Friday, April 13, 2012

Dream On Chapter 8







Ako si Ramil...

Eto naman ang magkapatid na Renz at Rolly..













Nagpatuloy ako sa paglalakad at paghahakot sa mga gamit ko. Hindi maiwasang magsalubong ang landas namin nina Levie at Rolly pero hindi ko na lang sila pinapansin. Siguro dahil na rin iyon sa hiya at sa nararamdaman ko para kay Rolly at sa ipinapakitang atensyon para sa akin ni Levie.




Natapos na kami sa paghahakot ng mga gamit. Nagpresenta naman si Levie na tulungan ako sa pag-aayos at pagliligpit ng mga gamit sa bago kong kwarto. Habang nagliligpit kami at madami siyang itinanong sa akin na sinasagutan ko lang ng isang maikling sagot kung hindi naman ay tango lang ang itinutugon ko dito. 




Natigil lamang siya sa kanyang pag-iinterrogate sa akin noong tawagin kami ni Renz upang maghapunan. Tinigil na naming ang aming ginagawa at bumaba na upang makakain. Konti na lang din naman ang lilinisin kaya kaya ko na iyon mamaya. 




Umupo na ako sa hapag katabi ni Renz. Si Levie at si Rolly naman ay kaharap naming habang si lola Alissa ay nasa isang tabi ng hapagkainan. Tahimik ang lahat habang inuumpisahang kumain. 




Ang awkward ng feeling. Kaharap ko si Rolly na unang nagpatibok ng puso ko; na kahit alam kong hindi magiging kami ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa pero sa kabila ng pagtingin ko sa kana hindi ko man lang maipadama sa kanya iyon dahil natatakot ako. Si Levie naman ang taong nagpapakaba sa akin sa kanyang mga kilos at tingin. Ewan ko kung bakit at ewan ko din kung ano na lang ang dahilan niya kung bakit ganun siya umasta sa akin; na felling close na close na at matagal nang kakilala. Si Renz naman na nasa kaliwa ko lang ay paminsan minsang sinasadyang sagiin ang aking kaliwang braso habang sumusubo. Mga kilos niya na alam mong nagpapapansin para lang makuha ang iyong atensyon. Nagkibit balikat na lang ako sa kanyang ginawa. Si Lola Alissa din ay tahimik lang habang kumakain. Naiilang tuloy ako sa aming sitwasyon. Oo nga’t welcome ako sa kanilang tahanan ngunit parang may kulang. “baka di lang ako sanay” sa isip ko lang. Nagpatuloy na lang akong kumain.




Tahimik.




“Ma,pwede dito po ulit makikitulog si Levie? ” Pagbasag ni Rolly sa katahimikan.




“Oh. Ano na naman nangyari dyan sa girlfriend mo?” balik na tanong nito kay Rolly. Halos mabilaukan naman ako noong sabihin ni Lola Alissa na girlfriend nito si Levie. 




“Nag-away na naman daw po kasi sila ng dad niya eh.” Sagot naman sa matanda.




“Ahh ganun ba? Sige dun mo na lang si Levie patulugin sa Guest Room.”




Tumayo si Levie at magiliw na hinalikan ang matanda at nagpasalamat dito. Bumalik na siya sa pagkakaupo sa tabi ni Rolly. 




Hindi ko maiwasang tingnan silang dalwa habang sweet na sweet at kung minsan pa ay nagsusubuan ng pagkain. Para namang pinipiga ang puso ko habang tinitingnan silang masaya at naghaharutan paminsan minsan. 




Parang sobrang bagal umikot ng orasan sa mga panahong iyon. Parang sinasadya talaga ng panahong inggitin at pasakitan ako ng lubusan sa mga nakikita ko. Na minsang pinangarap kong ako ang nasa posisyon ngayon ni Levie. Na ako ang susubo ng pagkain at magpapasweet kay Rolly. Pero hindi. 




Ngayon, hindi lang pag-aalinlangan ang nadarama ko sa harap ng hapagkainan kundi kirot dito sa puso ko. Kahit hindi man naging kami. Masakit pa ring isiping mayroon siyang ibang mahal. Kahit mangiyak ngiyak na ako sa narinig ay pilit ko pa rin itong kinubli sa aking mga ngiti. May selos akong naramdaman kahit alam ko kahit noong una pa lang ay hindi talaga magiging kami. 




Binilisan ko na ang pag-kain at nagpaalam na ako na mauuna na sa aking kwarto dahil kailangan ko pang tapusin ang pagliligpit ng kwarto ko at gusto ko na ring magpahinga dahil sa pagod. Pero sa totoo lang ay ayaw kong makita nila ang kanina pang nagbabadyang pumatak na mga luha. Luhang naghihinagpis sa mga nalaman. 




Dali-dali kong tinungo ang aking silid. Doon na tuluyang pumatak ang mga luha ko. Hinayaan ko na lang itong pumatak. Hindi ko siya masisisi at wala din naman akong karapatang hadlangan si Rolly sa gusto niya. Doon siya maligaya. Huminto ako sa pag-iyak. "Sinabi sa sarili na ihihinto ko na din itong nararamdaman ko para sa kanya at maging masaya na lang sa takbo ng buhay ko ngayon. 




Nakatulog na ako nang hindi natatapos ligpitin ang mga gamit sa aking kwarto. Naalimpungatan na lang ako na umaga na. Maga ang aking mga mata nung tiningnan ko ito sa salamin habang naghihilamos. 




“Haist! Napakahiwaga talaga ng buhay. I've been wishing for that person to be mine. But today, Im gonna wish for something else, it is the maturity to realize if that person wouldn't be mine, Im still fine or even better.”singhal ko sa sarili. 




Niligpit ko muna ang naiwan kong mga liligpitin at aayusing mga gamit na di ko nagawa kagabi. Nilibang ang sarili sa kung anu-anong bagay dahil ayaw kong lumabas ng kwarto. 




Kinuha ko ang ipod na binili ni Lola Alissa para sa akin, nilagay sa aking tenga ang headset at ipinilay ito. Ewan ko ba kung bakit iyon pa ang unang tumugtog sa ipod na iyon. May laman na kasi itong mga kanta noong ibinigay sa akin.



---

Today My Life Begins by Bruno Mars




I've been working hard so long
seems like pain has been my only friend
my fragile heart's been done so wrong
I wondered if I'd ever heal again

Ohh just like all the seasons never stay the same 
All around me I can feel a change (Ohh) 

I will break these chains that bind me, happiness will find me 
leave the past behind me, today my life begins, 
a whole new world is waiting It's mine for the taking, 
I know I can make it, today my life begins 

Yesterday has come and gone 
and I've learned how to leave it where it is 
and I see that I was wrong 
for ever doubting I could win 

Ohh just like all the seasons never stay the same 
All around me I can feel a change (ohh)

I will break these chains that bind me, happiness will find me, 
leave the past behind me, today my life begins 
a whole new world is waiting it's mine for the taking 
I know I can make it, today my life begins 

life's too short to have regrets 
so I'm learning now to leave it in the past and try to forget 
only have one life to live 
so you better make the best of it 

I will break these chains that bind me, happiness will find me 
leave the past behind me, today my life begins, 
a whole new world is waiting it's mine for the taking 
I know I can make it, today my life begins 

I will break these chains that bind me, happiness will find me,
leave the past behind me, today my life begins, 
a whole new world is waiting it's mine for the taking
I know I can make it, today my life begins, 
today my life begins... 

----



Tugmang tugma sa buhay ko bawat liriko ng kanta. Lahat ng sakit na pinagdaanan ko sa buhay. Lahat ng pagsusumikap ko. At lahat ng aking paghihirap ay tulad lamang ng panahon, hindi nananatili, nagbabago at walang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari sa bukas na sa atin ay nakalaan. Sabi nga sa kanta, “Life's too short to have regrets so I'm learning now to leave it in the past and try to forget only have one life to live so you better make the best of it.”




Di ko napansin na sinasabayan ko na pala ang kanta habang nagtatatalon sa aking kama. Todo kanta ako at noong napadako ako sa may pintuan ay nakita ko doon si Renz na nakatayo at nakangisi. Bigla akong napahinto sa pagtalon at pagkanta.




“Kanina ka pa ba dyan?” tanong ko dito habang hinahabol pa ang aking hininga dahil napagod din ako sa aking pagtatatalon habang kumakanta.




“Hindi naman masyado”sagot niya.




“Ganda pala ng boses mo. Parang himig lang kapag umuulan”




“Ha? Himig kapag umuulan?”




“Oo. Parang palaka. Hahaha”pang-asar niya sabay hagalpak ng tawa. Hindi naman talaga kagandahan ang boses ko. Pero sino ba naman ang matutuwa kung sabihan ka ng ganun kaya binato ko siya ng unan. Sinalo lang niya iyon.




Tawa pa rin siya ng tawa. Ngumiti. Natahimik.




“Ganito ang pagkanta ha.” Sabi niya habang inumpisahang kumanta.


 

Oh...... yeah

Di ko kayang mag isa
Dahil kailanman ay laging ikaw
Ang siyang iibigin ko sa tuwina
Di mo man sabihin ang nasa damdamin 
Ay nadaramang lumalayo ka na ngayon sa akin
Chorus
Kung mahal mo siya ay pipilitin kong
Di mo makita na di ko kaya
Kung mahal mo siya di mo maririnig sa akin
Ang mga hikbi dahil mahal kita

Kung di mo makita sa kanya ang nais
Ay narito ako naghihintay pa rin lagi ang puso
Di ka pipilitin na muling ibigin tatandaan mo lang
Na ganun pa rin ikaw sa akin

Chorus

Refrain
Ganyan ang pag ibig na alay ko
Hinding hindi magbabago
Magunay at maglaho man itong mundo
Ikaw ang pag ibig ko



Napakaganda ng kanyang boses. Napanganga ako ng literal habang tinitingnan ko siyang kumanta. 




Hindi ko alam pero damang dama ko ang kanta niya. Damang dama ko ang bawat liriko ng kanta dahil talaga namang napakaganda ng boses nito. Dagdagan pa ng feel na feel niya ang pagkanta.




Nakita ko na lang siya na pumatak ang luha bago matapos ang kanta. Alam kong para sa akin ang kantang iyon dahil palagi niyang sinasabing mahal niya ako ngunit di ko naman ito masuklian dahil iba pa rin ang tinitibok ng aking puso. Dama ko ang sakit habang binibigkas niya ang bawat liriko nito, tumatagos ito sa aking puso. Sakit na nakikita ko para sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasang maawa sa kanya pati sa sarili. Sa kalagayan naming ngayon. Mahal niya ako ngunit iba ang mahal ko at ako, mahal ko si Rolly pero may mahal naman siyang iba.




Duon na pumatak nang sunod-sunod ang aking mga luha pero bigla ko din naman itong pinunasan noong nakatingin na sa akin si Renz. Nguniti lang ako sa kanya at sinabing okay lang ako.




“Okay ka nga lang ba talaga?”tanong niya sa akin.




Tumango lang ako dito. Lumapit siya sa akin at umupo sa aking tabi sa gilid ng kama. Sa kanyang pagkakalapit sa akin ay bigla na namang pumatak ang luha ko. Hindi ko ito mapigilan.




“Okay lang yan. Iiyak mo lang yan. Hindi masama ang umiyak.” Sabi niya sa akin at ako naman ay napahagulhol na. niyakap ko siya.




“Matuto kang sumuko kung hindi mo na kaya; kung nasasaktan ka na. Sabi nga nila diba? Na lahat ng mabigat kapag binitawan gumagaan? Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sa iyo ngayon. Isipin mo ang ngayon. Hindi ka talaga magiging masaya kung hindi mo tutulungan ang sarili mo. Natural lang na makaramdam ng lungkot paminsan minsan ngunit hindi ang pagiging miserable.”natamaan ako sa kanyang mga sinabi. Hindi ko alam na ganun pala siya mag-isip ganung napakakwela nito kung titingnan. 




“Miserable na nga ba akong tingnan?” sa isip ko lang. 




Kung tutuusin ay dapat masayang Masaya ako ngayon dahil mayaman na ako at may bagong pamilyang maituturing pero talagang may nadarama pa rin akong kulang.




Pinunasan ko na lang ang aking mga luha at ngumiti.




“Game!” singhal ko. 




“Anong game?”taking tanong sa akin ni Renz.




“Game. Game na magiging Masaya ako mula sa araw na ito. Wala naman dapat akong ikalungkot diba? Game na akong turuan ang sarili kong kalimutan ang kuya mo.”sabi ko ditto at ngumiti.




“Ahh. Sure ka na ba dyan?”tanong sa akin nito.




“Oo naman. Sure na sure na.”




“Okay. Tara na nga! May pupuntahan pa daw tayo.”









Itutuloy….

1 comment :

Hope to hear from you! Thank you! ^_^