Sunday, April 12, 2015

Red Rose Chapter 03

Pauna:

Sorry sa kaunting delay ulit nasira laptop ko. Eto na po ang kasunod na chapter ng Red Rose. Sana magustuhan niyo.

Sacrum at JM,

Thank you sa support at pangungulit sa Facebook.

JomarDisimban at Self-ish,

Nice to meet you and for reading my stories. Sorry unalis ko na sila sa Wattpad di ko na talaga sila ibabalik doon.

Hoping to read your comment soon guys!

Red Rose
Chapter Three: A Slice of Bread is Hotter Than A Cup of Coffee

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com

Matapos ihanda ni Josias ang kape ni Porter. Kumuha siya ng ground tea, nilagay sa filter at binabad ito saglit sa kape at iniwan. Pilit pinipigilan ni Josias ang sarili na magbigay ng maling impression kay Porter. His spirits are obviously boosted because of his presence but he tried hard to keep himself calm.

“Customer first, flirtations later. If and if proven you have a chance.”, ang paulit-ulit na sinabi ni Josias sa kanyang sarili.

“Boyfriend. Mayroon nga ba akong boyfriend o wala?”, munimuni ni Josias. Natulala siyang saglit.

“Kung meron naman siguro ako boyfriend dapat hinanap na niya ko. Kung may boyfriend ako, di kaya nakipaghiwalay siya sa akin ng di ko alam? O wala talaga akong boyfriend? O meron pero hindi lang ako nakita? Impossible. Baka single talaga ko?”, pagtatalo ni Josias sa kanyang sarili.  Bahagyang kumirot ang kanyang ulo. Nakita ni Porter ang pagbabago sa mukha ni Josias habang nakakulong siya sa sarili niyang mundo.

“Okay ka lang?”


“Ah...”, nang marinig ni Josias si Porter. Nakalimutan niya yung huling usapan nilang dalawa.

“...ang ganda naman ng name mo. Sino nga pala tita mo dito? Maliit lang na community ang Cherry Grove.”, kinuha ni Josias ang isang berdeng basahan at pinunasan ang basa sa lamesa gawa ng katangahan niya kanina.

"Evelyn Cayawan. Sa Calle Lavender.”, habang pinanonood ni Porter si Josias.

“Yung taga dulo?”, nahinto si Josias sa pagpunas saglit at nag-isip. Inalis niya ang rose tea sa kape ni Porter at nilagyan niya ng coffee thermometer. Kumuha siya ng isang pitsel ng malamig na tubig at dahan-dahang nilagyan ang kape. Kumuha siya ng isang kutsarang honey at nilagay din ito sa timpla.

"Yung payat na mestisa at matangkad?", paniniguro ni Josias. Tumango si Porter na natatawa.

“Yung super friendly na madaldal.”, sang-ayon ni Porter. Ngumisi na lang si Josias sang-ayon sa description niyang tumama.

"Suki namin si ate Evelyn. Dito nag-aalmusal yun tuwing umaga.", ang sabi ni Josias at inabot kay Porter ang tasa ng kape.

"Siya nagsabi sa akin na dito na ko kumain ng hapunan kanina. Di naman ako gutom.”, ang sabi ni Porter bago langhapin ang kape.

"Pwede mo na inumin yan. Di na gaano mainit.", sabi ni Josias habang pinanonood si Porter. Hinihintay niya ang magiging reaksyon ni Porter sa timpla niya. Porter carefully sipped a little from the cup. His eyes closed while savoring his drink. Napangiti si Josias nang bahagyang napangiti si Porter sa lasa ng kanyang timpla.

"Ano? Baguhang barista ba ko?", ang pagmamalaki ni Josias. Nanatiling nakangiti si Porter nang dahan-dahang imulat niya ang mga mata niyang nakatingin kay Josias.

"Ang sarap. Ang bago.", ang nasabi na lang ni Porter at uminom ulit ng kape. Bumalik si Josias sa banda ng espresso machine at iniligpit ang kanyang mga ginamit.

"Sigurado kang di ka gutom ha?", tanong ni Josias nang matapos siyang magligpit. Tumango lang si Porter. Kinuha ni Josias ang berdeng basahan at nagpunas muli ng counter.

"Ang sarap talaga. Paano mo natutunan ang ganitong timpla? May nagturo sa iyo?", tanong ni Porter. Napaisip muli si Josias. Di niya maalala kung kelan at saan niya natutunan ang ganoong timpla. Ang alam lang niya, tinitimpla na niya ulit ito para sa kanyang sarili mula nang mawala siya sa coma.



"Hindi ko maalala.", sabi ni Josias.

Napansin ni Josias ang pinatutugtog niya ay tinutuya na siya. Kinuha niya ang remote at pinatay ang player bago bumalik muli sa pagpupunas ng ibabaw ng counter.

"Bakit mo pinatay?", puna ni Porter.

"Wala lang. Gusto mo ba patugtog na lang ako ng iba?"

"Gusto ko yung kanina eh."

"Gasgas na yung CD eh baka mabura.", ang agad na sagot ni Josias. Huli na nang mapansin niya ang kanyang sagot. Natawa si Porter sa kanya.

"Mini vinyl at turntable ba yan? May vinyl ba Up Dharma Down?", ang biro ni Porter. Namula si Josias. Natigil siyang saglit sa pagpupunas.

"Patugtog na lang ako ng iba. Paulit-ulit na kasi yun kanina pa.", ang sabi ni Josias at agad na humugot ng ibang CD sa stack nang hindi tinitignan kung ano ang kaniyang sinalang sa player. Bossa Nova na instrumental ang tumugtog.

"Sigurado ko, buong araw mo na rin narinig yan dito. Baka mas gasgas na plaka na yan.”, ang pabirong sinabi ni Porter habang natatawang pigil. Pinatay na lang ni Josias ang player.

“Yan.”, sagot naman ni Josias at bumalik sa pinupunasan niya kanina pa.

"Mabubura na yan.", ang sabi ni Porter matapos humigop ng kape. Tumigil si Josias sa pagpupunas at binitiwan ang basahan sa ibabaw ng counter. Lumapit siya kay Porter.

“Madalas ka ba dito?”, tanong ni Josias.

“Ngayon lang ako nadayo dito.”

“Bakit ka pala napadayo sa liblib at sinumpang lugar na to?”, sabi ni Josias. Natawa si Porter nang masabi ni Josias ang salitang “Sinumpa.”

“May mga inaasikaso si tita kaya pinagbantay muna ako ng bahay niya dito.”

“San ka pala nauwi?”

“Sa Pasig. Sa apartment nila tita na pinauupahan doon.”, sagot ni Porter at napatingin sa pintuan. Unti-untiang nagkululay abo ang nasa labas.

Napatingin si Josias sa dako na iyon nang makita niya ang gulat at nag-aalalang reaksyon sa mukha ni Porter.

“Ayan na ang hamog.”, ang nasabi ni Josias sabay tingin sa kanyang relo. Pasado ala una na.

“Grabe ang kumakapal na.”, ang sabi ni Porter.

“Isa sa tatlong dahilan kung bakit dito ako nagpapalipas ng gabi.”
“Ano yung dalawa?”

“Aso at ang bantayan ang shop sa gabi.”

“Aso?”

“Maraming asong gala ang nagkalat sa Cherry Grove sa gabi. Delikado kasi dito. Marami magnanakaw na taga labas na ang nahuli sa mga bahay na inakyat dito.”
“Kaya pala pinagbabantay ako ni tita. Pwede naman sa loob ng bahay o bakuran yung aso di ba?”

“Pabaya kasi mga tao dito. Masabi lang na may alagang aso. Kaya pinakakawalan nila sa gabi para wala na sila lilinisin na dumi sa umaga.”


“Kaya pala ang daming dumi ng aso sa kalsada.”, sabay inom ni Porter ng natitira niyang kape.

Aktong ilalabas na niya sana ang kanyang wallet habang nakatingin sa kanya si Josias.

“Huwag na. It’s on me.”

“Ha? Sige na. Magkano?”, habang binibilang ni Porter ang laman ng kanyang itim na wallet.

“Wala yan sa menu namin.”, sabay turo ni Josias sa bandang taas sa kanyang likuran ang isang blackboard kung saan ang menu ay parang pinagkasya lang ang lahat ng nakasulat.

“Bakit wala kayo ng plain black coffee?”, puna ni Porter.

“Bihira pumupunta dito para sa plain coffee. By request lang. Kulang din kasi sa space sa blackboard.”, ang natatawang sagot ni Josias.

“Nakakhiya naman. Bili na lang ako ng sandwich niyo.”, ang sabi ni Porter.

“Sabi mo kanina di ka gutom. Sa totoo lang, di kami nagpapalagpas ng labindalawang oras sa mga nakabilad na sandwich. Kinakain na lang namin pag di nabenta. Nagiiba kasi lasa. Yung lettuce nawawala ang lutong. Pumapait. Kung umorder ka kanina, gagawan kita ng bago.”
, ang sagot ni Porter.

“Huwag na lang. Abala pa ako. Nakakahiya na sa iyo...”, at binalik ni Porter ang kanyang wallet sa bulsa. “...Salamat ha?”

“Okay lang. Natuwa naman ako sa usapan natin. Bored ako lagi buong gabi.”, ang sagot ni Josias. Kinuha niya ang tasang ginamit ni Porter at nilagay sa lababo sa kanyang likuran. Kinuha niya ang dalawang malaking kandado sa ilalim ng kahera. Si Porter naman, matapos ayusin ang sarili, mabagal na naglakad patungong pintuan. Pinagmamasdan ang labas na tinago na ng makapal na hamog. Nakita ni Josias ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha.

“K-kung gusto mo, samahan mo na lang ako dito magpalipas ng gabi.”, ang nahihiyang alok ni Josias. Napalingon sa kanya si Porter. Nagdadalawang isip.

“Hindi na. Nakakahiya naman sa iyo.”, at nag-iwan ng matamis na ngiti si Porter bago lumabas ng pinto.

“Ikaw bahala.”, ang malungkot na bulong in Josias. Iniisip niya na tahimik nanaman ang kanyang gabi. Walang kausap.

Lumabas sa harapan si Josias at ibinaba ang roll-up. Umalingawngaw sa kapaligiran ang ingay nito pati ang pagkagat ng mga padlock sa magkabilang dulo ng roll-up. Papunta na sana si Josias sa likuran ng cafe nang marinig niya ang mabilis at mabibigat na yapak ng isang tumatakbo. Di niya makita sa kabihasnan kung sino gawa ng makapal na hamog.

“Jo! Sandali!”, ang sigaw ni Porter.

Nanatili si Josias na nakatayo at inabangan si Porter na lumitaw sa kapal ng hamog.

“Ano? Dito ka na lang?”

“Oo. Iniisip ko kasi yung bahay ni tita. Naalala ko yung sinasai mo tungkol sa aso.”, ang nahihiyang sagot ni Porter.

“Handa kumain ng tao mga aso dito. Tara, dito tayo sa likod dadaan.”, ang natatawang yaya ni Josias.

Liblib ang gilid ng cafe sa labas. Walang ibang nakatayo sa lugar kundi ang cafe. Maingat na binaybay nilang dalawa ang daan papuntang likod.

“Wala bang ahas dito?”

“Wala naman. Gabi-gabi dito kami dumadaan pagkasara ng cafe papunta sa likod.”

Nang makabalik sa loob ang dalawa. Naiwang nakatayo sa pintuan si Porter. Pumunta si Josias sa stock room at kinuha ang dalawang unang malaki at inabot kay Porter.

“Saglit lang ha? May kukunin pa ako.”

Bumalik si Josias sa stock room at lumabas na may dalang bulky na bago ng laptop.

“Tara, dun tayo sa may couch.”, yaya ni Josias sabay turo sa kabilang dako ng cafe kung saan may dalawang pulang couch na pinagigitnaan ng isang maliit na flowerbox. Ang bawat couch ay may mesang brown at dalawang brown na upuan. Bago sila tumungo roon, pinatay muna ni Josias ang ilaw . Iniwan na lang niyang bukas ang sa bandang kung saan sila pupuwesto at ang ilaw sa counter.

Sa couch sa bandang kaliwang nilang dalawa, umupo saglit si Josias sa may brown na upuan at inihanda ang kanyang laptop sa mesa. Sa kanan na couch, naupo si Porter katabi ang dalawang unan.

“May gagawin ka pa?”, tanong ni Porter nang marinig niya ang chime na tunog sa pagbukas ng laptop. Tumango si Josias at ngumiti bago pumunta sa kahera at nagprint ng isang resibo. Tinignan niya ang laman ng kaha, hinugot niya ito mula sa kahera at dinala pabalik sa kanyang mesa.

“Tulog ka na muna. Gigisingin na lang kita mamayang five pag dating ng dalawang opener namin.”, sabi ni Josias nang mapansin niya na pinanonood siya ni Porter.

“Hindi ako aantukin nito. Nagkape na ko eh.”

“Oo nga pala.”

Nang maupo si Josias sa kanyang pwesto, naglabas siya ng plastik ng yelo mula sa bulsa sa bag ng laptop. Binilang muna niya ang mga perang papel bago niya isinilid ito sa plastik at nagtira ng kaunti sa kaha. Nagtype sa spreadsheet sa laptop bago isunod ang mga barya. Napansin ni Porter na nahihirapan si Josias. Pansin niya na medyo inaantok na ito.

“Tulungan na kita jan sa barya.”, sabi ni Porter bago tumayo at umupo sa tabi ni Josias.

“Salamat. Ako na sa mamiso. Ikaw na lang sa limang piso.”, ang sagot ni Josias na may pilit na ngiti. Inusog niya sa kabilang dulo ng mesa ang kanyang laptop katabi ng kaha. Kinuha niya ang dalawang dakot ng limang piso at inilagay sa harapan ni Porter bago ang mga mamiso sa kanya.

“Ang dami. Puro barya.”, nasabi ni Porter nang makita niya ang mga ito.

“Ganyan magbayad mga customer namin. Galit sa barya.”, ang natatawang sagot ni Josias.

Tahimik na binilang ng dalawa ang isang damukal na mga barya. Kalansing lang ng mga barya ang maingay sa sandaling iyon. Mabilis na nabilang ni Porter ang kanya samantalang si Josias ay wala pa sa kalahati ng kanyang binibilang.

“Magkano?”, nang mapansin ni Josias na tapos na si Porter at binigyan itong isang supot ng yelo para ilagay ang barya.

“Seven hundred eighty five.”, sabi ni Porter. Ilang dakot lang ay naisilid na niya halos lahat sa supot.

“Tira ka ng isang daan sa limang piso. Lagay mo dun sa kaha para panukli bukas.”, pakiusap ni Josias. Pinasok niya ang total ng nabilang ni Porter sa laptop. Babalik na sana si Josias sa pagbibilang ng mamiso nang makalimutan niya kung saan na siya. Napansin ni Porter na magsisimula ulit si Josias sa paisa-isang bilang niya sa mamiso.

“Tulungan na rin kita jan.”, sabi ni Porter. Nawala ang antok ni Josias nang hawakan ng malambot, maugat, at malaking kamay ni Porter ng kamay niya nang hakutin nito ang kalahati ng tambak ng barya.

Kumuha ng sampung piraso si Porter at itinumpok tulad ng ginawa niya kanina sa tiglima. Mabilis niyang natapos ang pagbibilang ng barya sa pagtutumpok nito. Si Josias, wala pa rin ulit sa kahalati kahit bilisan pa niya ang pagbibilang. Natawa si Porter sa kanya.

“Tapos na ko. Three hundred twenty seven to.”, nakangiting sabi ni Porter. Nawala si Josias sa pagbibilang. Kita sa mukha niya ang pagkairita.

“Wag kasi ganyan. Mahirap yang ginagawa mo.”, sabi ni Porter at tinuro niya kay Josias ang kanyang ginagawa. Nahihiyang pinanood ni Josias si Porter na bilangin ang natirang mamiso.

“Two hundrer eighteen.”, sabi ni Porter.

“Tira natin yung one hundred, panukli din bukas.”

Binigyan siya muli ni Josias ng supot ng yelo at isinilid nila ang mga ito. Nilapit ni Josias ang kanyang laptop sa kanya at nagtype muli. Napansin ni Porter na pagkatapos ni Josias magtally sa binilang nila at sa resibo na hawak nito ay may mga graph at chart na tinitignan si Josias.

“Ano yan?”

“Kailangan ko to. Technically, ako nagpapalakad ng negosyo namin. Si mama lang humahawak ng pera.”
“Ang galing mo magtimpla ng kape, marunong ka pa sa mga ganyan. Business Administration din ba kinuha mo o nagHRM ka?”, sabi ni Porter habang patuloy lang si Josias sa pag-aaral ng kanyang report.

“Undergraduate lang ako. Agriculture kinuha ko.”, ang sabi ni Josias at isinave ang kanyang ginagawa bago patayin ang laptop.

“Ang layo naman ng course mo. Paano mo natutunan yan?”

“Self-study. Basta kailangan ko o gusto ko gawin, inaaral ko na lang.”, ang sagot ni Josias at humarap na kay Porter bago isilid ang laptop sa bag nito. Nag-unat si Josias at humikab ng tinatakpan ang kanyang bibig.

“Ikaw? Ano course na kinuha mo dati?”, tanong ni Josias kay Porter.

“Graduate ako ng business administration."

“Ah... magkakape lang ako ha? Higa ka na muna diyan.”, paalam niya kay Porter.

Kumuha siya ng eco-bag mula sa isa sa mga bulsa ng bag ng laptop at doon nilagay lahat ng nakasupot na pera. Pinatong ni Josias ang eco-bag sa ibabaw ng kaha bago dalhin ang mga ito patungo sa counter. Sinaksak ni Josias ang kaha sa kahera at ni-lock ito gamit ang susi na nakakeychain at nakasabi sa kanyang sinturera. Ang eco-bag naman, nilagyan muna niya ng paper tape at nilagyan ito ng date at amount bago itago sa safe na nasa stock room.

Paglabas ni Josias sa stock room ay nakita niyang nakaupo si Porter muli sa tabi ng counter kung saan siya kanina. Nag-isip si Josias ng conversation starter bago pumunta sa counter.

"May work ka na?", ang tanong ni Josias.

"Call center ako nagtatrabaho. Day off ko ngayon at bukas.”, ang sagot ni Porter. May ibang naramdaman si Josias nang marinig niya ang salitang "call center". Saglit siyang napaisip.

"Parang gusto ko rin magcall center. Sama mo nga ko sa pag-aapply minsan.", ang sabi ni Josias at nagsalang ulit ng ground coffee sa espresso machine.

"Bakit naman? May business ka na magtatrabaho ka pa.", ang sabi naman ni Porter.

"Business ng parents ko to. Ewan ko ba. Pero nitong mga huling araw, pakiramdam ko di ako dapat nandito. Parang nauumay na ko dito sa ginagawa ko. Paulit-ulit. Isa pa, gusto ko na bumukod sa parents ko.", ang sagot ni Josias.

"Sabagay. Ako self-supporting na ako mula nung highschool ako.", sabi ni Porter.

"Bakit?”
, tanong ni Josias matapos maglabas ng dalawang tasa.

"Namatay sa aksidente ang parents ko nung tenth anniversary ng kasal nila. Kaya ngayon, eto palipat lipat ako sa mga tiyahin at tiyuhin ko mula noon.", ang sabi ni Porter. Maglalagay na sana si Josias ng kape sa isa sa mga tasa ngunit nahinto siya sa kanyang narinig. Napatingin siya kay Porter.

Naging malungkot ang mga mata ni Porter. Naawa si Josias sa kanya.

"Ilang taon ka na ba?", tanong ni Josias at nagpatuloy sa paggawa ng kape.

"Thirty three."

"Thirty one.", sagot ni Josias.

"Ano nilagay mo sa kape?", pangingibang topic ni Porter nang makita niyang maglagay muli ng coffee filter na may ground tea si Josias sa mga tasa.

"Secret.", ang nakangiting sagot ni Josias. Iniwan niya muna ang kanyang tinitimpla at lumapit kay Porter. Tumunog at telepono ni Porter. Agad niya itong tinignan.

“Maaga daw uwi dito nila tita mamaya. Sabi ko dito ko ngayon sa “Hideout”.”, sabi ni Porter habang binabalik sa kanyang bulsa ang telepono. Binalikan ni Josias ang dalawang tasa. Inalis niya ang coffee filter na nakababad bago lagyan muli ng honey at nilagyan ng stirrer. Umupo si Josias sa tabi ni Porter dala ang dalawang tasa ng kape.

“Kape pa...”, nakangiting kinuha ni Porter ang tasa mula kay Josias.

“... ingat lang mainit yan masyado baka mapaso ka. Di yan kasing init ng kanina.”, paalala ni Josias at pinatong niya ang kanya sa kanyang harapan bago to hipan at haluin.

“Di ka ba natakot man lang sa akin kanina?”, tanong ni Porter.

“Hindi. Wala naman sa itsura mo na dapat akong mag-ingat. Isa pa, black belter na ko nung highschool. Kaya ko pagtanggol sarili ko at may baril ako sa ilalim ng counter.”, si Josias.

“Salamat ha? Pumayag ka na magpalipas muna ako ng gabi dito. Nakalibre pa ako ng kape twice. Nakakahiya talaga sa iyo. Pero ingat lang ha? Dapat di ka masyado nagtitiwala sa ibang tao. Mahirap na.”, sabi ni Porter.

Wala lang iyon. Sa tiwala naman, I don’t trust you. It’d be hard to earn my trust. Puno rin ng surveillance camera ang buong cafe namin. I am ready to fight kaya wala akong dapat ikabahala. Pamangkin ka ni ate Evelyn kamo at hawig naman kayo sa mata at ilong. Kung di ko lang alam na matandang dalaga yun napagkamalan na kitang anak niya. Isa pa, suki namin siya.”

Hindi na sumagot si Porter. Medyo cold kasi ang dating ni Josias sa sinabi niya. Pakiramdam niya na-offend niya si Josias. Saglit na katahimikan ang namagitan sa dalawa.

“Tungkol sa memory mo, maibabalik pa ba?”, tanong ni Porter habang hinahalo ang kape niyang nakapatong sa mesa at pinanonood ito.

“Pwede pa daw. Makakatulong daw sa akin ang pagpunta sa mga lugar, pagsubok ng mga bagay, o pagsama sa mga taong kakilala ko. Ako lang din daw makakaalam kung ano mga yun. Hirap ano?”, sabi ni Josias habang hinihipan ang kanyang kape na nilalaro niya ng stirrer.

“Oo nga. Eh di gumala ka.”

“Walang time at pera. Di naman kami mayaman.”

“Ganun ba...”, sagot ni Porter pilit niyang bumalik sa dating mood ang usapan nilang dalawa ni Josias. “...Nasubukan mo na kausapin mga tao sa social accounts mo?”

“Hindi pa...”, nagliwanag mga mata ni Josias sa idea ni Porter. “...Hindi ko naisip gawin yun. Busy kasi ako dito hindi ko. Try ko mamaya. Ang problem ko lang, yun pa kaya password ko? Kung hindi, marecover ko pa kaya?”

Tumingin si Josias sa kanyang relo. Alas kwatro na. Tumayo siyang muli at pumunta ng stock room. Bumalik siyang may dalang isang loaf ng wheat bread. Sinundan lang siya ni Porter ng tingin. Nagtungo sa likod ng counter si Josias at kumuha ng 12-inch serrated pastry knife at chopping board. Pinatong ni Josias ang mga ito sa mesa katabi ng tasa ng kape niya.

“Gagawa ko ng sandwich. Gutom na ko eh...”, sabi ni Josias nang mapansin niya na pinanonood siya ni Porter. “...gusto mo rin?”

Tumango si Porter.

“Pahiwa naman ng tinapay.”, sabi ni Josias bago pumunta ng refrigerator upang kumuha ng ham, dressing, at lettuce na nasa bowl.

Pagbalik ni Josias sa mesa nila ni Porter, naghihiwa na si Porter ng tinapay. Nakatapos na siya ng dalawa. Pinatong ni Josias ang mga dala niya sa tabi ng mesa. Umupo siyang pinanonood si Porter.

“Ako na diyan.”, sabi ni Josias sa kanya at kinuha ang kutsilyo. Nang maghihiwa na si Josias ng tinapay, sa ikatlong slice na gagawin niya ay di niya napansin ang dulo ng hintuturo niya. Bahagya niya itong nahiwa.

Nabigla si Josias sa hapdi ng hiwa at natigil sa paghati ng tinapay. Nabitawan niya ang hawak niyang kutsilyo sa mesa. Pinanood lang niyang umaagos ang dugo pababa sa braso niya.

Agad kinuha ni Porter ang hintuturo ni Josias nang makita niyang walang ginagawa si Josias. Sinubo ni Porter ang daliri nito at sinipsip ang dugo. Kumuha siya ng tissue sa kanyang tabi. Pinunas niya ito sa palad ni Josias na may dugo.

Tulala lang si Josias sa sandaling nasa loob ng bibig ni Porter ang daliri niya. Nagulat siya sa ginawa ni Porter. Di siya makagalaw habang pinagmamasdan ang dalawang malaking kamay ni Porter na nakahawak sa kanya. Ang malambot at mapupulang labi ni Porter. Ang mapupungay nitong mga matang nakatingin sa kamay niya. Bumilis ang tibok ng puso ni Josias. Namula ang kanyang mga nagiinit na mga pisngi. Medyo matagal silang nanatili sa ganoong lagay.

itutuloy...

4 comments :

  1. Di tulad sa iba mong mga kwento, Medjo nag-iba ang style mo nang pagsulat dito; medyo maraming detalye. Okay kunsabagay dahil napipicture ng magbabasa ang bawat eksena. Pero, nakakapagod din sa isang banda. So, while establishing the historicity ang development of each character, the exercise of caution by way of protracted descriptions of actions and movements must be moderated so as to project just the right amount of details and maintain credibility at the same time

    ReplyDelete
  2. ang ganda ng takbo ng story so far and may pagka mysterious ang character ni jo.. i enjoyed the story while imagining the descriptions .. i hope i can see frequent updates for these story: ).. thanks for mentioning my name on this chapter kuya jeffy: )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks ulit Jomar! Actually, diyan ako hati sa description na yan hahaha mayroon may gusto at maryroon ng ayaw. Sa short story madali sa kwentong ginagawa ko delikado pag sobra at kulang. Sa comments niyo ko malalaman yung sakto lang.. sa updates, try ko ulit dati na everyday may post ako lagi. ^_^

      Delete

Hope to hear from you! Thank you! ^_^