Tuesday, March 31, 2015

Red Rose Chapter 01


Pauna:

Kamusta na kayo? Ano na balita sa mga buhay-buhay natin?

Medyo matagal din ang three years kong pananahimik. Hindi ko rin tinapos bigla ang kwentong "Regrets". Nainis lang kasi ako sa mga kumukopya ng story ng walang pakundangan. Anyways, kung gusto niyo isama sa collections niyo kwento ko, available sila sa Wattpad. Doon ko rin ilalagay ang mga bago kong post sabay dito mula ngayon.

Illyrius ang ID ko sa Wattpad baka gusto niyo po ako i-follow. Baka mailagay ko na rin doon yung mga natapos ko na kwento. Andun na yung Musmos at Salamin.

Maraming salamat sa mga kasama natin sa Michael's Shades of Blue at K-FED.

Speaking of Michael's Shades of Blue, may book 2 na namabibili sa National Bookstore tulad ng Santuaryo: Tatlong Kwento ng Pag-Ibig, Idol Ko Si Sir, at ang all time favorite kong Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan.

Coming soon na rin ang bagong book na ilalabas ng Michael's Shades of Blue ay yung Rainbow Catch 22. Paabangan na lang. Kung gusto niyo malaman kung saang o kelan magkakaroon ng copy ng mga books na sinabi ko na, message niyo lang ako para bigay ko sa inyo yung contact details ni Marlon Miguel Alvez.

Kay Young Dela Cruz, thank you sa pagkumbinsi mo sa akin na magfocus sa slice of life na theme.

Kay Sacrum Mabanua, kuya Don Buenavente, at idol kuya Mike Juha, salamat po sa morale support. Minsan lang na naging malaking bagay para balikan kong muli ang pagsusulat.

Sa kwentong ito ni Josias, susubukan kong ipakita sa inyo naman ang loving unconditionally, loving only to repay someone's unconditional love, and being stuck in the middle of both.

Am back, there's no stopping me aside from work. As usual, I'll wait for your comments before I post the next chapter. Let's make another readable story. Kaya, pa-share na po sa kanila.  ^_^

Salamat!


Red Rose
Chapter One: The End That Started It All

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Umaga. Sa isang malaking pribadong ospital sa Maynila, isang malusog, mestisa, at may kaliitang ginang ang nagmamadaling nagtungo sa nurses station. Nakasuot lang siya ng puting t-shirt, maong na shorts, at tsinelas ngunit dahil sa ganda niya kahit na nakararaos lang sa buhay ay mapagkakamalan mo siyang mayaman.

"Sir, dito po ba nakaconfine ang anak ko?!", ang nanginginig sa kaba niyang sambit sa nurse. Ang labi niya'y namumutla sa pag-aalala. Di niya pansin ang dalawang nauna na sa kanya sa kanyang kausap na lalaking staff ng ospital na nakasuot ng scrub suit na asul. Moreno at tipikal ang itsurang pinoy ngunit dahil sa kanyang asta ay mukha itong masungit. Tinignan nito si Conshita saglit at bumalik sa kausap matapos umirap. Marahil pagod na sa shift o wala lang sa mood. Wala naman ito kay Conshita.

Nerbyos at matinding pagkataranta ang bumabalot kay Conshita Nichole Mastura Felongco tatlong oras mula nang matanggap niya ang tawag na naaksidente ang anak niya at naroon sa naturang ospital. Nagpahatid pa siya sa kapitbahay na may sasakyan upang makapunta lamang agad sa naturang ospital.

Nang umalis ang nauna kay Conshita, agad na kinuha ng mukhang masungit na nurse ang folder na nakapatong sa mesa sa kanyang kanan.

"Ano po buong pangalan ng pasyente?", tanong nito matapos buksan ang folder.

"Josias Alessandro Mastura Felongco.", samid na pagkasabi ng nag-aalalang si Conshita.

Tinignan ng nurse ang mga pangalang nakasulat sa kanyang hawak habang iniisa-isa ng kanyang hintuturo ang mga nakalista.

"Sino po sila? Kaano-ano po sila ng pasyente?", ang tinatamad na tanong ng nurse pagkatapos nitong makita ang pangalan. Kinuha niya ang log book sa isang tabi at binuksan kung saan nakaipit ang ballpen.

"Conshita Felongco. Mother niya ko."

"Pasulat na lang po ang pangalan, relation sa patient, at pirma dito.", ang may sungit na pakiusap ng nurse habang nakaturo ito sa isang blankong linya.

Habang nanginginig sa pagsusulat si Conshita ay tinawagan ng nurse ang duktor na may hawak kay Josias.

"Ano nangyari sa anak ko? Ano ang lagay niya?", ang agad na tanong ni Conshita nang matapos itong magsulat habang kausap ng nurse ang duktor sa kabilang linya.

"Pahintay na lang po kay doc. Upo na lang po muna kayo roon.", sabay turo nito sa tatlong magkakatabing upuan sa isang tabi.

Habang inip na naghihintay si Conshita, kung anu-ano ang mga katanungang umiikot sa kanyang isipan. Halos di niya mapigilan ang kanyang sariling maluha habang nakatitig sa sahig.

Hindi nagtagal, may lumapit ang isang matangkad, mestisuhin, at katamtaman ang pangangatawan na may edad na lalaki. Naka t-shirt lang siya na asul, maong na shorts, at alpombra

"Ano balita kay Jo?", ang tanong nito sa kanya.

"Pacorro.", agad na tumayo si Conshita at niyakap ang kanyang asawa. Agad naman itong sinuklian ni Pacorro.

Habang nasa ganoong eksena ang mag-asawa, ang nurse na kausap ni Conshita kanina ay nanonood na lang sa kanila.

"Ang drama naman. Na-touch ako. Pahingi ng tissue.", ang sarcastic na sabi ng nurse sa kanyang sarili habang nakaupo at nag-eensayo ng kanyang pirma sa isang scratch paper.

"Nasaan na yung mother ng pasyente ko?", ang tanong ng panot, mukhang chinese, at may edad na duktor na nasa likuran na pala ng nurse. Agad na napatayo ang nurse.

"Ayun po siya doc.", ang sagot niya sabay turo sa mag-asawang uupo na sana. Kinuha nito ang file ng pasyente at inabot sa duktor bago sila lumapit sa mga magulang ni Josias.

"Misis Felongco?"

Napatingin ang mag-asawa sa duktor.

"Ako po. Ano po balita sa anak ko?", napahawak ng mahigpit si Conshita sa kamay ng kanyang asawa sa pag-asang di masama ang kinahinatnan ng kanilang anak.

"Misis. I'll try to keep it subtle with the details but the good thing is mabubuhay ang anak niyo pero...", sabay bukas nito ng folder na naglalaman ng file ni Josias.

Nanikip ang dibdib ng mag-asawa sa mga susunod na sasabihin ng duktor. Di na mapigilan ni Conshita na umiyak sa mga sandaling iyon. Her husband tried to give her comfort despite the situation by gently rubbing her shoulder as his arms tried to hug her to his side.

"He lost a lot of blood at kinailangan ng blood transfusion. His left leg and right shoulder are fractured and he suffered from a severe head trauma. Unfortunately, he is under a coma now and we don't know when or if he will wake up.", ang mahinahong sinabi ng duktor.

"Hindi!", ang malakas na nasabi ni Conshita. Halos mapaupo siya sa kanyang kinatatayuan nang manlambot ang kanyang mga tuhod sa kanyang narinig. Napataas naman ang kilay ng nurse sa nangyayari kay Conshita. Napatingin ito kay Pacorro na nakatitig pala sa kanya. Napahiya siya ng kaunti't yumuko na lang.

"Doc, ano po ibig niyo sabihin?", sabi ng di makapaniwalang si Pacorro.

"Hindi man grabe, pero sa tinamo ni Josias sa ulo baka di na siya gumising.", ang pag-amin naman ng duktor.

"Ipagpatuloy na lang po natin ang ating pag-uusap sa taas.", dagdag ng duktor at sinamahan silang tumungo sa silid kung saan nakaconfine si Josias.

Sa second floor ng ospital, habang naglalakad sila sa corridor ay tanaw na ang pintuan ng silid na may upuan. Doon, nakaupong natutulog ang isang binatang mestiso at may itsura. Para siyang anghel sa mga sandali na siya'y umiidlip ng nakasandal sa upuan. Nakasuot siya ng gray na muscle shirt na may malaking mantsa sa bandang dibdib ng pinaghalong putik at dugo. Hubog ang athletic niyang torso. Ang maong niyang pencil cut na kulay itim ay may mga batik din ng putik mula sa tuhod hanggang sa sneakers niyang pula.

Di niya alintana ang ingay ng floor cleaner na gamit ng janitor na naglilinis malapit sa kanya.

Lihim na kinilig ang nurse na kasama nila. Pilit nitong pinigilan ang kanyang ngiti habang nakapako ang mga mata nito sa binata.

Naunang pumasok ng silid ni Josias ang duktor nang matunton nila ang silid. Maliban sa nurse, di nila napansin ang binatang natutulog sa harap ng silid. Nagpahuli ang nurse na kasama nila sa labas. Sinundan niya ng titig ang binata hanggang sa siya ay makapasok upang di siya mapansin ng duktor at ng mga magulang ni Josias ngunit bago pa siya tuluyang makapasok sa silid ay napansin niyang nagtatakang nakatingin na sa kanya ang matandang janitor.

Agad na bumungad sa mag-asawa ang kaawa-awang lagay ng kanilang nag-iisang anak na naka shorts lang na puti. Nakabenda ang ulo ni Josias. Maga ang kanyang mga mata. May kaunting dugong makikita sa kanyang benda. Nakakabit sa kanya ang ventilator. May benda ang kanyang dibdib marahil dahil sa cast na nilagay dahil sa bali niya sa kanyang balikat. May mga galos at ilang sugat sa braso at pisngi. Ilan lang sa mga may lalim at laki ang may adhesive bandage. Ang kaliwang paa niya'y naka-cast at nakaangat sa kama.

Nagmadaling tinabihan ni Conshita ang anak at hinawakan ang nakasuwerong kaliwang kamay nito. Hagulgol niyang kinausap ang kanyang anak. Limang taon na rin ang nakalilipas nang huli silang magkita. Wala siyang balita rito mula nang mamuhay to mag-isa at manirahan sa kamaynilaan.

"Ano nangyari sa iyo anak ko?! Gumising ka Jo!", ang paulit-ulit niyang sinabi. Gusto man niyang yugyugin ang anak ngunit naisip pa niyang di makakatulong kung gagawin niya. Di lang niya matanggap sa kanyang sarili, sa kanyang harapan, na ang anak niya ngayon ay gulay na. Gusto man niya ito yakapin, hindi niya magawa.

Sa mga sandaling ngumangawa si Conshita ay nagising ang binatang natutulog sa labas. Inayos niya ang kanyang buhok bago tumayo't naglakad.

Napailing sa pagkapikon ang janitor nang makita niyang bumangon at lumakad papasok ang binata sa silid at nag-iwan ng namuong lupa sa kanyang nilakaran.

"Doc, nabanggit mo na kinailangan ng blood transfusion. Type "O-" si Jo, san po kayo nakakuha?", tanong ni Pacorro nang luminaw ang kanyang pag-iisip nang makita na nasa mabuting kalagayan pa rin kahit paano ang kanyang anak.

"Hi!", ang nahihiyang bati ng binata sa mga tao sa loob ng silid mula sa pintuan upang makuha ang kanilang pansin. Naunang lumingon sa kanya ang nurse at agad siyang nginitian. Pilit naman siyang nginitian din ng binata.

"Pasok.", ang paanyaya ng duktor nang mapansin ang binata bago masagot si Pacorro sa tanong niya. Tumigil si Conshita nang marinig ang duktor at napatingin sa pintuan.

"Siya nga pala ang nakakita at nagligtas sa anak niyo. Siya rin ang donor ng dugo na kinailangan namin para sa blood transfusion", dagdag ng duktor habang papalapit ang binata sa kanila.

"Porter Maximus QuiƱones, po.", ang nahihiyang pakilala niya. Kumakamot siya sa kanyang batok habang kinakamayan si Pacorro. Tumayo si Conshita't inayos ang kanyang sarili bago siya kamayan ng binata. Ang nurse naman, umaasang kakamayan siya dahil ngayon lang sila nagkita kaya lang, nang matapos kamayan ni Porter si Conshita'y agad silang nagkausap.

"Maraming salamat ha? Kaibigan ka ni Jo?", sabi ni Conshita habang bumubunot ng panyo sa kanyang bulsa upang punasan ang kanyang mukha. Bakas na ngayon sa kanyang mukha ang pagkalito sa nangyari sa kanyang anak na tila naghahanap ng tamang kasagutan.

"H-hindi ho. Hindi po kami magkakilala."

"Ano nangyari? Paano mo nakita si Jo?"

Binalikan ni Porter ang nangyari kagabi sa kanyang gunita habang kinukuwento kay Conshita ang lahat.

Halos madaling araw na, naglalakad si Porter galing sa paghahanap ng trabaho sa kalsadang katabi lang ng isa sa malaking ilog sa kamaynilaan. Bagama't daanan iyon ng maraming sasakyan at naliliwanagan lang ng mga ilaw na mula sa mga malalaki at magkakatabing billboard, may mga bahagi pa rin ang kalsada na madilim lalo na ang mismong tabi ng ilog.

Naiihi na si Porter sa mga sandaling iyon, hindi na niya matiis na makarating sa kanyang inuupahan dahil sa isang sakay pa ng tricycle ang kailangan niyang tahakin at mabagal pa rin sa mga oras na iyon ang daloy ng mga sasakyan.

Maingat siyang lumihis sa gilid ng konkretong kalsada pababa sa maputik na gilid ng ilog, sa bandang ilalim ng tulay na ginawang paradahan ng malalaking trak.

Habang umiihi si Porter ay inasinta niya ang tila bilugang bagay na nakausli sa ibabaw ng tubig. Hindi niya gaanong makita kung ano ito dahil sa natatakpan niya ang kaunting liwanag sa kanyang likuran.

Malapit na siyang matapos nang mapansin niya ang naalis na putik ay mga daliri. Akala niya'y namamalik mata lang siya't pinaglalaruan ng kanyang imahinasyon.

Agad niyang inayos ang kanyang sarili upang tignan maigi ang kanyang pinagtripang target. Doon bumungad sa kanya ang mukha na nasa tabi ng kamay na inihian niya kanina. Isa pala itong lalaking nakasuot ng itim na t-shirt at maong. Walang sapatos.

Di alintana ang masangsang na amoy ng ilog na kumapit kay Josias, dali-dali niyang itinihaya at hinila ito paahon mula sa magkabila nitong kili-kili. Nilapit niya ang kanyang tenga sa bibig ni Josias. Hindi ito humihinga. Kinapa niya ang leeg ni Josias. May pulso pa siya ngunit mahina.

Dahil sa dating volunteer si Porter sa isang community emergency response team sa probinsya nila, agad niyang ginamitan ng cardiopulmonary resuscitation si Josias. Makailang beses niyang pinaulit-ulit ang pagbuga ng hangin at pagdiin sa dibdib ni Josias bago ito sumuka ng tubig.

"Okay ka na? Ano pangalan mo?", ang paulit-ulit na tanong ni Porter dito upang matiyak ang sitwasyon ni Josias. Hindi ito sumagot ngunit dama ni Porter na humihinga na si Josias habang nakapatong pa rin ang kamay niya sa dibdib nito.

Nang maaninagan ng liwanag ang buong mukha ni Josias, doon napansin ni Porter na nagdudugo ang noo ni Josias. Hinubad niya ang kanyang suot na shirt at marahang idiniin ito sa noo ni Josias. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin. Kinuha niya ang kanyang telepono at tumawag sa emergency hotline.

Habang hinihintay ang ambulasya. Pinagmasdan ni Porter si Josias, matinding awa ang naramdaman niya para dito at pag-aalala. Natakot siya na baka magyari sa kanya ang bagay na nangyari kay Josias. Magulong magulo ang mga lungsod sa panahon ngayon.

Matapos marinig ni Conshita ang kwento ni Porter ay hindi pa rin siya satisfied. Lalong gumulo ang isipan niya sa nangyari sa kanyang anak.

"Ano ginagawa ni Jo sa gilid ng ilog na iyon? Napagtripan ba anak ko? naholdap? Nagsuicide?", tanong niya sa kanyang sarili. Ang huli niyang tanong sa kanyang sarili sa nangyari sa anak ay alam niyang pwedeng mangyari dahil sa matalino man ang anak niya, lubos naman itong maramdamin at madalas nagkikimkim.

"Paano niyo pala nalaman na kami ang dapat tawagan?", tanong ni Conshita sa duktor at kay Porter.

"Ako po ang tumawag. Nasa SSS ID po niya na nasa wallet.", ang sagot ni Porter. Kinuha niya ang wallet ni Josias na nasa likurang bulsa ng maong niya at iniabot ito kay Conshita. Agad tinignan ni Conshita ang wallet, may laman pa itong isang libo at ilang dadaanin bukod sa SSS ID ni Josias. Walang iba pa.

"May pera? Hindi naholdap anak ko.", ang nasabi ni Conshita sa lahat nang makita niya ang laman ng wallet ni Josias.

"Hindi naman sa gusto kong mambintang, napakalaki ng kabutihang nagawa mo para sa anak ko pero... ito lang ang natagpuan sa kanya?", ang pag-uusisa ni Conshita.

"It's really nice to meet you po pero kailangan ko na po umalis...", ang paunang ni Porter bago pa magtuloy ang usapan batid na aalis na siya.

"Saan ka?", agad na tanong naman ni Pacorro nang mabasa niya ang galaw ni Porter. Hindi pa nila napapasalamatan maigi ang binata.

"Uuwi na po sana. Medyo pagod na rin po kasi ako."

"Baka may pwede kaming gawin para makabawi sa kabutihang nagawa mo para sa amin?", pilit ni Pacorro.

"Huwag na po. Naniniwala po ako na ang kabutihang loob na ibinibigay ay dapat walang kapalit."

Sa mga sandaling iyon, pumasok sa silid ang kapitbahay nila Conshita na si Melvin Jacoby Ishida Montecillo. Anim na buwan ang tanda kay Josias at natatangi niyang pinagkakatiwalaan at kaibigan bagaman minsan lang magkita. Tantiyang mga five foot four ang tangkad niya ngunit may itsurang maipagmamalaki naman. Mestiso, may lahing hapon ang nanay niya't may dugong kastila naman ang tatay niya. Isa sa katangiang pansin sa kanya ng lahat ay ang maganda niyang singkiting mga mata't mapulang mauumbok na mga labi. Swabe pa kung magsalita.

"Tito... Tita...", bati ni Melvin. Naagaw niya ang pansin ng lahat lalo na ang nurse.

"This day keeps better and better.", buntong hininga ng nurse sa sarili.

"Nai-park ko na po sa likod ang kotse. Pasensiya na po at natagalan. Nahirapan po ako humanap ng bakante.", sabi ni Melvin. Napatingin siya sa lagay ni Josias.

"Ano po ang lagay niya?", tanong nito sa lahat. Sa mga sandaling iyon, tumunog ang phone ng duktor. Agad niya itong kinuha at tinignan.

"Mauna na po ako sa inyo. Kung may kailangan po kayo, pa-page na lang sa nurse station.", ang wika ng duktor.

"Salamat doc.", sabay na sabi ni Conshita at Pacorro. Kasabay ng duktor na umalis ang nurse na lalaki. Panakaw na tumingin kay Porter at Melvin ang nurse bago tuluyang lumabas ng pintuan.

"Sasabay na rin po ako sa kanila.", wika naman ni Porter.

"Saan ka ba nauwi?", agad na tanong ni Pacorro.

"Baka pwede mo ihatid si Porter?", ang tanong naman ni Pacorro kay Melvin. Ang mukha ni Melvin ay pigil na nagpahiwating ng kaunting reklamo.

"Kararating ko lang aalis na agad?", sabi ni Melvin sa kanyang sarili. Pagod sa layo ng minaneho niya kanina.

"Naku, huwag na po.", ang sabi naman ni Porter sa hiya nang makita ang mukha ni Melvin.

"Hindi ko naman matatanggap na umuwi ka ng ganyan ang itsura mo. Siguradong pagtitinginan ka ng tao.", katwiran ni Pacorro. Napatingin si Porter sa kanyang sarili saglit. Napasang-ayon siya sa sinabi ni Pacorro ngunit nahihiya pa rin siya.

"Kung ayaw mo magpahatid, hayaan mo na lang kami na palitan man lang namin ang suot mo.", singit ni Conshita.

"Diyan lang naman ang SM, ikukuha lang kita ng kapalit. Bukas naman na yun ng mga ganitong oras. Kung inaantok ka, humiga ka muna dun sa sofa.", dagdag ni Conshita sabay turo sa isang pula at mahabang sofa na walang sandalan sa dulo ng silid sa bandang paanan ng kama ni Josias.

"Kumain ka na ba?", ang tanong naman ni Pacorro. Nahihiyang ngumiti si Porter kay Pacorro at umiling.

"Melvin, samahan mo muna si Porter.", pakiusap ni Conshita.

"Bibili lang kami ng kailangan bilhin.", dagdag ni Pacorro kay Melvin.

"Ano gusto mo kainin, Porter?", tanong naman ni Pacorro.

"Kayo po bahala.", nahihiyang sagot ni Porter.

"Sa iyo Melvin?", tanong naman ni Pacorro kay Melvin.

"Kahit ano po, tito.", nakangiti naman nitong sagot.

Sabay na umalis ang mag-asawa. Umupo si Melvin sa monoblock na silya sa tabi ng kama ni Josias. Si Porter, sa pulang sofa naman umupo.

Mga ilang saglit ng katahimikan ang lumipas. Tila nakikiramdam ang bawat isa at nag-iisip kung ano ang una nilang pwedeng sabihin. Si Melvin, hindi hirap sa conversations kahit hindi niya kakilala. Natural na maboka at friendly kasi siya kaya lang ikaw yung tipong dapat maunang kumausap sa kanya kung hindi kayo magkakilala.

"Pinsan mo si Josias?", una ni Porter sabay ng pagsandal niya sa pader.

"H-hindi.", ang nakangiti namang sagot ni Melvin.

"Akala ko kasi magpinsan kayo. Tito at tita kasi tawag mo sa parents niya kanina.", ang sabi naman ni Porter. Bahagya siyang ngumiti.

"Friend ka din ni Jo?", ang sagot naman ni Melvin.

"Hindi. Hindi kami magkakilala. Technically, di niya ako kakilala.", ang sagot naman ni Porter habang sinusuri siya ng tingin ni Melvin.

"Nakita ko lang siya kagabi sa gilid ng ilog.", dagdag ni Porter.

"Ah... Niligtas mo pala si Jo. Nice.", ang sagot ni Melvin.

"Kaya pala...", ang sabi ni Melvin sa kanyang sarili puna sa dami ng mantsa sa damit ni Porter.

"Taga saan ka?", tanong ni Melvin.

"Tatlong bayan mula rito. Pa-north.", sagot naman ni Porter ng nakangiti.

"Buti na lang di siya nagpahatid.", sabi ni Melvin sa sarili.

"Ang bagal ng biyahe papunta doon dadaan pa ko ng Edsa. May pasok pa ko mamayang gabi.", dagdag niya sa sarili.

"Ilang taon ka na?", tanong ni Melvin kay Porter.

"Thirty two. Ikaw?", sagot ni Porter.

"Thirty one.", sagot naman ni Melvin.

"Di nga?"

"Oo nga. Thirty one na ko."

"Wala sa itsura mo, bro. Parang nasa early twenties ka lang.", ang di makapaniwalang sagot na naging compliment naman ni Porter kay Melvin. Napangiti si Melvin.

"Ah, bro. Idlip lang ako ha? Pasensiya na hindi ko na talaga kaya.", ang nahihiyang sabi ni Porter bago humiga. Tumango si Melvin at ngumiting muli kay Porter.

"Sige, punta lang ako sa CR saglit. Naiihi na ko kanina pa eh.", sabi naman ni Melvin. Agad siyang lumabas ng silid.

Mabilis na nakatulog si Porter. May mahinang paghilik ang maririnig mula sa kanyang paghinga.

Sa mga sandaling iyon, bumalik ang nurse na lalaki kanina. May dala itong clipboard. Mabagal siyang naglakad patungo sa tabi ng kama ni Josias. Ang kaninang maarte at masungit niyang asta ay napalitan ng pa-sweet at mukhang friendly ang dating. Napansin niyang si Porter na lang ang naroon at nakahiga ng patihaya sa sofa. Maingat niyang sinara ang pintuan ng silid pagkapasok sa loob.

"Kawawa naman si Josias, ano?", ang sabi ng nurse umaasang makapagsimula ng conversation at matiyak rin na tulog si Porter. Hindi siya nakarinig ng sagot. Narinig na lang niya ang mahinang paghilik ni Porter. Abot tengang bigla ang kanyang mga ngiti sa sandaling iyon.


itutuloy...

10 comments :

  1. welcome back sir! miss ko na magbasa ng kwento mo!

    ReplyDelete
  2. Another opus from one of my favorite and prolific authors hereabouts...

    ReplyDelete
  3. dinugo ako sa english mo hahaha salamat! sana pakilala naman po kayo.... ginagawa ko na pala yung chapter two baka before sunday matapos ko na...

    ReplyDelete
  4. Hi Kuya Jeff. Silent reader niyo po ako. Gusto ko po yung bago niyong tema pero pansin ko, parang hindi na kayo sanay magsulat. And, regarding to your past publication, bakit hindi niyo na lang po sila isalibro? I'm happy kasi nagbalik ka :D Hindi na naman ako malulungkot this time kasi may babasahin na naman and from now on, magko-comment na ako ^_^
    -J.C.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you JC! Ganun ba? Kinalawang na nga ako talaga sa ganito o siguro dahil sa hindi first person perspective ang ginawa ko. Kulang din sa "hugot" factor o marami lang siguro akong distractions habang nagsusulat. Try ko bumawi sa mga susunod na chapters. :)

      Delete
    2. Hoy kuya, huwag mong sabihin yan kasi nakakababa ng self-esteem yan sa pagsusulat, psychologically. Kasi, ayon sa kasabihan ng psychology, may sinasabi silang "We became what we think we are!"

      share lang, I love you kuya Jeff! *muah!*

      Delete
  5. Antagal nyo pong nawala :( welcome back po salamat
    #silentreader

    ReplyDelete

Hope to hear from you! Thank you! ^_^