhay. Ang taong tinuruan akong bumangon at umasang muli. Ang dahilan ng matatamis kong mga ngiti. Ang aking inspirasyon. Si ARNOLD.



wakas.


Sunday, September 30, 2012

Justyn Shawn

Links to this post 3 comments :

by: Justyn Shawn
email: jeiel08@gmail.com



Napakasaya ko noong pinayagan ako ng aking inay na sumama sa overnight swimming namin. Sadya talagang nakakamiss magtampisaw sa lawak ng karagatan. Asul ang tubig nito at puti ang kulay ng buhangin na talaga namang napakasarap tingnan; nakakawala ng pagod, ng alalahanin at problema sa buhay. Dagdagan pa ng sariwang hangin na dumadampi sa iyong katawan. Nakakarelax.

Ako si Justyn Shawn. Parang pang-ibang lahi ang pangalan. Parang ang gwapo pakinggan pero ang totoo ay kulot ako, sarat ang ilong, makapal ang labi at itim ang kulay ng balat. Negro?, oo. Iyon ako.

"Ita!!! ita!..ita!!!", iyan ang laging bungad sa akin kapag papasok na ako sa aming paaralan. Masakit pakinggan pero hinahayaan ko na lang sila. Nasanay na rin ako sa panunuksong tawag nila sa akin. Hindi lang ang aking kulay ang tampulan nila ng tukso kundi pati ang aking sekswalidad. 

Hindi naman masama kung ita ka, kung ano ang kulay ng iyong balat, kung ano ang katayuan mo sa buhay, kung pangit ka o kung anong sekswalidad meron ka. Ang mahalaga ay ang pakikipagkapwa-tao mo at ang kabutihan ng iyong puso.

Sunday, September 16, 2012

Irreversible

Links to this post No comments :


MSOB
 BOOK ANTHOLOGY

Dalisay Diaz

Has written several novel and short stories published in her blog (http://theimmaculatedalisay.blogspot.com/) that includes mostly Suspense, Thriller, Drama, Deceit, Greed, Power, Wealth, Vengeance Sex, Action, Comedy and Romance. Her novel, Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako is her first attempt on suspense-drama followed by Task Force Enigma Series which made her known as an articulate and no-nonsense writer.

Now, despite her busy schedule, she devoted a portion of her precious time to come-up with an Eight Chapter suspense-thriller that will surely make you think, gasp and tumble in surprise.

Presents...


Teaser:



“What if death is with you all the time?”


Established newscaster si Roblen sa isang nangungunang TV network. He was on top of his field at talaga namang kinikilala ang kanyang kredibilidad sa napiling larangan. Then came Nicole, a beautiful brunette who easily captured his heart. At 28, marami na ang nagsasabing dapat na siyang mag-asawa at ito nga ang kanyang napipisil na maging kabiyak.


He wooed her and asked for Nicole’s hand in marriage and he was not disappointed with her answer. Nagulat man ay natuwa ang marami sa kanilang whirlwind romance. But the whole happily-ever-after scenario was about to change when people and friends from his past started to die brutally, one by one, on the day he announced his engagement with Nicole. Nagsimula rin ang mga pagtatangka sa buhay nilang dalawa nang magbalik sila sa Baryo San Jose, ang bayang sinilangan niya.


He got the shock of his life when police declared who the suspect was. It was no other than Anthony, his best-friend who died fifteen years ago. Paano matutuloy ang kasal nila ni Nicole kung nakaamba sa kanila palagi ang kamatayan na dulot ng paghihiganting isang dekada na ang nakakalipas.



abangan...

Saturday, August 18, 2012

Piso [4]

Links to this post 1 comment :


Anino ng kahapon


Sarap na sarap siya sa haba at laki ng aking pagkalalaki. Maging ako ay sarap na sarap din sa pagbayo sa kanya. Maya maya pa, noong malapit na akong labasan, para namang may sumapi sa akin. Sarap na sarap pa rin ako sa pag labas pasok sa kanya. “Aaaaaaaaahhhhhhhhhhh”.

Iyon na lamang at naalala ko ang mga pinagdaanan ni Zaldy sa malupit na kamay ng kanyang tiyuhing adik.

Masaya ako noong naglalakad patungo sa bahay nila Zaldy. May date kasi kami sa may ilog kung saan nabuo ang lihim naming pag-iibigan. Madami na din akong nabuong plano kung ano ang mga gagawin namin sa buong araw na iyon. Andon na lang yung nagprepare ako ng picnic, nanguha ako ng buko, manghuhuli kami ng isda sa mismong ilog na iyon upang maihaw namin at gawing pulutan dahil may dala din akong alak at syempre hindi mawawala ang paghahanapan namin ng piso sa ilamin ng ilog, dun kaya kami nagkalapit. Pasimpleng naglagay din ako ng karatula na nagsasabing delekado na ang ilog na iyon sa may dadaanan papuntang ilog upang ang mga maliligo doon ay hindi na tumuloy at walang maka istorbo sa aming dalawa ni Zaldy. Nakatago na rin doon ang gitara na pangsorpresa ko naman sa kanya. Hindi kasi niya alam na marunong akong maggitara at kumanta at aawitan ko siya ng napakaganda na para bang nanghaharana.

Nakabalandra sa aking mukha ang mga ngiti habang tinatahak ang daan papunta sa bahay nila Zaldy. Naiisip ko na kasi ang mga mangyayari sa aming date na iyon. Buong buo nang pumapasok sa isipan ko ang mga eksena na mangyayari mamaya lang sa may ilog. Ipapakita ko talaga sa kanya ang labis kong pagmamahal. Dahil unang monthsary nga namin iyon, gusto ko talagang maging sulit ang araw na kasama siya.

Sunday, August 12, 2012

Piso [3]

Links to this post No comments :

Pighati


Simula noong nawala si Zaldy, hindi ko na alam kung may dereksyon pa ba ang buhay na tinatahak ko ngayon. Siya kasi ang nagsilbing ilaw ko sa madilim na tahakin ng buhay. Siya ang nagturo sa akin na lumaban sa mga pagsubok na ibinibigay sa akin ng tadhana. Siya ang naging paa ko sa pagsuong sa buhay at naging lakas ko kung madapa man ako. Siya ang naging mata ko sa madilim na panahon na bumabalot sa akin.

Para akong napilayan at hindi na makalakad. Para akong nabulag at hindi na makita ang kagandahan ng buhay noong nawala siya. Nawalan ako ng goal, ng direksyon at pag-asa sa buhay. Lagi na lang akong tulala, tuliro at di alam ang gagawin.

Buti na lang ay may kaibigan pa rin akong matatawag. Andyan si Jay na hindi man naging paa, naging saklay naman siya upang tulungan akong lumakad. Hindi man siya naging mata ko upang makita ang kagandahan ng buhay, naging ilaw naman siya sa madilim kong daraanan. Siya rin ang parating andyan kapag may kailangan ako. Kapag katulad nitong malungkot ako't naaalala ko si Zaldy, pinapatawa niya ako; pinapagaan ang loob. Siya ang naging sandalan ko sa panahong wala akong makapitan at gulong gulo ang isip ko.

“Okay ka lang ba?”tanong sa akin ni Jay sabay tapik ng aking balikat.

Hindi ko alam kung okay nga lang ba ako dahil sa mga araw na lumilipas, habang paparating ang araw ng kapistahan, lalo ko namang naaalala si Zaldy. Ang una naming pagsasama.

Imbes na matawa sa kanyang ginawang pagbirit na hindi lang wala sa tono, wala pa rin sa lyrics minsan na lagi ko namang ginagawa kapag naaaalala ko si Zaldy ay bigla na lang akong napaluha. “Gulong gulo na ang isip ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Gusto ko nang kitilin ang buhay na meron ako dahil wala din naman itong silbi. Gusto ko na siyang sundan kung nasaan man siya ngayon.” Umiiyak na sabi ko kay Jay. Lumapit si Jay sa tabi ko at niyakap. Hinaplos ang aking likod upang sa ganon ay mabawas-bawasan ang bigat ng aking dinadala.

“Alam kong hanggang ngayon nahihirapan ka pa ring tanggapin ang lahat. Oo, talagang mahirap pero dapat naman kasi nilalawakan mo ang pang-unawa mo sa bagay-bagay. Hindi lahat ng andyan ay parating andyan lang. Minsan kailangan din nilang mawala. Minsan, ang naging gabay mo para makalakad ay kailangang lumisan din para matuto kang tumayong mag-isa. Tandaan mong hindi permanente ang lahat ng bagay sa mundo. Tingnan mo ang kagandahan ng mundo…”makahulugang pag-aalo sa akin ni Jay.

Thursday, August 9, 2012

Piso [2]

Links to this post No comments :


Ala-ala




"Joseeeee...!" sigaw sa akin ng aking matalik na kaibigang si Jay dahil nananaghinip na naman pala ako. Napanaghinipan ko na naman si Zaldy....ang una naming pagkikita....ang una naming pag-uusap...ang una naming pagsasama.

Nakita kong naglakad na patungong kusina si Jay noong magising na niya ako. Bumangon na ako sa pagkakahiga at naupo sa gilid ng kama ngunit pilit pa ring sumisiksik sa aking isipan si Zaldy. Hindi mawala-wala.

Alala ko pa noon, ganitong araw din noong magkita kami sa ilog na lagi kong pinupuntahan. May problema ako kung ano ang gagawin ko at kung paano ko tatangapin ang aking sarili. Dahil alam ko, kakaiba ako sa karamihan. Kakaiba hindi dahil sa mahirap ako, hindi dahil sa ulila na akong lubos, hindi dahil sa isa lamang akong hamak na magsasaka kundi dahil lalaki din ang naggugustuhan ko; at ito din ang nagpapatuliro sa akin ng lubos kung ano nga ba ang aking gagawin. Kung tama ba ito...at kung bakit ito ang aking nararamdaman.

Pagkatapos namin noong maligo sa ilog ay nagsiuwian na kami sa kani-kaniya naming bahay. Dahil nga napagkasunduan naming dalawa, na ang talo sa paglalaro namin ng piso ay manlilibre kung saan mang rides na gustong nitong sakyan. Nagset na lang kami ng oras kung saan at kelan kami magkikita sa perya para hindi din maghintay ng matagal kung sino man sa amin ang mauunang dumating. Alas syete ang usapan namin sa may harap ng ticket booth kami magkikita.

Nauna akong dumating sa may perya. Kinakabahan ako sa di malamang dahilan. Nasasabik na makita ko ulit siya. Sa totoo lang kasi. Siya ang taong nagpapatuliro sa akin. Siya ang taong nakakapagpabilis at nakakapagpabagal ng tibok ng aking puso ng sabay. Oo nga, at una pa lang naming pagkikita ng personal at nagkausap sa may ilog ngunit matagal ko na siyang pinagmamasdan ng palihim sa tuwing nakikita ko siyang nagdaraan. Matagal ko nang kinikimkim ang pagtingin sa kanyang di ko mapigilan at unti-unting umuusbong. Ewan ko ba kung ano ang nadarama ko para sa kanya. Hindi ko maipaliwanag. Basta ang alam ko lang, masaya ako kapag nakikita ko siya pero pag hindi naman ay nalulungkot ako. Nakokompleto na ang araw ko kapag nakikita siya...sa malayo. Kontento na ako noon.

Habang pinagmamasdan ang mga taong masayang naglilibot at naglalaro sa may perya may kumalabit sa akin...Si Zaldy. Nakangiti niya akong nilapitan. "Kanina ka pa ba?"tanong niya sa akin at nagpakawala ng nakabibighaning ngiti. Napakagwapo niyang tingnan sa kanyang suot. Naka maong at t-shirt na kulay green. Simple lang ngunit ang dala naman nito sa akin ay matindi. Lumitaw kasi lalo ang kanyang pantay na kulay ng balat; ang kanyang kagwapuhan. Dagdagan pa ng napakagaling niyang magdala ng sarili. Parang isang artista lang. Napako sa kinatatayuan ko at nakatitig lang sa kanya.

"Okay ka lang, nakatulala na naman..."sabi niya sa akin habang winawasiwas ang kanyang kamay sa harap ng aking mukha.

"Ahh ehh...tara na?"sabi ko sa kanya habang kamot ang aking ulo.

"Nanghihipnotismo na naman kasi ehh"sabi ko sa sarili habang naglalakad-lakad. Hindi pa kami nakapili ng sasakyang rides.

“Ano, hindi ba tayo sasakay?”tanong niya na tila may pananabik sa kanyang mga mata. Pananabik ba iyon na makasama ako o makasakay ng rides? Ewan. Lahat na lang yata ng kanyang mga kilos ay binibigyan ko ng dahilan. Siguro ganun talaga pag may pagtingin ka sa isang tao. Kahit simpleng galaw niya, simpleng mga tingin at titig sa iyo, ikinukonekta mo na sa nararamdaman mo…minsan, iniisip mong lahat ng kanyang ginagawa ay ikaw ang dahilan.

“Pwede wag na lang tayo sumakay?”nahihiya kong sabi sa kanya. Ang totoo eh, mahiluhin ako kaya ayaw kong sumakay kahit na anong rides kaya niyaya ko na lang siyang maglibot sa perya.

Wednesday, August 8, 2012

PISO [1]

Links to this post 2 comments :

Sa Ilog
by Justyn Shawn


Napakaganda ng tanawin sa ilog na lagi kong pinupuntahan upang maligo at makapag isip-isip. Isa sa laging pinupuntahan ng mga tao rito ang ilog na iyon dahil sa mga nakapalibot na punong kahoy na nagbibigay ng lilim at preskong hangin na taglay nito. Di gaanong malalim ang ilog na ito at napakalawak, napakalinaw at sadyang napakalamig ang tubig dito.

Masasabing perpektong puntahan ng mga taong nais na magpalamig sa init ng panahon. Summer noon ng magkakilala kami ni Zaldy.

“Tol, ako nga pala si Zaldy. Taga kabilang bayan. Ikaw?” tanong nya sa akin na kumuha ng aking atensyon sa mga sandaling iyon sa aking pagmumuni-muni.

“Ahh..ehh. Jose pala.” Nauutal kong sabi sa kanya. Di ko kasi sya kilala pero sa kanyang ngiti ay parang nawala lahat ang nasa isip ko sa mga sandaling iyon. Parang ikinulong nya ako sa taglay nyang kapangyarihang at napatitig na lang ako sa kanya.

Si Zaldy. Tama lang ang laki. Hindi maputi at hindi din naman maitim ang kutis ng kanyang balat. Pantay ang kanyang mga mapuputing ngipin na una kong mapansin sa kanya nung nginitian nya ako at talaga namang nakakaagaw ng atensyon. Mayroon din syang dimples na bagay na bagay talaga sa kanya at lumalabas sa tuwing siya ay ngingiti. Ngunit ang talagang nakakuha sa aking atensyon ay ang kanyang malamlam na mga mata na parang may kakaibang kapangyarihang taglay at parang ako ay kanyang hinihipnotismo sa mga sandaling yun. Dagdagan pa ng makakapal ngunit napakagandang kilay na tumerno sa kanyang mga singkit na mata. Kung ikukumpara mo sya sa isang artista ay kahawig nya ang singer na si Enrique Iglesias. Ngunit mas mababa lang dito si Zaldy kumpara sa kanya. Mga 5’4 o 5’5” lang ata wari ko.

“Oh bat parang natulala ka dyan? May dumi ba sa mukha ko? Tanong nya sa akin na para naman akong binuhusan ng malamig na tubig na nagpagising sa akin sa aking mahimbing na panaghinip.

“Ahh…Ehh. Wala. Wala kang dumi sa mukha” nanginginig kong tugon sa kaya.

Essay

Links to this post No comments :



A/N: Ito po ay storya ng isang pagkakaibigan. Sana po ay magustuhan ninyo. At gusto ko lang po sana humingi ng tulong sa inyo via LIKE, COMMENT, and SHARE at pag plug na din..hehehe Kasali na naman po kasi ako sa contest sa isang Page sa fb at ito din po ang entry ko.. Sana po ay pagbigyan po ninyo ako sa munting hiling kong ito.

To vote, Click the pic (Entry #8) and Like here. Yun lang po. Salamat ^_^


“Okay, get a pen and a paper.” Pabiglang sabi ng aming guro. Lahat ay nagulantang at nabigla sa di inaasahang anunsyo nito. Nagpapaseatwork talaga siya o kaya naman ay napapa-pop quiz kapag alam niyang nababagot na ang mga ito o di kaya naman ay nakikipag tsismisan lang sa katabi at hindi nakikinig sa kanyang mga itinuturo.



“Ma’am!!”…rinig kong sabi ng aking mga kamag-aral na animoy aangal. Angal din ako syempre. Hindi ko kasi hilig ang subject na English. Bobo kasi ako dito o sadyang hirap ko lang talagang intindihin ang salitang banyaga.



“Bakit may angal?”tanong ng aming guro na animoy nananakot na kapag sumagot ng “Oo, may angal kami!” ay pahihirapan ka ng husto.

“Wala po ma’am.”tanging nabulalas ng aking mga kaklase. Rinig ko ang iba sa kanila ay nagsisisihan kung bakit na naman may ganung factor ang guro namin. Ang iba naman ay tuwang tuwa, lalo na yung mga nakikinig talaga sa klase niya at yung mga matatalino lang talaga sadya.



“Good! Don’t worry; I only have one thing that I want you to do.”



Kita ko naman ang aking mga kaklase na nag-aabang sa sasabihin ng aming guro. Pag-aabang na halata mo talagang kinakabahan kung ano ang sasabihin.



“…essay writing! Easy diba? Essay nga eh” sabi nito at ngumiiti na para bang nakakaloko.



Marami sa aking mga kaklase ang nagustuhan at nadalian (siguro) sa pinagagawa ni ma’am. Kasi naman, walang tama o mali sa isang essay dahil ito ay point of view ng sumusulat. Pero syempre kailangan tama ang mga words na ilalagay mo doon at mayroon din itong format at style na dapat sundin upang hindi ma-mislead kung ano mang essay ang kanilang binabasa.



“Ah ewan..bahala na.”bulyaw ko sa sarili. Oo, nakikinig naman ako kapag nagtuturo ang aming guro kapag nagdidisscuss siya. Gaya ngayon, nakinig naman ako sa lesson niya about sa essay pero hindi iyon lahat ma-absorb ng utak ko.



“Okay, start writing a very easy essay.”sabay tawa. “…and your topic is about friendship.” Dagdag pa ni ma’am habang sumeryoso na ang kanyang mukha. “You have 30 minutes to do that.”



“Thirty minutes? Ang ikli nun!” sa isip ko lang. Kaya inumpisahan ko ng gawin ang aking essay.



“Friendship?”tanong ko sa sarili. “Asan na nga ba ang mga kaibigan ko ngayon? Simula kasi noong grumaduate kami ng high school ay may kanya kanya na kaming buhay. Asan na kaya sila? Kumusta na kaya sila? Ano na kaya ang ginagawa at pinagkakaabalahan nila? Natupad kaya ang kanilang mga pangarap sa buhay? May mga bago na kaya silang kaibigan ngayon? AT…Ano nga ba ang friendship para sa akin?” mga katanungang pumasok bigla sa aking isipan.



Hindi ko alam kung bakit pero bigla ko sila mamiss. Bigla ko naalala ang aming mga tawanan, biruan, harutan, iyakan moments at tampuhan na kiliti lang ang katapat upang mawala ito. Nakakamiss ang mga kaibigang kilalang kilala ka. Alam lahat ng ayaw at gusto mo. Alam lahat ang lakas at kahinaan ng bawat isa. Yung wala kang hiya sa katawan kapag kasama mo sila. Kung saan, pwede kang umiyak sa harapan nila na tumutulo ang uhog mo; yung kaya mong tumawa ng malakas na halos lumabas na ngalangala hanggang sumakit ang tiyan; yung agawan at saluhan ng pagkain; yung dadamayan ka sa isang problema kahit ikaw yung mali pero ipapaintindi sa iyo pagkatapos na mali ka; yung laging nandyan sa tabi mo; yung tinuring mo ng isang tunay na kapatid pero kung makasermon sa iyo daig pa ang magulang mo; yung kabahagi mo sa importanteng panahon ng buhay mo….Nakakamiss.



Naalala ko pa noon, siniraan talaga nila namin ang boyfriend ng aming kaibigan dahil talagang wala iyong kwenta, manloloko, at manggagamit. But, it turn out to be kami pa ang masama gayong ang gusto lang naman namin ay ang kabutihan niya; ang kapakanan niya. Dahil dun, nag-away-away kaming magkakaibigan. Keso daw sinisiraan lang namin ang boyfriend nya (totoo naman), keso daw may gusto lang kami sa boyfriend nya (gwapo boyfriend nya pero manloloko, ewww), keso inggit lang kami sa kanya dahil nga gwapo talaga sadya ang boyfriend nya (hindi, totoo lang kaming kaibigan).



Campus crush ang boyfriend niya at talaga namang hinahangaan ng lahat estudyante sa school namin at matagal na rin may gusto ang kabarkada naming iyon. Nung mag on na silang dalawa, sa hindi inaasahang pagkakataon, narinig namin silang nag-uusap-usap. “Pare, ano nakuha mo na ba ang virginity nung isang yun?” tanong ng kabarkada niya. “Hindi pa pare eh. Pero malapit na” sagot naman ng boyfriend ng kabarkada namin. “Naku pare, pumapalya ka na yata sa chicks ngayon ahh. Talo ka ata sa pustahan natin.”sagot naman ng kanyang kaparkada sabay tawa ng malakas. “Hindi pare, malapit na..Wait lang kayo at makikita ninyo.”pagsigurado naman ng boyfriend ng kabarkada namin



Sa narinig naming iyon ay agad naming pinuntahan ang friend namin. Sinabi sa kanya lahat ng mga narinig namin ngunit hindi siya naniwala dito. Sinisiraan ko lang daw siya dahil inggit lang kami sa kanya. At kami pa ngayon ang lumalabas na masama sa harapan niya. At tinakwil kami as her friend. Nakakalungkot isipin pero naghintay na lang kami ng pagkakataong marealize niya na mali siya ng lalaking napili at sana kapag dumating ang araw na iyon, hindi pa huli ang lahat.



Pagkaraan ng ilang buwan, may kumalat sa buong campus na may buntis daw. At hindi ko maiwasang hindi kabahan sa kumalat na balita.



Nakita naman naming ang aming kaibigang nagtakwil sa amin na palapit ng palapit sa aming tambayan sa loob ng school. Nakayuko at halata mong umiiyak.



Pagkalapit niya ay nagpasensya siya sa kanyang mga nagawa at nasabi sa aming masasamang bagay. Sinabi din niyang siya ang babaeng buntis sa kumakalat na balita at hiniwalayan daw siya ng kanyang boyfriend noong malaman ito. Awang awa kami sa kanya dahil sa kalagayan niya ngayon. Kung sana nakinig lang siya sa amin noon pa lang, hindi na sana dadating ang panahong ito. Hindi sana nasira ang buhay niya at ang aming pagkakaibigan. Pero dahil kaibigan namin siya, ay nauunawaan namin ang kalagayan niya ngayon. Naunawaan din naming siya kung bakit nasabi niya ang mga masasamang bagay na iyon; nabulag siya sa di tamang pag-ibig. At sino nga ba kami upang hindi magpatawad? Kaya ayun, sama-sama pa rin kaming magkakaibigan lalo pa ngayong may dinadala na siya sa kanyang sinapupunan.



Di ko alam kung gaano na ako katagal nag-isip sa mga sandaling kapiling ko pa ang aking mga matalik na kaibigan at ang mga pinagdaanan namin habang nagsusulat. “ Okay, pass your papers.” Sabi ng aming guro na nagpagulat sa akin. Hindi ko pa kasi napa-finalize yung nasusulat ko. Hindi ko pa alam kung tama nga ba ang mga pinagsasasabi ko na aking naisulat.



Ipinasa ko na din sa wakas ang aking papel na naglalaman ng essay na aking ginawa.



Maya-maya pa ay “Okay class, read your works in front of the class.”sabi ng aming guro pagkatapos makuha ang aming mga papel.



Ako ang naunang magbasa ng aming ginawa dahil alphabetical order ang pagtawag ni ma’am at sa “A” nagsisimula ang aking apelyido.



Kabado akong pumunta sa unahan upang basahin ang aking ginawa.




“Friendships are not instantaneous, they are earned. Friendships withstand the storms and upheavals of time. Friendships surpass the trite boundaries of acquaintanceship. Friendships often develop with improbable people at unlikely times. Friends know the difference between image and substance. Friends bask in the glow of the other's triumphs. Friends will be there when you need them. Friends are one of God's greatest gifts.



A Bestfriend is the one who understands your thoughts and respects them. Provides a gentle haven where the other can relax and feel safe. A bestfriend is someone whom your soul can go naked with. No pretentions, no masks that needs to be worn. A bestfriend is someone who is able to be honest to you when the world has been feeding you lies. He will act as a mirror and show you the things you don’t want to see.



Bestfriend is not someone who will always be there by your side. Because sometimes in life, you need to take separate ways for each to grow as a person. But it also doesn’t mean that the friendship ends there. Because no matter how far each goes their way, they know that they will still meet somewhere beneath the rough roads of life. Simply, the friendship is still there and silence between two is comfortable.”




Hindi man ako magaling sa english, ngunit sa tingin ko, sa inspirasyon na binigay sa akin ng aking mga kaibigan ay nagawa ko ito ng mabuti.

At narinig ko na lang ang palakpakan ng aking mga kaklase maging ang aking guro matapos kong basahin ang aking ginawa.




-wakas-

Saturday, July 7, 2012

One Click

Links to this post 3 comments :




“Fate brings you together but still up to you to make it happen”



Pag-ibig…kaya mo bang magtiis para dito? Kahit gaano kalayo sa isa’t isa?



Hindi ako naniniwala sa Long Distance Relationship. Kalokohan lang itong lahat para sa akin. Paano naman kasi ako maiinlove sa taong hindi ko nakakasama, hindi ko alam ang ugali na mayroon siya? Pano magwowork ang isang relasyon kung saan dagat ang aming pagitan; na hindi kami magkasama?



“Distance means so little when someone means so much”…isang kasabihan nagpapaisip sa akin ng malalim. Para kasi sa akin, nagwowork ang isang relasyon kapag magkasama kayo, kapag alam namin ang bawat hilig, ang gusto at ayaw sa isang bagay. Yun bang kahit sa konting kilos lang alam na ang ibig sabihin. Kahit hininga pa lang alam nyo na kung masaya ang isa o kung may problema. Sa bawat tingin at titig na ibinabaling , alam nyo na ang dahilan, alam nyo na ang ibig sabihin. Kaya naman hindi ako naniniwalang may nagkakainlaban nga ng totoo o tumatagal sa Long Distance Relationship. Isa pa, mahirap sumugal sa walang kasiguraduhan.



Iyan ang pananaw ko…noon.



Ako si Eric. Simple. Masayahin. Makulit. Hindi gwapo, hindi din naman pangit. Ordinaryong tao na namumuhay ng ordinaryo.



Dahil sa hirap ng buhay dito sa Pilipinas, at upang matulungan ang pamilyang makaahon sa kahirapan, sumama ako sa aking tiyuhin upang makipagsapalaran sa dayuhang bayan. Hindi man ako nakatapos ng kolehiyo, naging madali para sa akin ang makahanap ng trabaho sa tulong ng aking tiyuhin. Isa na akong barista ngayon dito sa Jeddah, KSA.



May girlfriend ako si Jen. Hindi ko nga alam kung bakit sa dinami-dami ng lalaking nagkakandarapa sa kanya ako pa ang natipuhan. Hindi naman kasi ako ‘sing yaman, tangkad at gwapo gaya ng kanyang mga manliligaw. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang ako ang pinili niya. Napagadanda niya. Matalino…at mabait. Napakasaya ko noong araw na magkasama kami. Nagkukulitan. Hawak-kamay habang naglalakad sa pakre. Nagyayakapan. At minsan..nag-iiyakan sa mga pagsubok at problemang nararanasan namin sa buhay. Ngunit nag-iba ang lahat noong kinakailangan kong mangibang bansa. Nagkatamlayan ng mag-usap, magtawagan, magkumustahan .Pati maliliit na bagay pinagtatalunan na namin kahit nadadaan naman sa usapan. Hanggang sa humantong sa hiwalayan. Hindi na namin maisip na mag-wowork pa ang aming relasyon kung saan dagat ang pagitan. Kung saan telepono lang at internet ang tulay ng aming pag-iibigan. At mga kuhang litrato naman ang taga kwento sa bawat nangyayari sa aming buhay. Alam kasi namin, sa panahon ngayon, ang mundo ay nababalot ng tukso. Dahil magkalayo, hindi maiiwasang madarang. Nakakatakot umasa na sa pagbabalik ko, ako pa rin at walang iba. Na kami pa rin tulad ng dati. Inisip ko na lang na kung kami, kami talaga. Kaya masakit man, mas pinili naming mabuhay ng magkaiba ang daan na tutunguhin.



Masaya ang pakiramdam noong dumating ako dito sa Saudi kahit pa man kabibreak pa lang namin ng girlfriend ko dahil na rin sa pagnanais na matutulungan ang pamilyang makaahon sa kahirapan. Parang isang pangarap itong unti-unti nang natutupad. Syempre, di maiiwasang makaramdam ng takot at kaba dahil di mo alam ang kultura kung saang bansa ka naroon. Hindi din maiiwasang makaramdam ng kalungutan sa tuwing ikaw ay nag-iisa at kapag namimiss mo ang mga mahal mo sa buhay. Kapag nagkakasakit ka, wala kang matatakbuhan upang mahingan ng tulong. Pero sadya talagang ganyan. Kelangan magsakripisyo, kelangan magtiis at kailangan lumaban para sa pamilya, para sa minamahal at para sa sarili.



Nakakabagot sa ibang bansa kung tutuusin dahil hindi ka naman makapaggala kahit na madaming magagandang lugar na pwedeng puntahan kasi hindi mo alam ang mga pasikot-sikot, baka mawala ka pa. Kung alam mo naman, hindi ka rin basta-basta makakalabas dahil iisipin mo muna na kada labas mo ay may katumbas itong pera. Sayang lang ang mga paghihirap para makaipon. Kaya ang tanging libangan ko na lang ay ang aking laptop at cellphone upang makapagchat sa minamahal at mga kaibigan.



Binuksan ko ang aking account sa facebook dahil tinamaan na naman ako ng pagkainip. Pampalipas oras kumbaga. Wala kasi kaming masyadong ginagawa kapag umaga. Libre din dito sa aking pinagtatrabahuan ang wifi kaya malaya kaming makapag online gamit lamang ang aming mga cellphone. Bawal kasi magdala ng laptop baka masesante ka pa kapag nahuli. Dahil nga halos wala din akong magawa kapag online ako, kinahiligan ko na ding mag browse ng profile at maghanap ng makakaibigan.



Dito ko nakilala si Francis. Hindi ko alam sa sarili kung bakit ko klinick ang profile niya at inadd siya pero parang may magnet akong naramdaman habang tinitingnan ko ang kanyang mga picture at hindi na maalis ang tingin ko dito. Parang matagal na kaming magkakilala. Parang kilalang kilala ko na siya. 


Ilang minuto lang ang nagdaan ay inaccept na niya ang friend request ko kaya minessage ko siya para magpasalamat. Nagreply naman siya. Simula noon nagpalitan na kami ng mensahe pati na din ng number. Mas kinilala namin ang isa’t-isa. “Tol” ang naging tawagan namin. Tubong Bicol pero nakatira siya sa Manila kasama ang kanyang pinsan. Isa siyang maintenance crew ng SMB at paiba-iba ang kanyang schedule. Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya habang kausap ko siya. Halos araw-araw ang kamustahan namin, kulitan..at tawanan. Nakakawala ng pagkainip, ng pressure at ng pagod.



Mas lalo kaming nagkapalagayan ng loob noong minsang may promo dito na murang tawag sa Pilipinas. Timing naman na gusto daw niya akong makausap. Halos puro tawanan ang nangyari habang nagkukwentuhan. Mas lalong lumapit at nagkapalagayan ang loob sa isa’t isa. Masasabi kong lalong tumibay ang aming pagkakaibigan. Hanggang sa magkwento siya sa girlfriend niya. Ewan ko ba pero nalungkot ako habang nagkukwento siya tungkol sa kanyang girlfriend. Di ko alam kung ano ang dahilan ng pagkalungkot kong iyon. “Siguro miss ko lang ang magkagirlfriend.”depensa ko sa sarili.



Tuloy pa rin ang aming kumustahan, kwentuhan, tawanan at balikan ng mga nangyayari sa buhay namin araw araw kahit na hindi kami magkaparehas ng oras. Nagulat na lang ako noong magtext sya. “Buti ka pa, naaalala ako kahit malayo.” Alam kong may problema siyang pinagdadaan sa mga oras na iyon kaya tinawagan ko siya. Nagkausap kami at nagkakumustahan. May ilang araw na din daw siyang may sakit at ni minsan ay hindi siya inalagaan, maski isang beses na dalaw ng kanyang girlfriend ay wala rin. Kaya makikipaghiwalay na siya dito. Hindi ko alam ang mararamdaman pero maawa ako sa kanya. Nalungkot dahil sa pinagdadaanan niya ngayon. Nakakalungkot isiping nandon lang ang kanyang girlfriend sa malapit ngunit tila kay layo naman nito sa kanya. Kaya laking pasasalamat niya sa akin.



Hindi ko mawari ang pakiramdam noong sinabi niya sa aking “I love you.” Literal na napanganga ako at napahinto. Kinapa ko ang aking sarili at hindi muna nagsalita. Biglang tumibok ng mabilis ang aking puso. Para akong mauubusan ng hininga at nabingi sa bilis ng pintig nito. Syempre natakot ako, kinabahan at nagduda dahil baka pinagtritripan lang ako nito. Pero alam kong iba. Alam kong may iba din akong nararamdamang unti-unting umuusbong dito sa puso ko para sa kanya. Yun bang kompleto na ang araw ko kapag nakakausap ko siya. Na kapag hindi naman ay kung nalulungkot ako. Yung hinahanap hanap ko na ang boses niya, yung biruan namin, yung kwentuhan at harutan namin. “Andyan ka pa ba? Ano? Ayaw mo ba?”paggising niya sa akin mula sa aking pagguguniguni. “Ahh..ehh gusto.”sagot ko. Ewan ko nga ba kung bakit iyon ang nasagot ko pero masaya ako sa sinabi ko. Parang iyon na ang hudyat na kami na. Hindi man ako sigurado. Hindi ko man alam kung karapat dapat nga ba siyang pagkatiwalaan. Hindi ko alam kung tama bang humawak sa kanyang mga pangako. Ngunit ang alam ko lang, tama na ang pagmamahal, tiwala at pangako namin sa isa’t isa para sumugal sa ganitong klaseng relasyon. Dama ko sa kanya ang sinsiredad, ang pagkatotoo at pagmamahal niya para sa akin…at iyon ang pinanghahawakan ko.



Noong naging kami, mas lalo pa naming nakilala ang isa’t-isa pati na rin ang pamilya. Naging mas malambing, mas maalalahanin kaming lalo. Ngunit sadya talagang dumadaan sa pagsubok ang lahat ng relasyon. Selosan, asaran, awayan na nadadaan naman sa usapan. Pero hindi namin iyon hinahayaang matapos ang araw o ang aming pag-uusap nang hindi nagkakaayos. Dumating din sa puntong nagpalitan kami ng aming account at password sa facebook para lamang maputol ang haka-haka at maling paniniwala. Binigyan namin ng laya ang isa’t isa sa pagbukas ng aming account upang mas makilala naming mabuti ang isa’t isa, makita, mabasa ang mga message at higit sa lahat malaman ang totoong pagkatao sa likod ng ipinakikita niya. Doon lumantad sa akin ang mga mensahe galing sa mga bakla at bisekswal na nakakachat niya. Nagtaka kasi ako noong minsang kausap ko siya pero ang tagal niyang magreply. Tiningnan ko ang oras at araw ng pag-uusap nila at tama nga ang hinala ko. May kachat nga siyang iba maliban sa akin. Sa nabasa ko, hindi ko maiwasang manlambot kaya agad ko siyang tinawagan. Umamin naman siya, nagsorry at nangakong hindi na uulitin pa.



Napatunayan naman niya iyon noong minsang buksan ko ang kanyang facebook at nabungaran ko ang mga mensahe galing sa mga nagkakagusto sa kanya, ngunit iba na ang naramdaman ko, masaya. Masaya dahil ako ang pinili niya, na tinupad niya ang kanyang pangako, na mahal niya ako. “Mahal ko si Eric kaya pls lang tigilan mo na ako” yan ang mensahing nabasa ko. Diba? Sino ba naman ang hindi maaaantig sa kanyang mga sinabi? Sino ba naman ang hindi mamawawala ang takot at pangamba kung ito ang mabasa mo sa account niya; sa mga message niya sa mga nagkakagusto sa kanya?



Mas lumalim ang aming pag-iibigan, ang tiwala at pag-asang magkasama, mahagkan, mahawakan at mayakap ang isa’t isa.



Dahil halos pareho kaming breadwinner ng pamilya, halos wala ng matira sa kanyang sweldo sa pinapadala niya dito pero hindi pa rin ito sapat para sa pang araw-araw na pangangailangan. Alam kong hindi ganun kalaki ang sinusweldo ng partner ko kaya minsan ay kinakapos siya. Bilang partner, handa akong tumulong sa kanya kaya nag-open ako ng account sa kanya para my pera siyang magastos kung sakaling magipit siya, hindi man niya ito hiningi, ako na ang nagkusang magbigay sa kanya nito dahil may tiwala ako sa kanya. Pag may extra siyang sahod ay nilalagyan niya iyon ng laman. Iniipon. Para may pera kami pang –umpisa ng panibagong buhay.



Gusto din niyang mag-abroad, upang mabigayn din ang pamilya na masaganang buhay, upang makasama ako at upang magsimula kami ng aming buhay. Nang magkasama, na baon-baon ang tiwala, pagmamahal at pangako sa isa’t-isa.



Sa isang taon naming relasyon, napatunayan kong ang LDR ay hindi hadlang sa dalawang taong nagmamahalan. Hindi basehan ang milya milya ninyong distansya upang mapadama ang pagmamahal at pagtitiwala. Ito ay isa lamang daan upang subukin kung ano ang kaya mong itaya sa ngalan ng pag-ibig. Kung kaya mo ang sakit, ang humawak sa pangako, ang magpakatatag.



Sa aming magiging unang pagkikita ng personal, hindi ko maiiwasang makaramdam ng pangamba at alinlangan pero alam kong hindi iyon magtatagal at mananaig pa rin ang pagkasabik; na mahawakan, mahagkan at mayakap namin ang isa't-isa. Susulitin ang bawat minutong daraan upang maipadama ang aming pagmamahalan.



“Distance means so little when someone means so much”…isang kasabihang nagpapaisip sa akin noon; na kontra ako. Ngunit lahat ng ito ay nagbago, lahat ay naglaho na parang bula, lahat ay nag-iba, lahat ay napalitan ng pag-asa, tiwala at pagmamahal; nang dahil sa Isang Click.



-WAKAS-

Thursday, June 28, 2012

Tag-ulan

Links to this post 1 comment :

Malakas ang buhos ng ulan ng gabing iyon. Kataka taka sapagkat maliwanag ang sikat ng araw noong umaga. Nakakainis sapagkat wala akong dalang payong. Hindi ko kasi ito nakasanayang dalhin simula pa noong ako’y nag-aaral. Minsan, sinasadya kong iwan kapag inihahatid ni Inay sa may pinto. Ewan ko, tamad yata akong magpayong eh.


Binilisan ko ang hakbang patungo sa labas ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko. Ang mga patak ng ulan ay malalaki at kaunting maampiyasan ka ay tiyak na basang basa ka agad. Nasisi ko tuloy ang aking sarili kung bakit ba nag-overtime pa ako, ayan tuloy tiyak na madaling araw na ako makakauwi. Sinagasa ko na ang malakas na ulan patungo sa waiting shed na pinagkakanlungan ng mga tulad kong basang sisiw ng mga oras na iyon at ang mahabang lansangan ay napupuno na ng tubig bahang naiipon sanhi ng papalakas na ulan. At nasiguro kong hindi iyon hihinto agad.


“Mukhang may bagyo ‘ata.” wika ng isang tinig sa aking tabi. Napalingon ako at nakita ko ang isang lalaking naglalaro ang edad sa bente tres, matangkad, moreno ang kutis at may magagandang pares ng mga mata.
Ngumiti siya sa akin ng mapansin ang aking pagmamasid. Napahiya ako at muling ibinaling sa kalye ang aking tingin.


“Ahh, hindi ba ikaw yung accountant diyan sa opisinang yan?” anito na ang tinutukoy ay ang kanyang pinagtatrabahuhang kompanya.


“Ah…oo” matipid kong wika ng hindi tumitingin.


Maya-maya ay nakita ko ang kanyang palad na nakalahad sa tagiliran ko. Nagpapahiwatig siya ng pakikipagkilala. Malugod ko iyong tinaggap. Siya si JM. At sa loob ng waiting shed na iyon ay ipinakilala niya sa akin ang kanyang sarili.


Magmula noon ay palagi na siyang naghihintay sa akin sa labas ng gate. Niyaya akong mag-meryenda kasabay ng mga ilang tawanan at kwentuhan. Siya ang nagsilbing bantay sa akin sa mga panahong ako’y ginagabi sanhi ng gatambak kong trabaho.


“Bakit mo ba ginagawa lahat nang ito ha, JM?” minsan ay naitanong habang sabay kaming naghihintay ng masasakyan ng hapong iyon. Siya ay galing rin trabaho at tulad dati’y walang sawang naghintay sa akin sa labasan.


Natigilan siya. Napatingin siya sa akin. Ngumiti. Ngunit nanatiling tikom ang mga labi sa hinihintay kong kasagutan.


“Masama bang gawin ko lahat nang ito?” balik tanong niya sa akin kasabay ng mahinang tawa. Ngunit ako’y nanatiling nagtataka sa mga inasal niya.

Hindi na naulit ang tagpong iyon na ako’y nagtanong sa kanya ng mga bagay na iyon. Para bang isang piping kasunduan na naming hindi na muling magtatanong sa bagay. Siya na lang ang hihintayin kong magsabi ng niloloob niya. Tutal wala namang masama sa pagiging magkaibigan namin.


Signal number 2… hindi ko alam na may bagyo pala ng araw na iyon. “Ang payong... ang payong nasa gate.” naalala ko ang sinabi ni Inay kanina bago ako umalis. Nagmamadali lang ba ako o talagang hindi ko na inintindi ang mga bilin niya. 


Alas siyete na….bakit kaya natagalan si JM? Dati-rati’y maaga iyong nadating upang sunduin ako at kami’y magmemeryenda. Ang buhos ng ulan ay tila luha ng mga anghel. Malalakas at walang patid. Matiyaga akong naghintay sa kanya sa waiting shed. Alam ko namang darating siya kahit bumabagyo pa.


“Arvie…” mahinang tawag buhat sa likuran. Napalingon ako. Si JM!


“Akala ko hindi ka darating ngayon eh…”. Ewan ko ba, ng mga sandaling iyon gusto ko siyang yakapin.

“Lagi naman akong nandito Arvie, halika na samahan mo akong mamasyal…” anito ng may lungkot sa tinig ngunit ang mga kilos niya ay tila may sigla.


“Ngayon? May bagyo eh. Ano ka ba!”. Marahan niya akong hinawakan sa braso at masuyong hinatak sa ulanan.

“Ay! JM ano ka ba!” inis na wika ko.

“Maligo tayo sa ulan Arvie…kahit ngayon lang, please?” nagmamakaawa ang mga mata niya ng mga sandaling iyon at ako’y napahinuhod niya kahit alam kong kabaliwan iyon.


Naglakad kami sa mahabang pasilyo sa parke sa gitna ng malakas na ulan, Nakita ko si JM na patakbong tinungo ang isang rosas na mayabang na naroon pa rin sa kanyang tangkay sa gitna ng bagyo. Pinitas niya iyon at inabot sa akin.


“Para saan?” wika ko habang kumukurap kurap. Ang tubig-ulan ay bahagyang sumasaboy sa aking mukha.

“Arvie…mahal kita”. Tipid niyang wika sa akin. Salitang matagal kong hinintay. Ang aking luha’y umagos at humalo sa tubig ulan.

“Mahal din kita JM” masuyo niya akong kinabig at niyakap. Ang lamig na dulot ng ulan ay napawi ng aking maramdaman ang mainit niyang yakap. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ko ang aking sarili sa gitna ng ulan kayakap ang lalaking aking iniibig. Parang isang mahabang gabi…

“Arvie…anak?” anang tinig. Si Inay?

Nagmulat ako ng mga mata. Si Inay nga. Umiiyak.

“S-Si JM po?” una kong itinanong. Bakit ba narito si Inay? At bakit ba nasa malamig akong silid?

“Anak…ano bang ginagawa mo sa ulanan? Nakita ka ng mga pulis nakahandusay doon… Diyos ko!”

Wala akong maalala. Ano bang nangyari sa akin? Sa amin ni JM?


Inagaw ng radyo ang atensiyon ko…

"Isang bangaan ang naganap kahapon ng umaga sa kahabaan ng Roxas Ave sanhi ng malakas na buhos ng ulan…tatlo ang nasawi kabilang ang pasahero ng taksi na si JM Tolentino , edad 23….hindi na ito umabot ng buhay sa ospital pagkaraang mapailalim sa trak ang taksing sinasakyan."


Bumuhos ang mga luha ko…ang isang tag-ulan ng buhay ko siya nakilala at isang tag-ulan din siya binawi sa akin. Ngunit ang mga huling natandaan ko ay ang mainit niyang yakap at ang matatamis na bulong ng pagibig na kaytagal kong hinintay.



-Wakas-

Tuesday, June 26, 2012

Kulimlim

Links to this post No comments :



Nakita kita sa isang sulok habang nag-iisip ng malalim at napapabuntong hininga. Nilapitan kita. "Okay ka lang?" tanong ko na sa pag-aalala kung ano ang gumugulo sa isipan mo. Tiningnan mo lang ako ng blangko ang ekspresyon ng iyong mukha. Di ko makuha ang ibig mong sabihin. Hinayaan na lang kita. Hindi lang mo alam pero hindi lang ikaw ang nahihirapan sa sitwasyon ngayon. Alam kong mahirap at masakit ang dinadala mo pero doble nito ang katumbas habang nakikita kitang nagkakaganyan at wala akong magawa.


Alam kong meron. Alam kong may ibig sabihin. Alam ko sa bawat kilos mo ay may dinadala ka. Pero wala ako sa posisyon upang alamin iyon. "Sino nga ba ako sayo?" tanong ko sa sarili. Alam mong may gusto ako sa'yo ngunit binabalewala mo lang. Hindi ko mahagilap ang mga kasagutan habang ikaw ay hindi umiimik at walang pakialam. Masakit man, hinayaan ko na lang. Sino nga ba ako?


Umupo ka sa tabi ko. Walang imikan ang naganap. Kinakapa ang isa't isa. Humuhugot ng kataga mula sa malalim mong paghinga. "It's not you. It's me. Sorry." sabi mo sa akin na hindi tumitingin sa aking mga mata. Nakayuko at bumuntong hininga.


Masakit marinig na hindi pwede. Na may iba. Pero wala namang naging "tayo" para magkaganito ako. Pinilit ko ang sariling kumalma. "Okay lang yun ano ka ba."sabi ko sa'yo ng may ngiti ngunit malungkot ang mga mata. Tiningnan mo lang ako na para bang nagsasabing "Sana nga okay ka lang, basta nandito lang ako lagi para sa iyo."


Bumalik na ako sa aking upuan at nagbukas ulit ng bote ng beer. Tinagayan ko ang aking sarili. Hinintay ko munang mawala ang bula ng beer sa baso bago ko ito inumin. Gumuguhit sa aking lalamunan ang pait na lasa ng alak ngunit hindi nito natumbasan ang pait na dinadala ng aking puso. Huminga ulit ako ng malalim pagkatapos kong inumin ang nasa baso at sinalinan ulit ito ng alak. Tinungga ko na agad ito at hindi na hinintay ang pagkawala ng bula sa baso. Nag-iinit na ang katawan ko. Tinatamaan na ako.


Nakita kitang pumili ng numero sa song book at nagsimulang kumanta. Napatitig ako sa 'yo, ganon din ikaw. Bigla mong nilihis ang iyong mga mata at tinutok ito sa screen ng iyong kinakanta. Nagpatuloy ka sa pag-awit nang napakaganda. Hindi ko alam kung para sa akin ang kantang iyon o sadyang natamaan lang talaga ako sa bawat liriko noon.


Natapos ka nang kumanta ngunit hindi pa rin natapos ang pait na dulot ng disisyon na ginawa mo kanina. Pilit kong sinasabi sa sarili na okay lang ang lahat ngunit mahirap. Mahirap magtago ng tunay na nararamdaman. Mahirap magpaalipin sa pag-ibig na walang kasiguraduhan.


"Life must go on." pilit na isinisiksik ko sa aking isipan. Lahat ng iyan ay pagsubok lamang sa isang nagmamahalan o mas tamang sabihing nagmamahal ng walang kasiguraduhan.


Inubos ko na ang natira pang alak. Nagpakalasing. Umaasang sa pagkalasing ko'y malimutan ang nararamdaman. Umaasang mabawasan ang kulimlim sa aking kalooban.




-Wakas-